You are on page 1of 5

PAKSA 14: MARIA: INA AT HUWARAN NG SIMBAHAN

IKA-ANIM NA BAITANG (50 MINUTO)

Layunin: Pagkatapos maituro ang paksang ito ang mga bata ay inaasahang;

 Maipapahayag na si Maria ay Ina at Huwaran ng Simbahan.


 Makakapagbigay ng mga gawain bilang paggalang at agtulad kay Maria.
 Makakapag-alay ng panalangin kay Maria.

Gawain: Pagpapakita ng iba’t ibang larawan ng mga ginagawa ng isang ina

Pagpapahalaga: Pagkamasunurin, pagkamatapat

Salita ng Diyos: Juan 19:25-27

Supporting Text: Juan 2:1-5

Pahayag ng Pananampalataya

Katotohanan: Si Maria ay Ina at Huwaran ng Simbahan. (KIK 963, 967, KPK 1433-1441)

Pagsasabuhay: Ang Pagsunog ni Maria kay Kristo ang siyang maging huwaran natin sa pagsunod sa
Diyos. (KPK 1441)

Pagsamba: Nagagalak ang Simbahan na magdasal kasam ng Mahal na Birheng Maria upang papurihan
ang Diyos sa mga dakilang bagay na ginaganap niya sa kanya at upang ipagkatiwala sa kanya ang ating
mga kahilingan at pagpupuri. (KIK 2682)
PAMBUNGAD NA PANALANGIN

+ DASALIN ANG ABA GINOONG MARIA

MAHAHALAGANG TANONG

 Bakit itinuring si Maria na Ina at huwaran ng Simbaban?


 Paano matutulungan si Maria bilang Ina at Huwaran ng Simbahan?

I. PAHAYAG NG SALITA NG DIYOS

1.1 SALITA NG DIYOS

 Juan 19:25-27

“Nakatayo sa tabi ng krus ni Hesus ang Kanyang Ina at ang kapatid nitong babae, si Maria na asaw ni
Cleopas at si Maria Magdalena. Nang makita ni Hesus ang Kanyang Ina at ang minamahal niyang alagad
na nasa tabi nito,sinabi niya, ‘Ginang, narito ang iyong anak!’ at sinabi niya sa alagad, ‘Narito ang iyong
Ina! ’Mula noon, pinatira ng alagad na ito sa kanyang bahay ang in ani Hesus.”

1.2 PAGTATANONG PATUNGKOL SA SALITA NG DIYOS

 Sino ang nasa tabi ng krus ni Hesus? (si Maria na Kanyang anak, Maria na asawa ni Cleopas,
Maria Magdalena at ang Kanyang pinakamamahal na alagad)
 Ano ang sinabi ni Hesus sa kanyang Ina? (Ginang narito ang iyong anak)
 Ano ang sinabi ni Hesus sa kanyang alagad? (Narito ang iyong ina)
 Mula noon saan na nanirahan si Maria na Ina ni Hesus? (pinatira na siya sa bahay ng alagad)

1.3 BUOD NG SALITA NG DIYOS

Ipinahayag sa Mabuting Balita na ipinagkatiwala ni Hesus ang kanyang Ina sa kanyang


pinakamamahal na alagad na si Juan dahil nais ni Hesus na ituring ng alagad ang Kanyang Ina bilang ina
rin nito. Ang pangyayaring ito ay nagpapakita na ipinagkatiwala ni Hesus sa mga tao ang kanyang ina na
si Maria.
Napakahalaga ang ginampanan ni Maria bilang ina ni Hesus at bilang itinuring na ina ng mga alagad dahil
inilalapit ni Maria ang pangangailangan ng mga tao sa kanyang anak katulad na lamang ng pangyayari sa
kasalan sa Cana. (Juan 2:1-5) Noong nagkulang na ang alak, lumapit si Maria kay Hesus at sinabi na
naubusan ng alak. At si Hesus ay gumawa ng himala kahit hindi pa ito ang oras para gumawa ng mga
himala dahil hindi niya matiis ang Kanyang ina.

Katulad ni Maria, ang pagiging ina ay may kailangan isa-alang-alang katulad ng mga ipapakita kong mga
larawan.

II. SITWASYON NG BUHAY

2.1 GAWAIN

 Pagpapakita ng iba’t ibang larawan na ginagawa ng isang ina


PAGTATANONG TUNGKOL SA GAWAIN

 Anu-ano ang mga nakikita ninyo sa larawan? (nagpapatulog ng anak, inaalalayan sa paglalakad
ang anak, tinuturuanmagsulat at magbasa ang anak atbp.)
 Bukod sa mga larawang ito, ano pa ang mga ginagawa ng inyong mga ina sa inyong tahanan?
(naglalaba, naglilinis ng bahay, nagtatrabaho, nag-aalaga ng mga anak)
 Mahalaga ba ang gampanin na ginagawa ng isang ina? Bakit? (opo, dahil kung wala sila, wala rin
tayo)
 Ano ang dapat nating gawin dahil sa kanilang kadakilaan bilang ina? (maging masunurin,
matapat at mahalin sila katulad ng pagmamahal nila sa atin)

2.2 PAGPAPALALIM NG PAGPAPAHALAGA

A. VALUE IDENTIFICATION

 Mahalaga ba na tayo ay sumunod at maging matapat sa kanila? (opo, dahil kulang pa ito para
mainalik ang pagsisikap na naibigay nila para sa atin)
 Ano ba ang kahulugan ng pagkamasunurin at pagkamatapat? (paggawa ng mga pinapagawa nila
at ipinag-uutos nila lalo na ito ay para sa kabutihan natin)

B. VALUE CLARIFICATION

 Ano ang mangyayari kapag tayo ay sumunod at nagging matapat sa kanila? (nasusuklian natin
ang kanilang hirap sa pagpapalaki, pagmamahal at pag-aalaga sa atin)
 Ano naman ang mangyayari kapag tayo ay hindi naging masunurin at nagging matapat sa kanila?
(naipaparamdam natin sa kanila na parang wala silang naidulot sa ating buhay at nasasaktan
natin ang kanilang damdamin)

C. ACTION PLAN

 Tumahimik sandal at pagnilayan kung tayo ba ay nagging masunurin at nagging matapat sa ating
mga ina. Kung hindi, ano an dapat mong gawin?

2.3 PAGTATAGPO

Sa pamamagitan ng pagsunod, pagiging matapat at pagmamahal sa ating mga ina, naipapakita


natin sa kanila ang ating pasasalamat sa lahat ng paghihirap nila para lang tayo ay mabuhay at lumaki ng
Mabuti. Katulad ni Hesus, alam niyang Malaki ang naging tungkulin ng Kanyang Ina para sa Kanya kung
kaya, sinunod niya ito at ipinakita ang pagmamahal niya kahit sa kanyang kamatayan kaya ipinagkatiwala
niya si Maria na kanyang Ina sa pinakamamahal niyang alagad. Dahil dito...

III. PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA

KATOTOTHANAN: Si Maria ay Ina at Huwaran ng Simbahan. (KIK 963, 967, KPK 1433-1441)
Nakita natin kung paano naging Ina ng Diyos si Maria. Nagsimula ito sa kanyang pagsang-ayon sa
pagbabalita ng anghel na ipaglilihi at ipanganganak niya ang Anak ng Diyos Ama na magiging
Tagapagligtas ng sangkatauhan.
Si Maria din ay nakikita natin bilang Ina ng Simbahan dahil sa kanyang pakikiisa sa mapanligtas na mga
gawain ni Hesus. Natutunan ng Simbahan na tularan ang pananampalataya at pag-ibig ni Maria dahil sa
kanyang pagsasakatuparan ng kalooban ng Diyos para sa kanya. Si Maria ay tinanghal bilang Huwaran ng
Simbahan sapagkat nagniningning siya sa buong sambayanan bilang huwaran ng kabutihan, paglilingkod
at pagkamasunurin. Kung babalikan natin ang Ebanghelyo ni San Lucas 1:39-45; si Maria ay pinagpala sa
babaeng lahat at pinagpala siya sapagkat sumampalataya siyang matutupad ang ipinasabi sa kanya ng
Panginoon. Samakatuwid. Marapat na ituring si Maria bilang huwaran na dapat tularan sa kanyang kusa
at lubos na pagtanggap sa kalooban ng Diyos, sa kanyang pananampalataya, pagiging bukas-palad at
lakas ng loob at pagkamsunurin dahil…

PAGSASABUHAY: Ang Pagsunod ni Maria kay Kristo ang siyang maging huwaran natin sa pagsunod sa
Diyos. (KPK 1441)

Ang pagtugon ni Maria ng “Fiat” o “OO” sa kalooban ng Diyos ay ang dakilang pagsunod niya na
maging Ina ng Anak ng Diyos na Siyang Tagapagligtas. Ito ang dakilang pagsunod ni Maria na walang
makakatulad. Bukod ditto, si Maria ang unang naging alagad ni Hesus. Kahit saan man magpunta si
Hesus ay kasa-kasama Niya ang Kanyang Ina hanggang sa Kanyang kamatayan na kung saan ang at
pangyayari na ipinagkatiwala niya si Maria kay Juan ay ang pagpapakita na ipinagkatiwala Niya si Maria
bilang Ina ng Simbahang itinatag Niya. Sa pamamamagitan ng paggawa ng kabutihan, pagtulong at
pagsunod ay natutularan natin si Maria sa kanyang pagsunod sa kalooban ng Diyos.

Kilalanin natin ng lubos si MARIA

Siya ay ipinganak noong ika-8 ng Setyembre sa Nazaret, Galilea. Siya ay anak ni San Joaquin at Santa
Ana. Si Maria ay pinalaki ng kanyang mga magulang na may pagmamahal at pananampalataya sa Diyos.
Sa kanyang paglaki, siya ang napili ng Diyos Ama na maging Ina ni Hesus sa pamamagitan ng paglukob ng
Espiritu Santo. Hindi siya nagdalawang isip na bitawan ang kanyan “Fiat o OO” sa kalooban ng Diyos.
Ipinakita at ipinaramdam ni Maria ang Kanyang pagiging Ina kay Hesus hanggang sa kamatayan nito na
siyang katuparan ng mapanligtas na pagmamahal ng Diyos sa sangkatauhan.
Hindi dito nagtatapos ang gampanin ni Maria dahil noong ipinagkatiwala siya ni Hesus sa kanyang
alagad, sa Simbahan bilang ating Ina. Kaya naman…

PAGSAMBA: Nagagalak ang Simbahan na magdasal kasama ng Mahal na Birheng Maria upang
papurihan ang Diyos sa mga dakilang bagay na ginaganap niya sa kanya at upang ipagkatiwala sa
kanya ang ating mga kahilingan at pagpupuri. (KIK 2682)

Nawa matularan natin si Maria sa walang humpay na sayang pagbibigay puri sa Diyos katulad ng
kan’yang awit ng Pagpupuri. Lucas 1:46-55 “Ang Puso ko’y nagpupuri sa Panginoon, at ang aking
Espiritu’y nagagalak sa Diyos na aking Tagapaligtas, sapagkat nilingap niya akong Kanyang abang alipin!
Mula ngayon, ang lahat ng taoy tatawagin akong pinagpala;dahil sa mga dakilang bagay na ginawa sa
akin ng Makapangyarihan. Banal ang Kanyang pangalan! Ang Kanyang kahabagan ay para sa lahat ng
salinlahing may takot sa kanya. Sa awit na ito, ipinahayag ni Maria ang kanyang pagpupuri sa
makapangyaring Diyos.
Kasama ditto, tayo rin ay nananalangin kay Maria na ilapit tayo sa kanyang Anak na si Hesus. Kapag tayo
ay nananalangin kay Maria, hindi ito nangangahulugan na sinasamba natin siya kundi ito ay
pagpaparangal at pagpapasalamat sa kanyang dakilang misyon na ginampanan para sa kaligtasan ng
sangkatauhan na dulot ng kanyang Anak.

MAHAHALAGANG TANONG

 Bakit itinuring si Maria na Ina at huwaran ng Simbaban?


 Paano matutulungan si Maria bilang Ina at Huwaran ng Simbahan?

IV. TUGON NG PANANAMPALATAYA

3.1 PANININDIGAN: Naniniwala ako na si Maria ay Ina at Huwaran ng Simbahan

3.2 PAGTATALAGA: Magbigay ng mga Gawain na nagpapakita ng paggalang at pagtulad kay Maria.

3.3 PAGDIRIWANG: Awitin ang “Ang Puso ko’y Nagpupuri”

PAGNINILAY:

Si Maria ay Ina ni Hesus, Ina nating lahat. Sa pamamagitan ng pananalangin sa Kanya, inilalapit niya tayo
sa kanyang Anak na si Hesus. Hindi ito pagpapakita na siya ay tinuturing natin na Diyos bagkus ito ay
pagpaparangal sa kanya at pasasalamat sa dakilang pakikiisa niya sa pagliligtas ng kanyang anak. Katulad
ni Maria na isang Ina, mahalaga sa ating mga tao na pasalamatan din ang ating mga sariling ina dahil sa
kanilang pagiging dakila sa lahat para lang sa ating kanilang mga anak.

You might also like