Professional Documents
Culture Documents
Kabanata 1: Sa Kubyerta
Umaga ng Disyembre, naglalayag ang Bapor Tabo na hirap sa pagsalunga sa agos ng paese-eseng daan ng
Ilog Pasig patungo sa lalawigan ng Laguna. Sa ibabaw ng kubyerta, lulan ng bapor tabo ang mga
makakapangayarihan na tao tulad nina Don Custodio, Donya Victorina, Kapitan Heneral, Padre Salvi, Padre
Irene, Ben Zayb, Donya Victorina, at Simoun. Si Simoun ay isang maipluwensiyang alahero na kabilang sa
ibabaw ng kubyerta. Kilala siya sa buong Maynila dahil siya ay naiimpluwensiyahan ng Kapitan Heneral.
Upang mapawi ang kabagutan sa mahaba at mabagal na biyahe, napagtuonan nila ng pansin ang pagtutuwid
ng paliko-likong Ilog Pasig at ang mga gawain ng Obras del Puerto. Ang manunulat na na mukhang prayle na
si Ben Zayb ay nakikipagtalo sa isang batang prayle na mukhang artilyero. Sila ay nagsisigawan,
nagkukumpasan, at pumapadyak habang pinaguusapan ang iba’t ibang paksa kung kaya’t wiling-wili sa
pakikinig ang iba. Nang tanungin ng Pransiskano si Ben Zayb tungkol sa pagsukat sa kakayahan ng mga
taong dalubhasa sa mga agham, sumang-ayon si Padre Camorra sa Pransiskano na ang Puente del Capricho
ay ang mga taong dalubhasa sa agham. Nakisabad naman si Donya Victorina na nagsabi na ni isa ay walang
maayos na lawa dito sa Pilipinas. Si Simoun ay namagitan na parang isang heneral at sinabi na ang lunas ay
napakadali at walang magugugol kahit isang pera. Nagmungkahi si Simoun na maghukay ng isang tuwid na
kanal mula sa kanal hanggang Maynila at sarhan ang dating Ilog Pasig na makatitipid ng lupa, mapadadali ang
paglalakbay, at maiiwasan ang pagtaas ng buhangin na babara sa ilog. Iminungkahi niya rin na pagtrabahuin
ang mga bilanggo upang hindi maggugol ng napakalaking salapi. Kung ang mga bilanggo ay hindi sapat,
iminungkahi ni Simoun na pakilusin ang buong bayan, ang matatanda, ang kabataan, at mga bata ng tatlo,
apat, o limang buwan sa halip na labinlimang araw na sapilitang paggawa. Si Don Custodio na isang sikat na
mamamahayag, ay hindi sumang-ayon sa paraang iminungkahi ni Simoun dahil ito ay maaaring magsimula ng
himagsikan. Nagkaroon ng sandaling pagkainitan sina Don Custodio at ang ilang prayle dahil sa iba’t iba
nilang suhestiyon at mithiing ipatupad. Sa halip, naisip nila na pilitin na mag-alaga ng itik ang lahat ng
naninirahan malapit sa Ilog Pasig. Nang sa gayon, lalalim ang lawa sa kanilang pagkuha ng susong pagkain
ng pato habang si Donya Victorina naman ay hindi sumang-ayon dahil dadami ang balot na pinandidirihan
niya.
Ipinakilala ni Basilio si Simoun kay Isagani. Nagwika si Simoun na hindi siya nakakadalaw sa lalawigan nina
Basilio at Isagani dahil mahirap ang lugar at walang bibili ng alahas. Ang wika ni Simoun ay hindi inaasahang
tinanggap ni Isagani ng negatibo kung kaya’t hinamon ni Isagani si Simoun tungkol sa lalawigan ni Basilio. Ang
dalawa, partikular na si Isagani ay nagkainitan tungkol sa maselan na paksa para kay Isagani. Nagpatuloy ang
kanilang usapan hanggang sa inalok ng Simoun ang dalawang mag-aaral ng serbesa. Tumanggi sila at sinabi
ni Simoun na ayon daw kay Padre Camorra, kaya ang mga tao sa kanilang lugar ay mahihirap at tamad dahil
puro tubig lamang ang iniinom dito at hindi serbesa. Tumugon naman si Isagani ng walang takot at sinabing
ang tubig ay matamis inumin pero nilulunod nito ang alak at serbesa. Si Simoun ay napamangha sa angkin
nitong katapangan at kahusayan sa pakikipagtalo. Nang matapos ang kanilang pag-uusap, walang paalam na
iniwan ni Simoun ang magkaibigan. Sa pag-alis ni Simoun, agad na tinanong ni Basilio si Isagani kung bakit
napakainit ng ulo niya nang araw na iyon. Tumugon si Isagani niya ay nag-iinit sa taong iyon sa di
mapaliwanag na dahilan at kanya itong kinatatakutan.
Kabanata 6: Si Basilio
Hatinggabi nang na umalis si Basilio sa bahay ni Kapitan Tiago. Siya ay palihim na nagtungo sa kagubatan na
pagmamay-ari ng mga Ibarra na nabili ni Kapitan Tiago para bisitahin ang puntod ng kanyang inang si Sisa. Si
Basilio ay tumigil sa bunton ng batong malapit sa punong balite kung saan nakalibing ang kanyang ina. Sa
tuwing umuuwi si Basilio sa bayan ng San Diego, una niyang ginagawa ang pagdalaw sa kanyang yumaong
ina nang palihim. Muli niyang naalala ang pangyayari, labingtaon nang nakaraan. Naalala niya ang
pagkamatay ng kanyang ina at ang lalaking kanyang nakita na sugatan, si Elias. Gamit ang perang ibinigay ni
Elias kay Basilio, si Basilio ay lumisan sa bayan ng San Diego at nagtungo sa Maynila. Walang sinuman ang
tumanggap sa kanya dahil siya ay may sakit, marumi, at hindi maayos ang kasuotan. Siya ay nagtangkang
magpasagasa sa dumadaang sasakyan sa daan, nang siya ay mabuting natagpuan ni Kapitan Tiago. Si
Basilio ay pumasok bilang alila nang hindi nababayaran at pinahintulutan ni Kapital Tiago na makapag-aral sa
paaralan ng San Juan de Letran. Nang si Maria Clara ay pumasok sa kumbento, nagsimula nang kamuhian ni
Kapitan Tiago ang mga pari kung kaya’t pinalipat ito sa Ateneo Municipal at lalong nagpakadalubhasa sa
kanyang pag-aaral. Sa kasalukuyan, siya ay nasa huling taon na ng Medisina at dalawang buwan na lamang
ay magiging isang ganap na doktor na si Basilio. Sa pagtapos niya sa pag-aaral na ito, siya ay muling babalik
sa bayan at papakasalan ang kanyang kasintahang si Juli.
Kabanata 7: Si Simoun
Nang si Basilip ay pabalik na sa bayan ng San Diego, siya ay may naaninag na liwanag sa gubat at may
narinig na mga yabag ng paa. Kanya itong sinilip at nagtago sa isang puno. Nakita niya dito ang nagbabalat-
kayong mag-aalahas na si Simoun. Si Simoun ay tinanggal ang kanyang salamin at nagsimula nang
maghukay. Habang si Basillio ay nagmamasid kay Simoun, bumalik ang mga ala-ala ng mga panyayaring
naganap labingtaon ang nakalipas. Ang lalaking kanyang pinagmamasidan ay ang tumulong sa paglibing sa
kanyang ina na si Sisa at ang lalaking sugatan na si Elias. Si Basilio ay nagulantang nang kanyang natuklasan
ang nagbabalat-kayong si Simoun ay ang tumulong sa kanya na si Crisostomo Ibarra. Siya ay lumapit upang
tumulong nang makita niyang pagod at patigil-tigil sa paghuhukay si Simoun. Nagpakilala si Basili at sinabi sa
lalaki na tinulungan siya nito na ilibing ay bangkay ng kanyang yumang ina na si Sisa at si Elias kaya’t ito ang
nag-udyok sa kanya na magbigay ng tulong kay Simoun. Binalak ni Simoun na patayin si Basilio sa
pamamagitan ng pagtutok sa kanya ng baril dahil nalaman ni Basilio ang pinakanatatanging lihim ni Simoun.
Ngunit, napahinto si Simoun nang napagtanto niya na parehas lamang sila ni Basilio ng nais ng pagbabago at
paghihiganti. Si Simoun ay ipinagtapat ang kanyang ginawa sa loob ng paaralan ng wikang Kastila kay Basilio.
Kanyang hiningi ang gawing lalawigan ng Espanya ng Pilipinas at bigyan ng pantay-pantay na karapatan ang
mga Pilipino at Kastila. Ayon kay Simoun, ang mga hiling na ito ay ang nagpawi sa kanilang pagiging isang
mamayan at pagkapanalo ng mga mag-aapi. Dagdag niya, ang pagdadagdag ng isa pang wika, ang wikang
Kastila, ay hahantong sa hindi pagkakaunawaan at lalong mas magpapahirap sa mga Pilipino upang
maipahiwatig ang kanilang mga saloobin. Si Basilio nama’y sumang-ayon sa sinabi ni Simoun at sinabing ang
Kastila ang siyang magbubuklod-buklod sa mga pulo at makakapagpalapit sa mga Pilipino sa pamahalaan. Si
Simoun ay hindi sumang-ayon sa sinabi ni Basilio aat sinabing ang wikang Kastila ay kailanma’y hindi
magiging wika ng pangalahatan dahil ang bawat bayan ay may sariling wikang kanyang pinagyayamanna
kaugnay sa damdamin at kaugalian nito. Sa huli, hinikayat ni Simoun si Basilio na umanib sa kanyang planong
paghihimagsik laban sa pamahalaan ng Kastila para sa pagbabago. Ngunit, hindi sumang-ayon si Basilio sa
panghihikayat ni Simoun dahil siya ay naniniwalang walang katapusan and karunungan, ang galing ng tao at
pagtutulungan ang siyang magiging paraan at susi sa kalayaan.
Kabanata 9: Si Pilato
Ang balitang pagkapipi ni Tandang Selo ay mabilis na kumalat. Nang ito ay marinig ni Hermana Penchang,
ang pinagsisilbihan ni Juli, ay sinabing ito ay isang parusa mula sa kalangitan dahil si Juli ay hindi marunong
magdasal sa Panginoon. Nang mabalitan ito ni Basilio na kaluluwas lang upang may perang pantubos kay Juli
ay nagbigay sa kanya ng pangamba sa kaligtasan ng kanyang nobya. Ang pinagsisilbihan ni Juli na si
Hermana Penchang ay naniniwalang ang mga kabataan na nag-aaral sa Maynila ay nasasawi at nagsasama
pa ng iba. Iniutos ng amo ni Juli na basahin ng paulit-ulit ang aklat na may pamagat na “Tandang Basiong
Makunat” at ibinilin na makipagkita palagi sa pari upang ang kaluluwa nito ay maligtas. Sa kabilang banda,
nagdidiwang ang mga para dahil sa pagkapanalo nila sa usapin. Nang si Kabesang Tales ay dumating, buhat
sa pagkabihag ng mga tulisan, naipamigay na sa iba ang kaniyang lupain. Siya ay nakatanggap din ng
kautusan na lisanin ang kanilang tirahan sa loob ng tatlong araw. Si Kabesang Tales ay walang nagawa kundi
tahimik lamang nakaupo sa tabi ni Selo maghapon.