You are on page 1of 23

Ang pag-eestasyon sa daan ng Krus ay isang uri ng pakikiisa sa hirap at dinananas ni Hesus.

Ang ating buhay ay dapat mahubog ng ating pagninilay sa pagpapasakit ni Hesus; dapat tayong
matulad kay Hesus sa pagpapasan o pagdadala ng ating mga tiisin. Dahil sa kasalanan na dapat nating
tangisan an gating sarili at tayo’y magbagumbuhay. Ang huling tawag pansin sa ating pagninilay ay
hindi paghihirap kundi kaluwalhatian; hindi kamatayan kundi buhay.

II. Ang isa sa mga layunin ng Alay-Kapwa-Daan ng Krus ay ang maipadama sa ating kapwa na sila ay
kasali at mahalaga sa ating sambyanan (to give them a sense of Belonging and a sense of
importance).

Una: Sa pakikipagtagpo sa kanila nang isahan upang ipaliwanag

i. ang Estasyon/Daan ng Krus na kanilang gagayakan at lalahukan;


ii. ang kahulugan ng sobre na lalagyan nila ng kanilang Alay na salapi, panalangin at
pagpapakasakit;
iii. na ang kanilang ihahandog sa Sabado de Gloria o sa Pasko ng Muling Pagkabuhay ay para
sa mga higit na nangangailangang dukha at kaawa-awa.

Pangalawa: Upang sila at ang kanilang kahilingan ay sama-samang maipagdasal ng lahat ng


makikiisa sa Daan ng Krus, kaya ipinahahayag ng namumuno ang kahilingan ng tinatapatan
bago magdasal ng bahagi ng rosary.

III. Paalala: Ang bawat parokya ay may tungkulin na magremit sa Curia ng


sobre ng Alay Kapwa hanggang sa Linggo ng Muling Pagkabuhay.

"Ang anumang ginawa Mo sa pinakamaliit na kapatid kong ito ay sa akin Mo ginawa". (Mt.25:40)
PAGHAHANDA Pambungad na Awit

Awit.

Buksan ang Aming Puso

Buksan ang aming puso, Nang kusang matangkilik,


turuan Mong mag-alab tungkuling nabanaag.
Sa bawat pagkukuro, Buksan ang aming palad,
lahat ay makayakap. sarili’y maialay;
Buksan ang aming isip, Tulungan Mong ihanap,
sikatan ng liwanag. kami ng bagong malay.

Namumuno: Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.

Bayan: Amen.

Namumuno: Mga kapatid, inhanda natin ang ating sarili upang sama-samang pagnilayan ang
mga huling tagpo sa buuhay ng ating Manunubos.

Sariwain natin ang mga hirap at kamatayang kusang loob Niyang sinuong bilang
pagsunod sa kalooban ng Ama at pagpapahayag ng walang hanggang pag ibig
Niya sa atin para sa ating kaligtasan.

(Sa bawat panalangin, ating itutugon)

“AMA NAMIN, PATAWARIN MO KAMI”

Namumuno: Ama, hangad Mo ang pakikipagkasundo namin sa Iyo at sa isa’t-isa, gayon din ang
igalang at ibigay ang karapatan ng bawat isa, mag-ibigan tulad ng pagibig Mo sa
amin at magkaroon ng kapayapaan na nagmumula sa Iyo, ngunit kami na rin ang
nagiging sagabal na makamit ang hinahangad Mo.

Bayan: “AMA NAMIN, PATAWARIN MO KAMI”

Namumuno: Ama, inaasahan Mo na kami ay sumasampalataya ng walang pagsubali; ngunit


napakaliit ng aming pagtugon at malimit na magwalang bahala kami sa Iyong
panawagan.

Bayan: “AMA NAMIN, PATAWARIN MO KAMI”

Namumuno: Ama inialay ng Iyong bugtong na Anak ang Kanyang sarili para sa aming lahat
ngunit sinisira namin ang kaayusan ng aming buhay at pati na ang kalikasan.

Bayan: “AMA NAMIN, PATAWARIN MO KAMI”


Namumuno: Ama laganap ang katiwalian sa aming pamayanan, kawalan ng paggalang sa
dangal at buhay ng tao, marami ang naghahasik ng kamalian sa
pananampalataya.

Bayan: “AMA NAMIN, PATAWARIN MO KAMI”

Namumuno: Ama, iniaalay namin sa Iyo ang pag-eestayon at pagrorosaryong ito sa


karangalan ng Iyong anak na si Hesus at ng aming Inang si Maria, na huwaran sa
pagtupad ng Iyong kalooban. Pagpalain Mo kaming lahat na nakikiisa sa banal na
gawaing ito at ng mga nagmamagandang loob na tumugon na ikaw ay ibigin at
paglingkuran sa katauhan ng aming kapwa na nangangailangan. Ang lahat ng ito
ay aming hiniling sa pamamagitan ng Iyong anak, naghaharing kasama Mo kaisa
ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen.

Unang Estasyon
Si Hesus ay Hinatulan ng Kamatayan sa Krus.

Namumuno: O Hesus, aming Manunubos, sinasamba ka namin at pinapupurihan.

Bayan: Sapagkat sa Iyong paghihirap at pagkamatay sa krus, tinamo Mo ang aming


kaligtasan.

Pagninilay:

Ang Kanyang pagkatao ay naging hadlang sa paniniwala na Siya ang MeSiyas. Mali ang
pagkakilala ng mga Hudyo kay Hesus at sa Kanyang Misyon: ang hanap nila’y isang lider na
mangunguna sa paglaya mula sa Imperyo Romano; hanap ng iba’y kasaganaang pangkabuhayan, at
ang iba nama’y pangkaluluwa lamang. Naingit at napoot sila sa Kanya dahil sa mga aral at pagtutuwid
na hindi nila matanggap; kaya humanap sila ng paraan para mawala Siya sa kanilang landas; ginipit nila
si pilato na napilitang ibigay Siya sa kanila upang ipako sa krus.

Nakikita ba natin si Hesus, bilang ating Manunubos ayon sa Kanyang ipinakita at ipinahayag, O
mayroon ba tayong mga sariling pagkakilala sa Kanya? Tinatanggap ba natin ang Kanyang mga aral
upang mapanuto ang ating buhay; o tinatanggihan natin Siya upang manatli tayo sa kamalian?

(Sandaling katahimikan upang magnilay)

Panalangin:

Lahat: Panginoong Hesus, Ikaw ang Manunubos ng sanlibutan . Naparito ka sa daigdig at


naging tunay na tao upang mabuhay kami nang ganap at
kasiya-siya .

Ngunit kulang na kulang ang pagkakilala sa Iyo. Hindi namin pinakikinggan ang pahayag
Mo tungkol sa Iyong sarili: sa Banal na kasulatan at sa turo ng Inang Simbahan.
Kaya sa aming kapabayaan, kami narin ang humahatol na huwag kang mabuhay sa
aming daigdig. Hinahadlangan naming sumikat ang Iyong liwanag sa aming buhay at
kapaligiran. Pinipigil naming marinig at mamalas ka ng mga tao , lalo na ng mga dukha
at aba.

Panginoon Ikaw ang Daan ng Katotohanan at ang buhay. Nais naming makilala at
ipakilala ka at isabuhay ang Iyong buhay. Amen.

Unang Misteryo sa Tuwa: Ang Pagpapahayag ng Anghel kay Maria ng Pagiging tao ni Hesus.

Intensyon:

Namumuno: 1) Ialay natin ang ating pagninilay at panalangin para sa layuning higit na makilala
si Hesus; na Siya ang Mabuting Balita ng Kaligtasan.

Ipagdasal din ang mga Obispo at mga Pari.

2) Isama natin ang kahilingan ng pamilya ni (N) na tinapatan ng unang estasyon.

Dasalin natin: 1 Ama namin, 10 Aba Ginoong Maria at 1 Luwalhati habang lumalakad patungo sa
susunod na estasyon.

Pumili ng Angkop na Awit sa pahina 21-24

Ikalawang Estasyon
Pinasan ni Hesus ang Krus

Namumuno: O Hesus, aming Manunubos, sinasamba ka namin at pinapupurihan.

Bayan: Sapagkaat sa Iyong paghihirap at pagkamatay sa krus tinamo Mo ang aming


kaligtasan.

Pagninilay:

Namumuno: Pinasan ni Hesus ang Krus hanggang sa bundok ng Kalbaryo. Ipinamalas Niya sa
atin na mahirap ang daan tungo sa kaligtasan.

Ang unang hakbang upang matamo natin ang kaligtasan ay ang pagbabagong
loob. Ito ang inaaral ni Hesus: “Magsipagsisi kayo sapagkat maghahari na ang
Diyos”. Ito ang ibig sabihin ni Hesus ng ipahayag Niya: “Kung ibig ninumang
sumunod sa Akin, talikdan niya ang kanyang sarili, pasanin ang kanyang krus.”

Ang pagbabata ng hirap at sakit at pagharap sa mga pagsubok ay pagpapasan


ng Krus ng buhay na hindi dapat tiisin lamang kundi ialay ng may tiwala at
pagmamahal. Ilang beses mo nang ibinagsak o tinanggihan ang Iyong Krus:

- sa Iyong tungkulin o pananagutan sa pamilya, sa lipunan, sa pananampalataya.

Handa ka na ba ngayong pasanin ito at sumunod kay Hesus, habang buhay?


(Sandaling katahimikan upang magnilay)

Panalangin:

Lahat: Panginoong Hesus, mabigat ang krus na Iyong pinasan para sa aming kaligtasan,
tunay ngang makipot at madawag ang Iyong landasin. Tulungan Mo sana kaming
tumugon sa Iyong paanyaya na sumunod sa Iyong mga yapak. Palakasin Mo ng
aming loob na pasanin ang aming krus ng panangutan nang may lugod sa aming
puso sa ikapagtatamo ng buhay sa Iyong piling. Amen.

Ika-2 Misteryo sa Tuwa: Ang pagdalaw ni Maria kay Isabel.

Intensiyon:

Namumuno: 1) Ialay natin ang ating pagninilay at panalangin para sa layunin maging matatag
tayo sa pagganap ng mga tungkulin at pananagutan. Ipagdasal natin ang mga
lider pampamahalaan at pansimbahan.

2) Isama rin natin ang kaihilingan ng pamilya ni (N) na tinapatan ng ika-2 estasyon.

Dasalin natin: 1 Ama namin, 10 Aba Ginoong Maria at 1 Luwalhati habang lumalakad patungo sa
susunod na estasyon.

Pumili ng Angkop na Awit sa pahina 21-24

Ikatlong Estasyon
Ang Unang Pagkarapa ni Hesus

Namumuno: O Hesus, aming Manunubos, sinasamba Ka namin at pinapupurihan.

Bayan: Sapagkat sa Iyong paghihirap at pagkamatay sa Krus, tinamo Mo ang aming


kaligtasan.

Pagninilay:

Namumuno: Marami nang pahirap ang tinaggap ni Hesus: ang puyat mula pa sa hardin ng
Hetsemani; ang panghihina mula sa iba’t-ibang
pag-aalipusta sa Kanya, ang pagod sa paglilipat-lipat, ang bigat ng pasang krus,
ang kirot ng mga hampas na Kanyang tinanggap at ng koronang tinik sa Kanyang
ulo; ang panlulupaypay ng kalooban dahil sa pag-iwan sa Kanya ng mga alagad,
dahil sa pagtataksil ni Hudas at sa pagtatuwa ni Simon Pedro, ang init ng araw,
ang alikabok na kumakapit sa Kanyang katawan, ang patuloy na pag-uyam ng
Kanyang mga kaaway. Hindi na makaya ng Kanyang katawan. Siya ay
napasubasob.
Mahirap maging alagad ni Hesus. Mahirap magpakabuti; mahirap isabuhay ang
Mabuting Balita.

Mas nararamdaman nating higit na madali ang pagdala sa layaw ng katawan; higit
na madali ang pagtangay sa agos ng mga makamundong pamumuhay. Higit na
pinupuri ng mga tao yaong mga nabubuhay ayon sa diwa ng mundo. Mahirap
maglingkod ng walang inaasahang ganting materyal. Mahirap magpahalaga sa
kapwang aba at hamak sa mata ng ating lipunan. Mahirap sumalungat sa mga
prinsipyo at gawaing alam nating labag sa kabutihan at kalobann ng Diyos, ngunit
tinatanggap ng karamihan.

Ang bigat ng pagsisikap na salungahin ang lahat ng ito ay madalas na dahilan ng


aming pagkarapa sa pagtahak sa landas ng pagbabagong buhay. Sa kabuuan,
narapa ka sa bigat ng aming kasalanan na Iyong pinasan, Panginoon.

(Sandaling katahimikan upang magnilay)

Panalangin:

Lahat: Panginoong Hesus, sinabi Mo, “Halikayong mga napapagod at nabibitagan,


bibigyan Ko kayo ng ginhawa. Ang matiyaga hanggang wakas ay magkakamit ng
tagumpay”.

Panginoon, imulat Mo kami sa ibang mga halaga sa buhay na makapagdudulot sa


amin at sa aming kapwa ng tunay na kaligayahan at kaunlaran. Ipaala-ala mo na
higit ang lugod at pagpapala ng Diyos, kaysa palakpak at papuri ng mga tao.
Ipamalas Mo sa amin na kung tutuusin ang lahat-lahat, ang naghahangad ng
buhay na ito ay mawawalan ng tunay na buhay.

Patatagin Mo ang aming pananalig at pag asa sa Iyo. Maraming ibang


katotohanan na pinaniniwalaan, may mga kasiyahan sa buhay na ito na karaniwan
ay higit na hinahangad ng mga tao; maraming pagsubok at tuksong dumating sa
aming buhay... pinanghawakan at inasahan namin ang kayamanan,
kapangyarihan at karangyaan , nalimutan ka namin, nanghina ang aming
pananampalataya at pag-asa, bumitiw kami sa Iyong kapangyarihan, napadala
kami sa pang-akit ng mundo. Kaya kami ay narapa; kami ay patawarin at ibangon
Mo. Amen.

Ikatlong Misteryo sa Tuwa:Ang Pagsilang ni Hesus sa Belen.

IntensIyon:

Namumuno: 1) Ialay natin ang ating pagninilay at panalangin para sa layuning makaahon tayo
sa kahirapan, makabangon tayo sa pagkarapa dahil sa kasalanan ipagdasal natin
ang mga taong nakalilimot sa Diyos; maging Siya ay inaapi o nang-aapi,
nagsasamantala o pinagsasamantalahan.

2) Isama rin natin sa ating panalangin ang kahilingan ni (N) na tinapatan ng ika-3
estasyon.
Dasalin natin: 1 Ama namin, 10 Aba Ginoong Maria at 1 Luwalhati habang lumalakad patungo sa
susunod na estasyon.

Pumili ng Angkop na Awit sa pahina 21-24

Ika-apat na Estasyon
Nasalubong ni Hesus ang Kanyang Inang Nagdadalamhati.

Namumuno: O Hesus, aming Manunubos, sinasamba ka namin at pinapupurihan.

Bayan: Sapagkat sa Iyong paghihirap at pagkamatay sa krus, tinamo Mo ng aming


kaligtasan.

Pagninilay:

Namumuno: Ang kadakilaan ni Maria ay nasa Kanyang lubusang pagsunod sa kalooban ng


Ama. “Ako’y alipin ng Panginoon, maganap sa akin ang Iyong sinabi.“ Bahagi ng
pananagugtan ng Kanyang pagiging Ina na tanggapin at harapin ang nagaganap
sang-ayon sa hula si Simeon. “Ang Iyong puso ay para naring tinarakan ng isang
balaraw.” Sumama Siya sa Kanyang anak na nagdurusa, nagpapakasakit at
mamamatay sa kru. Lubusan Siyang nakiisa sa ginawa Niyang pagtugon. Kaya
naman, marapat sa Kanya ang taguring “Kamanliligtas” (co- redemptrix).

Walang ina ang maaring tumakas o manlumo sa ganitong kalagayan katulad ni


Maria, kailanma’y hindi tinalikdan ang Kanyang pananagutan sa Kanyang anak.

Hindi ba isang napakalaking paglabag sa kalooban ng Diyos na ang isang anak na


nasa sinapupunan pa lamang ng Kanyang ina ay itinakwil na? Hindi ba’t isang ina
ay dapat makatulong sa pagliligtas sa Kanyang anak?

(sandaling katahimikan upang magnilay)

Panalangin:

Lahat: Panginoong Hesus, sa katauhan ng Iyong ina, itinaas Mo ang karangalan ng mga
babae. Marapatin Mo sanang ang lahat ng ina ay maging mapanagutan katulad ni
Maria sa pagpapahalaga,
pag-aaruga at paghubog sa kanilang mga anak lalo na sa larangan ng pagsamba.
Itulot Mo pong ang ina na Siyang ilaw ng tahanan ang magsilbing daan ng
pagkakasundo at pagkakaroon ng bukas na bahaginan; maging tapat ang mga
magulang sa isat-isa at maigalang ang karapatan ng bawat isa sa tahanan. Amen.

Ika-4 na misteryo sa tuwa: Ang Paghahain kay Hesus sa Templo ng Herusalem.

Intesyon:
Namumuno: 1) Ialay natin ang ating mga panalangin sa lahat ng mga Ina na lalo silang maging
mapanagutan sa tungkulin sa tahanan at pamayanan. Ipagdasal natin na maputol
at matigil ang masamang gawain na aborsiyon. Ang mga kababaihan nawa ay
laging ilayo sa kapahamanakan at tuloy kilalanin ang kanilang karapatan.

2) Isama rin natin ang mga kahilingan ni (N) na tinapatan ng ika-apat na estasyon.

Dasalin natin: 1 Ama namin, 10 Aba Ginoong Maria at 1 Luwalhati habang lumalakad patungo sa
susunod na estasyon.

Pumili ng Angkop na Awit sa pahina 21-24

Ikalimang Estasyon
Si Hesus ay Tinulungan si Simon ng Cirene at Pagbubuhat ng Krus.

Namumuno: O Hesus, aming Manunubos, sinasamba Ka namin at pinapupurihan.

Bayan: Sapagkat sa Iyong paghihirap at pagkamatay sa krus, tinamo Mo ang aming


kaligtasan.

Pagninilay:

Namumuno: Si Simon na taga-Cirene ay tagasunod ni Hesus; nanunuod siya sa mga


nagaganap, nahahabag Siya kay Hesus na pinarurusahan. Natatakot naman
Siyang basta tumulong, kahit na si Hesus ay nadarapa sa pagpapasan ng krus,
kinakailangan pa niya ang siya’y utusan.

Nakalarawan kay Hesus ang mga dukha’t kaawa-awa; salat na sa kabuhayan,


pinagkakaitan pa ng katarungan; mahina na’y pinagpapasan pa ng lalong mabigat
na dalahin. Malabo na ang pananaw, binubulag pa ng kamalian at
kasinungalingan; wala nang tinig, ikinukulong pa; hindi na makalaban, pinapatay
pa.

Ikaw ba ay magsasawalang kibo at manunuod na lamang samantalang


nagaganaap ang pang-aapi, paniniil at pagsasamantala sa Iyong kapwa? Ikaw ba
ay kakain na lamang ng kakain at hindi mo lilimusan ang dukkha at maralita; mga
biktima ng kalamidad na likha ng Tao at Kalikasan?

(sandaling katahimikan upang magnilay)

Panalangin:

Lahat: Panginoon, ako’y bantulot na manunuod. Pagkalooban Mo ako ng tapang at lakas


ng loob na kumilos at makisangkot sa ikalalaya sa pagdarahop ng aking kapwa.
Tulungan Mo akong ibangon sila sa pagkahandusay; kung paanong imumulat ang
kanilang mga mata sa liwanag ng magandang pananaw at kung papaanong
pupuspusin sila ng ligaya at pag-asa sa kabila ng kanilang pagdurusa.
Inaari Mong personal na paglilingkod sa Iyo ang anomang kawanggawa sa mga
salanta, dukha at kaawa-awa, makarating nawa sa mga tunay na
nangangailangan ang kaloob na tulong ng mga pinagpalang bukas-palad at
huwag nawa sa mga ganid at mapagsamantala. Amen.

Ika-5 Misteryo sa tuwa: Ang Pagkatagpo kay Hesus sa Templo ng Herusalem.

Intensiyon:

Namumuno: 1) Ialay natin ang ating pagninilay at panalangin sa mga taong ayaw makisangkot
at makiramay sa kapwa at lipunan na sana’y antigin ng Diyos, ang kanilang
kalooban.

2) Isama rin natin ang mga kahilingan ng pamilya ni (N) na tinapatan ng ika-5
estasyon.

Dasalin natin: 1 Ama namin, 10 Aba Ginoong Maria at 1 Luwalhati habang lumalakad patungo sa
susunod na estasyon.

Pumili ng Angkop na Awit sa pahina 21-24

Ika-anim na Estasyon
Pinunasan ni Veronica ang Mukha ni Hesus

Namumuno: O Hesus, aming Manunubos, sinasamba Ka namin at pinapupurihan.

Bayan: Sapagkat sa Iyong Paghihirap at pagkamatay sa Krus, tinamo Mo ang aming


kaligtasan.

Pagninilay:

Namumuno: Dugong buhat sa ulong may koronang tinik ang dumadaloy sa mukha ni Hesus,
na wala nang kagandahang nabadha kundi matinding hirap at sakit ang
madarama. Hindi na nakapagpigil si Veronica, itinulak Siya ng di awaring habag at
awang hindi nahadlangan ng anomang pagsasaalang-alang. Pinunasan niya ang
mukha ni Hesus, at ito’y nalarawan kaagad sa Kanyang birang.

Ano ang nalalarawan ngayon sa isipan ng mga tao lalo’t higit sa murang isipan ng
mga kabataan sa kanilang mga napapanood, nababasa at napapakinggan.
Nasaan ang pagpapahalaga sa taong nilikhang kawangis at kalarawan ng Diyos?

Anong larawan ang napapakintal sa ating katauhan nang dahilan sa masamang


pamumuhay ang ilang mga halal at piling lingkod-bayan na inaasahang
magbibigay ng magandang halimbawa ng Paglilingkod?

(sandaling katahimikan upang magnilay)

Panalangin:
Lahat: Panginoong Hesus, kulang kami sa lakas at kaalaman sa pagsupil sa katiwaliang
umiiral sa aming lipunan upang pahiran ang dungis sa karangalan ng
Sambayanan. Mahina kami Panginoon, sa aming pananampalataya at
nasisiyahang manood na lamang sa nagaganap sa aming lipunan at takot
makisangkot.

Ang Iyo nawang awa at habag ang magtulak sa amin upang ibangon ang dangal
ng sambayanang nasadlak sa hirap at dusa. Amen.

Unang Misteryo sa Hapis: Si Hesus ay Naghirap at Pinawisan ng Dugo sa Halamanan ng Hetsemani.

IntensIyon:

Namumuno: 1) Ialay natin ang ating pagninilay sa lahat ng mga kababayang naghahanap-
buhay sa ibayong dagat. Upang sila ay laging patnubay ng Diyos at bigyan ng
magandang kalusugan.

2) Isama rin natin ang mga kahilingan ng pamilya ni (N) na tinapatan ng ika-5
estasyon.

Dasalin natin: 1 Ama namin, 10 Aba Ginoong Maria at 1 Luwalhati habang lumalakad patungo sa
susunod na estasyon.

Pumili ng Angkop na Awit sa pahina 21-24

Ikapitong Estayon
Si Hesus ay nadapa sa Ikalawang Pagkakataon

Namumuno: O Hesus, aming Manunubos, sinasamba Ka namin at pinapupurihan.

Bayan: Sapagkat sa Iyong Paghihirap at pagkamatay sa Krus, tinamo Mo ang aming


kaligtasan.

Pagninilay:

Namumuno: Malayo pa ang lakbayin ; si Hesus ay muling nahinto, hindi na nakaya ng Kanyang
tuhod ang nanlulumong katawan at bigat ng krus. Bagama’t nanlalata, unti-unti
rin Siyang bumangon.

Nais nating magpakabuti; alam nating dapat sundin ang kalooban ng Diyos; batid
din nating dapat mahalin ang kapwa. Hangad din nating magkaisa-isa tayo sa
pagtaguyod ng kabutihan at kapakanang panlipunan. Ngunit mahirap manatiling
nakatayo sa tama at sa panig ng Diyos. Kailangan natin ng ibayong lakas ng loob,
patuloy na pakikibaka, ang nagkakaisang pagkilos.
Ang biyaya ng Diyos ay hindi nagkukulang sa atin; hindi tayo dapat sumuko. “Ang
aking biyaya ay sapat-sapat para sa inyo” Kung tayo man ay marapa, kung tayo
man ay magkasala huwag tayong panghinaan ng loob. Sa tulong, ng Diyos, muli
tayong magsikap, muli tayong tumayo.

(sandaling katahimikan upang magnilay)

Panalangin:

Lahat: Panginoong Hesus ikaw ay narapa sa ikalawang pagkakataon ngunit muli kang
bumangon. Hamak kami sa aming paulit-ulit na pagkakasala ngunit dangal namin
ang pagbangon sa aming pagkaduhagi, kayat ilawit Mong lagi ang kapangyarihan
ng Iyong lakas upang kami ay patuloy na magpunyagi sa kabila ng aming mga
pagkabigo.

Ikaw ang aming lakas at tiyak na tagumpay sa anomang hilahil na dapat namin
bagtasin. Ikaw ang sagot sa lahat ng aming alalahanin. Kaya panginoon, umaasa
kami sa inyo, Hindi Mo kami sisiphayunin, hindi Mo kami bibiguin. Amen.

Ikalawang Misteryo sa Hapis: Si Hesus Hinampas ng nakagapos sa Haliging Bato.

IntensIyon:

Namununo: 1) Ialay natin ang ating pagninilay at panalangin para sa lahat ng nanghihina at
nasisiraan ng loob sa kanilang pagtataguyod ng karapatang pantao at sa mga
bilanggong napiit ng walang kasalanan.

2) Isama rin natin ang kahilingan ng pamilya ni (N) na tinatapatan ng ika-7 na


estasyon.

Dasalin natin: 1 Ama namin, 10 Aba Ginoong Maria at 1 Luwalhati habang lumalakad patungo sa
susunod na estasyon.

Pumili ng Angkop na Awit sa pahina 21-24

Ikawalong Estasyon
Si Hesus ay tinangisan ng mga Babae sa Herusalem.

Namumuno: O Hesus, aming Manunubos, sinasamba Ka namin at pinapupurihan.

Bayan: Sapagkat sa Iyong Paghihirap at pagkamatay sa Krus, tinamo Mo ang aming


kaligtasan.

Pagninilay:

Namumuno: “Huwag kayong umiyak ng dahil sa akin”, sabi ni Hesus. “Tangisan ninyo ang
inyong sarili at ang inyong mga anak.” Nais ni Hesus na ibaling ang ating pansin
sa masamang kalagayan ng ating sarili at ng ating pamayanan. Ibig Niyang makita
natin ang dahilan na masidhi Niyang paghihirap:

- ang kasalanan, ang pagtataksil ng tao sa Diyos;


- ang nagaganap na pagpatay ng walang malay na bata sa sinapupunan ng ina;
- ang pagtataksil ng mga mag-asawa sa sinumpaang pagibig.
- ang di mabilang na karahasang nagaganap mapairal lamang ang masamang
kaisipan at hangarin;
- ang kalupitan na may hawak ng kapangyarihan, upang mapaghari ang takot,
sa halip na gamitin sa wastong paglilingkod ang kapangyarihang bigay ng
Diyos;
- ang malawakang pag-abuso sa likas na yaman, pagsira sa kapaligiran na
nagiging sanhi ng sakuna sa siklo ng kaligtasan;
- ang pagkagumon sa bisyo; ang labis na paginom, pagsusugal, pagiging
sugapa sa drugs, shabu at iba pang katulad nito;
- ang masasama at masasamang babasahin at panoorin;
- ang ibat-ibang uri ng pagsasamantala sa mga kapus palad at mahihina;
- ang walang habas na paglabag sa katarungan at pagyurak sa karapatan ng
kapwa.

Ang lahat ng ito’y nagiging karaniwan na lamang na Siyang dapat na tangisan,


dapat na itakwil, dapat na supilin sa sarili at sa sambayanan ng Diyos.

(sandaling katahimikan upang magnilay)

Panalangin:

Lahat: O Hesus, ngayon lamang namin naunawaan ang Iyong sinabi: “ na tangisan namin
ang aming mga sarili” Kami nga pala ay bahagi ng kasalanang nagpahirap sa Iyo
at tunay na nagpapahirap sa amin. Maawa ka sa aming lahat. Tulungan Mo kaming
magsama-sama sa pagpapairal ng bagong kaayusang Iyong pinasisinayaan
upang kaming Iyong mga kapatid ay makapamuhay ng makatarungan, maligaya,
masagana at mapayapa. Amen.

Ika-tatlong Misteryo sa Hapis: Si Hesus ay Pinutungan ng Koronang Tinik.

Intensyon:

Namumuno: 1) Ialay natin ang ating pagninilay at panalangin bilang pagbabayad puri sa mga
kasalanang nagaganap sa ating kapaligiran. Sa mga sumisira sa sangnilikha ng
Diyos upang sila’y maging tunay na katiwala ng may kapal.

2) Isama rin natin ang panalangin ng pamilya ni (N) na tinapatan ng ika-8 na


estasyon.

Dasalin natin: 1 Ama namin, 10 Aba Ginoong Maria at 1 Luwalhati habang lumalakad patungo sa
susunod na estasyon.

Pumili ng Angkop na Awit sa pahina 21-24


Ika-Siyam na Estasyon
Si Hesus ay Narapa sa Ikatlong Pagkakataon

Namumuno: O Hesus, aming Manunubos, sinasamba Ka namin at pinapupurihan.

Bayan: Sapagkat sa Iyong Paghihirap at pagkamatay sa Krus, tinamo Mo ang aming


kaligtasan.

Pagninilay:

Namumuno: Pagmasdan natin si Hesus: gumagapang ng dahil sa hirap; tigmak sa dugo ang
Kanyang ulo, mukha, at buong katawan. Samantalang ang mga taong kaaway ay
patuloy pa rin nanunuya at nagtatawanan.

Bigyan natin ng pansin ang mga kapos-palad, mga dukha, at


kaawa-awa. Hindi sila makabangon sa hirap: isang kahig isang tuka.

Tingnan din natin ang ating sarili: tayo ba’y nagwawalang bahala, tayo ba’y
nanonood na lamang; tayo ba’y bahagi ng kanilang paghihirap,ng kanilang
pagkarapa, sapagkat hindi tayo Kristiyano sa pakikitungo sa kapwa. Ang kapus-
palad ba’y ating kaaway kung kaya’t tayo’y nagtatawa na lamang? Hindi ba natin
nalalaman na bahagi tayo ng di-makataong kalagayang ngayo’y umiiral?

(sandaling katahimikan upang magnilay)

Panalangin:

Lahat: O Hesus, bigyan Mo kami ng kinakailangang lakas upang magpatuloy kami sa


pakikibaka sa masamang umiiral sa aming buhay at kapaligiran.

Huwag Mong bayaan kami’y magpikit-mata sa mga nagaganap na masama;


huwag Mong bayaang kami’y mamahinga kahit sa kabila ng waring tagumpay sa
unang pagsisikap. Bigyan Mo kami ng kagandahang loob na mag-alay ng aming
panahon, talino at kabuhayan, upang maibangon ang mga kapatid na nasadlak sa
hirap at dusa sapagkat ito’y tunay na paglilingkod sa Iyo. Amen.

Ika-4 na Misteryo sa Hapis: Pinasan ni Hesus ang Krus

Intensiyon:

Namumuno: 1) Ialay natin ang pagninilay at panalangin sa misteryong ito sa lahat ng


nahihirapan sa kanilang kabuhayan, makatagpo nawa sila ng mga taong tutulong
sa kanilang kahirapan at tayo ay makiramay at tanggapin sila bilang kapwa.

2) Isama rin natin ang panalangin ng pamilya ni (N) na tinapatan ng ika-9 na


estasyon.
Dasalin natin: 1 Ama namin, 10 Aba Ginoong Maria at 1 Luwalhati habang lumalakad patungo sa
susunod na estasyon.

Pumili ng Angkop na Awit sa pahina 21-24

Ika-Sampung Estasyon
Si Hesus ay Hinubaran ng Kanyang Damit

Namumuno: O Hesus, aming Manunubos, sinasamba Ka namin at pinapupurihan.

Bayan: Sapagkat sa Iyong Paghihirap at pagkamatay sa Krus, tinamo Mo ang aming


kaligtasan.

Pagninilay:

Namumuno: Naabot din ang Kalbaryo, ang lugar ng parusahan. Ibinaba ng mga kawal ang krus
na pasan ni Hesus. Nanlulumong nakatayo Siya. Nagmamadali ang mga kawal
upang isagawa ang kanilang malagim na tungkulin. Hinablot nila ang suot na
damit ni Hesus. Anong kirot! Anong hapdi! Muling nanariwa ang mga sugat na
nadikit sa Kanyang damit.

Ngayon patuloy paring nakadarama ng kirot at hapdi ang katawan ni Hesus, Ang
mahiwaga Niyang katawan, ang Simbahan. Bawat kasalanan, bawat
pagmamalabis o pagkukulang sa kapwa ay isang sugat sa buong simbahan.

Ang mga alitan, di-pagkakaunawaan, sama ng loob, ang iba’t ibang anyo ng
panlalamig, pag-alipusta sa Diyos, pagwawalang bahala sa karapatan ng iba, ang
mga sakit ng loob at karamdaman ng isip at katawan; ang lahat ng ito ay
ibinubunga at pinalalala ng kasalanan.

Sa pamamagitan ng ating kasalanan, idinaramay natin ang kapahamakan ang


buong katawang mahiwaga ni Cristo. Sa bawat nagdurusa, si Hesus ay
nagdurusa; ang bawat pagdurusa ay bunga ng pagkakasala.

(Sandaling katahimikan upang magnilay)

Panalangin:

Lahat: Panginoong Hesus, hindi pa rin nagwakas ang Iyong mga paghihirap. Sa bawat
may sakit, sa bawat nagdaralita, sa bawat inaapi patuloy ka pang nagdurusa sa
daigdig. Ipinakilala Mo sa amin ang kasamaan sapagkat kami ay nagkasala. Nais
namin bawasan ang pagdurusang Iyong binabata. Kaya bigyan Mo kami ng tunay
na pagsisisi, tunay na pagbabagong loob, tunay na diwa ng pagbabayad-puri.
Panginoon, bigkisin Mo kami sa pagkakaisa, sapagkat sa pagkakabuklod namin
matatagpuan ang lakas upang talikdan ang kasalanan at isabuhay ang Iyong
kaayusan. Gawin Mo kaming mga nagmamalasakit sa kasapi ng Iyong
sambayanan, ang Iyong Mahiwagang Katawan, Gawin Mo kaming isang tunay at
makatotohanan ng “Simbahan ng mga sa Dukha”. Amen
Ika-5 Misteryo ng Hapis: Ipako at Namatay si Hesus sa Krus

Intensiyon:

Namumuno: 1) Ialay natin aming ng mga panalangin at pagninilay para tayo ay mabuo sa isang
tunay at makatotohanang simbahan para sa mga dukha. Isang bayang
dinadaluyan ng katotohanan, kalayaan, katarungan, kapayapaan at pag-ibig.

2) Isama rin natin ang panalangin ng pamilya ni (N) na tinapatan ng ika-10


estasyon.

Dasalin natin: 1 Ama namin, 10 Aba Ginoong Maria at 1 Luwalhati habang lumalakad patungo sa
susunod na estasyon.

Pumili ng Angkop na Awit sa pahina 21-24

Ikalabing-isang Estasyon
Si Hesus ay Ipinako sa Krus

Namumuno: O Hesus, aming Manunubos, sinasamba Ka namin at pinapupurihan.

Bayan: Sapagkat sa Iyong Paghihirap at pagkamatay sa Krus, tinamo Mo ang aming


kaligtasan.

Pagninilay:

Namumuno: Inihiga ng mga kawal si Hesus sa krus; iniunat ang Kanyang mga kamay. Ibinukas
ang Kanyang palad; kinuha ang pako; ipinatong sa Kanyang kamay; pinukpok.
Pumulandit ang dugo. Gayundin ang ginawa sa kabilang kamay. Pagkatapos ang
mga paa naman.

Ang ating Manunubos ay ipinako sa krus. Ang mga nais tubusin ni Hesus ay
nakapako rin sa hirap at dusa. Kay dami ng ating mga kapwa na hanggang ngayon
ay nakasadlak sa karalitaan, kamangmangan, pagkaapi at kahihiyan.
Hindi pa tapos ang pagliligtas ni Hesus. Habang may isa tayong kapwa na
naghihirap, ang pagliligats ni Hesus ay hindi pa tapos at ganap.

Tayo ay tinatawagan ni Hesuus upang makasama Niya sa pagliligtas: sa


pagpapalaya ng tao, makilahok tayo.

(sandaling katahimikan upang magnilay)

Panalangin:

Lahat: Panginoong Hesus, sa pagninilay sa tagpong ito ng pagpapako nila sa Iyo sa krus,
buksan Mo ang aming puso. Maliwanagan nawa namin tinanggap Mo ang lahat
ng ito para a ming kaligtasan.
Papag-alabin Mo ang nasa namin magkaroon ng bisa sa aming buhay at
kapaligiran ang Iyong pagliligtas. Makita nawa namin sa bawat isang
makasalanan, sa bawat isang naghihikahos, sa bawat isang nalulumbay, sa bawat
isang naaapi, ang layunin Mong hanguin sila sa kanilang kahabag-habag na
katayuan. Maringi nawa namin ang panawagan Mo sa amin magsama-sama kami
upang maging daan ng Iyong pagligtas sa kanila.

Panginoon, matigas ang aming ulo, manhid ng aming kalooban, bato ang aming
puso. Ngunit naarito kami at sumasamong baguhin Mo kami. Ibigay Mo sa amin
ang Iyong diwa, ang Iyong kalooban, ang Iyong banal na Espiritu. Maghari Ka sa
aming buhay at sa aming sambayanan. Amen.

Unang Misteryo sa Luwalhati: Si Hesus ay muling nabuhay.

Intensiyon:

Namumuno: 1) Ialay natin ang ating pagninilay at panalangin para sa mga maysakit at para sa
mga nagdurusa, dahil sa pagwawalang bahala ng kapwa.

2) Isama rin natin ang mga kahilingan ng pamilya ni (N) na tinapatan ng ika-11 na
estasyon.

Dasalin natin: 1 Ama namin, 10 Aba Ginoong Maria at 1 Luwalhati habang lumalakad patungo sa
susunod na estasyon.

Pumili ng Angkop na Awit sa pahina 21-24

Ikalabing-dawang Estasyon
Si Hesus ay Namatay sa Krus

Namumuno: O Hesus, aming Manunubos, sinasamba Ka namin at pinapupurihan.

Bayan: Sapagkat sa Iyong Paghihirap at pagkamatay sa Krus, tinamo Mo ang aming


kaligtasan.

Pagninilay:

Namumuno: Gayon na lamang ang pag-ibig ng Ama kung kaya’t ipinagkaloob Niya ang
Kanyang bugtong na Anak. At gayon na lamang ang pagibig ni Hesus sa ating
lahat kung kaya’t inialay Niya ang Kanyang buhay.

Alalahanin natin sa estasyong ito ang masasamjang bunga ng kasalanan. Hindi pa


naging sapat sa tao ang siya ay lumabag sa kalooban ng Diyos. Hindi pa siya
nasiyahan na mapairal sa kanyang sarili at sa kanyang kapaligiran ang masamang
pamumuhay, ang pagsasamantala sa kahinaan na kapwa, ang pang-aapi, ang
pagkamakasarili. Hindi na isinaalang-alang ng taong nagkasala ang pagkawala ng
buhay-Diyos sa Kanya, hindi Niya alintana na apektado ng kanyang kasalanan ang
pamayanan ng Diyos; siya pa ang galit;siya pa ang lapastangan; siya pa ang
mapagdahilan; at upang bigyan katuwiran ang kanyng kasamaan, pinatay Niya sa
krus ang Matuwid, si Hesus na Anak ng Diyos.

(sandaling katahimikan upang magnilay)

Panalangin:

Lahat: Ama, patawarin Mo kaming Iyong sambayanang nagkasala. Sa aming sama-


samang pagsisikap na mapawi ang aming sarili at sa aming pamayanan ang
pangaapi, pagsasamantala, pandaraya at panlilinlang sa kapwa at iba pang
masama, tulungan Mo kaming makalaya sapagkat ang mga ito ang umaalipin sa
amin. Bigyan Mo kami ng kagandahang loob na maihandog ang aming sarili, kung
ito ang kailangan, mapairal lamang sa Iyong sambayanan ang katarungan, pag-
ibig, kapayapaan at kasaganaan, sapagkat ito ang buhay naganap at kasiya-siya.
Amen.

Ikalawang Misteryo sa Luwalhati: Ang pag-akyat ni Hesus sa Langit.

Intensiyon:

Namumuno: 1) Ialay natin ang pagninilay at panalangin sa misteryong ito para sa mga
nabubuhay na kasalanan. Magsisi nwa sila at magbalik-loob sa Diyos.

2) Isama rin natin ang mga kahilingan ng pamilya ni (N) na tinapatan ng ika-12
estasyon.

Dasalin natin: 1 Ama namin, 10 Aba Ginoong Maria at 1 Luwalhati habang lumalakad patungo sa
susunod na estasyon.

Pumili ng Angkop na Awit sa pahina 21-24

Ikalabing-tatlong Estasyon
Si Hesus Ibinaba mula sa Krus

Namumuno: O Hesus, aming Manunubos, sinasamba Ka namin at pinapupurihan.

Bayan: Sapagkat sa Iyong Paghihirap at pagkamatay sa Krus, tinamo Mo ang aming


kaligtasan.

Pagninilay:

Namumuno: Ibinaba ng kasalanan ang dangal ng tao. Samantalang sa plano ng Diyos,


ginagawa Niya ang tao na kalarawan Niya at pinuspos ng Kanyang karangalan at
kadakilaan, tinaas sa pagiging Anak Niya sa pamamagitan ni Hesus. Siya na ring
tao ang naging sanhi ng Kanyang pagiging aba at dukha,- salat sa biyaya ng
Diyos. Nang dahil sa kanyang makasalanang kalagayan sa buhay, sa kanyang
pakikiisa sa pagpapairal ng masama sa kanyang sarili at sa kanyang pamayanan,
ibinaba ng tao ang kanyang dangal; sagad sa lupa, sa pagiging alipin ng kasalanan.

(sandaling katahimikan upang magnilay)

Panalangin:

Lahat: Amang makapangyarihan, kami ay nagsisisi sa aming mga kasalanan. Patawarin


Mo kami upang kaming mga anak na alibugha ay manumbalik sa pagiging mga
anak Mo. Inihahandog namin ang aming sarili, di man karapat-dapat, sa matapat
na paglilingkod sa Iyo sa pagkatao ng aming kapwa, upang mabigyan dangal Ka
sa pagpapairal ng Iyong pagmamahal sa pamamagitan ng aming matuwid at
marangal na pamumuhay, sa pamamagitan ng aming makatarungan at
mapagmahal na pagtitinginan, pagtutulungan at pagbibigayan. Amen.

Maria aming Ina, tulungan Mo kaming makabangon sa aming pagkarapa, makaalis


sa lusak ng masama, upang mabigyang dangal ang aming pagiging mga anak Mo
ayon sa habilin ni Hesus sa krus, ‘Babae, hayan ang anak Mo”. Amen.

Ikatlong-Misteryo sa Luwalhati: Ang pagpananog ng Espiritu Santo.

Intensiyon:

Namumuno: 1) Ialay natin ang pagninilay at panalangin sa misteryong ito para sa mga kabataan
upang sila ay tunay na maging mabuting katoliko at mamamayang Pilipino na
mapanagutan sa pamilya, simbahan at bayan.

2) Isama rin natin ang kahilingan ng pamilya ni (N) na tinapatan ng ika-13 estasyon

Dasalin natin: 1 Ama namin, 10 Aba Ginoong Maria at 1 Luwalhati habang lumalakad patungo sa
susunod na estasyon.

Pumili ng Angkop na Awit sa pahina 21-24

XIV. Ikalabing-apat na Estasyon


Inilibing si Hesus

Namumuno: O Hesus, aming Manunubos, sinasamba Ka namin at pinapupurihan.

Bayan: Sapagkat sa Iyong Paghihirap at pagkamatay sa Krus, tinamo Mo ang aming


kaligtasan.

Pagninilay:

Namumuno: Si Hesus ang ating pag-asa sa kinakailangang pagbabago sa ating sarili at sa ating
pamayanan. Siya ang ating lakas sa paglaya buhat sa pangaaliping ginagawa ng
kasalanan. Siya’y kasama natin sa paghango sa mga kapus-palad mula sa
kalagayan ng pagiging api, dukha at kaawa-awa. Ang Kanyang pagkamatay sa
sarili ang buhay para sa ating lahat. Ang paglilibing sa Kanya ay pagbabaon ng
kasalanan ng sangkatauhan. Nabibigatan tayo at nahihirapan sa ating kalagayan.
Ang Kanyang anyaya naman ang ating pagasa: “Ako ang muling pagkabuhay at
buhay. Ang sinumang sumasampalataya sa Akin, kahit mamamatay, ay muling
mabubuhay”. Ito ang ating inaasahang tagumpay

(sandaling katahimikan upang magnilay)

Panalangin:

Lahat: Panginoong Hesus, isama Mo sa Iyong libing an gaming masasamang gawa, pag-
iisip at gayundin ang aming mga pagkukulang. Bigyan Mo kami ng panibagong
buhay sa Iyong piling at huwag Mong itulot na kami’y muling mawalay sa Iyo.

Kaya’t kami’y umaasa na mamamatay man, kami’y ang muling mabubuhay. Amen.

(Aawitin ang “Mabuhay Alleluia”)

Ika-4 na Misteryo sa Luwalhati: Ang Pag-aakyat kay Maria sa Langit.

Intensiyon:

Namumuno: 1) Pagpalain nawa ng Diyos ang ating mga hanapbuhay; mga sakahan, hayupan,
pangisdaan at iba pang ating ikinabubuhay.

2) Idalangin natin ang mga mangingisda, magsasaka, namamasukan.

3) Ipagdasal din natin ang mga kahilingan ng pamilya ni (N) na tinapatan ng ika-14
na estasyon.

Ikalimang Misteryo sa Luwalhati: Ang Pagpuputong kay Maria ng Korona ng Kaluwalhatian

Intensiyon:

Namumuno: 1) Ialay natin ang ating pagninilay at panalangin para sa lahat upang magkaroon
ng magandang pagtitinginan at pagtutulungan tungo sa sama-samang pagunlad
bilang mga anak ng Diyos.

2) Ipagdasal natin ang kapayapaan ng daigdig.

3) isama natin ang intensyon ng Santo Papa Juan II.

Dasalin natin: 1 Ama namin, 10 Aba Ginoong Maria at 1 Luwalhati habang lumalakad patungo sa
susunod na estasyon.

Pumili ng Angkop na pangkatapusang awit


ALAY KAPWA PAGTITIPON

Di bat sadyang may kapwa ang sarili Hesus-Kristo, na naglingkod sa taong mahal
Dapat hainan ng pagsisilbi Buong puso ang sarili Mo’y inialay
At mamangha ligaya’y dadalisay Aking buhay pagpalai;t bihagin upang iyong
Pag sa kapwa buhay mo ay naalay alipin
Manatili sa pagibig Mo
Bawat galing gamitin sa paglingap Panginoon, munti ngang handog ko sa Iyo
Laging damhin kung may naghihirap Sa tingin Mo, halaga ay higit sa ginto
At tandaan ganyang pagmamahalan Pagkat D’yos ko tangi Mong hinaharap
Unang-unang atas ng kabanalan Sa pagibig magiging tapat ang puso ko.
(ulitiin ang bawat galing)
PAG-AALAY NG PUSO

PANGINOONG AKING PASTOL Minsan lamang ako daraan sa daigdig na ito


Kaya anuman ang mabuting maaring gawin ko
Ang Panginoon ang aking Pastol ngayon
Pinagiginhawa akong lubos O anumang kabutihan ang ma’ari kong ipadama
Handog N’yang himlaya’y sariwang pastulan Itulot ninyong magawa ko ngayon ang mga
Ang pahingaan ko’y payapang batisan, bagay na ‘to.
Hatid sa kaluluwa ay kaginhawahan, Nawa’y h‘wag ko ‘tong ipagpaliban
Sa tumpak na landas, Siya ang patnubay. O ipagwalang-bahala
Madilim na lambak man ang tatahakin ko, Sapagkat di na ‘ko muling daraan
Wala akong sindak, Siya’y kasama ko. Sa ganitong mga landas.
Ang hawak Niyang tungkod ang Siyang gabay
ko. SAPAGKAT ANG DIYOS AY PAG-IBIG
Tangan Niyang pamalo, sigla’t tanggulan ko.
Pag -ibig ang siyang pumukaw
MAPAPALAD Sa ating puso't kaluluwa
At s’yang nagdulot sa ating buhay
Mapapalad kayong mahihirap Ng gintong aral at pag-asa
Ang kaharian ng Diyos ay sa inyo Pag-ibig ang siyang buklod natin
Mapapalad kayong nagugutom ‘Di mapapawi kailan pa man
Sapagkat bubusugin kayo Sa puso't diwa tayo'y isa lamang
Mapapalad kayong nahahapis Kahit na tayo'y magkawalay
Sapagkat aaliwin kayo Koro: Pagka't ang Diyos nati’y Diyos ng Pag-
Mapapalad, Panginoon ang mga katulad Mo ibig
Magmahalan tayo't magtulungan
Mapapalad kayong maawain At kung tayo'y bigo, ay huwag limutin
Kaaawaan kayo ng Diyos Na may D’yos tayong nagmamahal
Mapapalad kayong tumatangis Sikapin sa ‘ting pagsuyo
Sapagkat liligaya kayo Ating ikalat sa buong mundo
Mapapalad kayong inuusig Pag-ibig ni Hesus ang siyang sumakop
Maghahari ang Diyos sa inyo Sa mga pusong uhaw sa pagsuyo (Koro)
Mapapalad Panginoon ang mga katulad Mo (ending, nagmamahal, DIyos ay pag-ibig)
HESUS NA AKING KAPATID Ang ating sarili ay ating ilaan
Sa ating kapwa sa Kanyang kaunlaran
Hesus na aking kapatid
Sa lupa nami’y bumabalik Tayo ay nilikha ng Panginoon
Iyong mukha’y ibang-iba Kapwa kitang nagsisikap dito
Hindi kita nakikilala Kaya sama-sama nating pagyamanin
At bigyang dangal ang buhay ng tao.
Tulutan onga king mata,
Mamulat sa katotohanan MAHIWAGA
Ikaw, Poon, makikilala
Sa taong mapagkumbaba Mahiwaga ang buhay ng tao
Hesus na aking kapatid Ang bukas ay di natin piho
Putikin man ang ‘yong sapin At manalig lagi sana tayo
Punit-punit ang yong damit Ang Diyos ang pag-asa ng mundo
Nawa Ika’y mapasa-akin. Pag-ibig sa ating kapwa tao
At agging magmahalan tayo
POON, IYONG KAHABAGAN Iyan ang lunas at ligaya
At pag-asa ng bawat kaluluwa
Poon Iyong kahabagan ang aming
pammamagaling;
Tulutan Mo, Poong Mahal na puso nami'y DAAN NG KAPAYAPAAN
masaling.
Koro: panginoon, ako’y iyong gawing
Hesus, Iyong kahabagan lubhang Daan ng ‘yong kapayapaan
patay-loob Nang ang pag-ibig mo’y maihatid,
Tulutan Mo, Poong Mahal na matalima kang Kung saan man may alitan.
lubos.
Dadalhin ko’y kapatawaran
ISANG PANANAMPALATAYA Saan man may kapinsalaan
Ihahatid ko’y pananalig
Isang pananampalataya Saan man may alinlangan
Isang pagbibinyag
Isang Panginoon Dadalhin ko’y kaliwanagan
Angkinin nating lahat Kung saan man may kadiliman
Ihahatid ko’y kagalakan
Habilin ni Hesus noong Siya’y lumisan Saan man may nalulumbay.
Kayo ay magkatipon sa pagmamahalan
Ama pakinggan Mo, ang aming panalangin BATBAT MAN NG PASAKIT
Dalisay na pagibig sa ami’y kumapit
Mga alagad ko paano ko makikilala Buhay batbat man ng pasakit
Tapat nilang pagibig walang nang iba pa. May kulay ang silahis ng pag-ibig
Tunay na makamtan mo man ang langit
ALAY SA KAPWA Di ka rin masisiyahan
Kung walang pagmamahal kaakibat ng dibdib
Koro. Kapwa nating ialay
Ating sariling kamay Anong mapapala ng tao sa lupa
At bigyan natin ng buhay Di tulad sa kabila kapiling ang Lumikha
Itong pagibig na tunay Hanapin natin kayamanang mapayapa
Buhay ni Hesus na mananakop ang halimbawa.
Ang ating sariling kakayahan
Bigyan natin ng kahalagahan
Langit kayamanang di malirip ANG TAWAG NG PANAHON
Ligaya tuwang walang kahulilip
Sining na di makatkat ng isip Pakinggan natin ngayon
Sa mundo’y di makamit ang gintong Ang tawag ng panahon
pagmamahal, kayamanan ng dibdib. At buksan nating ang ating mga mata
At gawin natin ang tama
Biyaya pagpapalang masagana
Kaloob ng masintayhing Bathala Panahon na sa pagbabago
Langit tugatog na ninanasa Sa pagtulong sa kapwa-tao
Ng langit ng nilikha kaluluwang nagmamahal Panahon nang kapayapaan
Diyos ang tanging adhika. Magpatawad, magbigayan

AWIT NG ISANG DUKHA Ang mahirap ay tulungan


At bigyan sila ng pagasa
Ang pasakit koy timbangin Kanilang sakit ay aakapin
Ang hilihil ko’y sukatin At ang buhay paunlarin
Kay bigat – bigat damhin ang hirap
Langit mo ang dalangin Tulutan Mong di ko hanapin
Madamayan kundi dumamay
Dukha akoy sa Iyo sasandig Ni ang ako’y maunawaan
Ikaw, yaman ko, akoy nananalig Kundi umunawang tunay

Tinig mo Hesus kay lambing MABUHAY ALLELUIA


Ang sulyap mo ay maningning
Pakinggan Poon, at Panginoon O purihin natin ang panginoon
Ang aking panalangin Tayong lahat ng mga bansa’t bayan
Sapagkat dakila ang kalooban
O, Hesus iyong aluin At ang katotohanan ng Panginoon
Bigyan mo saglit ng pansin Alleluia Mabuhay ang Poon
Ang dukhang lagging naduduhagi Alleluia Mabuhay ang Poon
At sa’yo bumabaling O purihin natin ang Panginoon
Ngayon at magpasawalang hanggan.
PANANAGUTAN

Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili


lamang
Walang sinuman ang namamatay para sa sarili
lamang
Tayong lahat ay may pananagutan sa isa’t-isa
Tayong lahat ay tinipon ng Diyos na kapiling
nya
Sa ating pagmamahalan at paglilingkod sa
kaninuman Tayo’y ang magdadala ng balita ng
kaligtasan.

You might also like