You are on page 1of 3

Rekonilayan

Philosophy 2
Panimula:
Pueblo Amante de Maria!
Bayang sumisinta kay Maria!
Ang mga salitang ito ang nagpapakilala sa pananampalataya ng
mga Katolikong Pilipino. Kilalang kilala tayo sa ating masidhing
pagmamahal at debosyon sa Mahal na Ina ng Diyos, ang Birheng
Maria. Sa araw na ito ginugunita natin ang Kapistahan ni Maria
bilang Inang Nagdadalamhati. (Picture 1)
Halinat samahan po ninyo ako sa isang pagninilay Sa Paa ni
Kristo
Mabuting Balita: (voice over)
Ang Mabuting Balita ng Pangninoon ayon kay San Juan (Jn 19: 2527)
Nakatayo sa tabi ng krus ni Jesus ang kanyang Ina at ang kapatid
nitong babae, si Maria na asawa ni Cleopas, at si Maria
Magdalena. Nang Makita ni Jesus ang kanyang Ina at ang
minamahal niyang alagad na nasa tabi nito, sinabi niya, Babae,
nariyan ang iyong anak! At sinabi niya sa alagad, Nariyan ang
iyong Ina Mula noon, sa bahay na ng alagad na ito tumira ang
ina ni Jesus.
Pagninilay:
Mga Kapatid, ang titulo ni Maria bilang Inang nagdadalamhati ay
kinikilala na ng mga kristiano simula pa noong ika- labing apat na
siglo. At ito ay kilala sa debosyon sa Pitong Hapis ni Maria.
-Ang propesiya ni Simeon (larawan bawat isa) (Pic 2)
-Ang pagtakas patungong Ehipto (Pic 3)
-Ang pagkawala ni Hesus sa Jerusalem (Pic4)
-Ang pagtatagpo sa Daan ng Krus (pic5)

-Ang pagpapako kay Hesus sa Krus (pic6)


-Ang pagbababa sa bangkay ni Hesus sa Krus (pic 7)
-Ang paglilibing (Pic 8)
Sa mga magulang, bilang Ina napakasakit makita na ang iyong
anak ay nasa bingit ng panganib, sakit, gutom, nawawala,
naghihirap, at higit sa lahat ay ang mamatay. Sa ating buhay
naman madalas kapag tayo ay may mabigat na suliranin tayo ay
kaagad pinangungunahan ng takot, nangangamba sa mga
mangyayari, at minsan tinatakasan nalang natin ito. Lilipas din
iyan. Kaya ang buhay ay nawawala sa tamang direksyon.
Kapag tumitindi na ang pagsubok minsan sumasagi sa ating
isipan na gumawa ng masama para matapos lng ito. Nauuwi sa
kasalanan na naglalayo sa ating Diyos at nagdadala sa
kamatayan.
Sa ebanghelyo narinig natin ang kwento ng mag-Ina sa kalbaryo.
Binigay sa atin ni Hesus ang kanyang sariling Ina bilang (Maria)
modelo ng pananampalataya at katuwang sa paglalakbay sa
buhay. Si Maria sa simulat simula pa sa kabila ng panganib siya ay
patuloy na sumampalataya, sumunod sa kalooban ng Diyos kahit
ito ay mahirap, masakit at nakakatakot hanggang sa Kamatayan
sa Krus. Totoo nga ang sinabi ni Simeon parang tinarakan ang
puso mo ng isang balaraw. Ngunit hindi nagpatinag si Maria,
tinanggap niya ang lahat ng ito at buong pusong nagtiwala sa
Diyos.
Ang ating simbahan ay Ina rin, Inang Simbahan na binigay sa atin
ni Jesus bilang maging katuwang sa buhay pananampalataya. Ito
ay nagbibigay sa atin ng biyaya na galing sa Diyos, Pag-asa
sa panahon ng pagsubok, pagpapatawad at Awa sa oras ng
kasalanan at pag nanalayo tayo sa Diyos. Siya ay Nagtuturo na
maging mapagpakumbaba, banal at palaging sumunod sa
kalooban ng Diyos.
Hamon:
Tayo gaano ba kalaki ang ating tiwala sa Diyos (?) lalo sa
panahon ng pagsubok?

Kaya ba nating sumunod (?) sa kanyang kalooban sa kabila ng


mga matitinding pagsubok sa buhay?
Panalangin:
Hilingin natin ang grasya ng Diyos na biyayaan tayo ng malakas
at buhay na pananampalataya katulad ng kay Maria na ating Ina
sa Paanan ni Kristo. (Pic 9)

You might also like