You are on page 1of 1

Abdulhakim Mamintong

Cultural Identity: Tribong Maranao


Mga taong nakatira sa tabi ng lawang Lanao
Walang ibang tinutukoy kun'di tribong maranao
Tribong may sariling prinsipyo ng pamumuhay
Mga kultura at batas na talagang taliwas sa iba

Walang diyos na pinaniniwalaan kun'di si Allah

Islam ang tanging relihiyon at pinoy ang puso't diwa

Halal ay dapat makamtan, Haram ay dapat iwasan

Sa bawat pagsaway ay may antas na kaparusahan.

Palapa na kay sarap, mainam na pampalasa

Meranao na lengguwaheng mahirap ihasa

Pagsimba'y limang beses na kung tawagin ay salah

Ilan lang sa mga kulturang kinagisnan ng madla

Matapang, ignorante, mga inutil at mga barbaro

Ilan lang sa maling pananaw ng iba sa tribo ko

Ngunit gayunpaman, aking ipinagpapasalamat ng lubos

Na ako ay naging maranao, at si Allah ang panginoon ko

You might also like