You are on page 1of 8

KABANATA 21

Ginamit ni Rizal ang mga makahulugang sulyap ng mga sundalo sa isa't isa upang ipahiwatig na may isang kakila-kilabot
na nangyari kay Crispín, isa sa mga anak ni Sisa. Si Sisa ay ang ina nina Basilio at Crispin. Sa kabanatang ito, inilahad
ang naranasan niyang pagdurusa nang mawala na sa piling niya ang dalawa niyang anak. Ipinakita ni Rizal ang ginawang
diskriminasyon ng mga pulis kay Sisa, sapagkat kalupitan at kasamaan ang sumasapit lamang sa mga katawan ng mga
Kastilang sumakop sa atin noon. Walang kaawa-awa ang mga pangyayari noon. Walang makakatumbas sa sakit ng isang
ina na nawalan ng mga anak. Puso’t isipan ay tuluyang mawawasak. Walang katapusang mga luha’y papatak.

Ilang araw na ang lumipas hindi parin makita ni Sisa ang kaniyang mga anak. Pagkarating niya sa tahanan ay mga anak ni
Sisa ay napagbintangang magnanakaw at tila si Sisa ay hindi makapaniwala na makakagawa ng kasamaan ang kanyang
mga anak. Sa aking opinyon, dapat naghanap muna ang mga pulis ng ebidensyang nagnakaw nga ang mga anak ni Sisa.
Nakiusap at nagmakaawa na si Sisa subalit kinalulungkot kong sabihin na walang naging kinahinatnan ang mga aksyon
niya. Ang mga guwardiya’y tunay na malupit at walang puso. Naipakita ang hindi wastong pagmamaltrato ng awtoridad
kay Sisa. Dapat ay huwag samantalahin ng mga tao ang kanilang mga posisyon sa buhay at mamuhay na lamang nang
patas upang ang buhay ay magkaroon ng magandang bukas at dahil na rin iyon ang tama’t nararapat. Kapanghasan ang
nilalaman ng mga guwardiya. Si Sisa ay naging isang kawawa. Ngunit sa mga mata ng mambabasa, siya ay ang nasa
tama.

Sa paglalakad ni Sisa kasama ang mga guwardiyang sibil ay naunawaan niya ang pagka-maralita niya. Puno ng kahihiyan
ang kanyang naramdaman sa mga taong kanyang nadatnan hanggat sa ibig na niyang matamasa ang kamatayan. Dahil
noong panahong iyon, kapag ang isang Pilipino ay ikinulong ng guwardiya sibil, siya ay mababa na agad sa paningin ng
mga tao. Iyon ay isang tunay na nakatatakot na bagay sapagkat nakasalalay doon ang iyong buhay. Kaunti lamang ang
matatanggap mong respeto at paggalang kung ika’y naging mababa sa paningin ng mga tao. Nang makarating na sila sa
bayan ay siya’y ikinulong sa kuwartel nang mahigit na dalawang oras. Subalit, walang nakitang dahilan si alperes na
ikulong si Sisa at pinakawalan na si Sisa. Hindi naman pala lahat ng tao sa mundo ay masama. Naroroon pa rin ang
pagkamabait at pagka-ginintuang puso ng mga tao na sa aking palagay ay nakatutuwa. Sa katotohanan ay si Sisa’y isang
inosente. Hindi pinagbigyan ang babae at nakakalungkot na minaltrato nang pagkabayolente.

Malaking pasasalamat kay alperes, sapagkat binigyan niyang hustisya si Sisa at naghandog na rin ng kalayaan sa kanya.
Ngunit huli na ang lahat at nasira na ang katinuan ni Sisa, nabaliw na sa kalungkutan. Parang isang ibon kung maalintulad
na hindi makawala sa sariling kawla. Hinanap niya ang kanyang mga anak sa gitna ng daan ngunit siya’y nabigo. Patuloy
pa rin niyang hinanap ang mga ito pero wala na talaga. Para sa isang ina na nawalan ng anak, ito ay lubhang nakasisira ng
puso. Parang nawalan na ng mga parte ang katawan mo. Ganoon kasakit ang mawalan ng anak. Sa huling parte ng
kabanata ay nabanggit na nakita ni Sisa ang pilas ng damit ni Basilio na may dugo.
Doon ay tuluyan nang nawala sa kamalayan si Sisa. Ipinahayag ni Rizal ang emosyonal at sikolohikal na presyur na
mapang-api ng mga mananakop sa Pilipinas noon rito. Tunay na nakakaawa si Sisa, nakakalungkot at nakakaluha.
Pagmamahal ng isang ina sa anak ay walang katumbas. Sa utak ni Sisa ay nagkaroon ng malaking gasgas, puso’t
damdamin niya’y nawalan na ng lakas. Buhay niya’y pagkamalas, mga anak niyang nawala nang hindi patas.

Para sa katapusan ng repleksyon, nais kong ipahiwatig na dapat huwag tayong magpapaapi sa kung sinuman, kahit siya pa
ay nasa mataas o mababa man na antas sa batas. Matuto tayong maging malakas at matatag at hindi maging takot sa
paglaban ng kung anuman ang tama. Sa aking opinyon, ipinakitang baliw si Sisa dahil sa sama at paghihirap ng loob at
kahihiyan sa mga sinapit ng kanyang mga anak. Iyon ang bunga ng maraming taong pagtanggap ng pang-aabuso.
Naipakita rin ang nangyari sa Pilipinas noong panahon ng Espanyol, ang pandaraya, kawalan ng katarungan at ang
mabibigat na patakaran sa ekonomiya sa Pilipinas na hindi na makayanan ng bawat Pilipino. Dapat tayo ay matuto sa mga
mali natin. Kagaya na lamang ni Sisa, huwag dapat natin isarili ang ating mga problemang hinaharap at tiisin nang mag-
isa. Dapat natin ipaglaban ang ating karapatan bilang isang tunay na Pilipino at bilang isang ina.
Kabanata 22

Sa kabanatang ito, nailahad ni Rizal ang pagdating nina Tiya Isabel at Maria Clara sa bayan na nangangalang San Diego.
Pinuntahan nila ang bayan para sa kapistahan. Nagalak at natuwa ang mga tao sa San Diego nang malaman nila ang
balitang dumating si Maria Clara. Sapagkat, walang makakapantay sa taglay na kagandahan ng dalagang si Maria Clara.
Sino ba naman ang hindi mamamangha sa isang tunay na magandang babae? Kung maihahalintulad sa panahon ngayon ay
parang sa sitwasyong dadating ang isang idol ng Pilipinas o ng ibang bansa sa isang lugar. Naging usap-usapan na rin ng
bayan ang tungkol kay Padre Salvi. Marahil, mapanuri talaga ang mga tao noon sa mga kaganapan. Gusto nila ay alam
nila ang lahat at para sa akin ay isang maganda at masamang bagay. Maganda dahil ikaw ay may kamalayan at masama
dahil minsan nangingialam ka na sa istorya ng iba. Mga tao’y naging magiliw. Tila si Maria Clara ay talagang kaaliw-
aliw. Padre Salvi ay tuluyan nang nagbago. Nakakalungkot ang nangyari sa kanyang pagkatao.

Ang katotohanan ay ginugugol ni Padre Salví ang kanyang oras na maging gising pa sa gabi upang dalawin si María
Clara, kasama ang kanyang magulong pagkilos at napabayaang pisikal na anyo ay nagpapahiwatig na ang pari ay
nagnanasa sa dalaga. Sa aking opinyon ay ito ay sumasalamin sa hindi wastong pagkatao, sapagkat bilang isang prayle
siya ay wala sa posisyon upang ligawan at magnasa sa isang batang babae. Sapagkat ngayon, sa makabagong panahon ay
isang kasalanan sa mga prayle ang magkaroon ng pagnanasa sa isang tao o bagay. Dahil dito, ipinakita siya ni Rizal bilang
isang kahina-hinalang pigura na nagtatago lamang sa likod ng kanyang titulo sa relihiyon nang hindi talaga naghahangad
sa tunay na kabanalan. Isang prayle ang nagnanasa sa isang babae. Kay Padre Salvi si Maria Clara’y hindi kampante.

Humiling si Maria sa kanyang irog na si Ibarra na huwag sumama ang pari sa kanilang napag-usapang gagawing piknik sa
ilog. Sapagkat naiilang na ang dalaga at winikang siya ay natatakot na sa mga sulyap at galaw ni Padre Salvi sa kaniya.
Nagpapakita dito na ang takot ay pangamba damag pati ang sistema ni Maria Clara. Ang magkasintahan ay nagpalitan ng
mga salitaan. Nais ni Ibarra na matupad ang hiling ng kanyang kasintahan. Ngunit hindi niya ito nagawa at ang pari ay
kanyang inimbitahan. .

Ang plano ni Ibarra na ibukod si Padre Salví mula sa paglalakbay sa bangka nang hindi malinaw na maiinsulto ang pari ay
naaayon sa kanyang mga ideya tungkol sa repormang pang-edukasyon sa San Diego. Ibig sabihin nito ay dahil iyon sa
mga napag-aralang asal ni Ibarra sa kanyang paaralan noon. Gayunpaman, ang pinapahiwatig niya ay ang tindi ng
pagnanais ni Padre Salví na makita si María Clara, at ang kanyang matalinong plano ay hindi isinasaalang-alang ang
katotohanan na gagawin ng pari ang lahat sa kanyang kapangyarihan upang makuha ang nais niya. Sa isa pang punto,
mahalagang linangin ang tanong ni Padre Salví tungkol sa mga kasulatan ng ina ni María Clara. Muli, si Rizal ay
tumutukoy sa isang banghay na hindi nagbibigay ng anumang konteksto. Malugod na itinanggap ng padre ang
imbitasyon. Mapatunayan niyang ‘di siya nagtatanim ng sama ng loob ang kaniyang obligasyon.

Sa wakas ng kabanata ay mayroong isang estranghero na lumapit kay Ibarra. Sa paghuhusga sa kuwento ng taong ito, na
may kinalaman sa dalawang nawawalang mga anak na lalaki at isang asawa na nabaliw, napag-isipan ko na siya ang
kabiyak ni Sisa. Ang katotohanan na humihingi siya ng tulong ni Ibarra ay nagpapahiwatig ng lakas at impluwensya ng
mga taga-baryo kay Ibarra kahit na ang katanyaganang ito ay kung minsan ay gumana sa pabor ni Ibarra, nararapat na
alalahanin na ang katanyagan ng kanyang ama ay nag-imbita ng kaguluhan. Dahil maraming mga detektor ang lumitaw
noong siya ay nabilanggo at nagkagulo nga sila. Ito’y isang sitwasyon na hindi ko maisip kung ito’y masaya o malungkot
na pangyayari sapagkat walang lumalamang. Estranghero ay humingi ng saklolo kay Ibarra. Pagkat ang kanyang
pamilya’y nawawala. Kanyang sitwasyon ay talagang nakakaawa.

Sa kabanatang ito maipapahiwatig ang pagsasaalang-alang sa kaugalian at sa kapwa. Ugali nating mga Pilipino na
magpakita ng paggalang sa kapwa lalo na kung ito ay may kinauukulang posisyon sa gobyerno, simbahan o lipunan. Kahit
na hindi tayo pabor sa mga ikinikilos ng taong ito ay pinakikisamahan natin. Mahalaga sa mga Pilipino ang pagsasaalang-
alang sa nakaugalian. Kahit hindi gustong imibitahan ni Maria Clara si Padre Salvi, hindi pumayag si Ibarra sa kagustuhan
ng dalaga na huwag na itong imbitahin pa sa piknik. Si Padre Salvi ang kura ng bayan kaya nararapat na ito ay imbitahin.
Lumaki rin si Ibarra na may taglang kabaitan at kagandahan ng asal na nakuha niya sa kaniyang mga magulang.

Nailahad rin dito ang kawalan ng katarungan. Sa dulo ng kabanata isinalaysay ang tungkol sa isang lalaki na dalawang
araw ng naghihintay kay Ibarra. Tila may problema ito at walang gustong tumulong o maniwala. Makikita sa kabanata na
ito na noon pa man ay may mga ganito ng sitwasyon. May mga taong walang malapitan o makapitan para sa kawalang-
hustisya. Matututunan natin na ang mga hangarin ng tao para sa iba ay maaaring mabuti at masama. Ang mga mabuting
hangarin sa kapwa ay katulad ng liwanag samantalang ang mga masasamang hangarin ay maihahalintulad sa dilim.

Sa aking palagay, pinamagatang “Liwanag at Dilim” ang kabanatang ito sapagkat nakukuha ni Maria Clara ang kaniyang
liwanag kay Ibarra at ang dilim sa padre. Sa pagmamahal ni Ibarra, ay nabibigyan si Maria Clara ng mga rason upang
mabuhay at maging masaya. Ang dilim naman ni Maria Clara ay si Padre Salvi. Sapagkat madidilim ang mga galaw ng
prayle at tunay na nakakatakot. Isa rin ang dahilan ang aking pinaniniwalaang kasabihan, na ang bawat liwanag ay may
katumbas na dilim. Ngunit huwag mag-alala, magdasal lamang tayo at magpasalamat sa Diyos at tayo’y magiging ligtas at
maging handa sa anumang mangyayari sa atin.
KABANATA 23

Patungong lawa hindi alam ano ang kakaharaping sakuna. Kasama ni Maria Clara ang kanyang mga kaibigan, mga
kababaihan at kalalakihan. Inilahad ni Rizal na sa simula pa lamang naipapakita ang mga kaugalian ng mga tao.
Nasasalamin nito ang pagiging maaliwalas ang mukha ng mga Pilipino sa kabila ng mga pagsubok at kasalatan sa buhay
at iba pang pangangailangan sa buhay na kailangan nilang harapin. Ito ay nagpapatunay sa mga kaugalian na patuloy pa
rin nating dinadala sa anumang pangyayaring magaganap sa ating pang araw-araw na buhay. Lubos ang kanilang
kagalakan. Puno ng kasiyahan. Patungong lawa tila’y iniisip na walang masamang kahahantungan.

Magbubukang-liwayway pa lamang ng nagsigayak na ang kanilang mga kasamahan at ang bawat isa sa kanila ay may
dalang kagamitan tulad ng pagkain. Labis ang kasiyahan na kanilang nadarama, higit masaya ang mga kaibigan ni Maria
Clara sapagkat sila ay maglalakbay patungong lawa kung saan mayroong bangka na nagaabang sa kanilang paglalakbay.
Gaya ng nakasanayan sa ating mga Pilipino naisasalamin ang mga batang galak na umalis sapagkat dito ay
nararamdaman nila ang isang kakaibang pakiramdam na tila’y ang lugar na kanilang pupuntahan ay nagbibigay ng
panibagong emosyon sakanila. Si Tiya Isabel na hindi gusto ang inaasal ng magkakaibigan dahil sa pagiging maingay.
Walang kibo ang naging asal ng mga dalaga na tila ba ay nag aalala na sa kanilang magiging kalagayan sa paglalakbay.
Ipinakita ni Rizal ang mga agwat ng buhay ng mga tao kung ano ng aba ang pag-uugali ng mga nasa mataas na antas sa
mga may mababang antas na mga tao tulad ng mga kasama ni Maria Clara. Ang kanilang kakaibang kasiyahan. Na alam
na pangamba ang kalalagyan. Nawala dahil sa isang paglalakbay. Na tinatago ang isang nakakatakot na baybay.

Matatanaw sa lawa ang dalawang bangka na puno ng mga palamuti na tulad ng kasiyahan na inaasam dito ay nasasalamin
sa atin ang kaugalian kung saan palamuti at mga makukulay na bagay ay palagi nating isinasaalang alang pagkat nandoon
ang isang kaisipan na baka magbago ang tingin sa iyo ng tao kung ikaw ay di maganda ang panglabas na kaanyuan .
Nahati sa dalawa ang kanilang pangkat hiwalay ang mga babae sa lalake. Nang sila ay lumayo sa baybayin unti unti ng
nabalot ng sikat at init ng araw ang kapaligiran. Nagpatuloy sila sa kanilang kasiyahan ngunit ang iba ay wala paring imik.
Nang magsimulang umawit si Maria Clara ng kundiman naging tahimik at mahinahon ang lahat. Si Ibarra ay pawang
binuhusan ng malamig na tubig sa awit ng kaniyang kasintahan. Dito ipinahayag ni Rizal kung gaano magsaya o
magdiwang ang mga Pilipino. Naglahad ng kaugalian si Rizal tulad ng sa bangka na puno ng mga palamuti. Bagamat
malungkot ang awit ni Maria Clara. Dala ng agos sa tahimik na lawa. Nagbadya sa mga tao ang luha. Dito rin maiiwan
ang dalang ala-ala.

Ang piloto o ang sumasagwan ay siyang walang kibo patuloy lamang sa pagsagwan sa bangkang kanilang sinasakyan. Na
parang sinasabi sakanila na, “isa akong bato huwag niyo akong pansinin.” Nakarinig sila ng nakakabinging tunog na
kagagawan ni Albino sya ang binatang nag-aaral ng pagpapari. Si Andeng na siyang magaling magluto ang naatasan sa
pagluluto ng sabaw. Si Leon naman ang naglubog sa panalok subalit natigilan nang may maramdaman sa ilalim ng
bangka. Ang dapat ay isda ang makuha isang buwaya ang kanilang nakita. Naipakita ni Rizal kung gaano kamasayahing
tao ang mga tulad nating Pilipino.
Sa kabila ng mga pagsubok na kanilang nalampasan o naranasan nakakagawa parin sila ng paraan para maging masaya.
Nakakahanap sila ng mga rason para tumawa at maging masaya muli sa kabila ng pagsubok. Nabalot ng pangamba ang
mga kababaihan sa bangka dahil sa isang buwaya. Sila ay namgamba na magkaroon ng sakuna. Na parang kalamidad
nawawalan sila ng saya.

Isa sa mga bangkero na magaling humuli ang kumuha ng lubid at tumalon sa tubig para itali ang buwaya. Sa ilalim ng
lawa naglabanan ang bangkero at ang buwaya. Pagtapos ng paggalaw umahon ang piloto kasama ang buwaya kinaladkad
ng buwaya ang piloto pabalik sa tubig. Kinalaunan ay si Ibarra ang nagligtas sa piloto. Pagtapos ng nangyari nagtuloy sila
sa kanilang kasiyahan at masaya sila na nananghalian sa tabi ng batisan. Sa kabila ng pagmamalupit o pang-aalipusta ng
isang taong mataas ang antas sa mga mahihirap, hindi ito dahilan upang hindi sila tumulong sa mga ito lalo na kung
nangangailangan ng tulong. Tulad ng ginawa ng bangkero sa mga kababaihan na kumutya sa kanya. Pinili niya parin na
tumulong sa kabila ng masamang pag-uugali ang ipinakita ng mga ito sa kaniya. Sa bawat daan ng paglalakbay.
Intensyon nag iiba ng baybay. Parang agos na sumasabay. Isang kabutihan ang sumisilay.

Sa pagtatapos ng repleksyon na ito nais ko lang iparating na huwag maging mapanghusga sa ating kapwa marahil sa huli
sila pa ang magliligtas sa ating buhay. Tulad nalamang ng ginawa ng bangkero sa mga kababaihan na nagmaliit sa kaniya.
Palaging maging handa sa mga darating na delubyo, problema o pagsubok sa ating buhay at lakasan ang ating loob sa
bawat pagsubok wag kaagad susuko sa bawat laban sa ating buhay. Harapin ang bawat problema o pagsubok huwag
takbuhan o baliwalain lalo na kung ito ay mabigat na problema. Sa aking pananaw hindi rason ang pagmamalupit ng mga
tao sa iyong sarili para ika’y gumanti sa kanila. Ipamalas mo sa kanila na hindi tama ang kanilang inaasal o ginagawa nila
bilang isang elemento ng paghuhusga.

KABANATA 24
Tila isang malaking tinik ang bumaon sa isipan ng matandang prayle o mas kilala sa istorya bilang Padre Salvi. Dito ay
naipapakita kung ang kanyang dinadala ay saktong bigat lamang sa kaniyang kaloob-looban o parang isang malaking
baton na kay hirap buhatin. Maipapakita na kahit gaano man kalawak ang kayang baybayin ng isang agila. Nandoon parin
ang isang malaking harang na ‘di niya kayang lagpasan gaya ng napasa kay Padre Salvi. Bagama’t sa isipan na isang
kalawakan. Naparoon ang isang malalim na palaisipan Binago ang dapat sana’y masayang hantungan.

Napapaloob rin sa pangyayaring ito na tulad ng mga lalaki sa naunang panahon. Isa sa mga kaugalian dito ay ang
pagpukaw o pagtingin sa mga magagandang dilag na patago habang sila ay nagkakasiyahan bagkus nandito rin ang isang
nakasanayan natin ang pagpawisan dahil sa halong-halong kaba at pangamba na baka mahuli sa ginagawang pagtingin.
Gaya ng nasa istorya mapapansin sa parteng ito kung ano ang kaugalian at nakasanayan ni Padre Salvi sa patago niyang
pagtingin sa mga dilag na sina Maria Clara, Sinang at Victoria. Ngunit sa parteng ito hindi matutukoy kung ano ninanais o
intensyon ni Padre Salvi sa mga dilag bagkus sa aking sariling opinyon, mayroon siyang lihim na pagtingin sa isa sa mga
dilag na kaniyang pinagmasdan. Itago sa puno ang kakaibang estilo. Tahamik parang kwago. Ikaw, prayle mga mata’y
parang lobo.

Ngunit sa isang banda naparoon ang salu-salo naipapakita kung gaano kaimportante ang karangyaan noon dahil ito ang
magiging sukatan mo bilang isang tao. Kung ika’y mahirap ika’y ipinagwawalang-bahala ngunit kung ika’y mayaman
kung sambahin ng iba parang Diyos na kaya ang lahat. Napaloob rin sa salu-salong iyon ang isang prayle na sinasabi
nilang nabugbog sa ‘di malamang dahilan. Na kung iisipin mo ng maiigi mapapatanong ka sa sarili, “Bakit ano kaniyang
ginawa?” Isang salarin ang nabanggit ngunit lahat ng kaniyang kasalanan ay nabunyag. Sa aking sariling opinyon ng
matapos ‘di sundan ni Padre Salvi ang mga dilag at nagtungo na lamang sa salu-salo kasama ang iilan sa mga opisyales.
Naiipakita rito ag estado sa buhay ay importante dahil kung gaano man kalawak ang iyong karangyaan doon ay
maipapakita kung gaano karami ang mga taong rumerespeto sa iyo. Karangyaan noon parang isang kalayaan. Sukatan sa
estado ang kayamanan. Nasa iyo saan mo ito pag gagamitan.

Subalit sa karangyaan, otomatikong nasasabi ng mga tao ngayon kung gaano kasama ang kanilang ugali. Ngunit mayroon
rin na kabutihan ang nanaig sa kanilang isipan kagaya ni Ibarra na agad tinulungan ang ina na si Sisa. ‘Namumutla, payat,
at may marusing na pananamit,’ mga katagang ginamit sa kalagayan ni Sisa, ang dakilang ina na nawalan ng mga supling
sa buhay. Dito ay maaring makita na ‘di lahat ng may karangyaan ay pang habang-buhay na puno ng kasiglahan maari
magbago sa iba’t ibang paraan. Sa ikot ng gulong. Tadhana ay naiiba ang sulong. Minsa’y sa negatibong pag-urong.
Parang nilalaro lamang ng prayle ang buhay ng mga taong naglilingkod sa kaniya. Sa aking sariling opinyon naipakita rito
na kahit gaano man kalaki ang respeto mo sa isang tao ngunit ikaw ‘di niya pinapahalagahan wala itong silbe o maari
sadyang makasarili lamang ang taong iyon. Karangyaan ang sukatan sa estado. Kasiyahan ang sukatan sa positibo. Wala
rin ito kung ugali mo ay negatibo.
Sa isang salu-salo ‘di maaring mawala ang mga nagkakasiyahan o mga taong naghahanap ng sariling libangan katulad ng
ahedres, baraha, at gulong ng kapalaran. Sa ahedres Kapitang Ahedres at Ibarra ang maasahan, gulong ng kapalaran ay sa
mga kababihan at sa mga iba baraha naman. Makikita na sa parteng ito ng kwento mas binibigyang buhay ang mga
karakter ng istorya. Parang gulong ng kapalaran hindi natin matutukoy kung ang tumamang kulay ay maaring katotohanan
o pawang kasinungalingan lamang. Nasa iyo kung paano dadaloy ang sariling buhay na ikaw ang gagawa ng sarili mong
kapalaran, Gaya ng nasa istorya sa paglaro nila ay naipakita ang totoong kulay ng damdamin ni Maria Clara para kay
Ibarra na siyang mas nagpapakita ang totoong intension para sa isa’t isa. Napapaloob rin dito ang ga ugali ng mga taong
may malaking ambag sa pagbuo sa parteng ito. Kung ang tao’y ‘di buo. Nangangailan lamang ng kakaibang eksena at
tagpo. Upang sariling saysay ng buhay ay maging kwento.

Nang dumating ang mga guwardyang sibil o sarhento doon ay nahinto ang kasiyahan. Doon nakita ang motibo ng mga
guwardya ng itanong nila kung nasaan ang salaring si Elias. Maari’y ‘di natin alam kung sinabi paukol kay Elias ay
katotohanan o kuro-kuro lamang ngunit sa intensyon at motibo masasabi kong si Elias ang siyang nag bugbog sa
matandang prayle o mas kilala sa pangalang Padre Damaso na kilala ng nakakarami sa kwento. Gaya ni Ibarra na
naguluhan sa nangyayari nanaig parin sa kaniya ang kuryosidad kaya’t siyang nagtanong ukol dito. Ngunit sa huli ang
kaniyang dignidad ang kaniyang sinundan. Sa aking opinyon mas may mahalaga kay Ibarra ang kaniyang dignidad at
patuloy niya itong daldalhin saan man siya maparoon. Maari tayo rin ay gawin ito, ipaglaban ang kuryosidad kung alam
mo na ito ay tama at huwag ipagsabi ang sariling mga impormasyon bagkus ito ay pribado at sarili lamang ang
nakakaalam. Kuryosidad ay ipaglaban. Dignidad ay pangalagahan. Ikakabuti ng sariling karapatan.

Bilang panghuli sa aking repleksiyon, aking opinyon inyong basahin. Kaugalian at kasanayan ay ‘di nalalayo sa isa’t isa
mayroon lamang silang iisang mithiin subalit kung ito ay mamasamain ito ay may katumbas na ‘di parehas na parusa. Sa
parting ito ng kwento naipakita sakin ang iba pang kulay sa buhay ng mga karakter sa istorya. Dito ay naipakita na may
mas malalim pa silang kaugnayan sa isa’t isa at maari mo pa itong malaman sa kahuhulian ng aklat.

KABANATA 25

Sa halamanang pook, doon ay sinadya ng binata ang pilosopo. Sa larangan ng heroglipiko doon ay lamang nakikilala ang
pilosopo na si Tasyo. Binaybay ng kaniyang panulat ang kasaysayan ng kuwento. Ninanais ng kaniyang kakayahan ang
ilagay ang hangarin sa mga sulat na ito upang ang mga tao na patuloy na dinadala ang kinabukasan ay mamulat sa kung
ano ang nangyari noon. Bilang aking opinyon sa parteng ito naisasalaysay na kahit sino man ay walang karapatan na
baguhin kung ano man nangyayari noon gaya ng patuloy na pinapatupad ni Pilosopong Tasyo, pawang isang batas na
doon sa mga sulat ay napaparoon ang mga katotohanan sa mata, isip at puso ni Tasyo. Sa mga salita’y ginagawang
sulatan. Siya’y dakila sa katotohanan. Na kaniya namang pinaglilikuran.

Doon sa oras na iyon ay mga lihim na galaw ay nabunyag, si Paraluman ng Guwardiya Sibil ay umakto ng walang saysay.
Sino ba naman ang matinong tao na sisirain ang kasiyahan dahil lamang sa walang katotohanang paratang sa taong
bumugbog kay Padre Damaso? Masasabi ko na iba ang taong may karangyaan dahil nakukuha nila ang mga kagustuhan
nila kahit nakakaapekto na sila sa mga taong inosente. Sa loob ng kasiyahan. Nandoon ang lihim ng Paraluman. Na
sinira ang dapat masayang kahahantungan.
Sa iba’t ibang anggulo mang tignan ay mahirap ang ninanais ng binata sa sinabi niya kay Pilosopong Tasyo. Maraming
mga kalagayan ang dapat isaalang alang, mga tagpo na dapat magawa ng mabuti ng binata at mga kasanayan na dapat
nasa tamang anggulo. Dahil ang pagwika ni Tasyo sa mga katagang, “ Para sa kanila ang matalino ay ang kapitan kahit na
ito ay walang pinag-aralan at tanging nagagawa alamang ay magdulot ng tsokolate at magtiis sa kabugnutan ni Padre
Damaso, ngayon siya ay mayaman na. Samantalang akong nagmana ng kayamanan, nakapag-aral, at may pagmamalasakit
sa kapwa ay naghihirap.” Sa madaling salita ang mga salitang sinabi ng pilosopo ay nasa estado ng karangyaan ang
magdedesisyon sa ninanais ng binata o sino man ang mayroong mataas na hangarin katulad ng kay Ibarra. Sa estado
nandoon ang desisyon. Abutin man ng oras, araw at taon. Kung ‘di ka suwerte ay nasa iyo ang diskriminasyon.

Sa lahat ng paghihirapan ni Ibarra ay masasabi ko na wala itong saysay kung ito ay mananatili lamang itong ganoon kung
sa isang kumpas ng prayle unti-unti itong mawawasak at sa huli masisira. Parang ang kanilang bayan na wala pang
hinaing sa pamumuhay at masagana na nais planuhin ni Ibarra ay mawawala bagkus sa lahat ng desisyong
pangpamahalaan na hawak ng kura ang siyang masusunod. Sa aking opinyon sa parteng ito: masasabi ko na ito ay parang
patuloy parin nakahawla ang mga tao sa kamay ng kura. Hindi mo mababago ang isang bagay hanggat wala pa itong
katibayan na nakita ng kura. Sa madaling salita hawak ng kura ang iyong leeg hanggang sa ika’y masakal sa kaniyang ‘di
mabuting ng pagdedesisyon. Sa lahat ng bagay mabuti o masama. Hanggat wala ang hatol ng kura. Patuloy lang itong
walang kwenta.

Sa lahat ng nadama ni Ibarra, dala-dala parin ang hinagpis sa nangyari sa kaniyang mga magulang. Sa ‘di patas na
kalagayan ang naging hatol sa kaniyang kalagayan. Para sakin ay tama naman ang kaniyang mga pinaglalaban ngunit
dahil sa mg taong mataas ang sarili sa sarili nawawalan sila ng dangal bilang pinuno. Hindi patas na pagtingin sa mga tao
ang nanaig sa parteng ‘to ng kuwento. Maipapakita rito kung paano ang nadama ni Pilisopong Tasyo sa naranasan ng
kaniyang mga makatotohanang mga mata. “Para sa bayan,” tatlong salita ngunit ito ang aking naisip sa mga layunin ni
Ibarra, mawala ang ‘di pantay na pagtingin o mawala ang ‘di maayos pagtingin ng kura sa estado na siyang maaring
magdala sa ‘di maayos na pamumuhay sa bayan. Nandito rin ang kosepto sa relihiyon na kung ano man ang tamang
landas na dapat sundin. Si Ibarra na siyang masasabi kong kakaiba ang layunin at kayang ibuwis ang sariling mga salapi at
kakayahan para lamang sa kaniyang mga layunin na ‘di tiyak na pati si Pilosopong Tasyo napapaisip kung ito ba ay
epektibo o hindi. Dahil sa iba’t ibang antas. Pati kalagayan ay naiiba ang patas. Unting-unti masisira at ang mg taong-
bayan ay lumuluwas.

Sa lahat ng layunin ni Ibarra nanaig parin ang para kay Maria Clara. Nandito ang kaugalian na dapat ipakita mo sa iyong
iniirog hanggang saan mo kakayanin ang iyong mga kakayahan. Subalit nandito rin ang isang pamamaraan na ang
paghahanap ng ‘di kasing hirap ng pagpasok sinulid sa karayom. Sa isang panukala niyang sa bayan ay nagbago ang lahat
ng kalagayan, mula sa ‘di patas na kura at mga iba pang bagay. Inihambing ng pilosopo si Ibarra sa isang oras. Kung
siya’y ‘di makakanahap ng paraan para sa sariling hangarin ay katulad ng rosas ay maari itong matuyo at sa huli’y maging
isang walang saysay na bagay. Maghintay sa tamang pagplaplano, ito ang masasabing kong pinakamadaling paraan na
naipakita ng pilosopo kay Ibarra. Walang sayang kung ito ang kaniyang gagamit sapagkat nandoon ang lahat ng masasabi
kong mga sangkap tungo sa isang desisyong wais at tama. Para sa akin ang dapat gawin ni Ibarra ay ipagatapat ang dapat
sabihin ng matiwasay at nasa tamang panig. Bagkus kung ito ay kaniyang suwayin maari masira ang lahat ng kaniyang
maayos na pagplaplano. Lahat ng bagay kung matiwasay. Daig pa ang taong marangal sa pagdedesisyong may saysay.
Hindi lamang siya ang masasakop, kundi ang lahat ay madadamay.

Sa aking panghuling salita masasabi ko na sa kabuuan ng parteng ito ay ito ay puno ng opinyon ng dalawang karakter sa
istorya. Umiikot lamang ito sa politika at opinyon ng mga tao na nasa mababang antas ng buhay. Katulad ng kay Ibarra na
pilit isinasangguni ang kaniyang kahilingin sa Pilosopo na si Tasyo. Katulad rin kung ano ang nangyari sa mga marangya
at dukha na nagiging malaking sangkap sa kabuuan ng kwento. Maraming aral ang mapupulot sa parteng ito katulad ng
kung ikaw ay may kakayahang tumulong ay gagawa ka ng paraan upang ito ay maging makatotohanan. Wala ito sa antas
ng buhay ngunit nandoon ito sa pagmamalasakit mo sa mga taong puno ng tiwala sa iyo.

You might also like