You are on page 1of 3

Kaarawan ng Mahal na Birheng Maria

Setyembre 8
I. Layunin:

1. Nauunawaan ang kahalagahan ng pagdiriwang ng kapanganakan ni Maria


2. Nabibigyan ng halaga ang ginampanan ni Maria na nagpapaalaala sa
kagandahang loob at katapatan ng Diyos
3. Nakapgbibigay parangal kay Maria ang buong pamilya sa papamamagitan ng
pagdarasal ng Rosaryo

II. Gawain:
Pagdarasal ng Santo Rosaryo sa Tahanan
A. Mga dapat ihanda:
1. Imahe ng Birheng Maria
2. Kandila
3. Bulaklak
4. Orate
5. Rosaryo
6. Miyembro ng pamilya

Intoduksiyon: (Maaaring basahin ng isa sa miyembro ng pamilya)

Espesyal ang Setyembre 8 para sa mga deboto ni Birheng Maria at sa mga Katoliko. Sa
araw na ito, ipinagdiriwang ng Simbahang Katoliko ang Kapistahan ng Kapanganakan
ng Pinagpalang Birheng Maria, ang ina ni Hesukristo.

Sa tradisyon ng Simbahan, tatlong kaarawan ang ginugunita sa liturgical year: ang


kapanganakan ni Hesukristo sa Disyembre 25, ang pagsilang ni Maria na
ipinagdiriwang ngayon, at ang kapanganakan ni San Juan Bautista noong Hunyo 24.
Ang mga pagdiriwang na ito ay tumutukoy sa personalidad at sa misyon nito kay
Hesukristo. Si San Juan Bautista ang nagsilbi bilang huling mensahero bago dumating
si Hesus. Inihanda si Maria, ayon sa turo ng Simbahan, ng Ama simula sa kanyang
kapanganakan para maging ina ni Hesukristo. Isang prebilehiyo ang mapili siya bilang
tagapagsilang ng Anak ng Diyos. Dahil dito, kinikilala ng mga Kristiyano si Maria bilang
“pinakanatatanging anak na babae ng Ama”

Ngayong araw, sa pagdiriwang natin ng Kaarawan ni Maria, ipahayag natin ang labis
nating pasasalamat sa Ama sa paghahandog sa atin ng isang gaya ni Maria, ang
mapagpakumbabang dalaga ng Nazareth na matapang na nagsabi ng “oo” sa
imbitasyon ng Diyos na maging ina siya ni Hesus, ang tanging Anak ng Diyos. Siya ay
“labis na pinapaborang anak na babae” ng Panginoon, na perpektong binuo ng kanyang
ina na si Anna. Hindi lamang siya nanatiling walang pagkakasala simula nang mabuo
sa sinapupunan ng kanyang ina, kundi nanatiling walang pagkakasala hanggang sa
mga huling sandali ng kanyang buhay. Pinasasalamatan natin ang Diyos Ama para sa
kanyang buhay, isinilang si Hesus sa mundo para maging tagapagligtas.
Pinasasalamatan din natin ang Ama sa pagbibigay kay Maria para maging isang
huwaran na sumusunod sa kanyang banal na kalooban. Nagpapasalamat tayo na sa
pamamagitan ni Maria ay ipinamamalas ng Ama ang kanyang awa at malasakit para sa
atin.

Sa kanyang kaarawan, papurihan natin ang Diyos dahil kay Maria. Sundan natin si
Hesus sa yapak ni Maria, para tulad niya, titingnan tayo ng Diyos ng may kahabagan at
pagmamahal.

B. Intensyon sa bawat Misteryo ((Maaaring basahin ng bawat miyembro ng pamilya)

1. Para sa pinuno ng simbahan Papa Francisco, mga obispo at mga pari, nawa ay
patuloy silang magpahayag ng Salita ng Diyos at maging matapat sa kanilang
bokasyon upang mapalakas ang paanampalataya lalong higit ng mga kapus-palad at
mahihina.

2. Para sa mga pinuno ng pamahalaan, nawa ay patuloy silang maglingkod nang may
dedikasyon at integridad upang matugunan ang tunay na pangangailangan ng mga
mamamayan

3. Para sa mga mga mamamayan, nawa ay patuloy na ipakita ang malasakit sa isat isa
lalong higit sa panahong ito ng pandemya upang makapagbigay ng lakas ng loob at
maramdaman ang presensiya ng Diyos sa pamamagitan ng paglilingkod.

4. Para sa mga magulang, nawa ay patuloy na maging malakas at malusog ang


katawan at isipan upang maging lakas ng mga anak at katuwang ng paaralan sa
paghubog sa mga batang ipiagkatiwala ng Diyos sa kanila lalong higit ngayong
panahon ng pandemya.

5. Para sa mga mag-aaral, nawa ay liwanagan ang kanilang kaisipan ngayong sila ay
nag-aaral online. Lumago nawa sila sa biyaya at karunungan upang maging matatag
at matiyaga sila sa pagharap sa mga pagsubok na kanilang nararanasan. Ilayo
nawa sila sa karamdaman at karahasan.

Ang pagpapadala ng larawan na nagdarasal ng santo rosaryo sa guro ay hindi lamang upang
tiyakin kung isinagawa ang pagdarasal mas higit pa rito ay upang ipakita at ipahayag natin ang
ating pakikiisa sa isang makabuluhang gawaing ito na makatutulong sa iba na sila bilang
pamilya ay mahikayat din sa pagdarasal.upang mapalapit kay Maria na huwaran ng ating
pananampalataya.

You might also like