You are on page 1of 3

Grade 10 Paaralan MANGALDAN NATIONAL HIGH SCHOOL Baitang/Antas 10

Detailed Lesson Guro DANA ALTHEA B. AQUINO Asignatura FILIPINO 10


Plan
Petsa/Oras MARSO 28, 2023 Markahan IKATLONG MARKAHAN
10-AGUINALDO 7:45-8:45 AM
10-JOULE 1:00-2:00 PM

I. LAYUNIN A. Natutukoy ang mga talasalitaang ginamit sa akda


B. Nasusuri ang maikling kwento batay sa natunghayang akda
C. Napahahalagahan ang pangangalaga sa mga alagang hayop

II. NILALAMAN Paksa: “Ang Alaga” ni Barbara Kimenye


Sanggunian: Filipino Modyul 3 pahina #291
Kagamitang Panturo: Laptop

III. PAMAMARAAN A. Panimulang Gawain


- Pagbati
- Pagtsek ng attendance

B. Pagganyak

Panuto: Pagmasdan ang mga larawan at ibigay ang mga ideyang pumasok sa inyong isipan.
IV. PAGTATAYA
C. Paglalahad at Pagtatalakay

 Pagpapanood ng video na pinamagatang “Ang Alaga” ni Barbara Kimenye

D. Gawain

Gawain 1: Paglinang ng Talasalitaan

Panuto: Ibigay ang kahulugan ng sumusunod na salitang may salungguhit. Pagkatapos gamitin ang mga ito
sa sariling pangungusap.

1. Ngayon gugugulin niya ang kaniyang buhay sa maliit niyang dampa sa tabi ng ilog sa kalansanda.
2. Maging si kibuka ay naninimot sa sarili niyang mga pagkain maibigay lamang sa alaga niyang baboy.
3. Karaniwang nagtatampisaw ang mga taga-kalansada sa ilog.
4. Ang pagmamahal sa alagang baboy ang namamayani kay kibuka kaya hindi niya ito maipagbili.
5. Si kibuka, ang alagang baboy at ang drayber ng isang motorsiklo ay tumilapon sa iba’t ibang
direksyon.
6. Habang naghahalukay sa kampol ng mga sanga ang alagang baboy, isang di inaasahang pangyayari
ang naganap.

E. Paglalahat

Panuto: Sagotin ang mga gabay na tanong.

1. Sino ang pangunahing tauhan sa akda? Itala ang kaniyang kalakasan at kahinaan bilang tauhan.
2. Batay sa mga pangyayari sa akda, paano mo ilalarawan ang isang alaga nang may pagpapahalaga?
3. Ano ang suliraning nangingibaw sa akda? Iugnay ito sa pandaigdigang pangyayari sa lipunan.

F. Pagtataya
Panuto: Ibigay ang kahalagahan ng akdang napanood sa pansarili, panlipunan at pandaigdig.

Kahalagahan ng Akda

Pansarili

Panlipunan

Pandaigdig

V. TAKDANG ARALIN -

Inihanda ni:

DANA ALTHEA B. AQUINO


Gurong Nagsasanay

Namasid ni:

GNG. NORA F. GOCOC


Dalubguro 1

You might also like