You are on page 1of 29

EL FILIBUSTERISMO

(KABANATA 27 TO 32)
KABANATA 27
● Isagani
Siya ang estudyante na magaling na mananalumpati, hinahangaan siya ni Padre
Fernandez dahil sa kanyang mga paninindigan.

● Padre Fernández
Si Padre Fernandez- siya ang bukod tanging kura na modelo sa mabuting
pag-uugali. Siya ang nagpatawag kay Isagani upang kausapin ang binata sa kanilang
pag-uusap ay labis siyang humanga sa mga pahayag ng binata.
● Sa silid ni Padre Fernandez/Simbahan

● Maapoy na nagtatalumpati si Isagani ng lumapit sa kanya ang isang estudyante na


nagsasabing gusto daw siyang makausap ni Padre Fernandez, nasupresa si Isagani sapagkat
para sa kanya ay si padre Fernandez ang bukod-tanging kura na modelo sa mabuting
pag-uugali dahil para sa kanya ang bawat paring naka abito ay dapat isumpa at batlikusin
upang magtanda.
(Ang pag-uusap ng Pari at ng Pilipino)
Ayon kay Padre Fernandez na hindi daw maikakaila na mayroong mga komintaryo laban sa
mga kasama kung kura ang ilan sa mga estudyante ko sa eskwela pero nakaharap na ang
pinupuna ay parang santong niluluhuran nila ang kasamahan kung kura, Totoo daw na
merong mga tumatraydor sa kanila ng talikuran subalik humahalik naman sa aming mga
kamay kung harapan ano ang gusto mong isipin sa mga pakitang tao na aming napapansin.
Pero ayon kay Isagani hindi lang daw dapat sa kabataan isisi ang lahat ang Malaki ang
kasalanan ay ang mga nagtuturo sa kanila na maging impokrito.
● Bilang isang estudyanteng Pilipino, Hayaan ninyong bigyang pansin ko ang mga obligasyon
ninyo sa mga kabataang katulad ko, Bilang tagapagtaguyod ng edukasyon obligasyon ng
mga kurang katulad ninyo na paunlarin ang mga kabataan sa mga larangan ng pisika,
intelektuwal, at moral, marapat lamang na akayin ninyo kami upang marating naming ang
tagumpay, ang tagumpay naming ay nagumpay nyo rin pero ginagawa nba ninyo ang
obligasyon ninyo? Dahil ayon parin kay Isagani sa halip daw na mapaunlad pa ang kaisipan
ng mga bata ang mga kura pa ang nagbabaon sa kanila sa kumunoy ng kamangmangan,
dahil siguro nais ng mga kura na manatili kaming mangmang at di naming matagpuan ang
liwanag ng karunungan, Humanga si padre Fernandez sa mga pahayag ni Isagani, ngunit
nag-aalala siya sa maaring kahinatnan ng isang katulad ni Isagani mayroong paninindigan.
● Walang “freedom of speech” ang mga
Pilipino.

● Ang dahilan kung bakit gusto ng mga Pilipino na


mag-aral ay dahil kinukutya ng mga prayle ang pagiging
kamangmangan ng mga Pilipino at pinagkakaitan ng
karapatan.
KABANATA 28
● Kapitan Tiyago
Sa kabanatang ito ay nayanig ang katahimikan matapos na ibalita sa kanya na si
Basilio ay dinakip ng mga guwardiya sibil.

● Ben Zayb
Ang manunulat na laging ibinibida ang mga artikulong isinulat niya. Isa siyang
manunulat ng “El Grito de la Integridad” gamit ang pangalang Ibañez.

● Kapitan - Heneral
Ang itinuturing na pinakamataas na pinuno ng bayan ng San Diego na nagmula sa
Espanya at malapit na kaibigan ni Simoun. Kapuna - puna ang hindi niya pagdating
sa tindahan ni Quiroga na ayon sa madla ay bunga ng labis na takot.
● Isagani
Isa sa mga kabataang napag - usapan ng mga matatandang magkakapit - bahay
makaraang mabalitaan ang tungkol sa himagsikan. Ayon sa kanila ay kusang
isinuko ni Isagani ang kanyang sarili kaya malamang daw ay barilin na lamng ito ng
mga guwardiya sibil.

● Padre Irene
Ang kurang dumalaw kay Kapitan Tiyago na nagbalita rito ng mga nakakatakot na
pangyayari na siyang naging dahilan ng pagkamatay nito.

● Paulita Gomez
Ang sinasabing kasintahan ni Isagani na ayon sa mga matatanda ay baka
magpakasal sa iba matapos na matuklasan na ang kanyang kasintahan ay dinakip
ng mga guwardiya sibil.

● Quiroga
Ang mangangalakal na Intsik na nais na magkaroon ng konsulado sa bansang
Pilipinas. Siya ay may malaking pagkakautang kay Simoun.
● Sa Simbahan

● Sa Basar ni Quiroga

● Sa Tahanan ni Don Custodio

● Kay Ben Zayb


Nagwika ang mamamahayag na si Ben Zayb na wasto ang kaniyang sinasabi na masama sa
Pilipinas ang pagkatuto ng mga kabataan. Nagdulot ng takot sa lahat ang mga paskil, kabilang ang
mga pari, heneral, at mga Intsik. Hindi na rin dumalo sa pagtitinda ni Quiroga ang mga pari. Nais
namang konsultahin ng takot ding si Quiroga si Simoun tungkol sa mga sandatang nakatago sa
ilalim ng bahay. Ngunit nagpaabot lang ng mensahe si Simoun na wag galawin ang mga ito.
Nagpunta siya kay Don Custodio ngunit ayaw din nito ng bisita dahil sa takot kaya kay Ben Zayb
siya nagtungo. Nakita niya ang dalawang rebolber sa ibabaw ng mga dokumento ng manunulat
kaya umalis na ito agad. Nagpunta naman si Padre Irene sa bahay ni Tiago upang ibalita ang
kahindik-hindik na pangyayari. Nabalisa si Tiago dahil sa takot at di kinaya ang kuwento. Nawalan
na ito ng buhay. Kumaripas naman ng takbo ang pari. May napabalita namang may nagpaagaw ng
salapi sa isang binyagan na pinagkaguluhan ng mga tao roon. Inakalang mga pilibustero ang
gumawa noon. Hinabol ng mga sibil ang mga ito. May nahuli ring dalawang lalaking nagbabaon ng
mga armas na hinabol din ng mga sibil habang isang beterano naman ang napatay.
● Sa kabanatang ito ipinakita ang maling paniniwala ukol sa pagpapaaral ng mga kabataan.
Iniisip ni Ben Zayb na ang pagpapaaral sa mga kabataan ay nakakasama sapagkat
nakakagawa sila ng dahilan na magrebelde. Sinabi ni Ben Zayb na sa tuwing matututo ang
mga bata, nagiging rebelde sila at nagdu dunung - dunungan. Kaya naman ang ilang mga
magulang ay mas pinipili na huwag ng pag - aralin ang kanilang mga anak at pag trabahuhin
na lamang sila. Kaugnay nito, ang mga prayle ay nagkaroon ng muni muni ukol sa asal ng
mga kabataan matapos nila makita ang paskil na humihikayat ng pagbabago. Sa ginagawang
pani nikil ng mga prayle mahahalata na ang mga ito ay natatakot sa mga kinikilos at iniisip
ng mga kabataan. Natatakot sila na kapag naging buo sa mga loob ng mga ito ang
himagsikan ay magkaroon ang mga ito ng sapat na tapang upang sila ay kalabanin. Ito ang
sakit ng lipunan na umiiral sa mga nakatatanda sa tuwing nagkakaroon ng panibagong
kaalaman ang mga kabataan. Ang pagka taranta at pagpapanik ay sakit ng lipunan na
nagdudulot ng pagkapraning at dahil dito hindi nila binibigyan ng pagkakataon ang mga
kabataan.
● Huwag basta maniniwala sa mga sabi-sabi at bulong bulungan, Kung basta ka maniniwala sa
mga sabi sabi at mga bulong bulungan ay mababalisa ka lamang at maari rin na ito ay iyong
ikapahamak dahil baka makagawa ka ng mga maling hakbang dapat alamin muna ang buong
katotohanan.
KABANATA 29
● Kapitan Tiyago
Ang Mayang ama ni Maria Clara ang binigyan ng maringal na paghahanda sa
kanyang kamatayan sinasabing hindi ito mapapantayan ito ay katangi-tangi at
kahanga-hanga sa garbo.

● Padre Irene
Ang pari na nagsabing kahit daw hindi nakapagkumpisal si Kapitan Tiyago ay hindi
dapat ditto ipagkait ang dendisyon at misa requiem dahil kung ang mga intsik nga
dawn a hindi binyagan ay nakatanggap ng misa requiem, si Kapitan Tiyago pa kaya
na lagi nang bukas palad sa simbahan at sa anumang pag-aabuliyan.

● Don Primitivo
Ang nagalit sa kabastusan ipinakita ni Don Martin siya rin ang nagwika na Walang
nagagapi sa langit pagbibigay diin ng Don sa dahilang ang pagkatalo ay nagdudulot
ng kalungkutan Tandaan ninyo mga kasama pawing kaligayahan ang nadarama
natin sa kalangitan.
● Don Martin Aristorenas
Siya ang nagalit sa mga salita ni Don Primitivo kaya hinampas niya ng malakas ang
makapal na pasimano na ikinagulat ng mga nag-uusyuso.

● Quiroga
Ang labis na humanga sa mga talumpati ni Don Primitivo, kaya bilang parangal niya
dito ay ipinag sindi niya ito ng tabako.

● Isang Sastre
Siya ang nagsabi na dapat prak ang ipinasuot kay Kapitan Tiyago sapagkat prak daw
ang suot nito noong magpakita sa beateryo, at prak din daw ang suot lagi nito
tuwing pupunta sa mga mahahalagang okasyon kaya dapat lang dawn a prak ang
isuot dito.

● Donya Patrocinio
Siya ang kalabang mortal ni Kapitan Tiyago at ingit na ingit sa magarbong burol ni
kapitan tiyago, gusto na rind aw niyang pumanaw upang matalbugan niya ang burol
ng Don.
● Sa bahay ni Kapitan Tiyago

Abala ang marami sa gaganaping marangyang libing ni Kapitan Tiyago. Napunta ang naiwan
niyang kayamanan sa Sta. Clara, sa Papa, at sa mga pari. Ang dalawampung pisong natira ay
ibinahagi bilang pangmatrikula ng mga mag-aaral. Hindi malaman noong una kung ano ang
damit na isusuot ni Tiyago sa kanyang libing. May nagmungkahi na isang damit-Pransiskano, at
mayroong nagsabing isang prak na paborito ng Kapitan. Ngunit nagpasya si Padre Irene na
isang lumang damit na lang ang isusuot. May mga usapang ding nagpapakita ang kaluluwa ni
Tiago bitbit ang kanyang panabong na manok habang puno ang bibig ng nganga. Sinabi tuloy
ng iba na hahamunin ni Tiago ng sabong si San Pedro sa langit. Marangya ang libing na
maraming padasal at paawit. Marami ding kamanyan at agua bendita na inialay sa kabaong.
Ang katunggali naman ni Tiago na si Donya Patrocinio ay inggit na inggit sa libing ni Tiago at
nais na ring mamatay upang mailibing rin nang marangya.
● Ang isyung panlipunan sa kabanatang ito ay ang pag-saalang-alang o paggalang sa taong
namatay na.

● Iwasan ang Pagiging mainggitin nakakasama sa tao ang may ugaling mainggitin huwag
nating tularan si Donya Patrocinio ang kalabang mortal ni Kapitan Tiyago sa pagiging
relihiyoso, Dahil sa ganda at rangya ng burol ni Kapitan Tiyago ay nais narin daw niyang
mamatay upang kanyang mahigitan ang rangyan iyon ng Burol ni Kapitan Tiyago.
KABANATA 30
● Juli
Siya ang anak na dalaga ni Kabesang Tales na kasintahan ni Basilio,sa kabanatang
ito ay nawalan siya ng malay ng nabalitaan na nadakip si Basilio

● Kapitan Tiyago
Si Kapitan Tiyago ay isang mayamang mamamayan ng San Diego siya ang
umampon kay Basilio at siya rin ang kinikilalang ama ni Maria Clara sa kabanatang
ito siya ang napabalitang namatay

● Basilio
Siya ang binatang inampon ni Kapitan Tiyago na kasintahan ni Juli siya ang dinakip
ng mga guwardiya sibil dahil pinagbintangan na isang pilibustero at ikinulong at
napabalitang ipapatapon at maaaring patawan ng kamatayan habang naglalakbay
sa karagatan.
● Hermana Penchang
Ang dating amo ni Juli siya ang nagsabing karapat dapat lamang kay Basilio na
binansagang pilibustero dahil wala daw itong kabanalan.

● Hermana Bali
Siya ang nagbalita kay Juli na dinakip at ikinulong si Basilio sapagkat
napagbintangan itong isang Pilibustero,siya rin ang naghikayat kay Juli na lumapit
at humingi ng tulong kay Padre Camorra.

● Padre Camorra
Ang padre na kilala na mayroong kalokohan sa mga babae, siya ay Malaki ang
pagnanasa kay Juli kaya ng humingi ng tulong si Juli sa kanya ay pinag
samantalahan niya ito at naging dahilan naman ng pagpapatiwakal ni Juli.

● Tandang Celo
Ang lolo ni Juli,sobrang sama ng loob niya sa nangyari sa kanyang apo, sinugod
niya ang kumbento na mayroing dalang matulis na sibat ngunit wala ni isaman ang
humarap sa kanya kahit magkakatok siya ng malakas sa pintuan ng kumbento.
● Simbahan

● Naging malaking balita ang pagkakahuli kay Basilio at labis itong pinagalala ni Juli. Siya ay
binabangungot sa kakaisip kay Basilio. Sa pagnanais niyang makalaya si Basilio ay naisip
niya si Padre Camorra. Isang salita lamang ni Padre Camorra ay makakalabas ng kulungan
si Basilio. Siya na lamang ang natira sa bilangguan dahil wala siyang tagapagtanggol at
wala rin naman kamag-anak. Ayaw pumunta ni Juli sa kumbento dahil natatakot siya kay
Padre Camorra ngunit pinilit siya ni Hermana Bali. Nang makapasok na sila sa kumbento,
kinahapunan ay may nangyaring hindi maganda. May babaeng tumalon sa bintana at
namatay at may babaeng nagtatakbong lumabas ng kumbento na tila wala na sa katinuan.
● Ang pang-aabuso sa kapangyarihan na ginawa ni Padre Camorra ang isyung panlipunan sa
kabanatang ito. Ito ang naging dahilan ng pagpapakamatay ni Huli at ang pagsanib ni
Kabesang Tales sa mga tulisan. Bilang ito ay nagiging totoo pa rin sa mga panahon ngayon,
matututuhan natin sa kwentong ito na walang magandang dulot ang kasamaang ito sa ating
kapwa, miski sa ating mga sarili.

● Muli nananamang ipinakita sa kabanatang ito ang kawalang katarungan pagdating sa mga
Pilipino ang pagkakakulong ni Basilio, ikinulong ng walang sapat na basehan,at di makalaya
sapagkat walang padrino na inaasahan na malakas sa pamahalaan.
KABANATA 31
● Makaraig
Isang mayamang mag-aaral na masigasig sa pakikipaglaban tungkol sa
pagpapatayo ng Akademya ng Wikang Kastila ngunit nawawala sa panahon ng
kagipitan. Siya ang unang nakalaya na nakabilanggo sa kabanata 31.

● Isagani
Isa siyang makata na hangarin ang pag-apruba sa pagkakaroon ng Akademya ng
Wikang Kastila. Siya ang pinakahuling nakalaya sa mga kabataang nahuli at
nabilanggo sa tulong ng kanyang amain na si Padre Florentino.

● Padre Florentino
Isa siya sa mga prayle na nasa bayan ng San Diego. Amain ni Isagani na tumulong sa
kanya noong siya ay nahuli at nabilanggo.
● Basilio
Siya ang anak ni Sisa sa Noli me Tangere. Nag-aaral ng medisina at kasintahan ni
Huli. Siya lamang ang hindi pinalaya na nakakulong sa kabanata 31.

● Kapitan Heneral
Siya ang makapangyarihan sa Pilipinas bilang itinakda ng Espanya na namuno sa
Pilipinas. Isa siya sa mga taong gustong manatili si Basilio sa bilangguan.

● Ben Zayb
Isang kastilang mamahayag na nagpabalita tungkol sa pagiging mahabagin at
maawain ng Kapitan Heneral sa mga kabataang nahuling pinagbibintangan na
kasama ng mga kilusan.

● Huli
Siya ang babaeng anak ni Kabesang Tales at kasintahan ni Basilio ngunit iba ang
napangasawa sa huli.
● Sa opisina ni kapitan heneral

● Ipinagtanggol ng Mataas na Kawani si Basilio. Mabait at mabuting bata raw si Basilio at


malapit ng matapos ang panggagamot. Napahamak lalo si Basilio dahil lahat ng sabihin ng
Kawani ay kinokontra ng Heneral. Kailangan daw may mga halimbawa na di dipat tularan
ang mga taong mahilig sa pagbabago. Sinisi si Basilio ng Heneral na siya gumagamit ng
ipinagbabawal na aklat sa medisina. Sinabi ng Kawani na dapat matakot ang Heneral sa
bayan. Natawa ang ang Heneral sa narinig niya na wala raw siyang pakialam sa bayan
dahil naghalal sa kanya ay ang bayang Espanya at hindi ang bansang Pilipinas.
● Ang isyung panlipunan sa kabanatang ito ay ang diskriminasyon at kawalan ng hustisya
para sa mahihirap.

● Makikita rin natin na ang heneral ay pinagsabihan ng mataas na kawani ng gobyerno na


mahiya sa bayan ng Pilipinas. Ngunit ayon sa heneral hindi naman Pilipinas ang nagbigay sa
kanya ng posisyon kundi ang Espanya kaya wala siya pakialam dito. Karaniwan din ito sa
ngayon sa atin kung saan mas loyal ang mga tao sa personlidad kaysa sa bayan. Ibig sabihn
kung si Mayor ang nagbigay ng posisyon, kay Mayor sya loyal at hindi sa Pilipinas. Kaya
kung sakaling si Mayor ay may ginawang labag sa batas, gaya ng kurapsyon, hindi nya ito
pagsasabihan o kaya ay pagtatakpan pa dahil ito ang nagbibigay kabuhayan sa kanilang
pamilya.
KABANATA 32
● Pecson
Hindi nakapasa sa pagsusulit dahil sa walang patumanggang pagtawa, ngunit hindi
inalintana ng dalawa ang kanilang pagbagsak, siya ay namasukan na lamang bilang
kawani sa hukuman.

● Tadeo
Hindi nakapasa dahil sa pagiging lagging huli sa eskwela, hindi inalintana ang
pagbagsak, siya ay magbabalasyon ng tuluyan ay masayang nagsusunog ng mga
aklat sa liwasan.

● Juanito Pelaez
Siya ang tanging hindi matanggap na hindi na siya babalik pang muli sa eskwelahan
sapag iyon ay nangangahulugan lamang na tuluyan na siyang tutulong sa
pamamahala sa kanyang ama, na hinahangan sa kasipagan. Siya rin ang
mapapangasawa ni Paulita Gomez.
● Isagani
Siya ay nakapasa sapagkat nahila ng kaibigang kura.

● Sandoval
Siya ay nakapasa dahil sa pagtatalumpati at mailto niya ang kanyang propesor.

● Basilio
Sa lahat na magkakasama tanging si Basilio lamang ang gindi nakapasa at hindi rin
bumagsak, at hindi rin naman nagtungo sa Europa sapagkat siya ay nasa bilangguan
siya iniimbestigahan tuwing ikatlong araw ng iba't-ibang hurado ng katarungan na
siyang naglalampaso sa kaniya sa walang katapusang tanungan.

● Simoun
Ang mag aalahas na tumulong kay don timoteo para mabili ang bahay ni Kapitan
tiyago siya ang ama ni Juanito Pelaez siya ang dahilan kung bakit pumayag na mag
ninong sa kasal nina Juanito at Paulita ang kapitan heneral.
● Ben Zayb
Ang manunulat na nagsulat sa kanyang pahayagan bumabalik na sa dating
kalusugan niya si Simoun, at pinasasalamatan di umano niya ang panginoon na
ayon sa kanya ay nagbibigay ng biyaya upang ,mabuhay ang isang taong bukas
palad na tumulong sa mga nangangailangan.

● Paulita Gomez
Ang dating kasintahan ni Isagani na nagtaksil sapagkat dahil sa pagiging aktibo ni
Isagani sa akademya at naisip ni Paulita na baka madamay pa siya sa malaking
problema.

● Kapitan Heneral
Ang malapit kay simoun na isa sa magiging ninong sa kasal nina Paulita at Juanito
Pelaez.
● Nakasaad sa kabanatang ito na sa maraming bumagsak at bihira ang makapasa sa mga
eksamen at kurso ng isang unibersidad na itinatag sa Pilipinas. Pero si Basilio, bilang isang
mag-aaral, ay hindi pumasa at hindi rin naman bumagsak. Hindi rin siya pumunta sa
Europa kundi siya ay nanatili sa bilangguan bilang bihag.

● Marami ang hindi nakasulit sa eksamin na ibinigay ng serbisyo Sibil, natuwa pa si Tadeo,
sinigaan ang kanyang mga aklat, Si Pelaez naman ay napatali sa negosyo ng kanyang ama.
Nagtungo naman sa Europa si Makaraig. Si Isigani naman ay sa aklat lamang ni Padre
Fernandez nakasulit, si Salvador naman ay nakapasa dahil sa kahusayan nito
magtalumpati.Tanging si Basilio lamang ang hindi nakakuha ng pagsusulit sapagkat siya
ay nasa piitan.Doon niya nabatid ang pagkawala ni tandang Selo sa tulong ni Senong na
kutsero na tanging dumadalaw sa bilanggong kanayon.Naipayo ni Ben Zayb na bilin ni
Simoun ang bahay ni Kapitan Tiyago na nabili ng ama ni Pelaez.Mula noon ay naging
madalas si Simoun sa tindahan ng mga Pelaez na sabi ng iba ay pinakisamahan na niya. At
tumagal ng ilang linggo ay napabalitang ikakasal si Juanito kay Paulita . at lahat ay
naghihintay sa kasal ng dalawa sapagkat si Simoun daw ang mamahala.
● Sa kabanatang ito masasalamin ang matinding pangamba ng mga magulang para sa
kanilang mga anak. Dahil sa mga pangamba na ito, minabuti ng ilang mga magulang na
huwag ng pag - aralin ang kanilang mga anak.

● Kung nakagawa ka ng kabutihan sa iyong kapuwa kahit sa maliit na paraan lamang ay tiyak
may babalik sa iyo sa oras ng iyong pangangailangan, Dahil si sinong lamang ang
dumadalaw kay Basilio sa kulungan matatandaang ito ang naghatid sa kanya sa San Diego
ito ang kutserong binugbog ng mga guwardiya sibil dahil sa awa ni Basilio ay binayaran niya
si Sinong ng Doble ito naman ay ikinatuwa ng Kutsero kaya ngayon si Basilio naman ang
nangangailangan sa kanya kahit munting paraan ay tumutulong siya sa pamamagitan ng
pagdalaw dito sa kulungan at pagbabalita ng mga ilang kaganapan tungkol sa mga
nangyayari sa labas.
1. Ralph Derrick Abaya
2. Jazsh Gimenez
3. John Paul Santiago
4. Lee Martinez
5. Colin Duguran
6. Jorge Pasiona

You might also like