You are on page 1of 7

Uy Aldwin Miguel D.

G-10, 404

II. Buod:

KAB 11-13

Naglalaro ng tresilyo sa bahay sa Los Baños ang mga prayle, si Kapitan Heneral at kasama na dito si
Simoun. Nagpatalo ang dalawang kura dahil gusto lamang nila malaman tungkol paaralan ng kastila.
Madaming iniisip si Kapitan Heneral at hindi niya ito binibigyan ganoon kahalaga ang akademya. Nagalit
si Padre Camorra dahil sinadya ni Padre Irene magpatalo at dahil hinayaan lamang manalo si Kapitan
Heneral. Si Simoun ang pumalit kay Padre Camorra at ibiniro siya ni ipusta ang kanyang mga brilyante
pumayag dito si Simoun. Sinabi ni Simoun kapag siya ay nanalo bibigyan nila siya ng pangako. Ang
hiling ni Simoun ay kalinisan at kapayapaan para sa bayan. Si Placido Penitente ay isang mag-aaral sa
Unibersidad ng Santo Tomas at nasa ikaapat na taon na siya ng kolehiyo. Kinamusta ni Juanito ang
bakasyon ni Placido. Nangharana sila ng mga babae at halos lahat ng bahay napanhik dahil sa maraming
magandang dalaga. Nakarating sila sa Unibersidad nakita nila si Isagani kasama ang mga mag-aaral.
Napatigil sa pagsasalita si Isagani ng nakita niya bumababa ng karawahe ang kanyang iniibig kasama nito
si Donya Victorina. Naisip ni Placido na may pagsusulit ang kanyang klase at nahuli siya sa kanyang
klase. Isang propesor sa kimika si Padre Millon sa Unibersidad. Tinawag niya si Juanito ngunit hindi ito
makasagot. Sinabihan ni Juanito si Placido na ibulong sa kanyang ang sagot dahil hindi niya ito alam.
Tinapakan ni Juanito si Placido at dahil dito napasigaw siya ng malakas. Nilait ito ni Padre Millon at
binigyan ng mababang marka. Nainis si Placido at bigla ito umalis ng klase.

Talasalitaan: kalatas – liham o sulat

gugol - gastos

kamuwangan - kaalaman

Pagpapaliwanag sa Pahayag/ Kaisipan: " Ang sama ay wala sa tao sa bundok, ang sama ay nasa tao sa
lungsod"

- Ang ibig sabihin ng kaisipan ay minsan’y kung sino pa yun matataas o makapangyarihan yun pa
ang mga tao na masasama ugali nila at mababa pa ang tingin nila sa mga tao mahihirap. Ang mga
tao mahihirap o hindi makapangyarihan ay palagi napapahirapan sa makapangyarihan dahil hindi
pinapahalaga ang mga tao mga hindi makapangyarihan.

KAB 14-15

Ipinihayag ni Makaraig na hahawakan ni Don Custodio ang kanilang petisyon. Sinabi din ni Don
Custodio na pag-aaralan niya ang petisyon at aayosin niya ito sa loob ng isang buwan. Nagplano ng mga
mag-aaral ng kilusan kung paano maiimpluwensyahan si Don Custodio upang ito ay papaboran sa kanila.
May naisip sila ng dalawang paraan, Si Ginoong Pasta na pinapakinggan ni Don Custodio at si Pepay ay
isang mananayaw. Pinili nila si Ginoong Pasta bilang unang solusyon. Kakausapin siya ni Isagani sa araw
din na iyon. Nagpunta si Isagani sa "Bufete" o sa opisina ni Ginoong Pasta, si Ginoong Pasta ay isa sa
mga pinaka mapagkakatiwalaang tagapayo sa Maynila. Humingi ng payo si Isagani tungkol sa akademya
niyang nais itayo ngunit parang hindi sumasang-ayon ang abugado sa kanilang mga plano. Nais ni Isagani
na aprubahan ng manananggol ang akademya ng wikang kastila na gusto nila, ngunit ang sagot ng
abugado ay ayaw niyang sirain ang tiwala ng mga prayle na humingi ng tulong sa kanya, sinabi niya na
huwag ito mangambala dahil maselan ang usapan. Ang katuwiran ni Isagani ay labis na hinahangaan ng
abugado dahil sa talino at katayugan ang pag-iisip nito.

Talasalitaan: Kabalintunaan – kasinungalingan, walang saysay at kasalungat.

sansalain – pinigilan o ipagbawal mula sa paggawa

naulinigan – narinig, napakinggan o nasaggap

Pagpapaliwanag ng Pahayag/ Kaisipan: " Akedemya ng Wikang kastila"

- Ang nagpapatunay nagpapaalipin ang mga tao sa mga kastila para lang magkaroon ng kalayaan.
Pinag-aaralan ang wikang kastila kaysa ang wikang Filipino.

KAB 16-18

Mayroong isang piging sa bahay ni Quiroga na dinaluhan ng mga kilalang tao tulad ng mga prayle,
mangangalakal, mga kawani ng pamahalaan, militar, at kanilang mga suki. Dumating si Simoun sa salu-
salo upang suportahan si Quiroga at sisingilin din siya ng kanilang utang. Ang pakay ng alehero ay hindi
lamang sumali sa hapunan ngunit upang makolekta ang utang ni Quiroga. Gayunpaman, dahil sa
pagkalugi sa negosyo, hindi siya nakabayad dahil si Simoun na limang libong piso. Inalok ni Simoun si
Quiroga ng solusyon upang mapababa ang utang nito ang kapalit ng dalawang libong piso ay ilalagay
niya ang mga armas at ililipat na lamang sa ibang lugar sa oras na kinailangan. Walang nagawa ang Instik
kung hindi pumayag sa alok ni Simoun. Nag-uusap naman sina Don Custodio tungkol sa ipadadala sa
bansang India upang matutong gumawa ng sapatos para sa sandatahan. Tuwang-tuwa si Padre Camorra
dahil madami siya nakikita magagandang dalawa. Aliw na aliw si Padre Camorra kay Paulita Gomez,
kasama ni Paulita si Donya Victorina at kasama din sila Isagani na iniibig ni Paulita. Nakarating sila sa
isang tindahan ng mga estatwa na gawa sa kahoy. Doon sinabi ng mga kasama ni Ginoong Leeds.
Sinasabi ng isa na ang estatwa ay kahawig ni Ben Zayb samantalang ang isa ay kahawig ng Camora
sapagkat maraming mga nilikha ang kahawig ng mga pari. Natagpuan nila ang isang larawan na kahawig
ni Simoun. Wala ang mag-aalahas kaya napag-usapan nila ito. Sinabi naman ni Ben Zayb na baka takot
lamang si Simoun na ang lihim niya ay kaibigan niyang si Ginoong Leeds. Bago magsimula ang
pagtatanghal ni G. Leeds ay sinuri muna ni Ben Zayb ang buong bulwagan. Kahit ang mga gamit na
Amerikano ay hindi rin niya pinalampas. Pilit niya hinahanap ang salamin ngunit hindi niya ito mahanap
kaya inumpisihan ang palabas. Naglabas ng maitim at kaha si Ginoong Leeds. Pagkatapos niya sumigaaw
ng salitang banyaga bigla bumukas ang kaha. Dito ay tumambad ang isang ulo na hugis ulo na may
mahaba at makapal na buhok. Sa kadiliman ay may nagsalita na parang umiiyak at humihingi ng tulong.
Ang kwento ng misteryosong tinig ay tungkol sa mga mapang-api na prayle at pari sa panahon ni Amasis.
Dahil sa narinig ni Padre Salvi, kinilabutan ito at nahimatay.
Talasalitaan: loterya - pagsusugal na naguguhit ng numero at sapalaran para sa premyo

huwad – hindi totoo o napagpanggap

perya - pagtitipon ng mga tao para sa aliw o komersyal na aktibidad

Espinghe - ay isang halimaw na may katawaan ng leon at ulo ng tao.

Pagpapaliwanag ng Pahayag/ Kaisipan: " Ang makilala ay katumbas ng pagpasa sa amin ng isang taon"

- Ibig sabihin nito parang ang pagkilala sa isang tao ay parang may nakukuha na impormasyo na
maganda.
III. Pagsusuri batay sa nabasa at napanood na aralin:

A. Katangian ng mga Tauhang nabanggit

 Kapitan Heneral – Puro trabaho ang iniisip nung nagtretresilyo sa Los Baños.
 Padre Camorra – lagi mainit ang ulo at aliw na aliw kay Paulita Gomez.
 Padre Sibyla – Kasama ni Padre Irene sa pagtalo ng tresilyo kay Kapitan Heneral.
 Padre Irene – Nagpatalo sa tresilye upang may malaman tungkol sa akademya ng wikang kastila.
 Simoun – Handa isugal ang brilyante para sa kalinisan at kapayaan sa bayan at nagpautang kay
Quiroga
 Don Custodio – Ang napaghayag na ilipat ang paaralan malapit sa sabungan.
 Padre Fernandez – matalino at lagi nagiisip kung ano mas nakakabuti sa mga tao.
 Ben-Zayb – Kasama ni Simoun at ginawan ng estatwa sa perya.
 Placido Penitente – isang mabait na mag-aaral sa Unibersidad Santo Tomas
 Juanito Pelaez – Kaibigan ni Placido.
 Isagani – Kaibigan ni Placido Penitente at iniibig si Paulita Gomez.
 Paulita Gomez – Iniibig ni Isagani
 Donya Victorina – Tiyahin ni Paulita Gomez.
 Padre Millon – Isang strikto na propesor sa Unibersidad Santo Tomas.
 Macaraig – isang mayaman na mag-aaral at namuno sa pagtatayo ng Akademya ng wikang
Kastila.
 Quiroga – isang mangangalakal na umutang kay Simoun.
 Pepay – isang mananayaw at kaibigan ni Don Custodio.
 Ginoong Pasta - Isang bantog na mananaggol ng Maynila.
B. Pagkamakatotohanan ng mga pangyayari

- Sa panahon ngayon, madami tao lulong sa pagsusugal, ito ay may malaking epekto sa kabuhayan ng
mga tao. Ang pagsusugal ay madalas na nagiging isang bisyo na mahirap iwasan o ganap na kalimutan.
Kapag ang isang tao ay gumon sa pagsusugal, ang kanyang buhay ay mawawasak dahil ang karamihan ng
oras ay nasasayang at hindi siya nakakakuha ng trabaho nang maayos.

- Nagkakaroon din ang di pantay-pantay at mababa ang tingin ang pagtrato ng mga guro sa mag-aaral
nang dahil dito, hindi pinapahalaga ng mag-aaral ang kanilang edukasyon.

- Sa panahon din ngayong ng dahil sa pandemya, madami mga tao nagkakaisa at nagkakaroon
pagplaplano kung ano dapat gawin sa pandemya dahil dito, nagkakaroon ng pagkokooperatiba ang mga
tao at madami din mga sumusunod sa patakaran.

- Sa panahon ng pandemya, may mga tao din nagkakaroon ng utang sa mga tao dahil walang pera ng
dahil walang sila pera naiisip nila gumawa ng paraan kahit ito’y minsan nakakasama.

C. Tunggaliang nakita sa kabanata


Tao laban sa tao ay nakikita sa kabanata dahil katulad ng kay Placido at Padre Millon nagkaroon sila ng
sagotan sa isa’t isa o maiinit na pagtatalo dahil naisip ni Placido hindi patas ang pagtrato ni Padre Millon
kay Placido.

You might also like