You are on page 1of 7

Kabanata 17 – Si Basilio

1. Sa palagay ninyo, sino ang nararapat magbalak o mag-isip ng mga paraan upang umunlad ang kabuhayan ng
isang mag-anak? Bakit?
- Para po saakin ang nararapat magbalak o mag-isip ng mga paraan upang umunlad ang kabuhayan ay
ang buong pamilya, sapagkat kung tulong-tulong ang pamilya magkakaroon ng matatag na samahan at tamang
pag-iisip ng plano upang umunlad ang kabuhayan.

2. May katuwiran bang itakwil o kamuhian ng anak ang isang masamang magulang? Bakit?
- Hindi po dapat itakwil o kamuhian ng anak ang isang masamang magulang sapagkat walang
perpektong magulang, hindi lahat ng magulang kayang gampanan ang kanilang responsibilidad di ibig sabihin
nito dapat nating itakwil sila. Siguro may malalim na pinagdadaanan sila kaya masasabi natin minsan
nakakaramdam tayo ng kulang na pagmamahal.

3. Sa bahagi ng panaginip ni Basilio, paano ipinakita ng sakristan mayor at ng kura ang kapangyarihan taglay
laban sa mahina?
- Sa panaginip ni Basilio, si Crispin ay pinahirapan sa pamamagitan ng pag palo ng yantok hanggang ito
ay mawalan ng malay. Dito masasabing nagdaranas ng kalupitan o pagmamatratro dahil sa kahinaan o
kahirapan.

Talasalitaan:
1. kuwartel – himpilan o headquarters
2. punglo – bala ng baril
3. talilis – pag-alis ng lihim
4. nakatuon – nakabaling ang atensiyon
5. Dumaplis – pasagi o pahaging ang pagtama

Tauhan:
Sisa – Ang mapagmahal na Ina nina Basilio at Crispin. Siya ay labis na nag-alala kay Basilio nang dumating ito
sa kanilang tahanan na sugatan at si Crispin ay hindi niya nasilayan.

Basilio – Panganay na anak ni Sisa. Siya ay umuwing sugatan ang ulo.

Pag-uugnay:

 Sa Kabanatang ito pinakita ang pagmamahal ng isang Ina sa mga anak at si Basilio bilang isang
mabuting kapatid at mapagpamahal na anak sa kanyang ina.

 Si Basilio ay maaaring sumimbolo sa mga kabataang katulad niya na dahil sa kahirapan ay hindi
nabibigyan ng magandang pagtingin.

 Mahihinuha din dito ang sama ng loob ni Basilio sa kanyang ama sapagkat sa mga planong nabanggit
niya hindi ito kasama.

 Isa sa kaisipan na may kinalaman sa pamamalakad sa pamahalaan ang lumutang sa kabanatang ito ang
isyung may kinalaman sa paglabag sa karapatang pantao. Katulad sa pamilya ni Sisa, maraming mga
Pilipino sa kasalukuyan ang dumaranas ng kalupitan o pagmamaltrato dahil sa kanilang kahinaan at
kahirapan.
Kabanata 18 – Mga Kaluluwang Naghihirap

1. Bakit matamlay ang kura? Ano sa palagay ninyo ang kaniyang suranin?
Sa aking palagay kung bakit mukhang matamlay si Padre Salvi dahil nakokonsensya siya o iniisip niya ang
nangyari kay Crispin.

2. Ano ang indulgencia plenaria? Ano ang paniniwala ng mga manong at manang dito?
Ang indulgencia plenaria ito ay tanging kailangan ng mga kaluluwang nagdurusa sa purgatoryo upang
mahango roon. Ang isang karaniwang indulhensiya sa kanilang pagkaalam ay katumbas na ng mahigit na 1,000
taong pagdurusa sa purgatoryo.

3. Bakit nagugulo ang isip ni Sisa nang pumanhik sa kumbento?


Kaya nagugulo ang isip ni Sisa sa pag-akyat ng kumbento dahil kung papaano niya mapawi ang kalooban ng
pare o kaya’y kung paano niya ipagtatanggol ang kanyang anak.

4. Makakamit kaya ang indulgencia plenaria ng mga katulad ni Padre Salvi at ng Sakristan Mayor? Ipaliwanag.
Tanging kabutihang loob ang susi para sa tunay na kaligtasan.

Talasalitaan:
1. napuna – napansin
2. katamlayan – panlalata
3. isangguni – itanong
4. makamit – nakuha
5. pagpaparunggitan – pagpaparinigan
6. Indulgencia Plenaria- ito ay uri ng dasal upang makuha o matubos at mapuntang langit ang mga yumao o
namatay na.

Tauhan:
Padre Salvi - ang kasalukyang kura ng San Diego, mailap at malungkot na pari.

Sisa - ina nina Crispin at Basilio, asawa ni Pedro. Sa dulong parte ng kabanata ay pumunta sa simbahan nagdala
ng mga gulay at nagtanong kung nandoon ang kanyang anak na si Crispin, umiiyak siyang umuwi ng malamang
wala doon ang kanyang anak.

Kusinera - malupit na pinagsalitaan si Sisa batay sa paraan nito ng pagpapalaki sa mga anak at sinabing tumakas
sa kumbento si Crispin.

Manong at Manang - mga miyembro ng kompraternidad na pinagtalunan ang Indulgencia Plenaria.


Pag-uugnay:

 Makikita dito ang mga paniniwalang pang relihiyon ng mga Pilipino, na noon naniniwala sila sa
indulgencia na tanging ito ang kailangan ng mga kaluluwang nagdurusa sa purgatory.
 Sa kabanatang ito, may mga taong walang pagpapahalaga sa damdamin ng iba at basta nalang
huhusgahan ang ating kapwa.
Kabanata 29 – Ang Umaga (Araw ng Pista)
 Isa-isahin ang positibo at negatibong kaugaliang Pilipino na tinalakay sa kabanta.
Positibong kaugaliang Pilipino – Masayang nag diriwang ng Kapistahan, ang mga musiko ay walang
tigil sa kakalibot at sinusundan ng karo ng mga Santo o Birhen.
Negatibong kaugaliang Pilipino
– Ipinakita ang pagkaka-iba ng antas o diskriminasyon sa lipunan.
- Pagiging maluho ng mga Pilipino, mas maraming panahon at salapi sa mga bagay na hindi naman
ganoon kahalaga, at tinitipid ang mga sarili sa mga bagay na may higit na importansya.
- May mga taong walang paninindigan, hindi kayang ipaglaban kung ano ang tama.
 Bakit gumamit ang may-akda ng tauhang tulad ni Pilosopo Tasyo upang tuligsain ang pamahalaan?
- Sa aking palagay kung bakit gumamit ang may-akda ng tauhang tulad ni Pilosopo Tasyo upang
tuligsain ang pamahalaan, sapagkat taglay niya ang katangian ni Rizal na mapagmasid sa mga
pangyayari sa paligid. Alam niyang higit na makapangyarihan ang simbahan kaysa sa pamahalaan noon,
na kahit anong gawin nang sinuman wala din mangyayari tanging ang simbahan ang mas
makapangyarihan.

 Ipaliwanag ang pahayag ni Pilosopo Tasyo na “Ang tao’y maaaring magsaya nang hindi na niya
kinakailan pang gumawa ng kabaliwan”
- Matutong makuntento sa anumang mayroon ka, wastong paggamit ng yaman, pagsasaayos ng
prayoridad at pagtuon sa mga mahahalagang bagay na mag-aangat sa antas ng pamumuhay ng bayan.

Pag-uugnay:
 Ang hindi pantay na pagtingin o pagkaka-iba ng antas o diskriminasyon sa lipunan.
 Masayang ipinagdiriwang ng mga mamamayan ang kapistahan sa iba’t-ibang bayan.

Talasalitaan:
1. Kalembang – tunog ng kampana
2. Magarbo – bongga, marangya
3. Pilosopo – naguusisa, matalinong tao
4. Prusisyon – parade

Tauhan:
 Pilosopo Tasyo – Ang taong hindi sang-ayon sa paglulustay ng salapi at pagpapakitang
tao lamang ang pagsasaya sa araw ng pista.
 Don Filipo – Sang ayon kay Pilosopo Tasyo ngunit wala siyang lakas ng loob para
salungatin ang mga pari.
 Padre Damaso – Nagmisa sa araw ng Pista.
 Maria Clara, Ibarra, Kapitan Tiago – Nagtapos ang prusiyon sa tapat ng bahay ni Kapitan
Tiago na naroon sina Maria Clara at Ibarra.
 Mga tao sa bayan – abalang-abala sa araw ng pista.

Kabanata 26 – Ang Bisperas ng Pista

Talasalitaan:
1. Panauhin – bisita
2. Mandudula – dramatista, artista
3. Kinontrata – kinausap
4. Piitan – kulungan
5. Padrino - sponsor

Tauhan:
 Ibarra – ang nagpapagawa ng paaralan na katumbas ng mga paaralan sa Europa na
malapit sa kaniyang tahanan.
 Nol Juan – ang nangangasiwa sa mga manggagawa sa pinatatayong paaralan ni
Ibarra.
 Kapitan Tiyago – Isa sa inaasahang panauhing darating.
 Kapitan Joaquin - kasama sa partisipasyon sa kasayahan.
 Carlos (ang intsik) – kasama sa partisipasyon sa kasayahan na may puhunang
sampung libong piso sa kanyang ilalagay na liam-po.
 Padre Damaso – Napiling magsermon sa umaga at bangkero sa gabi.
 Mga taga-San Diego – Abala para sa nalalapit na Pista

• Ilarawan ang mga paghahandang ginagawa sa pista noon sa San Diego.


- Pinaghandaan ito ng mga tao sa pamamagitan ng paglagay ng palamuti at dekorasyon sa kanilang mga
bahay. Naghanda rin ng masasarap na pagkain ang mga mayayaman upang maging masaya ang lahat sa pista,
kabilang na ang mga taga ibang bayan.
Naging makulay ang bisperas ng pista dahil sa pagpapaputok ng kwitis, pagbatingaw ng kampana, at tugtugan
ng banda ng musiko. Pinalamutian din ang plasa ng San Diego ng arkong kawayan at nilagyan ng tolda ang
harapan ng simbahan. May tanghalan din para sa komedya at iba pang palatuntunan.
• Ano-anong mga libangan at kasiyahan ang idaraos sa pista ng San Diego?
- Ang pagsambulat ng kuwitis sa papawirin ay naghahatid ng kaaliwan at kagalakan at ang tugtugin ng banda ng
musiko ay nagbabadya ng maghapong kasiyahan. Nagtayo rin sila ng malaking entablado sa bayan na
pagpapalabasan ng komedya at mayroon ding mga kilalang sabungero, na may dala-dalang manok at supot ng
ginto na ipamumusta.

• Ano ang ibig sabihin ng payo ni Pilosopo Tasyo kay Ibarra na “Kung ang isalubong sa iyong pagdating ay
masayang mukha’t may pakitang giliw lalong pag-ingata’t kaaway na lihim.”
- Sa bawat desisyon at aksyon na gagawin, laging mayroong mga taong matuturing na may
palihim na galit o kaaway.

Pag-uugnay:
 Noon at ngayon, sa bawat pagdiriwang tulad ng pista makikita ang pagkakaisa at pagsama-sama ng mga
mamamayan.
 Pagpapahalaga sa edukasyon at pagtitiyaga sa kabila ng mga hadlang na maaaring
maganap.
 Nagpapakita rin ng iba’t ibang panig ng tao, na maaaring maging kaibigan o
kaaway, at ang kahalagahan ng pagbibigay at pagpapahalaga sa mga biyaya.

Kabanata 31 – Ang Sermon

Talasalitaan:
1. Mapalunok – mapalulon
2. Ipinalalaganap – ikinakalat
3. Naidlip – nakatulog
4. Nagtimpi – nagpigil
5. Erehe – hindi sumusunod sa utos ng simbahan

Tauhan:

 Padre Damaso - Ang prayleng nagsermon at nakapagbigay ng kritisismo sa mga Pilipino at walang awa
niyang kinondena si Ibarra, na naging dahilan upang hindi matuwa si Padre Salvi.
 Kapitan Tiyago – Ang nasa simbahan din na hindi na mapakali sa sermon ni Padre Damaso.
 Maria Clara – Ang nasa simbahan din na balisa din sa sermon ng Pari at hinahanap si Ibarra.
 Ibarra – Siya ay nagpigil sa sermon patungkol sa kaniya ni Padre Damaso.
 Padre Salvi – Ang kura paroko na hindi natuwa sa sermon ni Padre Damaso.
 Elias – palihim na lumapit kay Ibarra at binalalaan ito.
 Carlos – nagalit nang magpasaring si Padre Damaso tungkol sa mga Intsik.
 Ang mga mamamayan – Mga nakikinig sa sermon ni Padre Damaso, kahit na hindi nila ito ganap na
nauunawaan dahil ito ay sa wikang Kastila.

• Tungkol saan ang naging paksa ni Padre Damaso sa kanyang sermon?


- Binigyang-puri niya ang ilang mga banal na santo ng simbahan, tulad ni Haring David, si Gideon, at si
Roldan. Subalit, sa kanyang sermon, kasama rin ang panlalait niya sa mga Pilipino na binigkas sa wikang
Kastila. Nang magsimula siya sa wikang Tagalog, dito’y walang pakundangan niyang tinuligsa si Ibarra.

• Bakit paulit-ulit pinapatunog ni Padre Sylvia ang kampana?


- Ito ay hudyat para tapusin na ni Padre Damaso ang kaniyang sermon sapagkat hindi siya natuwa sa
sermon.

• Ayon sa sermon, paano raw ang ginawang paglunas ni San Diego sa mga taong maysakit?
-
• Ano ang babalang ibinigay ni Elias kay Ibarra?
- Ang babalang ibinigay ni Elias kay Ibarra ay huwag lalayo sa kura sa pagbabasbas ng panulukang-bato
ng bahay-paaralan dahil katumbas nito ang buhay niya.

• Ano ang naging pananaw mo sa Sermon ni Padre Damaso?


- Ang aking pananaw sa Sermon ni Padre Damaso, ito ay nagpapakita ng malalim na mga problema sa
lipunan hanggang sa institusyon ng relihiyon. Subalit ang pang-aapi at maling pagtingin ng mga Kastila sa mga
Pilipino ay hindi makatarungan at kawalan ng kalayaan sa pagpapahayag.

Pag-uugnay:
 Dahil sa kapangyarihan maraming naaabuso, may diskriminasyon, pagmamalabis at kawalan ng
kalayaan sa pagpapahayag.
Kabanata 32 – Ang Panghugos

Talasalitaan:

1. Hudyat – senyales
2. Nangangatal – nanginginig
3. Panghugos – makina na ginagamit sa pagtaas o pagbaba ng mga mabibigat na bagay.
4. Nalansag – natanggal ng isa-isa ang mga piyesa
5. Eskribano - tagatala

Tauhan:

1. Crisostomo Ibarra – Ang binatang nagpatayo ng paaralan sa San Diego. Nang pumutok ang panghugos,
siya ay hindi nasaktan.

2. Padre Salvi – Ang kura paroko ng San Diego. Siya ang nagbasbas sa bagong paaralan.

3. Elias – Ang misteriosong bangkero na nagbigay-babala kay Ibarra tungkol sa banta sa kanyang buhay. Siya
ay nakatunghay sa taong dilaw habang nagaganap ang seremonya.

4. Nol Juan – Isa sa mga tagapagpatupad ng panghugos na nagtangkang ipahuli ng Alkalde Mayor.

5. Ang Taong Dilaw – Ang tao na namatay dahil sa pagsabog ng panghugos.

6. Ang Alkalde Mayor – Ang namumunong opisyal ng San Diego.

• Ano ang naging papel ng taong dilaw sa buhay ni Crisostomo Ibarra?

-Siya ang nagdemonstra ng paggamit ng panghugos kay Nol Juan.

• Ano ang naging palagay ni Pilosopo Tasyo sa paaralang ipinapatayo ni Crisostomo Ibarra?
• Sa paanong paraan nakaligtas sa sakuna si Crisostomo Ibarra?
• Bakit ayaw ni Crisostomo Ibarra ipahuli si Nol Juan? • Bakit sinabi ni Pilosopo Tasyo ang salitang “isang
masamang simula”?

You might also like