Professional Documents
Culture Documents
Crisostomo Ibarra
Binatang nag-aral sa Europa. Nangarap na makapagpatayo ng paaralan upang
matiyak ang magandang kinabukasan ng mga kabataan ng San Diego.
Elias
Piloto at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang kanyang bayan
at mga suliranin nito.
Kapitan Tiyago
Mangangalakal na tiga-Binondo. Ama-amahan ni Maria Clara.
Padre Damaso
Isang kurang Pransiskano na napalipat ng ibang parokya matapos maglingkod
ng matagal na panahon sa San Diego.
Padre Salvi
Kurang pumalit kay Padre Damaso, nagkaroon ng lihim na pagtatangi kay
Maria Clara.
Maria Clara
Mayuming kasintahan ni Crisostomo. Mutya ng San Diego na inihimatong anak
ng kanyang ina na si Dona Pia Alba kay Padre Damaso.
Pilosopo Tasyo
Maalam na matandang tagapayo ng marurunong na mamamayan ng San
Diego.
Sisa
Isang masintahing ina na ang tanging kasalanan ay ang pagkaroroon ng
asawang pabaya at malupit
Basilio at Crispin
Magkapatid na anak ni Sisa. Sakristan at tagatugtog ng kampana sa simbahan
ng San Diego.
Alperes
Matalik na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego.
Donya Victorina
Babaing nagpapanggap na mestisang Kastila kung kaya abut-abot ang
kolorete sa mukha at maling pangangastila.
Donya Consolacion
Napangasawa ng alperes. Dating labandera na may malswang bibig at paguugali.
Don Tiburcio de Espadana
Isang pilay at bungal na Kastilang napadpad sa Pilipinas sa paghahanap ng
magandang kapalaran. Napangasawa ni Donya Victorina.
Linares
Malayong pamgankin ni Don Tiburcio at pinsan ng inaanak ni Padre Damaso
na napili niya para mapangasawa ni Maria Clara.
Don Filipo
Tinyente mayor na mahilig magbasa na Latin. Ama ni Sinang.
Senor Nol Juan
Namahala ng mga gawain sa pagpapatayo ng paaralan .
Lucas
Taong madilaw na gumawa ng kalong ginamit sa di-natuloy na pagpatay kay
Ibarra.
Tarsilo at Bruno
Magkapatid na ang ama ay napatay sa palo ng mga Kastila.
Tiya Isabel
Hipag ni Kapitan Tiago na tumulong sa pagpapalaki kay Maria Clara.
Donya Pia
Masimbahing ina ni Maria Clara na namatay matapos na kaagad na siya'y
maisilang.
Iday, Sinang, Victoria at Andeng
Mga kaibigan ni Maria Clara sa San Diego.
Kapitan-Heneral
Pinakamakapangyarihan sa Pilipinas. Lumakad na maalisan ng pagkaekskomunyon si Ibarra.
Don Rafael Ibarra
Ama ni Crisostomo. Nakainggitan nang labis ni Padre Damaso dahilan sa
yaman kung kaya nataguriang erehe.
Don Saturnino
Nuno ni Crisostomo. Naging dahilan ng kasawian ng nuno ni Elias.
Mang Pablo
Pinuno ng tulisan na ibig tulungan ni Elias.
Kapitan Basilio
Ilan sa mga kapitan ng bayan sa San Diego Kapitan Tinong at Kapitan Valentin.
Tinyente Guevarra
Isang matapat na tinyente ng mga guwardiya sibil na nagsalaysay kay Ibarra
ng tungkol sa kasawiang sinapit ng kanyang ama.
Kapitana Maria
Tanging babaing makabayan na pumapanig sa pagtatanggol ni Ibarra sa alaala
ng ama.
Padre Sibyla
Paring Agustino na lihim na sumusubaybay sa mga kilos ni Ibarra.
Albino
Dating semenarista na nakasama sa piknik sa lawa.
aaral nito sa Europa. Kusang nagpakilala si Ibarra bilang Juan Crisostomo Ibarra
y Magsalin kasabay ng pakikipag-kamay nito, isang kaugaliang natutunan niya
sa bansang Alemanya. Tumanggi naman na makipag-kamay si Padre Damaso at
bagkus ay tinalikuran nito ang binata. Lumapit ang Tinyente kay Ibarra at
nagpasalamat ito sa ligtas niyang pagdating. Pinuri rin nito ang kabaitan ng
kanyang ama, na siyang nagpanatag sa kalooban ng binata. Palihim naman ang
pagsulyap ni Padre Damaso sa Tinyente na tila ba nagbabanta. Dahilan upang
tapusin ng Tinyente ang pakikipag-usap nito kay Ibarra. Nang malapit na ang
hapunan, inanyayahan ni Kapitan Tinong, sa pananghalian kinabukasan si
Ibarra. Si Kapitan Tinong ay malapit na kaibigan ni Kapitan Tiyago at kaibigan din
ng kanyang ama. Magalang na tumanggi ang binata sapagkat patungo siya sa
San Diego sa araw na iyon.
Kabanata 3-"Ang Hapunan"
Nagtungo na ang mga panauhin sa hapag-kainan. Kanya-kanyang kilos at
nararamdaman ang mga panauhin, na kung panonoorin ay maihahalintulad sa
isang komedya. Si Padre Sibyla ay nasisiyahan, kabaligtaran naman ni Padre
Damaso. Ito ay walang pakundangang nagdadabog at nataamaan tuloy ang
isang kadete. Hindi naman ito pinansin ng Tinyente, bagkus ay masusing
pinagmamasdan ang kulot na buhok ni Donya Victorina. Hindi tuloy nito
namalayan na natapakan na niya ang kola ng saya nito, bagay na nakapagpainis sa Donya. Ang ibang bisita naman ay kanya- kanya ng usapan at papuri
sa masarap na handa ng Kapitan. Sapagkat ang hapunang iyon ay pagsalubong
sa pagdating ni Ibarra, karapat-dapat na siya ay maupo sa kabisera.
Pinagtalunan naman ng dalawang Pari kung sino ang dapat maupo sa kabilang
dulo ng kabisera. Ayon kay Padre Damaso, si Padre Sibyla ang dapat maupo
sapagkat siya ang kura sa lugar na iyon. Sinalungat naman ito ni Padre Sybila at
kinatwiran nito na si Padre Damaso ang padre kumpesor ng pamilya ni Kapitan
Tyago. Sa kalaunan, inialok ni Padre Sybila ang upuan sa Tinyente, na
tinanggihan naman ng huli. Inanyayahan naman ni Ibarra si Kapitan Tyago ngunit
magalang itong tumanggi bilang nakaugalian. Nang inihain na ang pagkain, hindi
sinasadyang napunta kay Padre Damaso ang hindi masasarap na bahagi ng
manok; bagkus ay mga leeg at pakpak ang laman ng kanyang tinola. Lalo itong
nag-alburuto sa mga pangyayari. Lingid sa kaalaman ng pari, ang espesyal na
tinola ay para lamang kay Ibarra. Kasabay ng kainan ang mahabang usapan.
Nagbahagi ang binata ng kanyang buhay, tulad ng pag-aaral sa Europa ng pitong
taon, ang pagpunta sa iba't ibang bansa at pag-aaral ng kasaysayan at pagunlad ng mga bansang ito, ang pagsasalita ng ibang wika, ang hindi paglimot sa
kanyang bayan sa kabila ng kaunlarang namasdan sa ibang bansa, at ang ang
hindi pagkaka-alam sa tunay na dahilan sa nangyari sa kanyang ama. Ang bagay
na ito naman ang nagkumpirma sa hinala ng Tinyente na wala ngang alam ang
binata. Binanggit ni Ibarra na sa kanyang mga bansang napuntahan, iisang antas
lamang ang kabuhayan, pulitika at relihiyong tinatamasa ng mga ito sapagkat
pinahihintulutan ito ng sarili nilang kalayaan at kakayanang pamahalaan ang
kanilang sariling bansa. Binatikos naman ito ni Padre Damaso at ininsulto ang
Francisco De Asis, San Antonio Abad, San Miguel, Sto. Domingo, Hesukristo at
ang larawan ng Banal na Mag-anak (Hesus, Maria at Hosep). Sa pagnenegosyo
ni Kapitan Tyago ay nakabili siya ng maraming ari-arian, kabilang na dito ang
pagbili ng lupain sa San Diego. Ito ang naging daan upang makilala nila ang kura
doon na si Padre Damaso at ang pinakamayaman sa bayang iyon na si Don
Rafael Ibarra. Sa kabila ng magandang buhay na tinatamasa ng mag-asawa, sa
loob ng anim na taon ay hindi pa sila nagkaka-anak sa kabila ng walang humpay
nilang pamamanata. Pinayuhan sila ni Padre Damaso na mamanata sila sa
Obando at magsayaw si Pia Alba sa kapistahan ng San Pascual Bailon at Sta.
Clara sa Nuestra Senora De Salambao. Makalipas ang kaunting panahon ay
nagdalantao nga si Pia Alba, (sa panghahalay na rin ni Padre Damaso bagamat
ang katotohanang ito ay nailantad sa kalaunan). Ngunit ang babae ay naging
masasakitin at tuluyang namatay pagkatapos ito ay manganak. Pinangalanang
Maria Clara ang bata at kinalinga ni Tiya Isabel. Binusog din siya ng
pagmamahal nina Kapitan Tyago at mga prayle. Lumaking magkababata sina
Ibarra at Maria Clara, pati na rin ng kanilang mga kaibigan. Ipinasok ng kanyang
ama mula sa udyok ng mga pari si Maria Clara sa kumbento ng Sta Catalina ng
ito ay maging katorse anyos. Pumunta naman si Ibarra sa Europa upang magaral ng pagka-medisina. Si Kapitan Tyago at Don Rafael ay nagkasundong
ipakasal ang dalawa sa takdang panahon, bagay na indi naman tinutulan ng
dalawa sapagkat sila ay nag-iibigan.
Kabanata 7-"Suyuan sa Asotea"
Maaga pa lamang ng araw na iyon ay nakapagsimba na sina Maria at Tiya
Isabel. Pagkatapos mag-almusal ang mag-anak ay nagkanya-kanya na siya ng
gawain. Si Tiya Isabel ay naglinis ng bahay dahil sa mga kalat bunga ng
hapunan ng nakaraang gabi. Nagbuklat naman ng mga kasulatan tungkol sa
kabuhayan si Kapitan Tyago. Si Maria Clara ay nanahi habang kausap din ang
ama upang malibang ang sarili sapagkat ngayon ang araw ng kanilang pagkikita
ni Ibarra, at siya ay hindi mapakali sa pananabik na masilayan ang kanyang
sinisinta. Napagpasyahan na siya ay magbakasyon sa San Diego sapagkat
nalalapit na ang pista doon. Pamaya-maya ay dumating na si Ibarra at hindi
maikakailang nataranta ang dalaga. Pumasok pa ito sa silid at tinulungan naman
siya ni Tiya Isabel na ayusin ang sarili. Lumabas rin ito at nagkita ang dalawa sa
bulwagan. Nagtama ang kanilang paningin at kapwa nagkaroon ng kaligayahan
sa kanilang mga mata. Nagtungo sila sa Asotea upang makapag-sarili at
makaiwas na rin sa alikabok na likha ng pagwawalis ni Tiya Isabel. Masinsinang
nag-usap ang dalawa tungkol sa kanilang nararamdaman, sa kanilang mga
sinumpaan sa isa't-isa, sa kanilang kamusmusan, sa kanilang naging tampuhan
at mabilis na pagbabati. Kapwa itinago ng dalawa ang mga ala-ala at bagay na
ibinigay nila sa isa't-isa: ang dahon ng sambong na inilagay ni Maria Clara sa
sumbrero ni Ibarra upang hindi ito mainitan, at ang sulat ni Ibarra kay Maria bago
ito tumulak papuntang Europa. Binasa ito ni Maria Clara sa katipan. Kabilang sa
sulat ang layunin ni Don Rafael na pag-aralin si Ibarra sa malayong lugar upang
makapaglingkod ng mataas na kalidad sa bayang sinilangan. Handa rin itong
Padre Damaso.
Kabanata 14-"Si Tasyo, ang Baliw o ang Pilosopo"
Nang araw na iyon ay dumalaw din sa libingan si Pilosopo Tasyo upang hanapin
ang puntod ng kanyang asawa. Si Don Anastacio ay kilala sa bansag na
Pilosopo Tasyo, kilala ng lahat ng tao sa San Diego sa kakaiba nitong
personalidad. Lagi itong laman ng lansangan at lakad ng lakad. Marami rin itong
sinasabing pananaw tungkol sa pulitika at lipunan, bagay na hindi nauunawaan
ng karamihan kayat tinawag nila itong baliw. Matalino ang matanda at
matalinghaga kung manalita. Galing siya sa isang mayamang pamilya at nagaral ito sa unibersidad ng San Jose. Pinahinto ito ng kanyang ina sa pag-aaral sa
paniniwalang ang katalinuhan nito ang magiging dahilan upang makalimutan ang
Diyos. Minarapat din ng kanyang ina na mag-pari na lamang ang binata, bagay
ni sinuway naman ng Pilosopo at bagkus ay nag-asawa na lamang. Pagkalipas
ng isang taon ay nabiyudo ang Pilosopo at sa halip na mag-asawang muli ay
inilaan na lamang sa pagbabasa ng mga aklat hanggang sa mapabayaan na nito
ang minanang kabuhayan mula sa kanyang ina. Kapansin pansin ang kakaibang
kasiyahan sa mukha ni Pilosopo Tasyo sa kabila ng papadating na unos at
pagguhit ng matatalim na kidlat sa kalangitan. Matalinghaga rin ang kanyang
sagot sa mga taong nagtataka sa kanyang reaksyon, na ang bayo ang siyang
lilipol sa mga tao at hangad niya ang pagkakaroon ng delubyo na siyang lilinis sa
sanlibutan. Suhestyon din niya sa kapitan ang pagbili ng tagahuli ng kidlat imbes
na mga paputok at kwitis. Hindi rin nito sinang-ayunan ang pagpapatugtog ng
mga batingaw sapagkat mapanganib ito kapag kumukulog. Pinagtawanan
naman siya ng bawat makarinig. Tumuloy naman ang Pilosopo sa simbahan at
doon ay naabutan niya ang dalawang bata at sinabihan niya ito na kung maari ay
umuwi sila sa kanilang ina dahil ang huli ay naghanda ng isang espesyal na
hapunan. Bagay na bagamat natuwa ang mga bata ay tumanggi ang mga ito
dahil na rin sa tungkulin sa simbahan. Patuloy na naglakad lakad si Tasyo
hanggang sa makarating sa bahay ni Don Filipo at Aling Doray. Napag-usapan
nila ang pagdating ni Ibarra sa bayan at nabanggit ng Pilosopo na naramdaman
niya ang paghihinagpis ni Ibarra ng malaman ang sinapit ng kanyang ama.
Sinabi rin nito na isa siya sa anim na taong nakipaglibing sa ama nito. Napadako
ang kanilang usapan patungkol sa purgatoryo, isang bagay na hindi
pinaniniwalaan ng Pilosopo at pinaniniwalaan naman ng marami. Hindi man siya
naniniwala dito ay nirerespeto naman niya ang pananaw ng relihiyon na ito ay
gabay upang ang tao ay mabuhay ng malinis. Kalaunan ay nagpaalam na ang
matanda at masiglang masiglang lumakad palayo sa gitna ng matatalim na kidlat
at dumadagundong na kulog.
Kabanata 15-"Ang mga Sakristan"
Ang dalawang sakristan ay sina Crispin at Basilio, mga anak ni Sisa at siyang
kausap ni Pilosopo Tasyo sa simbahan. Hinabilin ng huli ang inihandang
hapunan ng kanilang ina. May matinding suliraning hinaharap ang dalawang
nakarinig ito ng ingay mula sa tapat ng kwadra, kung saan nag-aaral ang mga
bata dahil nga sa walang silid-aralan. Ang mga magulang naman ay pinapanigan
ang mga pari tungkol sa pagpalo bilang epektibong paraan ng pagdedesiplina at
pagtuturo. Ang pakikialam ng Pari, at ang maraming mga balakid sa pagtuturo
ang naging sanhi upang magkasakit ang guro. At nang siya ay bumalik upang
magturong muli, higit pang nabawasan ang bilang ng kanyang mga mag-aaral.
Laking pasasalamat niya ng hindi na si Padre Damaso ang kura sa San Diego,
kayat minabuti niyang iangkop ang nilalaman ng mga aralin sa kalagayan ng
kanyang mga mag-aaral. Bagamat nagkaroon siya ng kalayaan para iangkop
ang kanyang mga aralin, higit pa ring pinahalagahan ng simbahan ang pagtuturo
tungkol sa relihiyon. Sa mga binanggit na ito ng guro, nangako naman si Ibarra
na gagawin ang kanyang makakaya upang matulungan ang guro at maiangat
ang kalagayan ng edukasyon sa bayan. Kanya itong babanggitin sa araw ng
pulong sa paanyaya ni Tinyente Mayor.
Kabanata 20 -"Ang Pulong sa Tribunal"
Ang tribunal ang tanging bulwagan na nagsisilbing lugar para sa pagpupulong at
pag-uusap ng mga makapangyarihan at mayayaman sa bayan. Panauhin noong
araw na iyon sina Ibarra at ang guro. Nahahati ang mga nasa pulong sa
dalawang kinatawan o lapian: ang conserbador na siyang pangkat ng mga
matatanda na pinamumunuan ng Kabesa at ang liberal na binubuo naman ng
mga kabataan sa pamumuno ni Don Filipo. Ang mga paksa ng pagpupulong na
iyon ay tungkol sa gaganaping kapistahan labing-isang araw mula sa araw na
iyon, mga programa at aktibidad na gagawin para sa pista, at ang pagtatayo ng
paaralan para sa bayan. Sinamantala ng mga mayayaman sa bayan ang pulong
na iyon upang makapagtalumpati kahit na walang katuturan ang ibang mga
pinagsasabi. Katulad na lamang ni Kapitan Basilyo na nakalaban ni Don Rafael.
Sinalungat naman ito ni Don Filipo na nagmungkahi na bawat gawain ay dapat
may talaan ng mga gastos. Dapat din magpagawa ng isang malaking tanghalan
sa plasa at magtanghal ng palatuntunan tulad ng komedya sa loob ng isang
linggo. Binanggit din ni Don Filipo ang pagkakaroon din ng paputok upang
maging lalong kasiya siya ang pista. Hindi naman lahat ay sumang-ayon sa
kanyang mungkahi. Nagbigay naman ng panukala ang Kabesa na nagsabing
marapat na tipirin ang pagdiriwang, dapay ay wala na ring paputok at ang mga
gaganap sa programa ay dapat mga taal na taga San Diego. Ang sentro din ng
pagtatanghal ay dapat mga sariling ugaling Pilipino. Walang bisa ang mga
panukalang inihandog ng magkabilang pangkat sapagkat nakapagdesisyon na
ang kura tungkol sa pista. Ang mga gagawin ay anim na prusisyon, tatlong
sermon, tatlong misa mayor at isang komedya.
Kabanata 21 -"Mga Pagdurusa ni Sisa"
Sa narinig mula sa kusinero ay kumaripas ng takbo si Sisa pauwi sa kanilang
mga kababaihan, hiwalay sa kalalakihan. Kasama rin sa piknik na iyon ang mga
kawaksi at matatandang babae. Sasakay sila sa dalawang bangka habang
mangingisda sa ilog. Magkakasama ang matatalik na magkaibigan na sina Maria
Clara, Iday, Victorina, Neneng at Sinang sa isang bangka. Hindi mapigilan ang
kanilang mga tawanan at kwentuhan, bagay na nag-uudyok kay Tiya Isabel
upang sila ay sawayin. Makalipas ang ilang sandali ay nagkaroon ng butas ang
bangkang sinasakyan ng mga kalalakihan kung kaya't sila ay napalipat sa
bangka ng mga dalaga. Nagkaroon naman ng katahimikan sa panig ng mga
dalaga sapagkat sila ay inatake ng hiya. Si Elias naman ay patuloy lamang sa
pagsagwan sa bangka. Upang hindi mainip at maaliw ang lahat, umawit si Maria
ng Kundiman at ang lahat ay parang idinuyan sa awitin. Malapit ng maluto ang
agahan, kung kaya't gumayak na ang mga kalalakihan upang mangisda. Sa
kasamaang palad, ni isang isda ay wala silang nahuli sapagkat may buwayang
naroroon. Nabahala ang mga kababaihan sa paglitaw ng buwaya at lalo na ng
nilundag ito ni Elias. Naglaban ang dalawa sa ilog, ngunit higit na malakas ang
buwaya. Kagyat namang lumundag si Ibarra sa tubig upang tulungan si Elias.
Napatigagal naman si Maria sa ginawang iyon ni Ibarra, at tila ba tumigil na rin
ang kanyang paghinga. Natalo naman ng dalawa ang buwaya at nagpatuloy sila
sa pangigisda hanggang sa sila ay makahuli ng sariwang isda. Masayang nagpananghalian ang mga magkakaibigan sa ilalim ng mga puno malapit sa batisan.
Kabanata 24 -"Sa Kagubatan"
Maagang nakapagmisa si Padre Salvi at kaagad na nag-almusal, ngunit hindi na
nito tinapos ang pagkain at nagpunta na ito sa lugar ng piknik sakay ng karwahe.
Malayo pa ay pinahinto na niya ang karwahe upang sa gayon ay malayang
makapanood ng lihim sa mga kadalagahan. Hindi naman siya nabigo sa ninais
na mangyari, nakita nga niya ang mga dalaga at masayang pinagmamasdan ang
mga binti at sakong ng mga ito habang nagkakatuwaan. Pinigil na lamang ng
pari ang kanyang sarili na sundan pa ang mga ito kung kaya't hinanap na lamang
niya ang mga kalalakihan. Pagkapananghalian ay nag-usap-usap ang mga
nagpiknik. Nabanggit ni Padre Salvi na may tumampalasan kay Padre Damaso
kaya't nagkasakit ito. Nagkataon na dumating si Sisa at nais ni Ibarra na siya ay
pakainin ngunit dala ng pagkawala ng katinuan nito ay tumalilis itong papalayo
sa pangkat. Nabanggit din ang pagkawala ng mga anak ni Sisa, kung saan
nagkaroon ng matinding pagtatalo sina Don Filipo at Padre Salvi. Ikinatwiran ng
una na higit pang pinahalagahan ang dalawang onsa kaysa sa pagkawala ng
mga bata. Pumagitna na sa Ibarra sa dalawa upang hindi na umabot sa sakitan
ang dalawa. Lumayo si Ibarra at nakiumpok sa mga binata at dalagang naglalaro
ng Gulong ng Kapalaran. Itinanong ni Ibarra sa Gulong kung may mga katuparan
ang kanyang binabalak. Natapat naman ang dais sa sagot na pangarap lamang.
lalaki, may lugar para sa pagtatanim ng puno at gulay, may bodega at mayroon
ding silid pang-disiplina sa mga batang mag-aaral. Marami ang humanga sa
kanyang ginawa ngunit marami din naman ang palihim niyang naging kaaway.
Kabanata 27 -"Sa Pagtatakipsilim"
Sadyang hinigitan ni Kapitan Tyago ang paghahanda sa kapistahan sapagkat
ikinasisiya niya ang mabangong pagtanggap ng mga tao kay Ibarra na kanyang
mamanugangin, lalo na at kahit sa Maynila ay tanyag na tanyag ang binata. Sa
ganitong pagkakataon ay kasama siyang mapupuri sa mga pahayagan. Samu't
saring pagkain at inumin na inangkat pa mula sa ibang bansa ang nasa kanyang
tahanan. Pinasalubungan din niya si Maria ng mga kagamitang may mamahaling
bato. Nagkita sina Ibarra at Kapitan Tyago ng bandang hapon. Nagpa-alam
naman si Maria na mamasyal kasama ang mga kaibigan nitong dalaga, at
kinumbida ng mga ito si Ibarra, na pinaunlakan naman ng huli. Inanyayahan ni
Kapitan si Ibarra na duon na maghapunan sapagkat darating si Padre Damaso,
na magalang namang tinanggihan ni Ibarra. Lumakad na ang magkatipan
kasama ang mga kadalagahan. Napadaan sila sa kanilang kaibigan na si
Simang at ito ay sumama rin sa kanila na mamasyal. Nang marating nila ang
liwasang bayan, sinalubong sila ng isang ketongin na pinandidirihan ng lahat.
Nahabag naman si Maria at binigay niya dito ang iniregalo ng kanyang ama sa
kabila ng pagtataka ng kanyang mga kasama. Lumapit naman ang walang
katinuan na si Sisa at kinausap ang ketongin. Itinuro nito ang kampanaryo at
sinabing anduon ang kanyang mga anak, at pagkasabi nito ay umalis ng
pakanta-kanta. Lumisan na rin ang ketong na dala ang bigay sa kanya ni Maria.
Napag-isip isip ni Maria na marami pala ang mga mahihirap at kapus-palad at
iyon ay naging lingid sa kanyang kaalaman
Kabanata 28 -"Sulatan"
Ang pagsusulatan ay isang kaugaliang Pilipino at ang paraan ng ligawan noong
kapanahunan ni Rizal. Buod. Katulad ng inaasahan, nalathala sa pahayagan sa
Maynila ang mga naganap sa kapistahan ng San Diego. Iniulat ang marangyang
kapistahan at mga tanyag na tao sa San Diego, pati na rin ang mga musiko, at
mga palatuntunang naganap. Kasama rin sa balita ang mga pari sa bayan, ang
komedyang naganap at mga mahuhusay nitong artista, na tanging mga Kastila
lamang ang nasiyahan sapagkat ang komedyang iyon ay idinaos sa wikang
Kastila. Ang mga Pilipino naman ay nasiyahan sa komedyang Tagalog. Hindi
naman dumalo si Ibarra sa mga palabas na iyon. Kinabukasan ay nagkaroon ng
prusisyon para sa mga santo at santa. Nagkaroon din ng misa na pinamunuan ni
Padre Manuel Martin. Nagkaroon din ng sayawan na pinangunahan ni Kapitan
Tyago at Maria. Ikinayamot naman ito ng huli. Sinulatan ni Maria si Ibarra
sapagkat ilang araw na niya itong hindi nakikita. Hiniling ng dalaga na siya ay
dalawin at nagpaimbita ito na imbitahan siya ni Ibarra sa pagpapasinaya ng
binata ng bahay-paaralan.
naghanda din ang mga guro at mag-aaral ng mga pagkain para sa mga
panauhin. Mayroon ding mga banda ng musiko. Sinimulan ni Padre Salvi ang
pagbabasbas sa bahay-paaralan. Inilulan ang mga mahahalagang kasulatan at
relikya at iba pang mahahalagang bagay sa isang kahang bakal, na ipinasok
naman sa bumbong na yari sa tingga. Ang lubid ang nagko-kontrol sa bato, na
may hukay sa gitna kung saan ilalagay ang tingga. Hawak naman ng taong dilaw
ang lubid. Sinimulan ng Pari ang seremonya at nagsibabaan ang lahat ng
importanteng tao upang sumaksi. Isa si Elias sa mga taong naroroon upang
sumaksi sa okasyon. Hindi niya winala ang tingin sa taong dilaw. Hustong
pagbaba ni Ibarra upang maki-isa sa pagsaksi ay humulagpos ang lubid mula sa
kalo at kasaba'y nito ay ang pagkagiba ng balangkas. Ilang saglit ang lumipas at
nasaksihan ng lahat na si Ibarra ay nakatayo sa pagitan ng nasirang kalo at ng
malaking bato. Ang taong dilaw ang siyang namatay at hindi si Ibarra. Nais ng
alkalde na ipahuli si Nol Juan ngunit sinabi ni Ibarra na siya na ang bahala sa
lahat.
Kabanata 33 -"Malayang Kaisipan"
Ang pagkakatuklas ni Elias tungkol sa balak na pagpatay ng taong dilaw kay
Ibarra. Nagkakilala rin sina Elias at Ibarra sa kabanatang ito. Matutunghayan ang
katalinuhan ni Elias sa kabila ng kawalan nito ng pormal na edukasyon. Palihim
na dumating si Elias sa tahanan ni Ibarra at sila ay nag-usap tungkol sa mga
kaaway ni Ibarra. Pinayuhan ni Elias si Ibarra na nagkalat ang kanyang mga
kaaway kahit na ang hangad niya ay kabutihan. Sinabi rin nito ang pagkatuklas
niya sa balak ng taong dilaw na patayin si Ibarra sa araw ng pagpapasinaya sa
paaralan, bagamat mahiwatig ang binitiwang salita ng taong dilaw sa taong
kausap nito, "hindi kakanin ng isda ang isang ito (Ibarra) tulad ng kanyang ama".
Palihim na sinubaybayan ni Elias ang taong dilaw at napag-alaman nito na
prinisinta nito ang sarili kay Nor Juan kahit maliit ang sahod kapalit ng kanyang
mga kaalaman. Nanghinayang naman si Ibarra sa pagkawala ng taong dilaw
sapagkat marami pa siyang matutuklasan kung ito ay nabubuhay lamang. Bagay
na sinalungat naman ito ni Elias sapagkat tiyak niyang makakaligtas sa hukuman
ang taong dilaw dahil sa kabulagan ng hustisya sa bayan. Nagkaroon naman ng
interes si Ibarra sa pagkato ni Elias sapagkat marami itong nalalaman at ang
kanyang mga kaisipan ay kakaiba sa karaniwang mamamayan. Napako ang
kanilang usapan tungkol sa paniniwala sa Diyos at hindi tinanggi ni Elias na siya
ay nawalan na ng tiwala. Kalaunan ay nagpaalam na rin si Elias at nangako ng
katapatan kay Ibarra.
Kabanata 34 -"Ang Pananghalian"
Sa araw na iyon ay darating ang Heneral at tutuloy sa bahay ni Kapitan Tyago.
ng silid. Sumunod niyang hinarap ang mga reverencia sa bayang iyon: sina Pari
Sibyla, Pari Martin, Pari Salvi at iba pang mga prayle. Nagpakita naman ng
buong paggalang ang mga pari sa pagyuko nila sa Kapitan. Binanggit din nila
ang pagkakasakit ni Padre Damaso kaya't wala siya sa araw na iyon. Sumunod
namang humarap sa Heneral sina Kapitan Tyago at Maria Clara. Pinuri ng
Heneral ang katapangan nito sa paggitna sa away ni Ibarra at Damaso, at ang
pagbabalik ng hinahon ni Ibarra dahil na rin sa kanya. Binanggit nito na dapat
siyang gantimpalaan sa kanyang ginawa, na tinanggihan naman ng dalaga.
Kalaunan ay dumating na rin si Ibarra upang makausap ng Heneral. Ipinaalala
naman ni Padre Salvi na ang binata ay excomulgado ngunit hindi ito pinansin ng
pari at sa halip ay ipinaabot ang pagbati kay Padre Damaso. Pagkatapos ay
umalis ang mga pari na hindi naibigan ang ipinakita ng Heneral. Malugod na
binati ng Heneral si Ibarra at pinuri sa ginawang pagtatanggol nito sa ala-ala ng
kanyang ama. Sinabi rin ng Heneral na kakausapin niya ang Arsobispo tungkol
sa pagiging excomulgado ng binata. Napansin ng Heneral na medyo nabalisa si
Maria, kaya sinabi niyang nais itong makaharap bago umaalis patungong
Espanya. Sinabi naman niya sa alkalde na samahan siya nito sa paglilibot.
Malalaman sa pag-uusap ng binata at Kapitan Heneral na kilala ng binata pati
ang pamilya ng Kapitan Heneral sa Espanya. Ipinamalas din ng Heneral ang
paghanga sa katalinuhan ni Ibarra bagamat iminungkahi ng huli na mas
makabubuting sa Europa siya manirahan sapagkat ang kanyang kaisipan ay
nararapat lamang sa kaunlaran ng ibang bansa. Magalang namang tumanggi si
Ibarra at sinabing higit na matamis ang mamuhay sa sariling bayan. Ilang sandali
pa ay binanggit ng Heneral kay Ibarra na kausapin si Maria at inihabilin na
papuntahin sa kanya si Kapitan Tyago. Umalis naman si Ibarra upang puntahan
ang katipan. Samantala, itinagubilin naman ng Heneral sa alkalde mayor na
protektahan si Ibarra upang maisakatuparan nito ang mga layunin ng binata.
Tumango naman ang Alkalde bilang pagsunod. Dumating naman si Kapitan
Tyago at pinuri ito sa pagkakaroon ng mabuting anak at mamanugangin.
Nagprisinta rin ang Heneral na maging ninong sa kasal. Samantala, si Ibarra
naman ay nagpunta sa silid ni Maria ngunit sinabi sa kanya ni Sinang na isulat
na lamang nito ang kanyang sasabihin dahil sa mga oras na iyon ay gumagayak
sila papunta sa dulaan.
Kabanata 38 -"Ang Prusisyon"
Ang mga kaganapan ay nakasentro sa idaraos na prusisyon at mga nakatakdang
gawain ng Heneral ng araw na iyon. Buod Ang mga paputok at sunod-sunod na
pagtunog ng mga kampana ay hudyat ng pagsisimula ng prusisyon. Lahat ng
nakiisa ay may dala-dalang mga kandila at parol. Ang prusisyon na iyon ay ukol
sa mga santong sina San Juan Bautista, San Francisco, Santa Maria Magdalena,
San Diego De Alcala at ang pinakahuli ay ang Mahal na Birhen. Ang karo ni San
Diego ay hinihila ng anim na Hermano Tercero. Magkakasamang naglalakad ang
Kapitan Heneral, mga kagawad, Kapitan Tiyago, alkalde, alperes at Ibarra. Ang
huli ay napilitang sumama dahil na rin sa pag-imbita ng Heneral. Sa harap ng
bahay ni Kapitan Tyago ay may isang kubol na pagdarausan ng pagbigkas ng
tulang papuri o loa sa pintakasi ng bayan. Pinangungunahan ng tatlong sakristan
ang pila ng prusisyon, na sinusundan naman ng mga guro, mag-aaral at mga
batang may dala-dalang parol na papel. Ang mga agwasil at tinitini naman ay
may dalang mga pamalo upang gamitin sa sinumang maniksik o humiwalay sa
hanay. Mayroon din silang kasama na namimigay ng libreng kandila para
gamiting pang-ilaw sa prusisyon. Sa tapat ng bahay ni Kapitan Tiago inihinto ang
mga karo at andas ng mga santo. Isang batang lalaking may pakpak,
nakabotang pangabayo, nakabanda at may bigkis ang lumabas upang simulan
ang pagpupuri sa wikang Latin, Kastila at Tagalog. Sumunod naman ay ang pagawit ni maria at lahat ay nabighani sa ganda ng kanyang tinig. Ramdam naman
ni Ibarra ang pighating nararamdaman ng kanyang katipan sa boses nito.
Napukaw ang atensyon ng binata ng ito ay kausapin ng Heneral tungkol sa
hapunan kung saan kailangan nilang pag-usapan ang pagkawala ng dalawang
sakristan na sina Crispin at Basilio.
rin siya ng pasyente. Ngunit nakilala naman niya si Donya Victorina at sila ay
nagpakasal. Pagkatapos ng kasal, lumipat sila sa bayan ng Sta Ana upang idaos
ang kanilang pulu't-gata, at upang duon na rin manirahan. Si Donya Victorina rin
ang sumuporta sa kanyang asawa, ibinahay, binihisan at ibinili pa ng mga
karwahe. Ang kanyang pangalan ay ginawang Victorina delos Reyes de
Espanada. Binago na rin niya ang kanyang anyo upang maging mukhang tagaEuropa. Kinulayan nito ang mukha at nagpalamuti sa katawan. Makalipas ang
ilang buwan, siya kuno ay naglilihi at kailangan pa sa Espanya manganak upang
hindi matawag na rebolusyunaryo ang kanyang anak. Ngunit walang
panganganak na nangyari sapagkat ang Donya ay hindi naman talaga buntis.
Lumapit na rin siya sa mga hilot at manggagamot ngunit walang nangyari. Kung
kaya't walang nangyari sa ambisyon na makapunta sa Espanya ang ginang
bagkus ay manatili sa tinubuang lupa, na kung tawagin niya ay "lupain ng mga
salbahe". Wala rin siyang tiwala sa mga kapwa Pilipino kung kaya't humirang pa
siya ng Kastilang taga-pangasiwa ng kanyang mga ari-arian. Sa pagkabigo ng
kanyang pangarap ay pinagbuntunan ng ginang ang kanyang asawa, na
pumapayag naman maging andres de saya at taga-salo ng alburuto ng asawa.
Mas mabuti na ang ganong kalagayan kaysa naman ang mamalimos sa kalye.
Inuutus-utusan din niya ito at may mga pagkakataon na sinasaktan niya ito ng
pisikal, na tinatanggap na lamang ng lalaki. Pati ang kapritso ng ginang na
magpagawa ng karatulang marmol na may nakaukit na: DOCTOR DE
ESPADAA, ESPECIALISTA EN TODA CLASE DE ENFERMEDADES. Walang
nagawa ang lalaki kahit labag sa kalooban nito na ianunsyo sa publiko na siya
nga ay isang manggagamot, sapagkat siya nga ay nagpapanggap lamang.
Kabanata 43 -"Mga Balak o Panukala"
Halatang halata ang lubos na pag-aalala sa mukha ni Padre Damaso at tuloytuloy itong pumasok sa silid ni Maria Clara. Nananangis ang Pari at sinabi sa
anak na hindi ito mamamatay. Lahat ay nagtaka sa ipinakita ni Padre Damaso,
hindi nila akalain na sa kabila ng magaspang nitong ugali ay marunong pala
itong umiyak at malambot ang kalooban. Naisip din nila na mahal na mahal
talaga ng pari si Maria. Pamaya-maya ay tumindig ang pari at nagtungo ito sa
silong ng balag upang managhoy. Nang naibsan ang damdamin ni Padre
Damaso ay sinamantala ito ni Donya Victorin at ipinakilala si Linares. Sinabi ng
huli na inaanak siya ni Carlicos, ang bayaw ni Damaso. Iniabot ni Linares ang
sulat at dito ay nakasaad na siya ay humahanap ng mapapangasawa at trabaho.
Madali lamang na matatanggap ang binata ayon kay Padre Damaso sapagkat ito
ay naging abogado sa Universidad Central. At sa mapapangasawa ay
iminungkahing kakausapin niya si Kapitan Tyago. Bagay naman na ikinalungkot
ni Padre Salvi. Sinadya naman ni Lucas si Padre Salvi upang isangguni ang
excomulgado, at ipinabasa ang sulat kay Tiya Isabel. Tuwang tuwa naman ang
tiyahin sapagkat magiliw siya kay Ibarra. Nabigla naman ang binata ng siya ay
mapunta sa balkon. Nandoon si Maria Clara at si Linares naman sa gawing
paanan nito na nag-aayos ng mga bulaklak. Nagulat si Linares at si Maria Clara
naman ay namutla, at sinikap mang tumayo ngunit ito ay hindi pa lubos na
magaling. Ipinaalam ni Ibarra ang dahilang ng kanyang pagdalaw. Banaag
naman sa mukha ni Maria Clara ang pagkalungkot at dahil dito, ay nagpaalam
kaagad si Ibarra. Sinabi ng binata na dadalaw itong muli kinabukasan. Umalis si
Ibarra na may kaguluhan ang isip at damdamin. Sa kanyang paglalakad ay
napadaan siya sa ipinapagawang paaralan. Ipinaalam niya sa lahat lalo na kay
Nol Juan na wala silang dapat ipangamba sapagkat siya ay tanggap na muli ng
simbahan. Sinagot naman siya ni Nol Juan na ang pagiging excomulgado ay
hindi mahalaga para sa kanila, sapagkat lahat sila ay mga excomulgado rin.
Namataan ni Ibarra si Elias na nagkakarga ng bato sa kariton at nabasa nito sa
mukha ng huli na may nais siyang ipaalam sa binata. Inutusan ni Ibarra si Nol
Juan na ibigay sa kanya ang talaan ng mga obrero. Iminungkahi ni Elias na sila
ay mamangka sa lawa upang mapag-usapan ang isang napakahalagang bagay,
na sinang-ayunan naman ni Ibarra. Dumating naman si Nol Juan at ibinigay ang
listahan, ngunit hindi nakalista doon ang pangalan ni Elias.
Kabanata 49 -"Ang Tinig ng mga Pinag-uusig"
Nang lumulan si Ibarra sa bangka ni Elias, waring ito ay hindi nasisiyahan. Kaya,
kaagad na humingi ng paumanhin si Elias sa pagkagambala niya sa binata.
Sinabi ni Ibarra ang dahilan, nakasalubong niya ang alperes at gusto nitong muli
na magkausap. Dahil nag-aalala siyang makita si Elias, nagdahilan na lamang
siya. Nanghinayang naman ang binata ng sabihin ni Elias na di siya
matatandaan ng alperes. Saglit na napabuntonghininga si Ibarra sapagkat
biglang pumasok sa kanyang isip ang kanyang pangako kay Maria. Hindi na nagaksaya ng panahon si Elias sinabi niya kaagad kay Ibarra na siya ang sugo ng
mga sawimpalad. Ipinaliwanag niya ang napagkasunduan ng puno ng mga
tulisan (Si Kapitan Pablo) na hindi na binanggit pa ang mga pag-aalinlangan at
pagbabala. Ang kahilingan ng mga sawimpalad, ani Elias ay (1) humingi sila ng
makaamang pagtangkilik sa gobyerno na katulad ng mga ganap na pagbabago
sa mga kawal na sandatahan, sa mga prayle, sa paglalapat ng katarungan at sa
iba pang pangangasiwa ng gobyerno (2) pagkakaloob ng kaunting karangalan sa
pagkatao ng mga tao, ang kanilang kapanatagan at bawasan ang lakas at
kapangyarihang taglay ng mga sibil na madalas na nagiging punot dulo ng
paglapastangan sa karapatang pantao. Tumugon si Ibarra na anumang
pagbabago na sa halip na makakabuti ay lalo pang makakasama. Sinabi nitong
maaari niyang pakilusin ang kanyang mga kaibigan sa Madrid sa pamamagitan
Ilang saglit lamamg, si Elias mismo ang nakasalubong ng mga sibil. Dinala siya
sa liwanag upang kilalanin. Sinabi ni Elias na hinahabol niya ang lalaking may
pilat sapagkat siyang bumugbog sa kanyang kapatid. Ang mga sibil ay
patakbong nagtungo sa simbahang pinasukan ni Lucas.
Kabanata 53 -"Ang Mabuting Araw ay Nakikilala sa Umaga"
Kinabukasan ng umaga, kumalat ang balita tungkol sa mga ilaw na nakita sa
libingan ng nakaraang gabi. Sa paniniwala ng mga puno ng mga kapatiranh ni
San Francisco, may 20 ang nakita niyang kandila na sinindihan. Panaghoy at
pahikbi naman ang narinig ni Ermana sipa kahit na malayo ang kanyang bahay
sa libinga. Sa pulpito, binigyang diin naman ng kura sa kanyang sermon ang
tungkol sa kaluluwa sa purgartoryo. Ang usapan ay hindi nakaligtas sa matalas
na paningin nina Don Filipo at Pilosopong Tasyo na ilang araw na ilang araw ngt
naghihina. Nasabi ni Don na tinaggap ng alkade ang kanyang pagbibtiw sa
tungkulin. Hindi namn mapakali si Tandang Asyo sapagkat naniniwala siyang ang
pagbibitiw ay hindi nararpat at napapanahon. Sa panahon ng digmaan, anya,
ang puno ay dapat na manatili sa kanyang tao. Sa pagiisip ni Pilosopong Tasyo.
Ayon sa kanya, nag iba ang bayan na di na katulad noon na may 20 na taon na
ang nakalipas. Ang nakaraan ay nagbigay ng aralin. Namamalas na nag naging
bunga ng pagdayo sa Pilipinas ng mga Europeo at ang pagdayo naman ng mga
kabataan sa Europa ay nadadma na rin. Ang mga kabataang nakapag aral sa
Europa ay nagkaroon ng malawak na kaalaman tungkol sa kaysayan,
Matematika, Agham, wika at iba pang uri ng kaalamn na itutring na enerhiya
noong una. Kaya na ng tao na pangasiwaan ang malawak na daigdig na
kanyang ginagalwan at tinatahanan. Sa panitikan, nagsimula na ring lumitaw ang
mga makatang nagpapahayag ng malaya at mga makaagham ng pagsubok.
Hindi na rin kayang sawatain ng kumbento ang paglaganap ng mga modernong
kabihasnan. Nagkaroon pa ng palitan ng katwiran ang dalawa tungkol sa bayan,
sa relihiyon, sa kahihinatnan ng bayan, ugali ng mga binata at dalaga ang ng
mga naglilingkod sa Simbahan hanggang sa tanungin ni Don Filipo si Tandang
Tasyo kung hindi nangangailangan ng mga gamot sapagkat napansin nitong
hinang-hina na sya. Pero tinugon sya ni Tandang Tasyo na ang mga mamamatay
ay hindi na nangangailangan ng gamot at sa halip ang mga maiiwan ang
mangangailangan. Ipinakiusap din niya sa Don na sabihin kay Ibarra na
makipagkita sa kanya sa loob ng ilang araw sapagkat malapit na siyang yumao.
Sa kabila ng karamdaman ni Tandang Tasyo ang kapakanan ng bayan ang
kanyang inaalagata. Matibay ang kanyang paniniwala ng ang Pilipinas ay
tumatahak parin sa karimlan. Hindi nagluwat, nagpaalam na si Don Filipo.
Kabanata 54 -"Lahat ng Lihim ay Nabubunyag at Walang Di Nagkakamit ng
Parusa"
Orasyon. Pahangos na patungo ang kura sa bahay ng alperes. Ang mga taong
gustong humalik sa kanyang kamay ay hindi niya pinapansin. Tuloy-tuloy na
pumanhik ito ng bahay at malakas na tinwag ang alperes. Lumabas agad ang
alperes kasunod ang asawang si Donya Consolacion. Bago makapag salita ang
kura, inireklamo agad ng alperes ang mga kambing ng kura na naninira sa
kanyang bakod. Sinabi naman ng pari na nanganganib ang buhay ng lahat.
Katunayan, anya ay mayroong napipintong pag-aalsa na gagawin nang gabing
iyon. Nalaman ito ng pari, anya sa pamamagitan ng isang babae na nangumpisal
sa kanya na nagsabi sa kanya na sasalakayin ang kuwartel at kumbento. Dahil
dito nagkasundo ang kura at alperes na paghandaan nila ang gagawing
paglusob ng mga insurektos. Humingi ang kura ng apat na sibil na nakapaisana
ang itatalaga sa kumbento. Sa kuwartel naman ay palihim ang pagkilos ng mga
kawal upang mahuli nang mga buhay ang mga lulusob. Layunin nito na kanilang
mapakanta ang sinumang mahuhuling buhay. Ika-walo ng gabi ang nakatakdang
paglusob, kuna kaya nakini-kinita ng alperes at kura ang pag-ulan ng kurus at
bituin sapagkat ganap silang nakahanda. Sa kabilang dako, isa naman lalaki ang
mabilis na tumatakbo sa daan patungo sa tirahan ni Ibarra. Mabilis na umakyat
ng bahay at hinanap sa nakitang utusan ang amo nito na kaagad naman itinuro
na ito ay nasa laboratoryo. Pagkakita ni Elias kay Ibarra ipinagtapat niya kaagad
ang nakatakdang paglusob at batay sa kanyang natuklasan. Si Ibarra ang
kapural at nagbayad sa mga kalahok sa paglusob. Ipinasunog ni Elias kay Ibarra
ang lahat ng mga aklat at kasulatan nito sapagkat di na maiiwasan na siya ay
mapasangkot at tiyak na siya ang isisigaw ng sinumang mahuhuli ng mga sibil.
Tinulungan ni Elias si Ibarra sa pagpili ng mga kasulatan. Sa mga kasulatan,
nabasa niya ang tungkol kay Don Pedro Eibarramendia at tinanong niya kay
Ibarra kung ano ang relasyon nito sa kanya. Halos nayanig ang buong pagkatao
ni Elias nang sabihin ni Ibarra na iyon ang kanyang nuno na ipinaikli lamang ang
apilyido. Isa pa, ito ay isang Baskongado. Natagpuan na ng piloto ang lahing
lumikha ng matinding kasawian sa kanilang buhay. Biglang bumunot ng balaraw
si Elias at naisip niyang gamitin iyon kay Ibarra. Ngunit, saglit lang ang
pagkadimlan ng kaisipan ng biglang siyang matauhan. Binitiwan niya ang hawak
na balaraw at tulirong tumingin ng tuwid kay Ibarra at saka mabilis na pumanaog
ng bahay. Nagtaka si Ibarra. Itinuloy ang pagsunog sa mga mahahaagang
papeles at dokumento.
Kabanata 55 -"Ang Pagkakagulo"
Oras ng hapunan pero nagdahilan si Maria na wala siyang ganang kumain. Kaya
niyaya niya ang kaibigan ni Sinangsa piyano. Nagbulungan silang dalawa
habang palakad lakad si Pari Salvi sa loob ng bulwagan. Hindi mapakali si si
Maria sa paghihintay nilang magkaibigan ang pagdating ni Ibarra. Kasalukuyan
sibil. Kinuha ni Elias ang larawan ni Maria at isinilid ito sa isang supot. Nagipon
siya ng mga damit at papel, Binuhusan niya ito nga mga gas at saka sinilaban.
Ang mga kawal ay nagpupumilit namang pumasok. Sinabihan sila ng matandang
katulong ng walang pahintolot sa may-ari, kaya hindi maa-ari silang pumasok.
Naalaska ng husto ang directocillo, sa isang hudyat niya tinabig ng kawal ang
matanda at mabilis silang pumanik. Pero sinalubong sila ng makapal na usok at
ang apoy na nakarating na sa gabinete. Biglang nagkaroon ng bmalalakas na
pagsabog. Mabilis pa sa lintik na umatras at nanaog ng bahay ang mga kawal
kasama ang mga katulong ni Ibarra.
tanging buhay na nabihag ng mga sibil. Tarsilo Alasigan ang tunay na pangalan
ni Tarsilo. Pilit siyang tinatanong kung kaalam si Ibarra sa nasabing paglusob.
Ngunit, iginigiit din niyang walang kamalay-malay si Ibarra sapagkat ang ginawa
ay upang ipaghiganti ang kanilang amang pinatay sa palo ng mga sibil. Dahil
dito, iniutos ng alperes na dalhin si Tarsilo sa limang bangkay, ito ay umiling.
Nakita niya ang kanyang kapatid na si Bruno sa tadtad ng saksak, si Pedro na
asawa ni Sisa at ang kay Lucas na may tali pang Lubid sa leeg. Dahil sa patuloy
itong walang immik kahit sa sunod-sunod ang pagtatanong sa kanya. Nagpuyos
sa galit ang alperes. Iniutos na paluin ng yantok si Tarsilo hanggang sa magdugo
ang buong katawan nito. Hindi maoakanta si Tarsilo, kaya ito ay ibinalik sa
bulwagan. Nadatnan niya ang isang bilanggo ring nagpapalahaw sa iyak at
tumatawag sa mga santo. Ipinasino kay Tarsilo ang dinatnan. Sinabi niyang
nuong lamang niyua nakita. Dahil dito, muli siyang pinalo hanggang sa mabalot
ng dugo ang buong katawan. Hindi nakayanan ng kura ang gayong tanawin kaya
lumabas siya sa bulwagan na namumutla. Nakita ng kura ang isang dalagang
parang nagbibilang ng mga naririnnig sa loob ng tribunal, humahalinghing at
nanananghoy ng malakas. Ang babaing ito ay ang kapatid na dalaga nina Bruno
at Tarsilo. Samantala, nang di mapansin si Tarsilo, lalong nagngitngit ang
alperes. Binulungan pa siya ni Donya Consolacion na lalong pahirapan ang
binata. Pero, hiningi na lamang ni Tarsilo na madaliin ang kanyang kamatayan.
Walang makuhang anumang impormasyon at di mapaamin si Tarsilo kaya ito ay
itinimba sa isang balong nakakabaligtad ng sikmura ang tubig at amoy. Kung
ilang bese ibinulusok ang katawan ni Tarsilo sa balon. Hindi niya natagalan ang
pagpapahirap hanggang sa takasan siya ng hininga sa gayong uri ng kalupitan.
Nang matiyak na patay na si Tarsilo ang binalingan naman ay ang isa pang
bilanggo. Ang pangalan diumano ng bilanggong ito ay Andong luko-luko at kaya
napapunta sa patyo ay upang magbawass sapagkat pinapakain ng bulok ng
biyenan nito. Inaantok ang alperes sa naging sagot ng bilanggo, kaya iniutos
itong ipasok na muli sa karsel.
Kabanata 58 -"Ang Sinumpa"
Tuliro at balisa ang mga pamilya ng mga bilanggo. Sila ay pabalik-balik sa
kumbento, kuwartel at tribunal. Ngunit, hindi sila makapagtamo ng luna sa
kanilang mga inilalakad. Palibhahsa wala silang kilalang malakas at makakapitan
na makakatulong upang palayain ang kanilang kaanak na bilanggo. May sakit
ang kura at ayaw na lumabas ng kanyang silid at ayaw daw itong makipag-usap
kahit kanino. Ang alperes naman ay nagdagdag ng mga bantay upang kulahatin
ang mga babaingh nagsusumamo sa kanaya. Ang kapitan naman ay lalong
nawalan ng silbi. Nakakapaso ang sikat ng araw, ngunit ang mga babae ay ayaw
umalis. Palakad-lakad umiiyak ang mag-ina ni Don Filipo. Inusal-usal naman ni
Kapitana Tinay ang pangalan ng kanyang anak na si Antonio. Si Kapitana Maria
naman ay pasilip-silip sa rehas upang tignan ang kambal niyang anak. Ang
biyenan ni Andong ay nanduroon din at walang gatol na ipinagsasabio na kaya
raw hinuli si Andong ng mga sibil ay dahil sa bago nitong salawal. Amy isang
babae naman ang halos mangiyak-ngiyak na nagsabing si Ibarra ang may
pakana at kasalanan ng lahat. Ang suro ng paaralan ay kasama-sama rin ng
mga tao. Samantalang si Nol Juan ay nakaluksa na sapagkat ipinalagay niyang
wala ng kaligtasan si Ibarra. Mag-iikalawa ng hapon ng dumating ang isang
kariton na hila ang isang baka. Tinangka ng mga kaanak ng mga bilanggo na
sirain at kalagan ang mga hayop na humihila sa kariton. Pero, ipinagbawalan sila
ni Kapitana Maria at sinabing kapag ginawan nila iyon, mahihirapan sa paglakad
ng kanilang ka-anak ng bilanggo. Pamaya-maya, lumabas ang may 20 kawal at
pinaligiran ng kariton. Ang sinunod na ilaban ay mga bilanggo sa pangunguna ni
Don Filipo na nakuha pang batiin ng naka ngiti ang kanyang asawang si Doray
ng yakapin ang asawa, pero hinadlangan siya ng dalawang sibil. Nang makita
naman si Antonio ng inang si Kapitana Tinay binirahan ito ng katakot takot na
hagulgol. Si Andong ay napaiyak din ng makita ang biyenan na may pasari ng
kanyang pagkakakulong. Katulad ng kambal na anak ni Kapitana Maria, and
seminaristang si Albano ay naka gapos na mabuti. Ang huling lumabas ay si
Ibarra na walang gapos ngunit nasa pagitan ng dalawang kawal. Ang
namumutlang si Ibarra ay pasuyod na tinignan ng mga maraming tao at
naghahanap ng isang mukhang kaibigan. Pagkakita kay Ibarra ng mga tao,
biglang umugong ang salitaan na kung sino pa ang may sala ay siya pa itong
walang tali. Dahil dito ay inutusan ni Ibarra na gapusin siya ng mga kawal ng
abot-siko. Kahit na walang utos ang kanilang mga pinuno ang mga sibil sumunod
sin sila sa utos ng binata. Ang alperes ay lumabas na naka-kabayo at batbat ng
sandata ang katawan. Kasunod ay may 15 ng kawal na umaalalay sa kanya. Sa
kalipunan ng mga bilanggo, tanging kay Ibarra lamang na walang tumatawag sa
kanyang pangalan sa halip siya ang binubuntunan ng sis at tinwag na siyang
duwag. Pati ang kanyang mga nuno at magulang ay isinumpa ng mga tao
hanggang siya ay tinawag ng erehe ng dapat mabitay. Kasunod nito ay
pinagbabato si Ibarra. Naalala niya ang kwento ni Elias tungkol sa babaeng
nakakita ng ulong nasa bakol at nakabitin sa punongkahoy. Ang kasay sayan ng
piloto ay parang biglang naglaro sa kanyang pangitain. Waring walang ibig
dumamay kay Ibarra. Pati si Sinang ay pinagbawalan umiyak ni Kapitan Basilio.
Kahit na nasa gipit at abang kalagayan ang binata. Walang naawa sa kanya.
Doon nya nadama ng husto ang mawalan ng inang bayan, pag-ibig, tahanan
kaibigan at magandang kinabuhasan. Mula sa isang mataas na lugar, maamang
nagmamasid si Pilosopong Tasyo na pagod na pagod at naka balabal ng
makapal na kumot. Sundan nya ng tingin a ng papalaong kariton na sinakyan ng
bilanggo. Ilang sandali pa ipinasiya na niyang umuwi. Kinabukasan, nagisnan ng
Sinabi naman ng isang ginang na talagang walang utang na loob ang mga indiyo
kayat di dapat silang ituring na mga tunay na tao. Kahit na araw ang itatayong
paaralan ay isang pakana lamang sapagkat ang tunay na layunin ni Ibarra ay
gawin lamang itong kuta na gagamitin niya sa kanyang pansariling
pangangailangan. Sumabad naman ang isa pang babae at ipinaliwanag na is
Tinchang daw ay nagregalo ng isang singsing na puno ng brilyante sa heneral.
Napalingon ang lalaking komang at tiniyak kung totoo ang balita. Nagdahilan ang
pingkok at nanaog na ng bahay.
Ilang oras pa ang nakalipas, ang ilang mag-anak sa Tundo ay tumanggap ng
mga paanyaya ng pamahalaan sa pamamagitan ng mga kawal. Ang imbitasyon
ay tungkol sa pagtulog ng ilang mayayaman at tanyag na tao sa Fuerza de
Santiago na may bantay pa. Si Kapitan Tinong ay kasama sa mga inimbita.
Kabanata 60 -"Ikakasal na si Maria Clara"
Tuwang-tuwa si Kapitan Tiyago sapagkat hindi siya nahuli o natanong man
lamang. Hindi rin siya nakuryente o nabilanggo sa ilalim ng lupa. Dahil dito, siya
ay nagpamisa sa Mahal na Birhen sa Antipolo, Birhen del Rosario at sa Birhen
del Carmen. Kung hindi naimbita si Kapitan Tiyago ng pamahalaan, masamang
kapalaran naman ang dumapo kay Kapitan Tinong. Tulad ng karamihan siya ay
inimbitahan ng pamahalaan. Di nakabuti ito sa kanya ang paglalakbay sa ibatibang tanggapan nito sapagkat ng siya ay lumabas. Siya ay may sakit, putlain,
namamanas at di palaimik. Hindi na rin siya bumaba ng bahay, dahil
nangangamba itong baka batiin siya ng isang pilibustero. Alam ni Tiyago ang
ganitong sinapit ni Tinong. Dumating sa bahay ni Tiyago si Linares at ang magasawang de Espadaa na kapwa itinuring na pangkat ng makapamahalaan.
Sinarili ni Donya Virtorina ang usapan. Sinabi na kung babarilin si Ibarra, iyon
ang nararapat sapagkat siya ay isang pilibustero. Bagamat namumutla at
mahina si Maria, kanyang hinarap ang mga bisita. Humantong ang usapan
tungkol sa pagpapakasal nina Maria at Linares. Nagkayarian din na
magpapapista si Tiyago. Sinabihan niya si Tiya Isabel na kung ano ang nasa
loob ni Maria tungkol sa napipinto nitong pakikipag-isang dibdib. Sa wari,
desidido na si Tiyago na ipakasal si Maria sapagkat nakini-kinita niyang siyay
maglalabas-masok sa palasyo sa sandaling maging manugang niya si Linares.
Si Linares ang tagapayo ng Kapitan Heneral, kayat inaakala ni Tiyago na siya ay
kaiinggitan ng mga tao. Kinabukasan, ang bulwagan ni Tiyago ay puno ng mga
bisitang kastila at intsik. Nangunguna sa mga ito si Pari Salvi, Pari Sibyla, ilang
pransiskano at dominikano, ang alperes na ngayon ay tinyente at may grado ng
komandante, ang mag-asawang de Espadaa, si Linares na nagpatihuli ng
dating at si tenyente Guevarra ng mga sibil. Mangyari pa, ang paksa ng mga
babae ay si Maria na kahit malungkot siya ay magalang na tinanggap ang mga
bisita. Sinabi ng isang babae na maganda nga raw si Maria, pero ito raw ay
tanga naman. Kayamanan lang daw habol ni Linares. Sinabi rin na marunong
daw siya sa buhay sapagkat kaya siya ikakasal dahil bibitayin ang unang katipan
ni Ibarra. Sa narinig ni Maria lalo siyang nasaktan at naghirap ang kalooban.
Iniwan niya ang mga babaing nag-uusap. Sa pulutong ng mga lalaking naguusap naman, lumitaw na ang kura ay lilipat na ng Maynila samantalang di tiyak
ng alperes kung saan ito madedestino. Ipinaliwanag ni Guevarra na hindi
mabibitay si Ibarra na katulad ng mga nangyari kina GOMBURZA at sa halip ito
ay ipatatapon lamang. Binanggit din niya ang tungkol sa kaso ng binata at
pagkaraan ay binati niya si Maria. Ito raw ay nakakatiyak ng magandang
kinabukasan. At nagpaalam na ang tinyente. Nagtungo sa asotea si Maria.
Nakita niya ang bangkang pasadsad sa may sadsaran ng bahay ni kapitan
Tiyago. Puno ng damo ang ibabaw ng bangka at may lulan itong dalawang lalaki.
Bumaba ang isa sa lulan ng bangka at pinanhik siya, si Ibarra. Nakatakas siya sa
tulong ni Elias. Dumaan lamang ang binata upang ipaalam ang damdamin nito at
tuloy bigyan ng laya ang kasintahan tungkol sa kanilang kasunduan. Inilahad ni
Maria ang tunay na kasaysayan at pagkatao nito. Napilitan umano itong talikuran
ang kanilang pag-iibigan alang-alang sa kanyang inang namayapa at sa
dalawang amang nabubuhay pa. Pero wala siyang tanging pag-ibig kundi si
Ibarra lamang. Mahigpit na niyapos at pinupog ng halik ni Ibarra si Maria.
Matagal. Pagkaraan, lumundag muli ito sa pader at sumakay sa bangka. Nagalis ng sumbrero si Elias at yumukod kay Maria. Sumagwang papalayo sa
lumuluhang si Maria.
Kabanata 61 -"Ang Barilan sa Lawa"
Habang mabilis na sumasagwan si Elias, sinabi niya kay Ibarra na itatago siya sa
bahay ng isang kaibigan sa Mandaluyong. Ang salapi ni Ibarra na itinago niya sa
may puno ng balite sa libingan ng ninuno nito ay kanyang ibabalik upang may
magamit si Ibarra sa pagpunta nito sa ibang bansa. Nasa ibang lupain daw ang
katiwasayan ni Ibarra at hindi nababagay na manirahan sa Pilipinas, dahil ang
buhay niya ay hindi inilaan sa kahirapan. Inalok ni Ibarra na magsama na lang
sila ni Elias, tutal pareho na sila ng kapalaran at magturingan na parang
magkapatid. Pero, tumanggi si Elias. Nang mapadaan sila sa tapat ng palasyo,
napansin nilang nagkakagulo ang mga bantay. Pinadapang mabuti ni Elias si
Ibarra at tinakpan ng maraming damo. Nang mapadaan sila sa tapat na
polvorista, silay pinatigil at tinanong ng bantay si Elias kung saan ito nanggaling.
Ipinaliwanag ni Elias na siyay galing ng Maynila at rarasyunan niya ng damo ang
hukom at ang kura. Kumbinsido ang bantay sa paliwanag ni Elias kaya ipinatuloy
niya ito sa pagsasagwan at pinagbilinan na huwag magpapasakay sa bangka
sapagkat katatakas pa lamang ng isang bilanggo. Kung mahuhuli raw ito ni Elias,
Noli
me
Tangere
Teacher Michael