You are on page 1of 6

BUOD NG NOLI ME TANGERE Isang masaganang hapunan ang inihandog ni Kapitan Tiago bilang parangal kay Juan Crisostomo

Ibarra, anak ng kanyang kaibigang si Don Rafael Ibarra na noo y patay na. Si Crisostomo Ibarra asy bagong dating sa Europa na pinamalagian n iya nang kung ilang taon. Maraming nagging panauhin si Kapitan Tiago. Naroon ang Pransiskanong si Padre Damaso na matagal na nagging kura sa San Diego, baying sinilangan ni Ibarra. Naroon din ang Dominikong si Padre Sibyla na kura sa Binondo; ang mabait na Tenyente ng Guwardiya Sibil na si Seor Guevarra, ang plasipikadong medico na si Don Tiburcio de Espadaa at ang asawa nitong si Donya Victorina at marami pang iba. Ipinakilala sa kanila si Ibarra, datapuwa t nang ipakilala siya kay Padre Damaso, ang binata y pinagmasdan lamang sa ulo hanggang paa at hindi inabot ang kamay niyon. Hindi pinansin ni Ibarra ang paghamak na iyon ng kura; lumapit na lamang siya sa ibang mga panauhin at nakipagsalitaan sa kanila. Sa pagkakaina y may nangyaring hindi sukat akalain. Nang iligid ang soperang may lamang tinolang manok, ang napunta kay Ibarra ay mga bahaging malaman at ang naiwan kay Padre Damaso ay ang leeg at isang matigas na pakpak. Hindi ikinatuwa iyon ng kura. Habang kumakain ang lahat, ang nagging paksa ng salitaa y ang paglkalakbay-dagat ng binate upang mag-aral. Niwalang-halaga ni Padre Damaso ang kanyang mga natutuhan at sayang daw lamang ang salaping ginugol. Pinarang walang anuman ni Ibarra ang sinabi ng kura sa San Diego, si Padre Damaso, kaya ang palagay niya kay Ibarra ay bata pa rin itong katulad ng dati. Hindi Nagtagal si Ibarra sa pagtitipong iyon. Pagkatapos ng hapuna y nagpaalam siya sa lahat upang makapaghanda siya ng mga kailangan niya sa pag-uwi niya sa San Diego kinabukasan. Sa daang patungo sa kanyang otel ay tinawag siya t kinausap ni Tenyente Guevarra na noon pala y nanaog na rin. Dito niya nabatid ang isang bahagi ng kasaysayan ng pagkamatay ng kanyang ama. Ang ama raw niya y naglalakad isang araw nang Makita ang isang batang hinagis ng baston ng isang dating kawal na nagging tagapaningil ng buwis. Ang taong iyon ay hindi man lamang marunong bumasa, kaya t malimit na nagiging hantungan ng panunudyo ng mga bata. Ipinagsanggalang ni Don Rafael ang bata, at nang mag-abot sila ng tagapaningil ito y pinalo niya ng baston. Iyan ang sabi ng iba, nguni t anang iba nama y itinulak lamang. Sa paano t paano man, ang tagapaningil ay sumuraysuray at nabuwal, at ang ulo niya y tumama sa isang bato. Ang tagapaningil ay namatay, at si Don Rafael ay dinakip at nabilanggo. Ang pangyayaring kiyo ay nagpalubha sa alitan nila ni Padre Damaso, na ang dati y kasundo niya. Naglitaw-litaw na sa kabi-kabila ang mga lihim na kaaway ni Don Rafael. Sari-saring bintang ang iniukol nila sa kanya. Si Don Rafael ay namatay sa loob ng bilangguan. Nang una y sa libingang Katoliko siya inilibing, Nguni t dahil sa siya;y bihi-bhirang magsimba, ang palagay sa kanya y isang erehe at dahil doo y hindi siya karapat-dapat malibing sa lupang banal. Gayon na lamang ang poot ni Ibarra. Niyari niya sa sarili na lubusang alamin ang lahat tungkol sa nangyari sa kanyang ama. Malalambing na sumbatan ang namagitan kina Maria Clara at Ibarra nang itong huli ay dumalaw kinabukasan. Inalihan ng pagmamakata si Ibarra nang itanong sa kanya ni Maria kung siya y hindi niya nalimot sa kanyang mga paglalakbaysa magagandang pook sa Europa at pakikihalubilo sa naggagandahang mga dalaga.

Malilimot ba kita? ang sagot niyang ksabay ng isang masuyong titig sa mga mata ng kausap. Diyata t ako y magkukulang sa isang sumpa, sa isang banal na sumpa? Natatandaan mo pa ba ang gabing iyon, ang maunos na gabing iyon nang ako y lapitan mo, nang makita mo akong tumatangis sa tabi ng bangkay ng aking ina? Noo y ipinatong mo sa aking balikat ang iyong kamay, iyang kamay na ni ayaw mong masaling man lamang ng mga nagdaang araw? Noo y sinabi mo sa akin, Nawalan ka ng ina, ngunit ako y di nagkaroon ng isang ina kailan man. Nang dumating siya sa San Diego, ang una niyang hinanap ay ang sepulturero. Ito ang nagsabi sa kanyana ang bangkay ng ama niya y ipinahukay ni Padre Damaso at ipinalipat sa libingan ng mga Intsik. Dahil sa sama ng panahon at sa bigat ng bangkay, ito y inihagis na lamang sa lawa. Isang mabigat na saklot sa balikat ang isinalubong ni Ibarra kay Padre Salvi nang ito y masalubong niya nang papalabas na siya ng libingan, Ano ng ginawa mo sa bangkay ng aking ama? ang kanyang marahas na tanong. Si Padre Salvi y nagpaliwanag. Hindi siya, kundi ang hinalinhan niyang si Padre Damaso, ang nagpahukay sa bangkay ni Don Rafael. May kakaibang tao na nakatagpo siya sa San Diego. Isang guro ang kanyang nakilala roon, na ang daing sa kanya ay gayon na lamang. Mahirap daw magturo sa Pilipinas. Ang silid-aralan ng kanyang mga tinuturuan ay isang bahagi ng silong kumbento, malapit sa karwahe ng kura. Ang mga bata y halos walang damit sa katawan kaya t nanghihinayang pumasok sa paaralan. Wala silang kasigla-sigla sa pag-aaral. Hindi niya mabago ang paraan ng pagtuturo. Nakasisira ng loo bang pakikitungo sa kanya ng kura. At ang konseho Munisipal ang panahong ipinagpupulong nito y nauubos lamng sa pag-uusap tungkol sa mga bagay na walang kapararakan. Hindi nila hinaharap ang mga tunay na suliraning kung malulunasan ay makabubuti sa bayan. Ang isa pang nakatagpo niya ay si Don Anastacio na may mga kaisipang hindi abot ng kanyang mga kapanahon. Pilosopo Tasyo ang pauyam na tawag sa kanya. Si Maria Clara, kasama ang kanyang Tiya Isabel, ay nasa San Diego dahil sa nalalapit na pista ng bayan. Isang piknik ang iginayak ni Ibarra. Madilim pa ang umaga ng araw ng piknik, sina Maria Clara, Tiya Isabel, Victoria, Andeng , Albino, Ibarra, at iba pa ay nagsilakad nang may mga dalang sulo. Tinalunton nila ang loob ng gubat patungong sapa. Bahagi ng kanilang iskursiyong iyon ay ang pangingisda. Sa gitna ng kanilang pagkakatuwaan ay hiniling nila kay Maria Clara na ito y umawit. Siya y nagpaunlak naman. Ang nangagpipiknik ay nakapananghali na at nagayo y nangaglalaro naman. Isang libangang akalat na may pamagat na Ang Gulong ng Palad ang kanilang ginagamit sa pagpapahulaan. Nang ito y Makita ni Padre Salvi, Ang aklat ay kanyang inagaw at ang mga daho y pinagpunit-punit. Pagkatapos ay tumalikod at lumakad na patungo sa bayan. Ang naging kaibigan ni Ibarra na si Elias ay may kawili-wiling kasaysayan. Ang nuno niyang lalaki ay kawani sa isang bahay-kalakal sa Maynila na pag-aari ng isang komersiyanteng Kastila. Siya ang tenedor de libros doon. Noo y batabg-bata pa ang kanyang nuno, may asawa at may isang anak na lalaki. Nang masunog ang bodega ng komersiyanteng iyon, ang nuno ni Elias ang pinagbintangang siyang sumunog, nguni t hindi naman. Ang lalaki ay binugbog sa harap ng madla at halos patay na nang iwan. Nang una y nagpalimos at nanghingi ng tulong ang kanyang asawa upang sila y mabuhay, hanggang sa naging isang patutot. Nagsilang siya sa maliwanag ng isang sanaggol na lalaki, na kanyang pangalawang anak. Nang mamatay ang kanyang asawa, siya y namundok, kasama ang dalawang anak na lalaki. Ang matanda sa dalawa y naging isang kilabot na tulisan nang lumaki, at nakilala sa tawag na Balat. Nadakip siya ng mga Kastila at pinapugutan ng ulo. Sa kabilang dako, ang batang kapatid ay maawain at nagging katiwala sa bahay ng isang mayamang propyetaryo sa Tayabas. Ito y may isang anak na dalaga na kanyang napusuan. Nagalit ang propyetaryo sa gayong kapangahasan, kaya t nagsiyasat na mabuti tungkol sa kasaysayan ng kanyang pagkatao. Natuklasan ang buong katotohanan at siya y nabilanggo.

Samantala, ang kanyang kasintahan ay nanganak ng kambal, isang lalaki (si Elias) at isang babae. Ang mga ito y pinalaki ng kanilang nuno na parang maga anak-mayaman, datapuwa t inilihim sa kanila ang istorya ng kanilang buhay. Binigyan sila ng mabuting edukasyon: Pinapag-aral silang dalawa sa mga tanyag na paaralan: Si Elias ay sa Ateneo Muniisipal at ang babae y sa Colegia de la Concordia. Di nagluwat at nagkaroon ng isang malubhang alitan tungkol sa kuwalta ng pamilya. Isang malayong kamag-anak ang para lamang makapaghiganti y nagbunyag ng kanilang lihim. Isang matandang utusang lalaki na malimit nilang tatruhin nang hindi mabuti, ang nagtapat na di umano y siya ang kanilang tunay na ama. Siya raw ay nabilanggo at nang makalabas ay pumasok na utusan sa bahay ng propyetaryong taga-Tayabas. Umalis sa Tayabas si Elias at ang kapatid na babae upang maikubli ang kanilang kahihiyan. Isang araw ay nawala na lamang at sukat ang kanyan g kapatid na babae. Hinanap siya ni Elias sa lahat ng sulok, nguni t walang nangyari. Makalipas ang ilang araw, isang bangkay ng batang babae, na tumutugon sa kiyas at gulang ng nawawalang kapatid ang nakita sa dalampasigan ng San Diego. Si Elias ay nagging isang lagalag, nagpalipat-lipat sa mga lalawigan hanggang sa makatagpo niya si Crisostomo Ibarra. Patuloy na nangagkatuwa ang mga naiwan nang dumating ang ilang kawal ng Guwardiya Sibil na si Elias ang hanap. Ngunit wala na si Elias. Nakipagkita si Ibarra kay Pilosopo Tasio at ibinalita ang pinagtibay na pagtatayo ng isang bahay-paaralan. Alinlangan ang matanda, ngunit ang hindi tiniyak ni Ibarra na iyon ay matutuloy at sa pista ng bayan ay gagawin ang pagbabaon ng batong panulok sa gitna ng malaking pagdiriwang. Sa bayan ng San Diego ay may isang babaing nasiraan ng bait dahil sa pagkawala ng kanyang dalawang anak na lalaki. Ang mga anak niyang ito, na ang mga ngala y Crispin at Basilio, ay mga sakristan sa simbahan. Si Crispin ay pinagbintangang nagnakaw ng salapi sa kura kaya t pinahirapang mabuti ng punong sakristan. Ang isa pang nakaragdag sa kasawian ng naturang babae ay ang pagkakaroon ng isang asawang sugarol at mapagtapon. Ang babaing iyon ay si Sisa. Ang napiling magsermon sa arw ng kapistahan ay si Padre Damaso. Bawa t pangungusap niya y pasaring sa mga may pagkukurong kasalungat ng kanya. Ang lahat ng kasamaang dumarating sa bayan ay bunga, para sa kanya, ng mga makabagong kaisipang nakakalason Samantala, si Ibarra y binigyan ng babala ni Elias na siya y huwag pakalapit sa hukay na paglalagpakan ng batong panulok sa mga sandaling seremonya. Salamat sa babalang iyon at si Ibarra y hindi napahamak. Isang bangketeng pangmadla ang idinaos sa plasa ng bayan kinagabihan noon. Si Padre Damaso y patuloy sa kanyang mapanghamak na pagsasalita na pawing patama kay Ibarra at sa yumao niyang ama. Dinamdam ni Ibarra ang gayong mga padaplis na pag-upasala, kaya t mula sa kanyang kinauupua y nilundag niya ang praile. Ito y lumagpak sa lupa. Hawak ni Ibarra ang isang kutsilyo habang ang isang paa niya y nakatapak sa leeg ni Padre Damaso. Napigil ni Maria Clara ang sana y naging malungkot na wakas ng pari. Dahil sa pangyayaring iyon, ang kasunduang pagapapakasal ni Maria Clara kay Ibarra ay nasira. Ipinag-utos ni Padre Damaso kay Kapitan Tiago na si Maria Clara y hindi kay Ibarra kundi kay Linares ipakasal. Si Linares ay apo ng bayaw ni Padre Damaso. Si Maria Clara y nagkasakit pagkatapos ng bangkete at siya y ginamot ng medikong-huwad na si Tiburcio de Espadaa, ang taluntunang asawa ni Donya Victorina, isang babaing nagpapalagay sa sarili na siya y isang Espanyola at ang tingin sa kapuwa Pilipino ay mababa kaysa kanya. At dahil sa ang asawa niya y isang Doktor , ang ibig niyang itawag sa kanya ay Doktora.

Ang mga kaaway ni Ibarra y bumalangkas sa isang pagsalakay sa Baraka ng mga Guwardiya Sibil, at siya ang pinalabas na may kagagawan. Gaya ng dapat asahan, ang pagsalakay ay nabigo, palibhasa y sadyang ibig lamang magkaroon ng mahigpit na dahilan upang si Ibarra y mapag-usig at madakip. Upang ang mga may kapangyarihan ay walang makuhang mga papel na maaaring gamiting katibayan laban sa kanya, ang bahay niya ay kanyang sinunog, katulong si Elias. Ang iba pang mga bagay na mahalaga sa ay inilagay niya sa isang supot, at sila ni Elias ay umalis, lulan ng isang bangka ng damo. Si ibarra y pinahiga ni Elias ay sa lunas ng Bangka at saka tinabunan ng damo upang hindi mapnsin nino mang makakakita sa kanila. Si Ibarra y nagkaroon ng pagkakataong makausap sandal si Maria Clara. Sinabi niyang si Maria y pinatatawad niya sa pagkakapagbigay ng kanyang mga sulat sa mga maykapangyarihan na naging sanhi ng pagkapahamak niya. Si Maria Clara naman ay nagtapat: ipinagtapat niya kung paanong siya y napilitang ibigay ang mga sulat bilang kapalit ng sulat ng kanyang yumaong ina na natuklasan ni Padre Salvi sa kumbento, sulat na nagtatapat kung sino ang tunay niyang ama. Ang lahat na y ibig niyang mapagtakpan ang karangalan ng ina niya, ang kahihiyan ng itinuring niyang ama. Nagpaalam si Ibarra at muling lumulan sa Bangka. Tinabunan siya uli ng damo at nagpaalulos sila sa Ilog Pasig, patungong Laguna de Bay.Walang ano-ano y sinino sila ng mga Guwardiya Sibil buhat sa pampang. Upang iligaw ang mga kawal, si Elias ay lumundag sa tubig. Pinaputukan siya ng sunod-sunod. May nakitang dugong namaibabaw sa tubig. Kinabukasa y nabalitang si Ibarra y napatay. Dahil sa pagkamatay ni Ibarra, hiniling ni Maria Clara kay Padre Damaso na ipasok siya sa monastery ng Santa Clara. Wala nang halaga sa kanya ang mabuhay ngayong wala na si Ibarra. Si Elias ay nakaligtas, nguni t mahinang-mahina na siya dahil sa tinamong mga sugat. Nakarating siya sa gubat, pook na ibig niyang siyang mag-ingat sa kanyang bangkay. Nakita niya roon ang isang batang lalaki, si Basilio, na tumatangis sa harap ng bangkay ng kanyang ina. Si Sisa y namatay na baliw dahil sa sinapit ng kanyang mga anak. Sapagka t hindi siya matutulungang humukay ng pagbabaunan, sinabi na lamang ni Elias kay Basilio na kumuha ng mga tuyong sangang panggatong at pagkamatay niya y sigan ang kanyang bangkay at ang sa kanyang ina. Itinuro niya

You might also like