You are on page 1of 4

Name: JOHN PATRICK ESTELLENA Score:

Section: 11-TWAIN

KABANATA 1
SA IBABAW NG KUBYERTA
EL FILIBUSTERISMO

Isang umaga ng buwan ng Disyembre, ang Bapor Tabo na naghahatid ng maraming


manlalakbay na patungo sa lalawigan ng Laguna ay hirap na hirap sa pagsalunga sa malakas na
agos ng Ilog Pasig.
Ang bapor na ito ay mabigat at pabilog na parang tabo na pinaghanguan ng pangalan nito.
Lulan sa kubyerta nito sina Don Custodio, Ben Zayb, Padre Irene, Padre Salvi, Donya
Victorina, Kapitan Heneral at Simoum.
Naging mainit ang pagtatalo nang magawi ang pag-uusap tungkol sa pagpapailalim ng ilog
Pasig upang malutas ang suliranin sa paglalakbay. Mungkahi ni Don Custodio: mag-alaga ng
itik. Pumasok sa kainitan ng pagtatalo ang mag-aalahas na si Simoun na kilalang tagapayo ng
Kapitan Heneral at nagsabi na ang suliranin tungkol sa mga lawang hindi matino ay napakadali.
Aniya, gumawa ng tuwid na kanal na mag-uugnay sa lawa ng Laguna at sa look ng Manila.
Labis na nagulat ang mga kausap ni Simoun sa kanyang mga tinuturan, subalit patuloy na
nakikinig ang mga ito sa kanyang mga mungkahi. Lalo pang namangha ang mga kausap ni
Simoun nang iminungkahi niyang huwag bayaran ang mga manggagawa at mas makabubuting
ang mga bilanggo at mga bihag ang gagawa ng trabaho. Ipinagpatuloy pa niya na kung
mamarapatin, maging ang mga matatanda at mga bata ay pagtrabahuin din. Hayaan daw na
magdala ng kanya-kanyang pagkain at kagamitan ang mga manggagawa. Nagkasagutan sila ni
Don Custodio at ng ilang pari. Ayon sa ibang sakay, siguradong mag-aalsa ang mga tao kung
ganito ang mangyayari. Napunta ang mainit na usapin sa mga pato na inaalagaan sa Pateros at
Pasig at naging punto ng pag-uusap ang kinakain ng mga ito.
Nang marinig ito ni Donya Victorina, paismid at palamya siyang nagsalita na kung ang lahat ay
gugugol ng panahon sa pag-aalaga ng mga pato ay siguradong dadami ang balot na labis niyang
inaayawan at pinandidirihan.
KABANATA 2
SA ILALIM NG KUBYERTA
EL FILIBUSTERISMO

Nagtungo si Simoun sa ilalim ng kubyerta. Masikip at siksikan doon dahil may mga pasahero at
naroon din ang mga bagahe at kargamenrto.
Naroon si Basilio na isang mag-aaral ng medisina at si Isagani na isang makata mula sa Ateneo.
Kausap nila si Kapitan Basilio. Napag-usapan nila ang balak ng mga mag-aaral tungkol sa
pagtuturo ng wikang Kastila na hindi naging matagumpay.
Napag-usapan din ng dalawa ang nobya ni Isagani na si Paulita Gomez, pamangkin ni Donya
Victorina de Espadaña.
Maya-maya pa ay lumapit si Simoun kina Basilio at Isagani. Ipinakilala ni Basilio si Simoun
kay Isagani. Nagwika si Simoun na hindi siya nadadalaw sa lalawigan nina Basilio at Isagani
dahil mahirap ang lugar at walang bibili ng alahas.
Nagpatuloy ang usapan ng tatlo hanggang sa inalok ni Simoun ng serbesa ang dalawa.
Tumanggi sila at sinabi ni Simoun na ayon daw kay Padre Camorra, kaya mahirap at tamad ang
mga tao sa kanilang lugar ay panay tubig ang iniinom at di alak.
KABANATA 3
ANG MGA ALAMAT
EL FILIBUSTERISMO

Naabutan ni Padre Florentino na nagtatawanan ang mga tao sa itaas ng kubyerta. Pinag-uusapan
ng mga pari ang pagkamulat ng mga Pilipino at pag-uusig sa mga bayarin sa simbahan.
Pagkaraan ay dumating si Simoun. Aniya, sayang raw at hindi niya nakita ang mga dinaanan ng
bapor. Wala daw kwenta sa kanya ang alinmang pook na kanyang makikita kung wala rin
namang alamat ang mga ito.
Kaya naman sinimulang isalaysay ng Kapitan ang alamat ng Malapad-na-Bato.
Anang Kapitan, ito daw ay banal sa mga katutubo noong una bilang tahanan ng mga espiritu.
Nang tirahan daw ito ng mga tulisan ay nawala ang takot sa espiritu, sa halip ay nasalin sa mga
tulisan ang takot.
Nabanggit ng Kapitan ang alamat tungkol kay Donya Geronima at inanyayahan na si Padre
Florentino ang magsalaysay ng alamat.
May magkasintahan umano sa Espanya at ang lalaki ay naging arsobispo sa Maynila.
Nagbalatkayo daw ang babae, sinundan ang kasintahan sa Maynila at hinihiling na sundin nito
ang pangako na magpakasal sila.
Ngunit may ibang naisip ang arsobispo. Sa halip na pakasal ay itinira niya ang babae sa isang
yungib na malapit sa Ilog Pasig.
Nagandahan si Ben Zayb sa alamat. Nainggit naman si Donya Victorina at ibig ding manirahan
sa kweba.
Tinanong ni Simoun si Padre Salvi ng, Sa inyong palagay, hindi ba higit na mainam ay ilagay
sa isang beateryo tulad ni Sta. Clara?” Sinagot ng pari ang tanong ni Simoun at sinabing hindi
daw siya makakahatol sa mga ginawa ng isang arsobispo.
Upang mabago naman ang kanilang usapin ay isinalaysay ang alamat ni San Nicolas na
nagligtas sa isang Intsik sa pagkamatay sa mga buwaya. Naging bato diumano ang mga buwaya
ng dasalan ng Intsik ang santo.
Nang datnan ng bapor ang lawa ay nagtanong si Ben Zayb sa Kapitan kung saan banda doon
napatay ang isang Guevarra, Navarra o Ibarra.
Itinuro naman ng Kapitan kung saan. Sa tubig ay naghanap pa ng bakas si Donya Victorina ng
pagkamatay kahit labingtatlong taon na ang nakalilipas mula ng mangyari iyon.
Ayon kay Padre Salvi, nakasama daw ng ama ang bangkay ng kanyang anak. Dagdag naman ni
Ben Zayb, yon daw ang pinakmurang libing. Kaya naman nagtawanan ang iba.
Namutla naman si Simoun at walang kibo. Ipinagpalagay na lamang ng Kapitan na nahihilo ito
dahil sa paglalakbay.

You might also like