You are on page 1of 5

Kabanata 17: Si Basilio

Si Basilio ay inilarawan ng awtor bilang kinatawan ng isang Pilipino. Sa kanyang


pangarap ay inilantad ng bata ang kanyang balak na magkaroon ng sariling lupain na masasaka,
mapag-aral ang kapatid at maging Malaya kapiling ang ina’t kapatid. Ang pagsasarili at
paghahangad ng kalayaan sa kamay ng panginoong Kastila ay nasa konsepto na ni Rizal sa
pamamagitan ng paglalahad ng ganitong pangyayari sa akda.

Kabanata 18: Mga Kaluluwang Nagdurusa

Pinuna ni Rizal sa kabanatang ito ang mga gawi at kilos ng mga Pilipino ukol sa
relihiyon. Ayon sa kanya, isang kamangmangan ang paniniwala sa “indulgencia plenaria”- ang
pagbibigay buwis o bayad mula sa simbahan upang maligtas ang kaluluwa mula sa purgatoryo.
Pinuna rin niya na napakahirap amuin ng mga alagad ng simbahan lalo na’t isa kang mahirap.

Kabanata 19: Mga Karanasan ng Isang Guro

Binabatikos ni Rizal sa kabanatng ito konsepto ng paggamit ng pamalo sa pagtuturo at


pagkatuto ng mga mag-aaral. Ayon sa kanya, ang isang bata ay ‘di makapag-iisip sa tuwing
nakakakita ng pamalo sapagkat ito raw ay nagdudulot ng pangamba at takot na nagreresulta sa
pagpapalabo ng isang malumanay na isipan. Kaya dapat itigil na ang pamamalo. Sa halip ay
ipakilala ang pagpapaligsahan sa pagkatuto at ang pagpapahalaga sa sarili. Ang batang napuri
dahil sa kanyang pagsusumikap sa harap ng klase ay nakikitang kinabukasa’y nag-iibayo sa
pagkatuto.

Kapag hindi natutuhan ng bata ang isang aralin ay huwag ipalagay na siya ay mahina
bagkus ito’y sanhi ng kawalan ng pagsisikap na matutuhan ito.

Ang pagpapalawak ng sakop/kontent ng pag-aaral o saklaw ng kurikulum ay dapat


isaalang-alang ng guro at hindi lamang nakatuon sa relihiyon. Mabilis rin ang pagkatuto kung
ang gagamiting wika sa pag-aaral ay wikang mauunawaan ng lahat. Kaya’t iminungkahi niya ang
paggamit ng wikang katutubo sa lugar. Kailangan din ang mabisang pagtutulungan ng mga guro
at magulang sa pagsasakatuparan ng mga pangangailangan ng mag-aaral.

Kabanata 20: Ang Pulong sa Tribunal

Ipinakita sa kabanatang ito ang paghahandang isinasagawa ng mga mamamayan sa


tuwing sasapit ang pista ng San Diego. Karaniwan itong pinapaplanuhan, pinagdedebatihan, at
pinag-uusap lalo na ang mga gugugulin sa nasabing aktibidad. Iisa ang layunin – mapasaya ang
San Diego. Naglatag si Rizal ng ilang mungkahi upang maging makabuluhan ang pista at
baguhin ang nakagawiang maluho at marangyang pagdiriwang na siyang nagiging ugat nang
kahirapan ng buhay. Una niyang pinagtuunan ng pansin ay ang pagdiriwang. Iminungkahi na
gumamit ng simpleng panoorin o dulaan na nagpapakita ng sariling ugali at tradisyong ng mga
Pilipino upang masugpo ang masamang hilig at kapintasan ng mga mamamayan. Ang iskrip ay
maaaring gawa ng isang Pilipino, halimbawa ng “Maria Makiling” at hindi hango sa mga
kuwentong bayan ng mga Kastila.

Sa gayon, makatitipid ang mga mamamayan sa gugulin lalo’t ang bawat isa’y may kaniya
kaniyang ambag upang mapabuti ang pagtatanghal. Sinisikap nitong iwasan na lumabas sa bayan
ang mga salaping gugugulin. Tahasan niyang binabatikos ang walang kabuluhang pagbili ng mga
paputok, ang mga inuupahang palabas, matagal na pagdiriwang (3 araw) at pabonggahan ng mga
dekorasyon. Subalit ang ganitong pagbabago’y hindi tatangkilikin ng mga nasa kapangyarihan
lalo nan g mga pari sapagkat nasa kanila ang kaluluwa ng mga mamamayan. Ang sinumang
hindi sumunod sa kanilang ipag-uutos at itatagubilin ay mapaparusahan.

Kabanata 21: Kasaysayan ng Isang Ina

Inihayag sa kabanatang ito ang pang-aabuso ng isa sa mga maykapangyarihan, ang


guwardiya-sibil. Ang katumbas nila sa kasalukuyang panahon ay ang kapulisan. Naroong hulihin
si Sisa kahit hindi siya ang maysala, malinaw na ito’y paglabag sa karapatang pantao. Ang
ginawa kay Sisa ay malinaw na isang panggigipit o pangba-blackmail. Hindi rin organisado ang
ginawang pag-aresto sa kanya lalo pa’t walang opisyales na responsable sa inasal ng guwardiya
sibil. Ipinakita ni Rizal sa katauhan ni Sisa na ang mga paghihirap, pagmamalupit at
pagsasamantalang naranasan ng babae ang naging daan pagkawala ng katinuan at tuluyang
pagkabaliw.

Kabanata 22: Ang Liwanag at Dilim

Isang kabalintunaan ng katauhan ang ipinamalas ni Padre Salvi sa kabanatang ito.


Kinakatawan niya ang alagad ng simbahan, isang paring banal subalit sa likod nito’y naroroon
ang pagnanasa at malisya para kay Maria Clara. Hindi nakaligtas sa awtor ang ganitong
pagsasamantala ng mga pari sa kahinaan ng mga kababaihan. Maaaring dahil sa ingit at
panibugho ng pari sa kalagayan ni Ibarra ay ipinakita ni Rizal na tutol siya sa pagbabawal sa mga
pari ang pag-aasawa. Patunay lamang na ang mga pari’y tao, lalaki at may bayolohikal na
pangangailangan din.
Kabanata 23: Ang Pangingisda

Ipinakita ni Rizal sa kabanatang ito kung paano nagkaroon ng tipanan (date) ang
kadalagahan at kabinataan sa kanilang panahon. Malimit na grupo kung sila'y mamasyal.
Kasama ang kanilang mga ina, tiya at nagsisilbing tagabantay. Ngunit laging may paraan ang
mga mangingibig upang magkasarilinan at magkalapitan sila ng minamahal. Ang tipanan ay
umiinog lamang pagsasalu-salo sa hapag, pag-aawitan, paglalaro, pakikipagkwentuhan.

Kabanata 24: Sa Gubat

Ipinamalas ni Rizal sa kabanatang ito na ang pamamasyal o tipanan ng kadalagahan at


kabinataan ay isang pangkomunidad na pagdiriwang. Maging ang alperes, kura, at ibang taong
itinuturing na marangal at makakapangyarihan ay kasama sa okasyon. Mababatid dito ang hilig
ng awtor sa "Botany" at "Zoology" gayundin sa kalikasan. Ang kasayahan sa gubat ay isang
pamamaraan ng pakikipag-isa sa kalikasan at komunidad. Dahil sa kakayahan ng gubat na
umakit ng mabuting kalooban, naging matiwasay ang pagdaraos ng piging sa kabila ng di
pagkakaunawaan at kakauunting sigalot. Isang progresong maituturing noon ang pagkakaroon ng
telegrama. Isang paraan upang mapabilis ang komunikasyon sa mga nasa probinsya patungong
Maynila, gayungdin ang pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa Europa, Asya, at iba pang bahagi ng
mundo.

Kabanata 25: Sa Bahay ng Pilosopo

Mababatid sa kabanatang ito ang mga plano at pangarap ni Rizal para sa bayan. Ang
pagkakaroon ng mga eskwelahan sa bansa at edukasyon sa bawat isang Pilipino na magsisilbing
gabay sa pagmulat sa katotohanan at paggising sa nahihimbing na kamalayan ng mga Pilipino.
Ngunit ang ganitong pagbabago'y nangangailangan ng sakripisyon. Kailangang tuluyang
magpakababa at magmakaawa sa mga may kapangyarihan upang maisagawa ang mabuting
layunin. Kailangang sumabay sa hihip ng hangip, sa nakagawiang takbo at kalakaran ng mga
namumuno nang hindi mapaghinalaang kalaban ng gobyerno.

Kabanata 26: Ang Bisperas ng Pista

Malinaw na inilarawan ni Pepe sa kabanatang ito ang malaking impluwensiya ng pista sa


ugali ng mga Pilipino. Ang positibong epekto nito ay pagiging masigla at pagiging magiliw sa
mga panauhin, kaibigan, kamag-anak at mga tao sa lugar. Nagkakaroon din sila ng pagkakataong
pomustura - maisusuot nila ang mamahaling damit, at mga alahas. Ngunit ang panahon ng pista
ay panahon din para sa sugal, paglalasing at walang tigil na pagwawaldas. Ang pagdaraos ng
magarbo at magastos na pista taun-taon ay tila isang kanser na kumikitil sa namamahala at
pinamamahalaan. Nagpapakahirap ang mamamayan sa loob ng isang taon para kumita at
umunlad, subalit sa isang kisapmata, nauubos lahat ng anumang naipon dahil lamang sa walang
kabuluhang pagsasayang..

Kabanata 27: Sa Pagtatakipsilim

Sa kabanatang ito, pinasubalian ni Rizal na ang sakit na ketong ay hindi nakakahawa at


hindi dapat katakutan. Tahasan niyang tinutuya ang paraan ng pagtrato ng gobyerno sa mga may
kapansanan na halip na kaawaan at tulungan ay pinarurusahan.

Kabanata 28: Isang Sulat

Sa kabanatang ito'y isang paraan ng pagsasalaysay sa pamamagitan ng liham at


pagbabalita. Mahusay ang paraang ito na ginamit ng may-akda upang hindi maging kabagot-
bagot na tunghayan ang mga pangyayari. Dito'y mapapansin na ang uri ng nakikitang bagay ay
nasa mata tumitingin.

Kabanata 29: Kinaumagahan

Ito mismo ang araw ng pista - ang pagdiriwang na halos pinakahihintay ng lahat.
Aabangan ang banda, dupikal ng kampana at mga paputok. Itinuturing din itong huling araw ng
pagdiriwang. Muling tutuligsain ang epekto ng nasabing pagdiriwang. Ayon kay Pilosopo Tasyo,
ito ay tila pantasya na nagdudulot sa marami ng kaligayahan para pansamantalang malimutan
ang kahirapan ng buhay.

Kabanata 30: Sa Simbahan

Sa kabanatang ito, maraming pinuna si Rizal ukol sa simbahan. Nagmistulang palengke


ang simbahan sa dami ng tao sa loob. Pinuna rin niya ang agua bendita na halos magkulay-putik
na sa dami ng taong sumasawsaw at maaaring magkalat ng sakit. Ang pagsisimba ng maraming
tao na halos siksikan at ingay ng mga bata ay nagdudulot ng kaguluhan at kawalan ng kabanalan.
Binatikos rin niya ang mataas na pagbabayad sa mga paring nagsesermon, tila nangangahulugan
itong ipinagbibiling kabanalan. Kapuna-puna rin ang pagdating nang huli ng alkalde na
nangangahulugang ang misa ang pinaghihintay nito.
Kabanata 31: Ang Sermon

Ipinakita sa kabanatang ito ang bisa ng sermon sa sangkatauhan at kung paano


kinasasangkapan ito upang gamiting panuligsa at pasaring sa mga taong kumakalaban sa
simbahan at pamahalaan. Ang tinig ng pari'y mas matimbang kaysa sa tinig ng gobernador-
heneral. Kinasasangkapan ng mga pari ang sermon upang maging daan tungo sa pakikipag-
ugnayan sa tao, pangangaral at pananakot.

Kabanata 32: Ang Panghugos

Sa kabanatang ito, pinatatag niya ang kanyang paniniwala sa magagawa ng edukasyon.


Napakahalaga sa kanya ang pagpapatayo ng mga eskwelahan dahil ito raw ang siyang
kinasusulatan na sasapitin ng bayan. Ang mga paaralan ang magiging hulmahan ng mga
kabataan na bukas-makalawa'y magiging mamamayan ng bansa. Kung magaling ang paaralan
ngayon, bukas ay makalilikha ito ng mabubuting mamamayan. Kaya ang hamon niya, ipakita
ninyo sa amin ang paaralan ng bayang iyan at sasabihin namin kung ano ang bayang iyan! At
muling itatanim ni Rizal - ang paaralan ang siyang saligan ng lipunan.

You might also like