You are on page 1of 14

ANG DAAN NG KRUS

PAMBUNGAD NA PANALANGIN:
N: Panginoon, sinabi Mong “malibang mahulog sa lupa ang butil ng trigo at
mamatay, mananatili itong nag-iisa. Ngunit kung mamatay, ito’y mamumunga
Noong unang panahon, ang Visita Iglesia ay pagdalaw sa 7 simbahan tuwing nang marami. Ang taong labis na nagpapahalaga sa kanyang buhay ay siyang
Huwebes Santo matapos ang Misa ng Huling Hapunan. Ang tradisyong ito ay mawawalan nito, ngunit kung napopoot sa kanyang buhay sa daigdig na ito ay
mula sa kinagawian ng mga unang Kristiyano sa Roma na bisitahin ang 7 basilica siyang magkakaroon nito hanggang sa buhay na walang hanggan”
para sambahin si Jesus sa Santisimo Sakramento. Ang mga basilicang ito sa
B: Babakasin namin ngayon ang tinahak Mong landas ng kapaitan, ang
Roma ay: San Juan Laterano, San Pedro, Sta. Maria Mayor, San Pablo, San Daan ng Krus, upang sariwain ang bilin Mong ang tao’y hindi nabubuhay para
Lorenzo, Santa Cruz ng Jerusalem, San Sebastian. Ang Visita Iglesia ay hindi sa sarili lamang. Tulungan Mo kaming mga alagad Mo ay sumunod sa Iyo,
naglalayon na makita lang ang kagandahan ng altar na pinaglalagakan ng kung paanong binata Mo ang hirap at kaapihan para kami ay palayain. Ito
Santisimo Sakramento o maghain ng hangad na kahilingan dahil sa sakripisyo naman talaga ang dahilan ng pagparito Mo sa amin, upang danasin ang
nating ginawa. kahirapang dulot ng kapalaluan, kasakiman at kalapastangan ng tao at nang sa
gayon, maparangalan Mo ang Diyos at tanghalin Ka bilang Ilaw ng sanlibutan.
Nang ituro ng mga Kastila ang Visita Iglesia sa mga Filipino, hindi lamang ito
naging debosyon sa Santisimo Sakramento, ito rin ay naging pagninilay sa 14 N: Panginoon, sinabi Mo rin sa amin : “Kung ibig ninumang sumunod sa
Akin, limutin niya ang ukol sa kanyang sarili, pasanin ang kanyang krus at
estasyon ng Krus. Ito ay lalong nagbunsod sa kalooban ng mga tao upang
sumunod sa Akin. Ang naghahangad na magligtas ng kanyang buhay ay siyang
ipagdiwang ng makahulugan ang Pagpapakasakit, Kamatayan, at Muling
mawawalan nito; ngunit ang nag-aalay ng kanyang buhay alang-alang sa Akin at
Pagkabuhay ni Jesus. Pitong simbahan ang karaniwang dinadalaw, dalawang sa Mabuting Balita ay siyang magkakamit niyon”. Ano nga ba, Panginoon, ang
estasyon kada isang simbahan. Ang iba ay 14, dinarasal 1 estasyon sa bawat mapapala namin kung makamtam man namin ang ginhawa, tagumpay at
simbahan. (Kapag may oras pa, mas mainam na yung 14, naroon ka na rin lang karangalan ng daigdig na ito kung katumbas naman nito’y aming kapahamakan?
sa probinsiyang iyon, puntahan na yung kayang dalawin.)
B: Namatay Ka, Panginoon, hindi para sa Iyong sarili kundi para sa amin
Mula sa Guide for Visita Iglesia - St. Pauls Media upang papurihan ang Diyos Ama. Tunay na Ikaw ang daan, ang katotohanan at
ang buhay. Tulutan Mo kaming mag-alay ng aming sarili sa gitna ng mga
Ang Estasyon ng krus na ito ay sinipi mula sa aklat na 'Papuri ng Sambayanan' tukso, pagkutya at kapighatian. At nawa’y sa aming pagsunod sa Iyo at
na gawa ng Apostolic Vicariate of Calapan (Orriental Mindoro), nilapatan lang pakikiisa, maalab naming maitaguyod ang pagmamahalan, katarungan,
ng mga awit. kapayapaan at katotohanan sa aming lipunan at kasaysayan, lalo na ang
makiisa at magtanggol sa mga naghihirap at inaabuso. Sa diwa ng paghihirap
Mo, kamatayan at muling pagkabuhay, kasama Mo kaming maghihirap para
sa ikatatatag ng Kaharian Mo, kasama Mo kaming mamamatay sa aming sarili
at sa gayo’y kasama Mo rin kaming babangon bilang tunay na bayan Mo –
may bagong pagkatao, at ganap na Sambayanan Mo, ngayon at May mga pagkakataon, Panginoon, na napakahirap para sa amin ang makisalo
magpakailanman. Amen. sa iba, ang makiisa sa aming kapwa sa hapag ng pagkakapatiran. Tulungan Mo
kaming “pagpirapirasuhin” din ang kaunting meron kami upang maibahagi sa
aming mga kapatid, ang isagawa ang pag-aalay ng sarili para sa aming kapwa
ISANG PAGKAIN, ISANG KATAWAN, ISANG BAYAN bilang pag-aalaala sa Iyong pagliligtas.
(1) Katulad ng mga butil na tinitipon upang maging tinapay na nagbibigay (Tahimik na Pagninilay)
buhay, kami nawa’y matipon din at maging bayan Mong giliw.
KORO: Iisang Panginoon, iisang katawan, isang bayan, isang lahi sa N: O Jesus, Tinapay na bumaba mula sa langit upang magkaroon ng buhay
’Yo’y nagpupugay (2x) na walang hanggan ang sangkatauhan--
(2) Katulad din ng mga ubas na piniga at naging alak. Sinumang uminom B: Busugin ang pagkagutom ng daigdig sa kapayapaan at pagkakaisa.
nito, may buhay na walang hanggan, kami nawa’y maging sangkap sa N: Ibinigay Mo ang Iyong Katawan bilang Pagkain, at ang Iyong Dugo bilang
pagbuo nitong bayang liyag. (Koro) Inumin upang magkabuklod kami sa Iyong pag-ibig--
B: Busugin ang pagkagutom ng daigdig sa kapayapaan at pagkakaisa.
UNANG ESTASYON N: Itinagubilin mo sa amin ang pag-aalaala sa hapunang pinagsaluhan n’yo
ANG HULING HAPUNAN ng Iyong mga alagad upang kami ang maging buhay na Katawan Mo--
N: Sinasamba Ka namin at pinupuri, Panginoong JesuCristo. B: Busugin ang pagkagutom ng daigdig sa kapayapaan at pagkakaisa.
B: Sapagkat sa pamamagitan ng Iyong banal na krus, tinubos Mo ang
sanlibutan. MGA PERSONAL NA KAHILINGAN (Tahimik sandali)
Tagabasa: Lc. 22:14-20 N: O Diyos na aming Ama, tinawag Mo kaming maging isang pamayanan sa
Nang dumating na ang oras, dumulog si Jesus sa hapag, kasama ang Iyong pag-ibig. Magkaroon nawa kami ng lakas sa tulong ng Katawan at Dugo ng
Kanyang mga apostol at sinabi Niya sa kanila, “Malaon Ko nang inaasam- Iyong Anak upang maisabuhay namin ang pagsasalo na aming ipinagdiriwang.
asam na makasalo kayo sa Hapunang Pampaskuwang ito bago ako magbata. Gawin Mo kaming buhay na Katawan ni Kristo para sa daigdig.
Sinasabi Ko sa inyo, hindi na Ako muling kakain nito hanggang sa ito’y Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Cristong aming Panginoon.
maganap sa kaharian ng Diyos”. Hinawakan Niya ang isang saro, at matapos B: Amen.
magpasalamat sa Diyos ay ibinigay sa kanila. Sinabi Niya, “Kunin ninyo ito, at
paghati-hatian. Sinasabi Ko sa inyo na mula ngayo’y hindi na ako iinom CRISTO
nitong katas ng ubas hangga’t hindi dumarating ang kaharian ng Diyos”. At (1) Ikaw ang lagi kong kausap
dumampot Siya ng tinapay at matapos magpasalamat sa Diyos, Kanyang Ikaw ang laging tinatawag,
pinagpira-piraso at ibinigay sa kanila. Sinabi Niya, “Ito ang Aking katawan na gabay ka ng bawa’t pangarap,
ibinigay para sa inyo. Gawin ninyo ito bilang pag-alaala sa Akin”. Gayon din lakas ng bawa’t pagsisikap.
naman, dinampot Niya ang saro pagkatapos maghapunan, at sinabi, “Ang (2) Ikaw ang tunay na kaibigan,
sarong ito ang bagong tipan ng aking dugo na mabubuhos dahil sa inyo”. ginto ang puso’t kalooban.
Nguni’t hindi lahat ay may alam
N: O Jesus, Ikaw mismo ang lumalapit at nakikisalo sa amin tanda ng Iyong na Cristo ang Iyong pangalan
pagmamahal. Ibinibigay Mo sa amin ang pinira-pirasong tinapay na Iyong Koro: Cristo, Cristo, bakit minsan Ka lang nakikilala,
katawan, at sinasabing gawin ito bilang pag-alaala sa Iyo. kapag nakadama ng dusa’t pangamba.
Tinatawagan Ka, sana’y maawa ka.
Cristo, Cristo kulang pa ba ang pag-ibig na dulot Mo,
bakit ba ang mundo ngayo’y gulong-gulo? N: Inaanyayahan Mo kaming manatiling kasama Mo sa gitna ng dilim at
Anong dapat gawin, ako’y turuan Mo. paghihirap; bigyan Mo kami ng paninindigan upang magawa naming
(Ulitin ang 2 at Koro) makiramay at makiisa sa aming kapwa--
O Cristo, Cristo, Cristo, Cristo, Cristo. B: Magawa nawa naming tanggapin at isabuhay ang kalooban ng Ama.

MGA PERSONAL NA KAHILINGAN (Tahimik sandali)


IKALAWANG ESTASYON N: O Ama, sa pagkatao ng Iyong Anak, ibinuklod Mo nang ganap ang Iyong
ANG PAGHIHIRAP SA GETSEMANI kalooban sa paghihirap at kapighatian ng mga tao. Mismong kalooban Mo’y
N: Sinasamba Ka namin at pinupuri, Panginoong JesuCristo. bumibigat sa pangit na kalagayan ng buhay ng tao na taliwas sa gusto Mong
B: Sapagkat sa pamamagitan ng Iyong banal na krus, tinubos Mo ang mangyari. Imulat Mo ang aming mga mata sa tunay na takbo ng mga pangyayari
sanlibutan. upang mapagsikapan naming matanggap at maisakatuparan ang kalooban
Tagabasa: Mt. 26:36-38 Mong kaligtasan at ginhawa ng sangkatauhan.
At isinama sila ni Jesus sa isang lugar na tinatawag na Getsemani. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Cristong aming Panginoon.
Sinabi Niya sa Kanyang mga alagad, “Dito muna kayo; mananalangin ako sa B: Amen.
dako roon”. Ngunit isinama Niya si Pedro at ang dalawang anak ni Zebedeo.
At nagsimulang mabagabag at maghirap ang kanyang kalooban. Sinabi Niya
TAWAG NAMI’Y LAGING DINGGIN
sa kanila, “Ang puso ko’y tigib ng hapis na halos ikamatay ko! Maghintay KORO: Tawag nami’y laging dinggin, samo nami’y ‘Yong pakinggan. Tinig nami’y
kayo rito at makipagpuyat sa Akin!”. bigyang pansin, Ama nami’t Panginoon.
(1) Dinggin mo Panginoon, ang aming kahilingan. Kami ay kaawaan,
N: Dumanas Ka, Jesus, ng hirap at bigat ng kalooban sa pananalangin Mo sa O Diyos na walang hanggan. (Koro)
Getsemani. Ibinuklod Mo ang Iyong sarili sa lahat ng hapis at kapighatian ng tao, (2) Bigyan Mo ng liwanag, tibay at pananalig kaming nagsusumikap dito sa
tiniis Mo ang lahat ng hirap sa taus-pusong pakikiramay sa amin. ‘ming daigdig. (Koro)
(3) Sa’Yo nananambitan, sa’yo rin umaasa. Huwag Mong pababayaan ang
Ngunit sa kabila ng paanyaya Mo sa amin na manatiling kasama Mo at taong nagkasala. (Koro)
makipagpuyat, nananaig pa rin sa amin ang kahinaan at pagkamakasarili. Ayaw (4) At sa aming pagtahak sana ay patnubayan ang tulong Mo’t kalinga ang
naming imulat ang aming mga puso sa paghihirap at kapighatian sa aming aming kailangan. (Koro)
kapaligiran. Turuan Mo kami na matutong makiramdam, makiramay at makiisa
sa mga paghihirap Mo at ng aming kapwa. IKATLONG ESTASYON
(Tahimik na Pagninilay) SI JESUS SA HARAP NG SANGGUNIAN
N: Sinasamba Ka namin at pinupuri, Panginoong JesuCristo.
N: O Jesus, tiniis Mo ang bigat ng kalooban sa pakikiisa Mo sa sangkatauhan B: Sapagkat sa pamamagitan ng Iyong banal na krus, tinubos Mo ang
upang ipahayag ang kislap ng liwanag sa gitna ng karimlan ng gabi-- sanlibutan.
B: Magawa nawa naming tanggapin at isabuhay ang kalooban ng Ama. Tagabasa: Mc. 14:53-55
N: Hindi ang sariling kalooban ang pinanaig Mo kundi kalooban ng Ama At dinala nila si Jesus sa bahay ng pinakapunong saserdote; doo’y
alang-alang sa kapakanan ng sanlibutan, na kabaligtaran ng namamayani nagkatipon ang matatanda ng bayan, at ang mga eskriba. Si Pedro’y
sa aming mga puso-- sumunod sa Kanya, ngunit malayo ang agwat. Nagtuloy siya hanggang sa
B: Magawa nawa naming tanggapin at isabuhay ang kalooban ng Ama. patyo ng bahay ng pinakapunong saserdote, naupo sa tabi ng apoy at
nagpainit na kasama ng mga bantay. Ang mga punong saserdote at ang
buong Sanedrin ay naghahanap ng maipararatang kay Jesus upang (1) Ang ating sariling kakayahan, bigyan natin ng kahalagahan. Ang ating
maipapatay siya, ngunit wala silang makuha. sarili ay ating ilaan sa ating kapwa, sa kanyang kaunlaran. (Koro)
(2) Tayo’y nilikha ng Panginoon, kapwa kitang nagsisikap dito. Kaya sama-
N: Jesus, iniharap Ka sa Sanggunian ng Iyong bayan at sinikap nilang sama nating pagyamanin at bigyang dangal ang buhay ng tao. (Koro)
maipapatay Ka gayong wala Ka namang nagagawang kasalanan. At hinatulan Ka
nga ng kamatayan dahil sa mali at inembentong mga paratang laban sa Iyo.

Magpahanggang ngayo’y marami pa ring walang-malay ang hinahatulang IKAAPAT NA ESTASYON


mamatay. Maraming walang kinalaman ang nadadamay sa paglalaban ng mga SA HARAP NI PONCIO PILATO
makapangyarihan, at sila ang nagbubuwis ng buhay. Sa ganitong pagkakataon, N: Sinasamba Ka namin at pinupuri, Panginoong JesuCristo.
turuan Mo kaming mapanindigan ang aming pananampalataya at maitaguyod B: Sapagkat sa pamamagitan ng Iyong banal na krus, tinubos Mo ang
ang katarungan. sanlibutan.
(Tahimik na Pagninilay) Tagabasa: Mt. 27:11-14
Iniharap si Jesus sa gobernador. “Ikaw ba ang Hari ng mga Judio?
N: Jesus, hinatulan kang mamatay sa kawalang-katarungan at maling “tanong sa Kanya ng gobernador. Sumagot si Jesus, “Kayo na ang nagsasabi”.
patotoo at buong tatag Mo namang hinarap ang lahat ng ito-- Ngunit nang paratangan Siya ng mga punong saserdote at ng matatanda ng
B: Palakasin kami na mapanindigan ang katotohanan at katarungan. bayan, hindi na Siya sumagot. Kaya’t sinabi sa Kanya ni Pilato, “Hindi Mo ba
N: Sa landas na ito ng Mabuting Balita, masundan Ka nawa namin nang naririnig ang mga ipinararatang nila sa Iyo?” Ngunit hindi sumagot si Jesus
tuloy-tuloy at hindi “magpainit” para sa kaalwanan ng sarili-- gaputok man, kaya’t nagtaka ang gobernador.
B: Palakasin kami na mapanindigan ang katotohanan at katarungan.
N: Sa harap ng paniniil at pagbaluktot sa katotohanan ng malalakas at N: O Jesus, hindi Ka natakot humarap kay Pilato na kinatawan ng
makapangyarihan, madalas kaming magsawalang kibo at ayaw naming kapangyarihang dayuhan sa Iyong bayan. Panatag ang loob Mo sapagkat tiyak
itaya ang sarili-- Mong di Ka pababayaan ng Ama. At ipinakita Mo sa amin na tanging nasa Diyos
B: Palakasin kami na mapanindigan ang katotohanan at katarungan. nga lamang ang lakas at kapangyarihan. Sa mga panahon ng pagsubok at
kaguluhan, Panginoon, madalas kaming panghinaan ng loob at mawalan ng
MGA PERSONAL NA KAHILINGAN (Tahimik sandali) tiwala. Tulungan Mo kaming mapatotohanan ang aming pananampalataya sa
N: O Ama, Ikaw ang takbuhan ng mga api; sa Iyo dumaraing ang mga harap ng sinumang “Pilato” upang manatili kaming matatag at buo ang loob sa
dumaranas ng kalupitan at kawalang-katarungan. Sa pagharap ng Iyong Anak sa pagsunod sa Iyo.
di-makatarungang hatol, namayani pa rin ang Kanyang kagandahang-loob at (Tahimik na Pagninilay)
pag-ibig sa tao. Kaya sa pagtatrabaho namin para sa katotohanan at
katarungan, ang pag-ibig nawa sa kapwa ang maging inspirasyon namin at N: O Jesus, ipinakita Mo sa harap ni Pilato na di Ka magagapi ng anumang
kagandahang-loob mo ang siyang mamayani. pagsubok o kapangyarihan upang magkaroon ng katatagan ang mga
Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Cristong aming Panginoon. pamayanang sumusunod sa Iyo--
B: Amen. B: Patatagin Mo ang pananalig ng aming mga pamayanan sa panahon ng
pagsubok at kaguluhan.
N: Nanatili kang walang imik sa harap ng kanilang mga paratang hindi
ALAY SA KAPWA bilang kahinaan kundi patunay na tanging nasa Diyos lamang ang
Koro: Kapwa nating ialay ating sariling kamay. At bigyan natin ng
kapangyarihan at kaligtasan--
buhay itong pag-ibig na tunay.
B: Patatagin Mo ang pananalig ng aming mga pamayanan sa panahon ng balabal na purpura. Kumuha sila ng halamang matinik, ginawang korona at
pagsubok at kaguluhan. ipinutong sa Kanya. At sila’y patuyang nagpugay at bumati sa Kanya:
N: Ipinahayag Mo na kailangan naming buksan ang aming puso sa Diyos “Mabuhay ang hari ng mga Judio!” Siya’y pinaghahampas nila ng
upang magkaroon kami ng lakas ng loob sa pagharap namin sa mga tambo sa ulo, pinaglulurhan, at palibak na niluhud-luhuran.
pagsubok at pagpupunyagi sa katarungan at katotohanan--
B: Patatagin Mo ang pananalig ng aming mga pamayanan sa panahon ng N: O Jesus, iniwan Kang nag-iisa ng Iyong mga kasamahan. At dumanas Ka
pagsubok at kaguluhan. ng paglibak at insulto ng mga tao. Pinutungan Ka nila ng korona, hinampas at
dinuraan sa kanilang kalupitan. Ngunit ipinakita Mo sa amin kung paano tumayo
MGA PERSONAL NA KAHILINGAN (Tahimik sandali) at manindigan sa harap ng di-makataong sitwasyon para sa ikabubuti ng
N: O Amang mapagmahal, inaanyayahan Mo kaming manatiling panatag marami.
ang loob sa aming mga pamayanan sa panahon ng gulo at mga pagsubok. Ang
harapin ang anuman, taglay ang pananalig sa Iyong tulong at awa. Sa halimbawa May mga pagkakataong dumaranas kami, lalo na ang maliliit at mahihina sa
ni Cristo, lagi nawa kaming manalig sa Iyo sa paggawa namin para sa amin, ng paglait ng aming kapwa. At kung minsa’y kami pa ang nagiging tinik ng
katotohanan at katarungan. Gawin Mo kaming isang pamayanang tunay na paglait sa kanila sa aming mga pamayanan.
umaasa at nananalig sa Iyo. (Tahimik na Pagninilay)
Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Cristong aming Panginoon.
B: Amen. N: O Jesus, tinanggap Mo ang koronang tinik at ang mga pahirap upang
labanan at pagtagumpayan ang lahat ng di-makataong kalupitan--
O YAHWEH KO B: Patatagin Mo ang aming kalooban at ng aming pamayanan upang
(1) O Yahweh ko, O aking Diyos, sa iyo ko nasumpungan yaong aking mapangatawanan namin ang pamumuhay Kristiyano.
minimithi at hangad na kaligtasan. Iligtas Mo sana ako sa pag-usig ng N: Ipinamalas Mo ang tatag at paninindigan sa harap ng di-makataong
kaaway, Tinutugis nila ako, hindi sila naglulubay. kalagayan upang maging handa rin kaming manindigan para sa
(2) Kapag ako ay inabot, sila’y leon ang katulad, tatangayin nila ako, sa kabutihan ng aming kapwa--
malayo itatakas; At kung ito’y mangyayari, pihong walang magliligtas, B: Patatagin Mo ang pananalig ng aming mga pamayanan sa panahon ng
dudurugin nila ako, luluraying walang habag. pagsubok at kaguluhan.
(3) O Yahweh ko, bumangon ka, puksain mo ang kaaway; Ako’y iyong N: Marami sa aming mga kapatid ang iniinsulto, kinokoronahan ng tinik at
ipagtanggol sa malupit nilang kamay; Gumising ka’t sagipin mo, ako hinahampas; maalalayan nawa namin sila at masamahan sa kanilang
ngayon ay tulungan, yamang ito ang hangad mo: maghari ang paghihirap--
katarungan. B: Patatagin Mo ang pananalig ng aming mga pamayanan sa panahon ng
pagsubok at kaguluhan.
IKALIMANG ESTASYON
ANG PAGHAGUPIT AT PAGPUPUTONG NG KORONANG TINIK MGA PERSONAL NA KAHILINGAN (Tahimik sandali)
N: Sinasamba Ka namin at pinupuri, Panginoong JesuCristo. N: Ama ng buhay, sa paglakad namin sa daan ng krus, inaasam ng aming
B: Sapagkat sa pamamagitan ng Iyong banal na krus, tinubos Mo ang pamayanan ang katapusan ng di-makataong pamumuhay, ang wakas ng
sanlibutan. pagpapawalang-halaga sa buhay. Ipagkaloob Mo sa amin at sa aming
Tagabasa: Mc. 15:16-19 pamayanan ang lakas ng Iyong Espiritu upang maharap namin ang anumang uri
Dinala ng mga kawal si Jesus sa pretoryo, ang tirahan ng gobernador, ng paghampas at pagpuputong ng tinik.
at kanilang tinipon ang buong batalyon. Sinuotan nila si Jesus ng isang Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Cristong aming Panginoon.
B: Amen. B: Bigyan Mo kami ng sapat na lakas nang mapasan namin ang aming
krus sa pagsunod sa Iyo.
SA MALAYONG POOK N: Isang kondisyon ng pagiging alagad Mo ang pagpapasan ng krus; huwag
(1) Sa malayong pook, sa tabi ng bundok, naroon ang isang lumang krus. nawa kaming magsawa at panghinaan ng loob sa pagsunod sa Iyo,
Na pinagpakuan sa Anak ng Diyos, sa sala ng tao’y tumubos. mangahulugan man ito ng pag-aalay ng buhay--
Koro: Kung kaya’t ngayon ay nag-aalay, ang lahat sa krus na iyan, B: Bigyan Mo kami ng sapat na lakas nang mapasan namin ang aming
handog ko ay ayuno’t dasal, upang sala nami’y matubos. krus sa pagsunod sa Iyo.
(2) Krus na ‘yan ay tigmak ng Dugo at luha ni Jesus na mahal ng madla, nagtiis,
naghirap, namatay sa dusa, upang sala nati’y mawala. (Koro) MGA PERSONAL NA KAHILINGAN (Tahimik sandali)
N: Amang Diyos ng pag-ibig, nilikha Mo kami upang pangalagaan at
IKA-ANIM NA ESTASYON pagmalasakitan ang isa’t-isa tulad ng pag-aaruga ng ina sa kanyang mga anak.
ANG PAGPAPASAN NG KRUS Papag-alabin Mo sa aming puso ang pagnanasang makatulong at makiramay sa
N: Sinasamba Ka namin at pinupuri, Panginoong JesuCristo. aming kapwa at panatilihin kami sa pagsunod sa Iyong Anak sa landas patungo
B: Sapagkat sa pamamagitan ng Iyong banal na krus, tinubos Mo ang sa iyo.
sanlibutan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Cristong aming Panginoon.
Tagabasa: Jn. 19:16b-17 B: Amen.
Kinuha nga nila si Jesus. At lumabas Siya na pasan ang Kanyang krus,
patungo sa lugar na kung tawagi’y “Dako ng Bungo” (Golgota sa wikang JESUS NA AKING KAPATID
Hebreo). (1) Jesus na aking kapatid sa lupa nami’y bumalik, Iyong mukha’y ibang-
iba hindi kita nakikilala.
N: O Jesus, tinanggap mo ang krus nang walang anumang pag-aalaala kahit Koro:Tulutan Mong aking mata, mamulat sa katotohan.
na alam Mong maghahatid ito sa kamatayan. Narito ang buhay na aral Mo sa Ikaw Poon makikilala sa taong mapagkumbaba.
amin tungkol sa pagpapasan ng krus dahil sa pagmamahal at paglilingkod sa (2) Jesus na aking kapatid, putikin man ang ‘Yong sapin, punit-punit ang
kapwa. Ayaw namin ng krus, Panginoon, kaya’t iba ang malimit naming ‘Yong damit nawa Ika’y mapasaakin. (Koro)
pinagpapasan ng aming mga krus sa buhay. At kung minsa’y kami pa ang (3) Jesus na aking kapatid, sa bukid Ka nagtatanim, O sa palengke din
nagiging pabigat at krus ng aming kapwa. Tulungan mo kaming pasanin ang naman Ikaw ang naghahanapbuhay. (Koro)
aming krus upang hindi kami maging pabigat sa iba, ang mayakap ang krus ng
kamatayan sa sarili tungo sa pagkakaroon ng buhay sa pakikipag-kapwa at IKAPITONG ESTASYON
pagmamalasakit. SI SIMON NA TAGA-CIRENE
(Tahimik na Pagninilay) N: Sinasamba Ka namin at pinupuri, Panginoong JesuCristo.
B: Sapagkat sa pamamagitan ng Iyong banal na krus, tinubos Mo ang
N: Jesus, pinasan Mo ang krus tanda ng pakikiisa Mo sa paghihirap ng sanlibutan.
sanlibutan upang maihatid ang lahat sa kaganapan ng buhay-- Tagabasa : Mt.27:32
B: Bigyan Mo kami ng sapat na lakas nang mapasan namin ang aming Paglabas nila ng lungsod, kanilang nakita ang isang lalaking
krus sa pagsunod sa Iyo. nagngangalang Simon, isang taga-Cirene. Pilit nilang ipinapasan sa kanya
N: Malaya Mong nilakad ang daan ng krus papunta sa Kalbaryo bilang aral ang krus ni Jesus.
sa amin na pasanin nang bukal sa loob ang mga krus namin sa buhay--
N: Jesus, sinabi Mo sa Iyong mga alagad na kailangan nilang pasanin ang MGA KABABAIHAN NG JERUSALEM
kanilang krus kung gusto nilang sumunod sa Iyo. Narito ang isang tao na N: Sinasamba Ka namin at pinupuri, Panginoong JesuCristo.
napadaan lang, ngunit pinasan niya ang Iyong krus. Marami na kaming nalakad B: Sapagkat sa pamamagitan ng Iyong banal na krus, tinubos Mo ang
na mga daan ng krus pero nilalampasan lang namin ang mga may pasang krus. sanlibutan.
Ipinipikit namin ang aming mga mata sa kanilang mga paghihirap sapagkat ayaw Tagabasa : Lc. 23:27-31
naming malaman na kami ang nagiging pabigat sa kanila. Sa paghakbang namin Sinusundan si Jesus ng maraming tao kabilang ang mga babaing
ngayon sa daang ito ng iyong krus, Makita ka nawa namin sa aming kapwa na nananaghoy at nananambitan dahil sa Kanya. Nilingon sila ni Jesus at sinabi
nagpapasan ng krus at nangangailangan ng tulong. Oo, bukal sa loob Ka naming sa kanila, “Mga kababaihan ng Jerusalem, huwag ninyo Akong tangisan. Ang
lalapitan at dadamayan. tangisan ninyo’y ang inyong sarili at ang inyong mga anak. Tandaan ninyo:
(Tahimik na Pagninilay) darating ang mga araw na sasabihin nila, “Mapalad ang mga baog, ang mga
sinapupunang hindi nagdalangtao, at ang mga dibdib na hindi nagpasuso.” Sa
N: Jesus, sa magandang halimbawa ni Simon taga-Cirene, tinanggap namin mga araw na iyo’y sasabihin ng mga tao sa mga bundok, “Gumuho kayo sa
ang aral kung paano ang maging tagasunod Mo sa daan ng krus-- amin!’ at sa mga burol, “Tabunan ninyo kami!’ Sapagkat kung ganito ang
B: Turuan Mo kaming pasanin ang krus ng aming kapwa. ginagawa sa kahoy na sariwa , ano naman kaya ang gagawin sa tuyo?”
N: Ipinakita Mo sa amin kung paano dumamay at magmalasakit bilang
pagsasabuhay namin ng pagiging mga alagad Mo-- N: O Jesus, sa daan ng krus, nagawa Mo pang dumamay sa kababaihan ng
B: Turuan Mo kaming pasanin ang krus ng aming kapwa. Jerusalem , tanda ng Iyong malasakit sa kanila. Ipinakikita Mo sa amin ang daan
N: Tinawag Mo kaming lahat na maglingkod sa isa’t isa upang makasama Ka ng pagdamay at pakikiisa sa kanila na mga biktima ng kawalang-katarungan at
sa paglakad patungo sa piling ng Ama--- nagpapasan din ng kani-kanilang krus. Panginoon, naging makasarili kami at
B: Turuan Mo kaming pasanin ang krus ng aming kapwa. walang pakialam sa kalagayang namamayani sa aming kapaligiran. Natatakot
kaming dumamay sa aming kapwa na biktima ng karahasan sa aming lipunan.
MGA PERSONAL NA KAHILINGAN (Tahimik sandali) Pagtangis hindi sa luha kundi sa gawa ng pagmamalasakit sa mga naghihirap at
inaapi. Ito ang hinihingi Mo, Panginoon, at hindi ang pagkahabag sa sarili kundi
N: O Diyos, tinawag Mo kami bago pa man nagsimula ang anuman. Sa isang paggawa at pagpupunyagi sa tulong ng Diyos.
taong napadaan lamang, ipinakita Mo sa amin ang paraan ng pagsunod sa (Tahimik na Pagninilay)
daang ito. Gaano pa kami na tinawag Mo at kusang-loob na sumagot sa Iyong
paanyaya! Huwag nawa kaming magdalawang-salita sa pagsunod sa Iyo at N: O Jesus, nakiisa Ka’t nakiramay sa amin upang magkaroon kami ng
maging buo ang loob sa pagpapasan ng krus bilang mga alagad ng Iyong Anak. ginhawa sa paglakad namin sa daan ng krus---
Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Cristong aming Panginoon. B: Damayan Mo ang mga tumatangis at naghahanap ng dangal at
B: Amen. katarungan sa buhay.
N: Pinahalagahan Mo ang mga kababaihan sa kasaysayan ng kaligtasan
DI BA’T SADYANG MAY KAPWA upang sama-sama kaming maging saksi sa orihinal na plano ng Ama na
Di ba’t sadyang may kapwa ang sariling dapat hainan ng pagsisilbi? pagkakapantay-pantay ng lahat---
At mamangha, ligaya’y dadalisay pag sa kapwa buhay mo ay naalay. B: Damayan Mo ang mga tumatangis at naghahanap ng dangal at
Ref. Bawat galing gamitin sa paglingap, laging damhin kung may naghihirap at katarungan sa buhay.
tandaan ganyang pagmamahalan, unang-unang atas ng kabanalan. 2x N: Ibinilin Mo sa amin na pagmalasakitan ang mga inaapi at naghihirap
upang makibahagi kami sa Iyong mapagligtas na pagmamahal---
IKAWALONG ESTASYON
B: Damayan Mo ang mga tumatangis at naghahanap ng dangal at buhay at dangal sa pera at kayamanan. Matauhan nawa kami sa kahibangang
katarungan sa buhay. ito ng aming panahon, at masabing tama na ang lahat ng paghuhubad at
pagpapako.
MGA PERSONAL NA KAHILINGAN (Tahimik sandali) (Tahimik na Pagninilay)

N: Ama ng pagdamay at malasakit sa sangkatauhan, nilikha Mo ang lahat sa N: Jesus, hinubaran Ka at ipinako sa krus upang damitan ng dangal at
pagkakaisa at pagkakapantay. Bigyan Mo ng lakas at sigla ang aming pamayanan bagong buhay ang tao--
upang mapanagutan namin at mapangatawanan ang plano Mong ito sa B: Matauhan nawa kami at mabigyang-halaga ang buhay.
sangkatauhan. Gawin Mo kaming isang sambayanang marunong dumamay at N: Tinanggap Mo ang mga pako ng paghihirap upang ipako sa krus ang
magmalasakit sa mga inaapi at nagpapasan ng krus ng kawalang-dangal. aming mga kasalanan.
Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Cristong aming Panginoon. B: Matauhan nawa kami at mabigyang-halaga ang buhay.
B: Amen. N: Ibinigay Mo sa amin ang kahulugan ng Krus: buhay na pakikibahagi sa di-
kanais-nais na pamumuhay upang maiangat namin ang aming kapwa---
KAILAN PA B: Matauhan nawa kami at mabigyang-halaga ang buhay.
(1) Kailan pa ibibigay ang buhay mo’t lakas sa Kanya na nagbigay sa’yo ng
buhay na wagas. MGA PERSONAL NA KAHILINGAN (Tahimik sandali)
(2) Ang pangalan N’yang banal kailan itatanyag kung wala ng pagkakataon
at huli na ang lahat. N: Amang bukal ng buhay, dinamitan Mo ang tao sa Iyong larawan at
Koro:At kung ang araw mo’y lumipas na, makuha mo pa kayang S’ya ay binigyan Siya ng hininga ng buhay. Ngunit sa paghihimagsik ng tao sa Iyong pag-
paglingkuran, kailan pa kaya maglilingkod sa Diyos? Kung hindi ibig, pilit naming hinuhubaran ang aming kapwa at ipinapako sa di-pagtao sa
ngayon…kailan pa… (Kailan pa) kanila. Matauhan nawa kami sa paghihirap ng Iyong Anak upang mabigyang-
halaga ang buhay at dangal ng tao. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni
IKASIYAM NA ESTASYON Cristong aming Panginoon.
ANG PAGHUHUBAD KAY JESUS AT PAGPAPAKO SA KRUS B: Amen.
N: Sinasamba Ka namin at pinupuri, Panginoong JesuCristo.
B: Sapagkat sa pamamagitan ng Iyong banal na krus, tinubos Mo ang ANG KALULUWA KO’Y NAUUHAW
sanlibutan. (1) Katulad ng lupang tigang, walang tubig ako’y nauuhaw; O Diyos
Tagabasa : Mt. 27:33-35 hangad kitang tunay, Sa Iyo ako’y nauuhaw.
Pagdating sa lugar na tinatawag na Golgota, na nangangahulugang Koro: Ang kaluluwa ko’y nauuhaw sa Iyo, O Panginoon ko. Ang
Pook ng Bungo, binigyan nila si Jesus ng alak na hinaluan ng apdo. Ngunit kaluluwa ko’y nauuhaw sa Iyo, O Panginoon ko.
nang matikman Niya ay hindi ininom. Nang maipako na Siya sa krus, (2) Kaya’t ika’y minamasdan, doon sa Iyong dalanginan; Nang makita kong
pinaghati-hatian nila ang kanyang mga damit matapos magsapalaran. lubusan, lakas mo’t kaluwalhatian. (Koro)
(3) Ang kagandahang-loob Mo, higit sa buhay sa mundo; kaya ako’y
N: Jesus, matagal Mong nilakad ang daan papunta sa Kalbaryo na pasan ang magpupuri, Ngalan mo’y aking sasambitin. (Koro)
krus ng kasalanan ng tao. At pagdating sa Bundok ng Bungo, hinubaran Ka nila
at ipinako sa krus. Naririnig at nababalitaan araw-araw ang maraming IKASAMPUNG ESTASYON
paghuhubad at pagpapako sa aming kapwa. Paghuhubad sa dangal ng tao at ANG ISA PANG KRIMINAL
walang awang pagkitil ng buhay. At walang -konsiyensyang ipinagpapalit ang N: Sinasamba Ka namin at pinupuri, Panginoong JesuCristo.
B: Sapagkat sa pamamagitan ng Iyong banal na krus, tinubos Mo ang pabalik sa Iyo. Ipagkaloob Mo nawa sa amin kahit tilamsik man lang ng Iyong
sanlibutan. kagandahang-loob. Palambutin Mo ang aming puso upang magkaroon kami ng
Tagabasa : Lc. 23:39-43 habag at pang-unawa para makapagpatawad at makahingi ng tawad. Hinihiling
Tinuya Siya ng isa sa mga salaring nakabitin, at ang sabi, “Hindi ba namin ito sa pamamagitan ni Cristong aming Panginoon.
Ikaw ang Mesias? Iligtas Mo ang Iyong sarili pati na kami!” Ngunit B. : Amen.
pinagsabihan siya ng kanyang kasama, “Hindi ka ba natatakot sa Diyos? Ikaw
ma’y pinarurusahang tulad Niya! Matuwid lamang na tayo’y parusahan nang INA NG PAGLAYA
ganito dahil sa ating mga ginawa; ngunit ang taong ito’y walang ginawang (1) Kami’y dumudulog, O Mahal na Ina, dinggin ang pagsamo ng bayan
masama.” At sinabi niya, “Jesus, alalahanin Mo ako kapag naghahari Ka na.” mong sinta. Kami’y tulungan Mo sa pakikibaka, upang makalaya
Sumagot si Jesus, “Sinasabi Ko sa iyo: ngayon di’y isasama kita sa paraiso.” sa’ming pagdusa.
Koro: O sana’y dinggin mo, O Mahal na Birhen, taos na dalangin ng bayan
N: Jesus, ipinakita Mo sa amin kung paano magpatawad sa kapwa. mong giliw. Tulungan mong put'lin ang pagkaalipin, dangal
Pagpapatawad sa nagkamali o nagkasala sa amin na patunay na pagtanggap ipagtanggol, laya’y pasulungin.
namin sa kapatawarang alok ng Diyos. Ang kapatawarang ito sa Ama ang bukal (2) O Birheng mapagpala’t mapagkalinga, ilapit mo kami sa Diyos na
ng lakas at dahilan upang kami’y magpatawad din tulad niya. Kung ang Diyos ay dakila. Lingapin mo kami’t mamagitan nawa, nang makamit lubos ang
nagpapatawad, kami pa kayang mga tao? naglahong laya. (Koro)

Ngunit parang nawawalang-kahulugan ang paghingi namin ng tawad IKALABING-ISANG ESTASYON


dahil matigas pa rin ang aming mga puso sa pagpapatawad sa iba. Oo, SINA MARIA AT JUAN
Panginoon, mahaba pa nga ang dapat naming lakarin sa daang ito ng N: Sinasamba Ka namin at pinupuri, Panginoong JesuCristo.
kapatawaran: ang matutong magpatawad at humingi ng tawad. B: Sapagkat sa pamamagitan ng Iyong banal na krus, tinubos Mo ang
(Tahimik na Pagninilay) sanlibutan.
Tagabasa : Jn. 19:25-27
N: Jesus, sa kagandahang-loob Mo, pinatawad Mo hindi lamang ang Nakatayo sa tabi ng krus ni Jesus ang Kanyang ina at kapatid na babae
kriminal kundi ang sangkatauhan-- nitong si Maria, na asawa ni Cleopas. Naroon din si Maria Magdalena. Nang
B: Matuto nawa kaming magpatawad at humingi ng tawad. makita ni Jesus ang Kanyang ina, at ang minamahal Niyang alagad sa tabi
N: Ipinakita Mo sa amin ang paghingi ng kapatawaran sa pagsisisi at nito, Kanyang sinabi, “Ginang, narito ang iyong anak!” At sinabi sa
pagbabalik-loob at ang daan ng pagpapatawad at pagtanggap sa kapwa-- alagad,”Narito ang iyong ina!” Mula noon, siya’y pinatira ng alagad na ito sa
B: Matuto nawa kaming magpatawad at humingi ng tawad. kanyang bahay.
N: Sinabi Mo na hindi ilang beses lamang ang pagpapatawad kundi walang
hanggan itong pagtanggap sa kapwa upang lubos kaming magkabuklod N: Jesus, ibinigay Mo sa isa’t isa ang Iyong Ina at ang pinakamamahal Mong
sa pagmamahalan--- alagad bilang patunay na nais Mo para sa amin: na maging pamilya kami ng
B. : Matuto nawa kaming magpatawad at humingi ng tawad. Diyos sa maliit na mga pamayanan.

MGA PERSONAL NA KAHILINGAN (Tahimik sandali) Nakakaligtaan namin ang pagkakapalagayang-loob na ito sa isa’t isa at
patuloy kaming nagkakanya-kanya. Mula sa krus, Panginoon, buksan Mo ang
N: O Diyos na aming Ama, sa Iyong kagandahang-loob, ibinabangon Mo aming puso sa paanyaya Mong ito upang maging pamilya kami ng Diyos at
kami sa aming pagkadapa, itinutuwid Mo kami sa aming landas at inaakay kami mabuhay bilang magkakapatid.
(Tahimik na Pagninilay) N: Sinasamba Ka namin at pinupuri, Panginoong JesuCristo.
B: Sapagkat sa pamamagitan ng Iyong banal na krus, tinubos Mo ang
N: Jesus, ibinigay Mo si Maria kay Juan upang maging ina ng Iyong sanlibutan.
pamayanan-- Tagabasa : Lc. 23:44-46
B: Pagbuklurin Mo kami sa pag-ibig at malasakit bilang pamilya ng Diyos. Nang mag-iikalabindalawa ng tanghali, nagdilim sa buong lupain
N: Hanggang sa mga huling sandali ng Iyong buhay, kapakanan pa rin ng iba hanggang sa ikatlo ng hapon. Nawalan ng liwanag ang araw, at ang tabing
ang Iyong inaalala, malampasan nawa namin ang pagkakanya-kanya ng templo ay napunit sa gitna. Sumigaw ng malakas si Jesus, “Ama, sa mga
alang-alang sa kabutihan ng aming kapwa-- kamay Mo’y ipinagtatagubilin Ko ang Aking Espiritu!” At pagkasabi nito,
B: Pagbuklurin Mo kami sa pag-ibig at malasakit bilang pamilya ng Diyos. nalagot ang Kanyang hininga.
N: Tinipon Mo kami bilang mag-anak ng Diyos at Ikaw ang lakas namin sa
pagsasabuhay nito sa aming mga pamilya at pamayanan-- N. : O Jesus, nakikiisa sa Iyong pagkamatay sa krus maging ang kalikasan.
B: Pagbuklurin Mo kami sa pag-ibig at malasakit bilang pamilya ng Diyos. Ipinagkatiwala Mo ang Iyong Espiritu sa Diyos Ama, tanda ng malaya at kusang-
loob na pag-aalay Mo ng buhay. Isang marahas na wakas sa lahat ng karahasan.
MGA PERSONAL NA KAHILINGAN Namamatay nga rin sa aming buhay at sa aming pamayanan ang Iyong Espiritu
hindi dahil sa pag-aalay ng sarili kundi dahil sinasarili namin ang mga dapat
N: O Ama, paano naming di malalaman ang dakila Mong kalooban sa buhay ibahagi. Hindi namin ipinagkakatiwala sa Ama ang aming buhay sapagkat gusto
na aral ng Iyong Anak? Hangad Mong magkaisa kami bilang pamilya sa Iyong naming kami mismo ang may hawak nito. Ngunit ipinakita Mong nasa
pag-ibig. Sa tulong nina Maria at Juan, magkaroon nawa kami ng lakas na pagkamatay nga ang pagsilang sa buhay, na kailangang mamatay ang binhi para
mabuhay bilang mag-anak sa ilalim ng iisang bubong, ang bubong ng Iyong tumubo at mamunga.
makaamang kalinga. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Cristong aming (Tahimik na Pagninilay)
Panginoon.
B: Amen. N: O Jesus, na nag-alay ng buhay na kaloob ng Ama upang ibalik sa kanya
ang lahat-lahat sa lubos na pananalig sa maka-Amang kalinga ng Diyos--
DAKILANG PAG-IBIG B: Pawiin Mo sa amin ang takot sa kamatayang nagbibigay-buhay
Koro: Dakilang pag-ibig, saan man manahan, D’yos ay naroon, N: Tinuruan Mo kaming ipagkatiwala ang sarili sa Ama ng buhay upang
walang alinlangan. maging bahagi kami ng pagbibigay-buhay Niya sa aming kapwa--
(1) Tinipon tayo sa pagmamahal, ng ating Poong si Jesus; Tayo’y lumigaya B: Pawiin Mo sa amin ang takot sa kamatayang nagbibigay-buhay
sa pagkakaisa, sa Haring nakapako sa krus. (Koro) N: Ibinigay Mo ang Iyong buhay sa paglilingkod sa pamayanan upang
(2) Purihi’t ibigin ang ating D’yos na S’yang unang nagmamahal; Kaya’y maialay rin namin ang aming buhay sa kapakanan ng aming pamayanan-
buong pag-ibig rin nating mahalin ang bawat kapatid at kapwa. (Koro) B: Pawiin Mo sa amin ang takot sa kamatayang nagbibigay-buhay
(3) Iwasan lahat ang pagkapoot, pag-aalinlanga’t yamot; Sundin ang
landasin ni Jesu Cristo, at ito’y halimbawa ng D’yos. MGA PERSONAL NA KAHILINGAN (Tahimik sandali)
(4) Mapalad ang gumagalang sa D’yos, at sumusunod sa Kanya,
tatamasahin n’ya ang Kanyang biyaya, pagpalain S’ya’t liligaya. (Koro) N: O Diyos, hindi Mo ikinagagalak ang kamatayan ninuman sapagkat Ikaw
ang bukal ng buhay. Ikaw ang Diyos ng buhay! Tinatawag Mo kami upang
IKALABINDALAWANG ESTASYON ipagdiwang ang buhay ni Jesus at hindi ang Kanyang kamatayan. Ipagkaloob Mo
ANG PAGKAMATAY NI JESUS sa amin ang biyayang mabuhay nang lubos sa paglilingkod at pakikipagkapwa-
tao tulad ng ginawa ni Jesus, mangahulugan man ito ng kamatayan. Hinihiling
namin ito sa pamamagitan ni Cristong aming Panginoon. N: Jesus, inilibing Ka upang mabigyan ng bagong buhay at dangal ang sang-
B: Amen likha mula sa kailaliman nito--
B: Buhayin Mo ang pag-asa ng aming pamayanan sa bukang-liwayway na
SINO AKO darating sa aming bayan.
(1) Hiram sa Diyos, ang aking buhay, ikaw at ako’y tanging handog lamang N: Kinuha ni Jose ang iyong katawan dala ng kanyang malasakit at
Di ko ninais na ako’y isilang, ngunit salamat dahil may buhay. pagbibigay-galang sa Iyo, isang magandang halimbawa sa pagkilala at
(2) Ligaya ko nang ako’y isilang pagkat tao ay mayroong dangal. paggalang sa dangal ng tao--
Sino’ng may pag-ibig, sino’ng magmamahal, B: Buhayin Mo ang pag-asa ng aming pamayanan sa bukang-liwayway na
kundi ang taong Diyos ang pinagmulan. darating sa aming bayan.
(3) Kundi ako umibig, kundi ko man bigyang halaga ang buhay kong N: Hindi katapusan ang paglilibing sa Iyong katawan kundi isang landas sa
handog, ang buhay kong hiram sa Diyos, pagsikat ng bagong umaga at simula ng panibago Mong katawan na
kundi ako nagmamahal, sino ako? (Ulitin ang 2 & 3) aming pamayanan--
B: Buhayin Mo ang pag-asa ng aming pamayanan sa bukang-liwayway na
IKALABINTATLONG NA ESTASYON darating sa aming bayan.
ANG BAGONG LIBINGAN
N: Sinasamba Ka namin at pinupuri, Panginoong JesuCristo. MGA PERSONAL NA KAHILINGAN (Tahimik sandali)
B: Sapagkat sa pamamagitan ng Iyong banal na krus, tinubos Mo ang
sanlibutan. N: O Ama, Ikaw ang bukang-liwayway ng aming buhay sapagkat maging sa
Tagabasa : Mt. 27:57-60 dilim ng kawalang-pag-asa, pinasisikat Mo pa rin ang bagong araw ng aming
Bago magtakipsilim, dumating ang isang mayamang taga-Arimatea, lakas at kaligtasan. Sa paglilibing sa katawan ng Iyong Anak, pinasibol Mo ang
na ang ngala’y Jose. Siya’y alagad din ni Jesus. Lumapit siya kay Pilato at binhi ng bagong buhay upang tumubo ang bagong Katawan ni Cristo sa aming
hiningi ang bangkay ni Jesus. Iniutos naman ni Pilato na ibigay ito sa kanya. pamayanan. Maging tanda nawa ng bagong simulang ito ang aming pamayanan
Kaya't kinuha ni Jose ang bangkay at binalot ng bagong kayong lino. Inilagay upang makita ng daigdig ang Bagong Araw ng Iyong pagliligtas. Hinihiling namin
niya ito sa sariling libingan na di pa nalalaunang ipinauka niya sa bato. ito sa pamamagitan ni Cristong aming Panginoon.
Pagkatapos, iginulong niya sa pintuan nito ang isang malaking bato, saka B: Amen
umalis.
SAAN KAMI TUTUNGO
N: Jesus, tapos na ang lahat ng paghihirap Mo. Kung minsan nga’y parang (1) Saan kami tutungo kaming makasalanan? Saan kami susulong dahas
mas nakahihinga pa kami ng maluwag matapos ilibing ang mga patay, matapos laging kapisan? Ikaw Jesus ang susundan, Ikaw Poon ang hantungan.
ilibing sa limot ang lahat ng problema. Ngunit kinukuha ni Jose ang Iyong (2) Sino kayang uusig sa di makatarungan? Sino kayang lulupig sakim na
katawan hindi para limutin Ka kundi upang manatiling buhay sapagkat hindi Mo umiiral? Sa sinumang sa Diyos mulat, katarungan magbubuhat.
nais na makalimot ang Iyong pamayanan. Ibang paglilibing ang hinihingi Mo sa (3) Kaloob Mong talino, atas Mo’y pagyamanin sa pakikihamok lagi
amin: paglilibing sa aming sarili upang mabuhay ang bagong tao, paglilibing sa naming gamitin, karahasa’y pipiitin, kamalia’y tutuwirin.
di-pagtao sa kapwa upang mamalagi Kang buhay sa aming pamayanan sa
malasakit at pagmamahalan. Paglilibing hindi para makalimot kundi para IKALABING APAT NA ESTASYON
maharap ang anuman dahil may magandang magaganap bukas. ANG PAGKABUHAY NI JESUS
(Tahimik na Pagninilay) N: Sinasamba Ka namin at pinupuri, Panginoong JesuCristo.
B: Sapagkat sa pamamagitan ng Iyong banal na krus, tinubos Mo ang matapat kami sa pagsasabuhay sa kalooban Mong ito. Hinihiling namin ito sa
sanlibutan. pamamagitan ni Cristong aming Panginoon.
Tagabasa : Lc. 24:1-3 B. : Amen
Umagang-umaga nang araw ng Linggo, ang mga babae’y nagtungo sa
libingan, dala ang mga pabangong inihanda nila. Nang dumating sila, AWIT SA PAGNINILAY
naratnan nilang naigulong na ang batong nakatakip sa pintuan ng libingan.
Ngunit nang pumasok sila, wala ang bangkay ng Panginoong Jesus. MAGPASALAMAT KAYO SA PANGINOON
1.Magpasalamat kayo sa Panginoon
N: Jesus, nagpunta sila sa libingan hindi para makita ang Iyong pagkabuhay na S'yang lumikha ng lahat ng bagay dito sa mundo.
kundi para dalawin ang inaasahan nilang patay Mong katawan. Pero hindi nila Sya'y gumawa ng buwan at mga bit'win upang magbigay ng liwanag sa pagsapit
nakita ang iyong katawan. Kahanga-hanga ang mga gawa ng Diyos, at di namin ng dilim. O magpasalamat sa Kanyang mga biyaya at awa.
maiisip ni sa panaginip. Wala nga ang katawan Mo dahil hindi Ka nanatiling 2. Magpasalamat kayo sa Panginoon dahil sa kagandahang loob N'ya'y
patay. Wala nang kapangyarihan ang kamatayan, pinatay Mo mismo ang magpakailanman. At papurihan ang Diyos habang buhay na S'yang
kamatayang kinatatakutan naming mga tao. Binuhay Ka ng Ama, at kami ang nagligtas sa Kanyang hinirang bayang Israel. O ating purihin ang Poon na
bago Mong katawan. mahabagin sa atin
(Tahimik na Pagninilay)
PANGWAKAS NA PANALANGIN
N: Jesus, Ikaw ang buhay, manatili Ka sa aming piling upang maging
pamayanan kami ng Pagkabuhay--- N.: Sumaatin nawa ang kapayapaan at pag-ibig ng Panginoon.
B: Ipadala Mo ang Iyong Espiritu upang maging buhay na katawan Mo
ang aming pamayanan. B.: Sapagkat nabuhay Siya at namamalagi sa ating piling.
N: Pagbuklurin Mo kami sa aming pamayanan sa kapatiran at pagbibigayan
upang makita ng daigdig ang buhay na katawan Mo--- N.: Siya ang Buhay at Pagkabuhay!
B: Ipadala Mo ang Iyong Espiritu upang maging buhay na katawan Mo
ang aming pamayanan. B.: Buhay Siya, ngayon at magpakailanman!
N: Ibinigay Mo ang Iyong Espiritu sa mga alagad Mo, manahan nawa Siya sa
aming piling upang mamunga ang aming pamayanan sa mga gawa ng Tagabasa: Roma 6:9-11
Espiritu--- Alam nating si Cristo na muling binuhay ay hindi na muling mamamatay.
B: Ipadala Mo ang Iyong Espiritu upang maging buhay na katawan Mo Wala nang kapangyarihan sa kanya ang kamatayan. Nang Siya'y mamatay,
ang aming pamayanan. namatay Siya nang minsan para sa kasalanan, at ang buhay niya ngayo'y para
sa Diyos. Kaya dapat ninyong ibilang ang inyong sarili na patay na sa
MGA PERSONAL NA KAHILINGAN kasalanan datapwat buhay naman para sa Diyos sa inyong pakikipag-isa kay
Cristo Jesus.
N. : O Diyos na aming Ama, sa Iyong pag-ibig at kapangyarihan ibinangon (Tahimik na Pagninilay)
Mo’t binuhay ang Iyong Anak. Sa pagkabuhay Niyang ito, ibinangon Mo ang
dangal ng tao, at inihatid kami sa kaganapan ng buhay na kalooban Mo para sa N.: Kapiling Ka nga namin, Jesus, sa pamayanang-Simbahan.
amin. Ipadala Mo ang Iyong Espiritu sa aming pamayanan upang maging
B.: Buhay Ka nga, Panginoon, ngayon at magpakailanman.
N.: Buhay Kang nangungusap sa amin sa iyong salita.

B.: Buhay Ka nga, Panginoon, ngayon at magpakailanman.

N.: Namamalagi ka sa piling ng iyong Sambayanan sa Banal na Eukaristiya.

B.: Buhay Ka nga, Panginoon, ngayon at magpakailanman.

N.: Kasama Ka namin sa aming kapwa at kasabay sa paglakad patungo sa Ama,


lalo na sa mga dukha at nangangailangan.

B.: Buhay Ka nga, Panginoon, ngayon at magpakailanman.

N.: Sa Iyong pagkabuhay, ibinahagi Mo sa amin ang pagiging Anak ng Diyos


kaya't naging Ama namin ang iyong Ama, at buong pananalig naming nasasabi:

AMA NAMIN......
N.: O Ama, salamat sa maluwalhating pagdating namin sa dulo ng daan ng
krus. Inihahatid Mo nga sa kabutihan ang lahat. Manatili nawang nakatuon ang
aming puso at kalooban sa Iyong kabutihan at kagandahang-loob sa gitna ng
dilim at mga krus ng aming buhay. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni
Cristong aming Panginoon.

B.: Amen

N.: Pagpalain tayo ng Diyos, ipagsanggalang sa lahat ng masama at ihatid sa


buhay na walang hanggan.

B.: Amen.

You might also like