You are on page 1of 1

Sultano

Ang sultan (Arabe: )ay isang katawagan,


pangalan, o pamagat para sa mga pinuno o
monarka ng Islam. Sa kadalasan, bagaman may
kamalian kung minsan, ang asawa ng isang sultan
ay tinatawag na sultana o sultanah. Ang salitang
sultan ay isang pangngalan sa wikang Arabe na ang
kahulugan ay "lakas", "tibay", "may kapangyarihan",
"kapangyarihan", o "pagkapinuno". Sa pagdaka, ang
salitang ito ay naging ginagamit bilang pamagat ng
ilang mga pinunong Muslim na umangkin ng buong
kasarinlan, pangingibabaw, at kapangyarihan. Hindi
nila kailangang tumanggap ng mga utos o atas mula
sa anumang mas mataas na pinuno, na hindi
umaako o umaangkin ng buong kakalipahan. Ang
dinastiya at mga lupain na pinamumunuan ng isang
sultan ay tinatawag na isang kasultanan o sultanado (sultanate sa Ingles).

You might also like