You are on page 1of 1

Purio, Samantha Mae V.

BSECE III – GG

ALAMAT NG TAYABAS

Ang Tayabas ay ipinangalan sa lugar na may “Bayabas” (Guava Tree). Isang araw, may
katangitanging magasawa ang dumaan sa lugar na walang kahit ano mang pahintulot, at sa
kadahilanang malayo pa ang kanilang pupuntahan , napagdesisyunannilang tumigil muna sa
paglalakbay at humanap ng makakain. Noon ay panahon na namumunga ang bayabas, at ang
asawang lalaki, ay inisip na ang prutas ay maaaring makain, kumuha siya ng ilan at binigyan ang
kanyang asawa. Isang lalaki na katutubo ng lugar ang naparaan sa mag asawa, nagtanong ang
mag asawa sa lalaki kung ano ang pangalan ng prutas na kanilang kinakain. At sumagot ang
lalaki “Bayabas”, ang pandinig naman ng magasawa na sinabi ng lalaki ay “Tayabas”. Nang
marating nila ang kanilang destinasyon, ipinagkalat nila ang pagkakatuklas nila sa prutas at
inimbitahan nila ang kanilang mga kaibigan na pumunta sa lugar na iyon at kumuha ng prutas.
Samantala, habang lumilipas ang taon, ang bayabas ay nauubos nasa lugar na iyon, dahil na din
sa dami ng puno ng niyog na sumasakop sa buong lupain.

Reference:
Ibañez, M. (n.d.). KASAYSAYAN NG LUNGSOD NG TAYABAS.
https://marcibanez.blogspot.com/2008/10/kasaysayan-ng-lungsod-ng-tayabas.html

You might also like