You are on page 1of 1

KASAYSAYAN NG LUNGSOD NG

TAYABAS

Ang Tayabas ay ipinangalan sa lugar na may Bayabas (Guava Tree). Isang araw, may katangitanging
magasawa ang dumaan sa lugar na walang kahit ano mang pahintulot, at sa kadahilanang malayo pa ang
kanilang pupuntahan , napagdesisyunannilang tumigil muna sa paglalakbay at humanap ng makakain.
Noon ay panahon na namumunga ang bayabas, at ang asawang lalaki, ay inisip na ang prutas ay
maaaring makain, kumuha siya ng ilan at binigyan ang kanyang asawa. Isang lalaki na katutubo ng lugar
ang naparaan sa mag asawa, nagtanong ang mag asawa sa lalaki kung ano ang pangalan ng prutas na
kanilang kinakain. At sumagot ang lalaki Bayabas, ang pandinig naman ng magasawa na sinabi ng lalaki
ay Tayabas. Nang marating nila ang kanilang destinasyon, ipinagkalat nila ang pagkakatuklas nila sa
prutas at inimbitahan nila ang kanilang mga kaibigan na pumunta sa lugar na iyon at kumuha ng prutas.
Samantala, habang lumilipas ang taon, ang bayabas ay nauubos nasa lugar na iyon, dahil na din sa dami
ng puno ng niyog na sumasakop sa buong lupain.
Ang pagkakatatag ng Tayabas ay noong 1578 nang dumating ang mga Franciscano, nagustuhan nila ang
klima ditto at ang pagtanggap sa kanila ng mamamayan ng lugar, nagdisisyon silang magtayo ditto ng
kapilya. Ayon sa nakatala, ang unang pamahalaan ng bayan ay naitatag noong 1620 ni Don Lucas bilang
unang tagapamahala. Taong 1651, dahil na din sa mayaman nitong lugar at mataas na kita ng negosyo
at kalakal, ang munisipalidad ng Tayabas ay ginawa bilang kabisera ng Probinsya ng Tayabas (ngayon
ay Lalawigan ng Quezon).

Justine Kaye

You might also like