You are on page 1of 8

Padre Salvi

SHAYNE CHINNYRETH G. GALO | ARC 41 | RIZAL


Padre Salvi

• Bernardo Salvi
• Pransiskanong prayle
• Payat, maputla, tahimik, at mukhang sakitin
• Lumabas sa mahigit na 18 kabanata sa Noli Me Tangere
• Lumabas sa mahigit na 13 kabanata sa El Filibusterismo
• Isang tuso, mapagpanggap at may pagnanasa kay Maria
Clara
Nung araw ng mga patay, dito napag-alaman ni Ibarra mula
sa sepulturero ang nangyari sa kanyang ama. Kaya naman ng
makasalubong nya si Padre Salvi ay tinanong nya kung bakit PADRE
iyon nagawa sa kaniyang ama. Natakot siya at sinabi na si SALVI
Padre Damaso ang siyang salarin. Di kalaunan sa mga
kabanata, si Padre Salvi, kasama ng mga sakristang mayor ay
nanakit at namintang sa isang kaawa- awang batang si Crispin,
na anak ni Sisa. Sa kabanata 22, naimbitahan ni Ibarra si Padre
Salvi sa isang piknik, na siya namang tinanggap bilang
pagpapakita ng magandang katapatan. Sa kabanata 24, dito ay
nag - misa na si Padre Salvi. Pero bago makapunta sa piknik,
sinilipan muna nito si Maria Clara at ang mga kaibigan niya na
naliligo sa ilog. Dito rin nagtalo sila ni Don Filipo may
kinalaman sa mga nawawalang anak ni Sisa.
Si Padre Salvi ang siyang nagbasbas ng natapos na ni Ibarra
ang kaniyang paaralan sa San Diego. Pero lingid sa kanilang
kaalaman na isa siya sa mga nagbantang ipapatay si Ibarra. Agad
naman itong nasabihan ni Elias tungkol sa plano. At sa PADRE
katapusan, ang taong dilaw na may hawak ng lubid para sa SALVI
seremonya ng paghuhulog ng bato ang siyang namatay.
Pagkaraan ng ilang araw, si Ibarra ay nahatulan bilang
ekskomunikado ni Padre Damaso. Sina Padre Salvi, Maria Clara,
mga kaibigan niya at si Don Filipo ay nanood ng dula-dulaan.
Dumating si Ibarra at gustong kausapin ang kapitan heneral,
pero pinagbawalan ito ni Padre Salvi sa pamamagitan ni Don
Filipo. Pagkatapos, pinuntahan siya ng kapatid ng Taong dilaw na
namatay sa seremonya, pero pinaalis niya ito sa kaartehan nito.
At dito naman nakapagplano siya kung paano pabagsakin si
Crisostomo Ibarra sa pamamagitan ng pagmamanipula sa mga
tao. Kaya nag-organisa siya ng isang bayolenteng rebelyon sa
mga guwardiya sibil at pinagbintangan si Ibarra bilang pinuno.
Nang maisagawa niya na ang kaniyang plano, nagpanggap
siyang siya mismo ang nakaalam na may magaganap na pag
atake at sinabihan ang mga Alferez na siyang naging dahilan
para siya ay maging hero. Nagkaroon nga ng pag-atake sa mga PADRE
kwartel at kumbento na siyang dahilan ng pagkakulong ni Ibarra SALVI
at hinatulan ng kamatayan habang hinahabol ng mga guwardiya
sibil. Sa huling kabanata, habang hinihintay ni Padre Salvi ang
pagiging Obispo, ay pansamantala naman siyang nanungkulan
sa kumbento ng Sta. Clara na siyang pinasukan din ni Maria
Clara. Siya ay umalis na sa San Diego at nanirahan na sa
Maynila. Pagkaraan ng labing-tatlong taon sa El Filibusterismo
ay nagpatuloy si Padre Salvi sa pagiging parte ng mga kilalang
tao sa bansa. Isa na siyang Obispo. Kumpara sa Noli, si Padre
Salvi sa El Filibusterismo ay isa ng matatakutin at konserbatibo,
pero kahit na mukha siyang madaling maloko, mahilig pa din
siyang magmanipula ng tao.
At habang nanonood siya ng Sphinx kay Mr. Leeds’ ay
kinabahan siya kasi ang kwento ng Sphinx ay katulad na katulad
sa istorya ni Ibarra. Ito daw ay umuwi sa sariling bayan PADRE
pagkatapos ng pag-aaral at mahabang paglalakbay, umibig ito, SALVI
napagbintangan, tumakas, napatay at nabuhay muli upang
ihayag ang mga kataksilan. At dahil sa matinding takot nito ay
nagpanic pagkatapos siyang pagbintangan na siyang pumatay sa
Sphinx at nahimatay siya. Pagkatapos naalarma din si Padre
Salvi sa sulat kamay na sulat na nakita ng isang bisita sa loob ng
lampara na siyang ibinigay naman ni Simoun sa wedding
reception nina Juanito Pelaez at Paulita Gomez. Nakilala niya
ito bilang sulat ni Ibarra. Nataranta siya, kaya nataranta na din
ang lahat ng mga bisita.
Padre Salvi

Ang dahilan kung bakit kontrabida ang karakter niya at kung


bakit siya ang ginawang masama ni Jose Rizal sa “Noli me Tangere”
ay dahil gustong ipakita ni Jose Rizal na hindi lahat ng mga Espanyol o
ang mga Padre, noong panahon nila, ay mababait at ay maka-Diyos.
Ang dahilan na Padre at Espanyol ang naging kontrabida ng kwento
ay dahil gusto ni Rizal na mapakita sa mga Pilipino ang mga ginagawa
at ang mga karakter ng Espanyol. Ito rin ay mapapatunayan sa
kwento noong ang mga Padre ay pinipilitan ang mga tao na pumunta
sa simbahan at sa mga sermon at ay bumayad ng mga donasyon para
sa simbahan at ay tinatakot ang mga Pilipino na sila ay hindi
mamahalin ng Diyos kapag sila ay hindi pumayag. Sinasabi nito na
ang mga Pilipino, sa totoo, ay hindi natatakot sa Diyos pero sa mga
Espanyol lamang dahil sa kanilang kapangyarihan.
Padre Salvi

Sa kasalakuyan, kahit na ang mga Espanyol ay naging


matagumpay sa pagsasampalatya sa mga Pilipino na maging Katoliko,
maraming mga pari ay wala nang mga kasalanan na ginagawa, hindi
katulad ng panahon ng mga Espanyol noong ang mga pari ay naging
dungisan at ay kinakatakutan ng mga tao. Ngayon, ang mga pari at
ang simbahan ay nirerespeto na ng mga tao at ay sinusundan ang
mga utos ng Diyos.

You might also like