You are on page 1of 51

ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG

PAGPAPAKASAKIT AT PAGKABUHAY

LINGGO NG MULING PAGKABUHAY


Ang Magdamagang Pagdiriwang sa Pasko ng Muling
Pagkabuhay

Alinsunod sa pinakamatandang pamana, ang gabing ito ay nakatalaga sa pag-


alala sa Panginoon (Exodo 12, 42). Sa Mabuting Balita ayon kay San Lucas (12,
35 at sumusunod), may paggunita sa mga tagasunod ng Panginoon upang
silay maghintay habang tangan ang ilawang may sindi, katulad ng mga
katiwalang naghihintay para sa pagbabalik ng kanilang Panginoon nang sa
gayoy kapag dumating siyay madatnan niya silang handa at nagbabantay at
silay knayang padudulugin sa kanyang hapag.

Ang Magdamagang Pagdiriwang na ito ay nahahati sa apat na yugto: 1)


pagkaraan ng maikling pagpaparangal sa ilaw, 2) ang Simbahan ay
nagsasaloob sa lahat ng mga kahanga-hangang ginawa ngDiyos para sa
kapakanan ng kanyang sambayanan sa mulat mula pa; ito ang pagpapahayag
ng Salita ng Diyos. 3) Habang papalapit ang araw ng muling pagkabuhay, ang
mga bagong kaanib ng Simbahan ay muling isinisilang sa pamamagitan ng
binyag, at 4) ang buong Simbahan ay inaanyayahang dumulog sa piging na
iunihanda ng Panginoon para sa kanyang bayan bilang pakikinabang sa
kanyang pagkamatay at muling pagkabuhay.

Ang kabuuan ng Magdamagang Pagdiriwang ng Muling Pagkabuhay ay


gaganapin kapag madilim na ang paligid. Itoy hindi dapat simulan bago
magtakip-silim, dapat itong magwakas bago magbukang-liwayway ang araw
ng Linggo.

Kahit na ang pagmimisa sa gabing ito ay maganap bago maghating-gabi, ang


Misa ng Muling Pagkabuhay ang ipagdiriwang.

Ang mga nakikiisa sa pagmimisa ngayong gabi ay maaaring makinabang muli


sa ikalawang Misa na kanilang nanaising lahukan bukas nang Linggo ng
Pagkabuhay.

Ang pari at ang mga tagapaglingkod ay magsusuot ng putting damit para sa


pagmimisa.

Dapat maghanda ng mga kandila para sa lahat ng mga makikiisa sa


Magdamagang Pagdiriwang.
UNANG YUGTO:
ANG PAGPAPARANGAL SA ILAW
PAGBABASBAS AT PAGHAHANDA NG ILAW
Lahat ng mga ilaw sa simbahan ay hindi muna sisindihan.

Isang malaking siga ang ihahanda sa isang angkop na dako sa labas ng


simbahan. Ang siga ay dapat malalapitan upang masindihan ang Kandila ng
Paskwa. Kapag natitipon na ang mga tao, ang pari ay lalapit doon, kasama ng
mga tagapaglingkod. Isa sa mga ito ay siyang magdadala ng kandila ng Pasko
ng Pagkabuhay.

Babatiin ng pari ang natitipong tao ayon sa kinaugaliang paraan. Siyay


magbibigay sa kanila ng maikling paliwanag tungkol sa pagdiriwang. Maaaring
ang sumusunod o anumang katumbas nito ang kanyang ihahayag:

Mga kapatid,
sa kabanal-banalang gabing ito
na pinangyayarihan
ng pagtawid ng ating Panginoong Hesukristo
mula sa pagkamatay patungo sa pagkabuhay
ang Sambayanan niya ay nag-aanyaya
sa lahat ng mga anak na nasa ibat-ibang panig
ng daigdig
upang magtipun-tipon
sa pagganap ng magdamagang pagdiriwang.
Sa pagganap natin sa alaala
ng Pasko ng Panginoong nagtagumpay
sa pakikinig ng Salita at paghahain ng
kanyang buhay
maaasahan nating tayoy
makakapakinabang
sa kanyang pananaig sa kamatayan
at pamumuhay sa piling niya at ng Amang
Maykapal.
Ang siga ay babasbasan.

Manalangin tayo.

Ama naming Makapangyarihan,


sa pamamagitan ng iyong Anak,
kamiy iyong dinulutan
ng ningas ng iyong kaliwanagan.
Ang bagong ningas na ito ay iyong gawing
banal +
at ipagkaloob mong kamiy pagningasin
nitong aming pagdiriwang
upang makasapit kaming may dalisay na
kalooban
sa walang maliw na kaliwanagan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen.
Alinsunod sa kakayanan ng mga tao, maaaring naaangkop na biyang-diin ang
kahalagahan at kahulugan ng kandila ng Pasko ng Pagkabuhay sa tulong ng
karagdagang sagisag sa ganitong paraan.

Pagkabasbas ng bagong apoy, ang isa sa mga tagapaglingkod ay siyang


maghaharap ng kandila ng Pasko ng Pagkabuhay sa pari. Ito ay guguhitan ng
pari ng krus sa pamamagitan ng pang-ukit o pansulat. Iguguhit din dito ang
mga titik na Griego:

1. Sa pagguhit sa krus mula sa itaas hanggang ibaba

Pari: Si Kristo ang nagmamahal


noon sa bayang hinirang 2 0
ngayon pa riy syang patnubay:
Bayan: Si Hesukristoy nabuhay 1 8
Siyay ating kaliwanagan.
2. Sa pagguhit sa bisig ng krus mula kaliwa hanggang sa kanan

Pari: Si Kristo ang nagmamahal


simula pa noong araw,
wakas natin syat hantungan:
Bayan: Si Hesukristoy nabuhay
Siyay ating kaliwanagan.
3. Sa pagguhit ng alpha sa ulunan ng krus

Pari: Si Kristo ang pinagmulan:


Alphay sagisag nyang tunay.
Syay ating pinanggalingan:
Bayan: Si Hesukristoy nabuhay
Siyay ating kaliwanagan.
4. Sa pagguhit ng omega sa paanan ng krus

Pari: Si Kristo ang syang hantungan:


Omegay kanyang larawan,
Sya ang ating patunguhan:
Bayan: Si Hesukristoy nabuhay
Siyay ating kaliwanagan.

5. Sa pagguhit ng unang bilang ng taon, sa itaas na kaliwang sulok ng krus

Pari: Kay Kristo ay nabibilang


lahat ng panahot araw,
bawat yugto ng pag-iral:
Bayan: Si Hesukristoy nabuhay
Siyay ating kaliwanagan.
6. Sa pagguhit ng ikalawang bilang ng taon, sa itaas na kanang sulok ng krus

Pari: Kay Kristo ay nabibilang


mga taong daan-daan,
Hari sya ng kasaysayan:
Bayan: Si Hesukristoy nabuhay
Siyay ating kaliwanagan.
7. Sa pagguhit ng ikatlong bilang ng taon, sa ibabang kaliwang sulok ng krus

Pari: Kay Kristo ang karangalan


lahat ng kapangyarihan.
Panginoong dinarangal:
Bayan: Si Hesukristoy nabuhay
Siyay ating kaliwanagan.
8. Sa pagguhit ng ikaapat na bilang ng taon sa ibabang kanang sulok ng krus

Pari: Kay Kristo ang kapurihan


ng buong sangkatauhan
ngayon at magpakailanman.
Bayan: Si Hesukristoy nabuhay
Siyay ating kaliwanagan.

Kapag naiguhit na ang krus at ang mga iba pang palamuti, maaring itusok ng
pari ang limang butil ng insenso sa kandila. Gagawin niya ito ayon sa
balangkas ng krus, habang ipinahahayag:

Pari: 1.Sa sugat na lubhang banal 1


ni Hesus sa tagiliran
sa dugot tubig ay lumitaw: 4 2 5
Bayan: Si Hesukristoy nabuhay
Siyay ating kaliwanagan. 3
Pari: 2.May sugat sa paang kanan
Si Hesus na nabayubay
sa krus na kinamatayan.
Bayan: Si Hesukristoy nabuhay
Siyay ating kaliwanagan.
Pari: 3.Ang kaliwang paa naman
ni Hesus din ay sugatan
pakoy naglagos na tunay:
Bayan: Si Hesukristoy nabuhay
Siyay ating kaliwanagan.
Pari: 4.At sa kanan niyang kamay
si Hesus diy pinakuan
kayat may sugat na taglay:
Bayan: Si Hesukristoy nabuhay
Siyay ating kaliwanagan.
Pari: 5.Sa kanyang kaliwang kamay
si Hesus ay pinakuan
noong buhay nyay ialay.
Bayan: Si Hesukristoy nabuhay
Siyay ating kaliwanagan.
Isisindi ang kandila sa bagong basbas na apoy habang ipinahahayag:

Pari: Mapawi nawang tuluyan


ang dilim ng kasalanan
sa puso natit isipan:
Bayan: Si Hesukristoy nabuhay
Siyay ating kaliwanagan.

PRUSISYON
Ang diyakono o ang pari, kapag walang diyakono, ay siyang magdadala sa
kandila ng Pasko ng Pagkabuhay. Itoy itataas niya habang inaawit:

Lumen Christi.
At tutugon ang mga tao:

Deo gratias.
Maaari rin na ito ang awitin:
Tayo nang magbigay-dangal
kay Hesus na ating ilaw
sa diwa natit isipan.
Si Hesukristoy nabuhay,
Syay ating kaliwanagan
Sasagot ang lahat:

Salamat po, Poong banal


sa ilaw na iyong bigay
upang kami ay tanglawan
Si Hesukristoy nabuhay,
Siyay ating kaliwanagan.
Lahat ay papasok sa simbahan, sa pangunguna ng may dalang kandila ng
Pasko ng Pagkabuhay. Kung ginagamit ang insensaryo, ang tagadala nito ay
siyang mangunguna.

Sa pintuan ng simbahan, itataas ang kandila at aawitin muli:

Lumen Christi.
At tutugon ang mga tao:

Deo gratias.
Lahat ay magsisindi ng kanilang kandila mula sa kandila ng Pasko ng
Pagkabuhay. Magpapatuloy ang pagpuprusisyon.

Pagsapit ng may dala ng kandila ng Pasko ng Pagkabuhay sa dako ng


dambana, haharap siya sa mga tao at aawitin sa ikatlong pagkakataon:

Lumen Christi.
At tutugon ang mga tao:

Deo gratias.
Ang mga ilaw sa simbahan ay sisindihan.
ANG MARINGAL NA PAGPAPAHAYAG
NA NGAYON AY PASKO NG PAGKABUHAY
Pagsapit sa gawi ng dambana, ang pari ay paroroon sa kanyang upuan.
Ilalagay ang kandila sa patungan o kandelero nito na nasa gitnang dako ng
dambanan o malapit sa mataas na dakong nakalaan para sa mga pagbasa.
Kung ginagamit ang insensaryo, itoy lalagyan ng insenso ayon sa ginaganap
sa loob ng Misa, sa bahagi ng pagpapahayag ng Mabuting Balita. Ang kandila
ay iinsensuhan. Ang pari ay aawit ng paghahayag ng Pasko ng Pagkabuhay
mula sa mataas na dako para sa pagbasa o mula sa pulpito. Lahat ay tatayo na
may tangang kandila.

1. Magalak ngayot 2. Tambuli ng kaligtasan


magdiwang, maghudyat ng kagalakan
mga anghel na kinapal, magsaya ang sanlibutan.
lahat tayoy mag-awitan: Si Kristo ay muling nabuhay.
Si Kristo ay muling nabuhay. Syay ating kaliwanagan.
Syay ating kaliwanagan.

3. Hinirang na 4. Ang puso natit isipan


sambayanan itaas sa kalangitan
bumubuo ng Iglesiya ang Amay pasalamatan.
magsaya sa kaningningan. Si Kristo ay muling nabuhay.
Si Kristo ay muling nabuhay. Syay ating kaliwanagan.
Syay ating kaliwanagan.

5. Ngayon nga ang 6. Ngayon nga ang


kapistahan pagdiriwang
ng Panginoong namatay ng muli nating pagsilang
ukol sa ting kalayaan. sa tubig ng kaligtasan.
Si Kristo ay muling nabuhay. Si Kristo ay muling nabuhay.
Syay ating kaliwanagan. Syay ating kaliwanagan.

7. Dyos Ama ng 8. Hain namin itong ilaw


sanlibutan, sagisag ng matagumpay
pag-ibig mot katapatan na Anak mong minamahal.
patawad sa amiy bigay. Si Kristo ay muling nabuhay.
Si Kristo ay muling nabuhay. Syay ating kaliwanagan.
Syay ating kaliwanagan.
IKALAWANG YUGTO:
PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS
Sa pagdiriwang na ito, na siyang ina ng Magdamagang Pagdiriwang, siyam na
pagbasa ang nakalaan, pito mula sa Matandang Tipan at dalawa mula sa
Bagong Tipan (ang Sulat at ang Mabuting Balita).

Ang bilang ng mga pagbasa buhat sa Matnadang Tipan ay maaaring bawasan


alinsunod sa kaayusang makabubuti sa pamumuhay kristiyano ng mga
nagsisimba, subalit dapat ay huwag kalimutang ang pagbasa ng Salita ng
Diyos ay pangunahing sangkap nitong Magdamagang Pagdiriwang ng Pasko ng
Pagkabuhay. Tatlo man lamang sanang mula sa Matandang Tipan ay ipahayag
bagamat kung may mabigat na dahila, maaari rin namang itoy maging
dalawa. Ang pagbasa mula sa ika-14 na kabanata ng Exodo ay hindi dapat
kaligtaan.

Matapos ang pag-awit ng pagpapahayag na ngayoy Pasko ng Pagkabuhay,


papatayin ang sindi ng mga kandila at uupo ang lahat. Bago simulan ang
paglalahad ng mga pagbasa, maaaring ang pari ay magsalita ng ilang
pangungusap ng paliwanag katulad ng narito o ng anuman katumbas nito:

Mga kapatid,
ngayong nasimulan na natin
ang Magdamagang Pagdiriwang ng Muling
Pagkabuhay,
makinig tayong mabuti sa Salita ng Diyos,
isaloob natin kung paano niyang ginaganap
sa ibat ibang yugto ng kasaysayan
ang pagliligtas niya sa mga hinirang na tao.
Noon ngang sumapit ang itinakda niyang
panahon,
ang kanyang sariling Anak ang kanyang
sinugo
upang maging ating Tagapagligtas.
Hilingin natin sa Diyos
ang kaganapan ng kaligtasan
na nangyayari ngayon
sa pagdiriwang ng Pasko ng pagtubos sa
tanan.
Isusunod ngayon ang paglalahad ng mga pagbasa. Isang tagapaglahad ng
pagbasa ang paroroon sa mataas na dakong para sa pagbasa at ipahahayag
niya ang Salita ng Diyos. Ang tagapamuno naman ng pag-awit ang siyang
mangunguna sa pag-awit ng salmo at ang mga tao ay tutugon. Tatayo ang
lahat at ipahahayag ng pari ang paanyayang Manalangin tayo. Kapag
nakapagdasal na nang tahimik ang lahat, ipahahayag ang panalangin.

UNANG PAGBASA
Tungkol sa paglikha
Genesis 1, 12, 2 o kaya 1,1. 26-31a
Salmo 103, 1-2a. 5-6. 10 at 12. 13-14. 24 at 35k

Pari: Manalangin tayo.


Ama naming makapangyarihan,
lahat ng iyong mga nilikha ay ikaw ang
itinatampok.
Naway maisaloob ng iyong mga tinubos
na ang daigdig sa pasimula
ay lalo mo pang pinadakila
sa mga huling panahon ng pagsagip ni Kristo
na siyang inihaing Korderong pamasko
na kasama ng Espiritu Santo magpasawalang
hanggan.

Bayan: Amen.

IKALAWANG PAGBASA
Tungkol sa paghahain ni Abraham
Genesis 22, 1-18
Salmo 15, 5 at 8. 9-10. 11
Pari: Manalangin tayo.
Ama naming makapangyarihan,
pinararami mo sa sanlibutan
ang mga anak na sa pangako moy sumilang
bunga ng paglawak ng saklaw ng iyong
paghirang.
Sa pagbibinyag, ginagawa mong matupad
ang iyong pangakong si Abraham ay maging ama
ng lahat.
Ipagkaloob mong ang iyong sambayanan
ay marapat na makatugon sa iyong
panawagan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang
hanggan.

Bayan: Amen.
IKATLONG PAGBASA
Tungkol sa pagtawid sa dagat
Exodo 14, 1515, 1
Exodo 15, 1-2. 3-4. 5-6. 17-18

Pari: Manalangin tayo.


Ama naming makapangyarihan,
noong unang panahon ay iyo nang idinulot na
mabanaag
ang himala ng Bagong Tipan sa pagtawid sa
dagat
bilang tagapahiwatig ng nagaganap sa
pagbibinyag
na siyang paglaya ng iyong Sambayanan sa
pagkabihag.
Ipagkaloob mong ang lahat ng mga bansa ay
makaranas
ng muling pagsilang na dulot ng Espiritung
tinatanggap
ng mga may pananampalataya
na Israel ang unang nagpamalas
sa pamamagitan ni Hesukristo
na kasama ng Espiritu Santo magpasawalang
hanggan.

Bayan: Amen.
IKAAPAT NA PAGBASA
Tungkol sa bagong Jerusalem
Isaias 54, 5-14
Salmo 29, 2 at 4. 5-6. 11 at 12a at 13b

Pari: Manalangin tayo.


Ama naming makapangyarihan,
sa ikadarakila ng iyong ngalan
paramihin mo ang mga nakikinabang
sa iyong pagpapalang bigay
sa mga ninuno namin
sa pagsampalataya sa iyong katapatan.
Ngayong ang iyong paghirang
ay sa sanlibutan na ang saklaw
ang matibay na pinanaligan ng mga ninuno
naming banal
ay matanto nawa naming nagkaroon na
ng malaking katuparan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang
hanggan.

Bayan: Amen.
IKALIMANG PAGBASA
Tungkol sa kaligtasang malayang inihahandog sa lahat
Isaias 55, 1-11
Isaias 12, 2-3. 4bkd. 5-6

Pari: Manalangin tayo.


Ama naming makapangyarihan,
ang sanlibutan ay walang ibang inaasahan
kundi ikaw
na sa pahayag ng iyong mga propeta
ay naglalahad ng iyong balak na maganda.
Malugod mong pagyamanin ang aming
pananalig
sapagkat wala kaming makakamit nang hindi
mo iniibig
para kamiy sa iyo mapalapit
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang
hanggan.

Bayan: Amen.
IKAANIM NA PAGBASA
Tungkol sa bukal ng karunungan
Baruc 3, 9-15. 324, 4
Salmo 18, 8. 9. 10. 11

Pari: Manalangin tayo.


Ama naming makapangyarihan,
lagi mong pinararami ang iyong tinatawagan
sa mga bansa ng sanlibutan.
Ipagkaloob mo ang iyong patuloy na
pagtangkilik
sa iyong mga dinadalisay sa pambinyag na
tubig
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen.
IKAPITONG PAGBASA
Tungkol sa bagong puso at bagong espiritu
Ezekiel 36, 16-17a. 18-28
Salmo 50, 12-13. 14-15. 18-19

Pari: Manalangin tayo.


Ama naming makapangyarihan,
ang lakas mo ay hindi nababawasan,
ang liwanag mo ay nagniningning
kailanman.
Tunghayan mo ang pagdiriwang ng iyong
sambayanan
at ganapin ang iyong pagsagip sa tanan.
Naway madama at mamalas ng sanlibutan
na ang mga hamak ay idinarangal,
ang mga nasa lumang kasalanan ay napagbago
naman
at kay Kristo nagkakaugnay-ugnay ang
tanan
sapagkat siya ang pinagsisimulan
ngayon at magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen.

PAPURI SA DIYOS
Pagkatapos ng huling pagbasa mula sa Matandang Tipan at ng salmong
tugunan at kaugnay na panalangin, ang mga kandila sa damba ay sisindihan at
pasisimulan ng pari ang pag-awit ng Papuri sa Diyos, na itutuloy namang
awitin ng lahat ng nagsisimba. Tutugtugin ang mga batingaw, alinsunod sa
umiiral na kaugalian.
Sa katapusan ng pag-awit, isusunod ng pari ang pagpapahayag ng pambungad
na panalangin, ayon sa dating paraan:

PANALANGING PAMBUNGAD

Pari: Manalangin tayo.


Ama naming makapangyarihan,
ang kabanal-banalang gabing ito
ay pinagliliwanag mo
sa kadakilaan ng pagkabuhay ni Kristo.
Antigin mo ang Espiritu ng pagkupkop mo
upang sa pagbabago ng aming buong
pagkatao
kamiy wagas na makapaglingkod sa iyo
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang
hanggan.

Bayan: Amen.

IKAWALONG PAGBASA
Tungkol sa bagong puso at bagong espiritu
Roma 6, 3-1
Salmo 117, 1-2. 16ab-17. 22-23

Pagkabasa ng sulat, lahat ay tatayo at maringal na pasisimulan ng pari ang


pag-awit ng Aleluya na uulitin naman ng lahat ng nagsisimba.

Ipahahayag ng taga-awit ang salmo at sa bawat taludtod ang lahat ay sasagod


ng Aleluya. Kung kinakailangan maari rin namang ang taga-awit na ito ang
siyang magpasimula ng Aleluya.

Maaaring gumamit ng insesnso sa pagpapahayag ng Mabuting Balita, subalit


hindi na dapat dalhin ang mga kandila
B MABUTING BALITA Marcos 16, 1-7

Diyakono: Sumainyo ang Panginoon.


Bayan: At sumaiyo rin.

Diyakono: + Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay


San Marcos
Bayan: Papuri sa iyo, Panginoon.

Diyakono: Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


Bayan: Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.

Hahalikan ang aklat habang dinarasal ng pabulong:

Magbunga nawa itong pagpapahayag ng Mabuting


Balita
ng pagkapawi ng mga kasalan.
Uupo ang lahat para makinig sa homiliya.

HOMILIYA

IKATLONG YUGTO: ANG PAGDIRIWANG NG


PAGBIBINYAG
Ang pari at mga tagapaglingkod ay paroroon sa kinalalagyan ng tubig na
babasbasan. Tatawagin ang bibinyagan lumapit sa unahan kasama ang
kanyang ninong at ninang. Ngayon, magsasalita ang pari sa mga tao.
Sasabihin ang mga pangungusap na naririto o anumang katumbas.
Ngayon ay tutungo tayo sa pagdiriwang ng
binyag.
Ang kapatid nating narito ay nakapaghanda
upang ganap niyang matanggap ang banal na
sakramento
samahan natin siya sa pamamagitan ng ating
panalangin
na hingin ang pagpapala ng Panginoong Diyos.

PAGTAWAG SA MGA BANAL


Ang pagtawag sa mga banal ay aawitin ng mga namumunong taga-awit. Lahat
ng nagsisimba ay tatayo alinsunod sa kaugaliang umiiral sa buong panahon ng
Pagkabuhay at silay tutugon.

Ipahahayag ang panalanging ito ng paring magkadaop ang kamay:

Ama naming makapangyarihan,


halina at gawin mong makapiling namin ikaw
ngayong ang muling pagsilang ay
ipinagdiriwang
sa pagbibinyag sa mga bagong kaanib
ng iyong sambayanan.
Isugo mo ang Espiritu ng iyong pagkupkop
upang ang ginaganap naming
mapagpakumbabangpaglilingkod
ay magdulot ng iyong lubusang kaloob
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang
hanggan.

Bayan:Amen.
PAGBABASBAS NG TUBIG
Ipahahayag muna ng pari bilang panimula ng pagbabasbas:

Sa tubig ng binyag lahat tayo ay nagtamo


ng pakikiisa sa pagkamatay at muling
pagkabuhay
ng ating Panginoong Hesukristo.
Manalangin tayo ngayon sa Ama
upang tubig na ito na laan sa pagbibinyag
ay siyang magdulot ng buhay na walang
hanggan
sa mga tatanggap ng sakramento ng binyag.
Ngayon ay babasbasan ng pari ang tubig pambinyag. Ipahahayag niya ang
panalangin nang magkadaop ang mga kamay.

Ama naming makapangyarihan,


bagamat natatago sa aming paningin,
ang kapangyarihan mong maggawad
ng iyong buhay sa amin
ay inilalahad ng mga pananda
ng iyong paglagi sa aming piling
anupat ang tubig na iyong nilikha
ay naging tagapagpahayag ng iyong
pagpapala.

Ama namin, noong ang daigdig ay iyong


lalangin
ang iyong Espiritu ay lumulukob na sa tubig
bilang simoy ng hangin
upang ang kakayanan nitong bumuhay
ay maging tagapagdulot ng iyong kabanalan.

Ama namin, ang sansinukob ay iyong


panibagong ginawa
noong ipahintulot na magkaroon ng
malaking baha
upang ipahiwatig na ang tubig ay may
katangian
na tumapos sa kasamaan at magpasimula ng
kabutihan.
Ama namin, ang mga anak ni Abraham
ay pinatawid mo sa karagatan
noong silay palayain mo sa sa pagkaalipin
sa Ehipto
upang ipahiwatig ang mangyayari sa mga
bibinyagan
bilang mga kaanib sa iyong sambayanan.
Ama namin,
niloob mong noong binyagan ni Juan
sa Ilog-Jordan ang Anak mo
ay maganap ang paglukob sa kanya ng
Espiritu Santo.
Niloob mong dumaloy ang dugo at tubig
sa sinibat na puso ng Anak mong iniibig.
Niloob mong mabuhay muli ang iyong Anak
na nag-utos sa mga alagad:
Humayo kayo at gawin ninyong alagad ko
ang lahat ng bansa. Binyagan ninyo sila
sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu
Santo.
Magtaglay nawa itong tubig ng pagpapalang
kaloob ng Espiritu Santo
na idinudulot ng mahal na Anak mo
upang ang mga tao na pawang nilikha
ayon sa iyong larawang dakila
ngunit nasadlak sa lusak ng kasalanan
ay mahugasan ngayong silay bibinyagan
para makabangong taglay ang iyong
kalinisan
sa muling pagsilang sa tubig at Espiritu
Santo
bilang mga kaanib ng iyong angkan.
Maaaring ilubog ng pari ang kandila ng Pasko ng Pagkabuhay nang minsanan o
makaitlong ulit, habang patuloy niyang ipinahahayag:

Ama namin, iniluluhog namin sa iyo,


manaog nawa sa tubig na ito
ang kapangyarihan ng Espiritu Santo
sa pamamagitan ni Hesukristo
upang mapuspos ng iyong Espiritu
itong pambinyag na tubig
Ang kandila ay hahawakan ng pari habang itoy nakatayo sa tubig.

at sa gayoy lahat ng nakikiisa


sa kamatayan niya sa pamamagitan ng
binyag
ay muling mabuhay na siya rin ang kasama
bilang Tagapamagitan kasama ng Espiritu
Santo
magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen.
PAGDIRIWANG NG BINYAG
Tutungo ang pari sa lugar ng pagbibinyag. Tatawagin ang bibinyagan kasama
ang kanyang ninong at ninang. Ipahahayag ng pari:

Minamahal na kapatid,
ngayong nakapaghanda ka na
para tanggapin ang biyaya ng buhay
sa sakramento ng binyag,
ipahayag mo ngayon sa harap ng buong
sambayanan
ang iyong pagtatakwil sa kasalanan
at pagpapahayag ng iyong
pananampalataya.
Tatanungin siya ng pari:

ARLENE, itinatakwil mo ba si Satanas?


Siya naman ay tutugon:

Opo, itinatakwil ko.


Tatanungin siya ng pari:

Itinatakwil mo ang kanyang mga gawain?


Siya naman ay tutugon:

Opo, itinatakwil ko.


Tatanungin siya ng pari:

Itinatakwil mo ba ang kanyang pang-aakit?


Siya naman ay tutugon:

Opo, itinatakwil ko.


Tatanungin siya ng pari:

ARLENE, sumasampalataya ka ba
sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat
na may likha ng langit at lupa?
Siya naman ay tutugon:

Opo, sumasampalataya ako.


Tatanungin siya ng pari:

Sumasampalataya ka ba kay Hesukristo,


iisang Anak ng Diyos,
Panginoon natin, ipinanganak ni Santa
Mariang Birhen,
ipinako sa krus, namatay, inilibing,
muling nabuhay at naluluklok sa kanan ng
Ama?
Siya naman ay tutugon:

Opo, sumasampalataya ako.


Tatanungin siya ng pari:

Sumasampalataya ka ba sa Espiritu Santo,


sa banal na Simbahang Katolika,
sa kasamahan ng mga banal,
sa kapatawaran ng mga kasalanan,
sa muling pagkabuhay ng mga namatay,
at sa buhay na walang hanggan?
Siya naman ay tutugon:

Opo, sumasampalataya ako.


At ipapahayag ng pari:

Sa pananampalatayang marangal mong


ipinahayag
ating igagawad ang sakramento ng binyag
sa pamamagitan ni Kristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang
hanggan.
At itutugon:

Amen.
Lalapit ang bibinyagan sa pagbibinyagan at bubuhusan ng tubig sa kanyang
ulo nang tatlong ulit habang sinasabi:

ARLENE, IKAW AY BINIBINYAGAN KO


SA NGALAN NG AMA,
AT NG ANAK,
AT NG ESPIRITU SANTO.
Pagkatapos susuotan ng puting damit pambinyag ang bagong binyag at
ipahahayag ng pari:

Ang damit pambinyag


ay tanda ng muling pagsilang kay Kristo
at ng dakilang karangalan ng mga Anak ng
Diyos.
Nawa ay manatiling wagas
at walang bahid-dungis ang iyong
karangalan
hanggang iyong matamo
ang buhay na walang hanggan.
Tatanganan o hahawakan ng pari ang kandila ng pagkabuhay at sasabihin:

Tayo ay magbigay-dangal
Kay Hesus na ating ilaw sa diwa natit
isipan.
Si Hesukristoy nabuhay. Siyay ating
kaliwanagan.
Mula sa kandila ng pagkabuhay, sisindihan ng ninong at ninang ang kandila
para sa kanilang inaanak. Iaabot ng ninong o ninang sa kanilang inaanak ang
kandilang nagdiringas. Magpapatuloy ang pari:
Ang ilaw na ito ay tanda ng liwanag ni Kristo
na tinanggap sa binyag.
Nawa ay mag-alab ito sa iyong pusot diwa
Hanggang sa pagbabalik ni Kristong ating
Panginoon.
At itutugon niya:

Amen.
PAGDIRIWANG NG KUMPIL
Ngayon na rin kukumpilan ang bagong binyag. Magkadaup-palad na bibigkasin
ng pari:

Mga kapatid,
idalangin natin ngayon sa Diyos Ama
na ipagkaloob niya ang Espiritu Santo
sa anak niyang isinilang ngayon
sa sakramento ng binyag
upang siya ay mapuspos ng kanyang lakas
at bungang pagpapahid ng banal na langis
ay maging higit siyang katulad ni Kristo,
ang Anak ng Diyos.
Tahimik na mananalangin at pagkatapos, ipapatong ng pari ang kanyang mga
kamay sa ulo ng kukumpilan habang sinasabi:

O Diyos na makapangyarihan sa lahat,


Ama ni Hesukristo na aming Panginoon,
sa pamamagitan ng tubig at ng Espiritu
Santo,
hinango mo sa kasalanan ang anak mong ito
at binigyan mo siya ng pakikihati sa iyong
buhay.

Suguin mo sa kanya ngayon


ang Espiritu Santo, ang Mang-aaliw,
upang siyang maging lakas niya at patnubay.
Ipagkaloob mo na siya ay mapuspos
ng karunungan at pang-unawa,
na siya ay maging makatuwiran sa
pagpapasya
at manatiling matibang ang loob sa lahat ng
pagkakataon.
Puspusin mo siya ng kaalaman at pamimitagan
at ng banal na pagkatakot sa harap ng iyong
kadakilaan.
Hinihiling namin ito sa iyo sa pamamagitan ni
Kristo
na aming Panginoon magpasawalang hanggan.
Bayan:

Amen.
Lalapit ang kukumpilan sa pari. Ipapatong ng ninong at ninang ang kanang
kamay sa kukumpilan. Kukrusan ng pari ang noon ng kukumpilan gamit ang
krisma samantalang sinasabi:

ARLENE, TANGGAPIN MO
ANG TATAK NG KALOOB NG ESPIRITU SANTO.
Kinumpilan:

Amen.
Igagawad ng pari ang pagbati ng kapayapaan:

Sumaiyo ang kapayapaan.


Kinumpilan:

At sumaiyo rin.
Sasalubungin ng palakpakan ng sambayan ang bagong binyag na miyembro
ng simbahan at pagkatapos siya ay babalik na sa kanyang upuan. Ang pari ay
babalik na rin sa kanyang upuan. Samantala, ang mga tagapaglingkod ay
tutulong sindihan ang mga kandila ng lahat ng nagsisimba.

PAGSARIWA SA PANGAKO SA PAGBIBINYAG


Ang lahat ng tao ay tatayo hawak ang kanilang mga kandilang may sindi at
gagawin ang pagsariwa sa pangako sa pagbibinyag. Aanyayahan ng pari ang
mga tao:

Mga kapatid,
sa misteryo ng Pasko ng Pagkamatay at
Pagkabuhay ni Kristo,
tayoy nalibing kasama niya noong tayoy
binyagan
upang kasama rin niya
tayoy makabangon at makapagbagong-
buhay.
Naganap na natin ang Apatnapung Araw na
Paghahanda,
kayat sariwain natin ngayon
ang ating pangako sa pagbibinyag.
Talikdan natin ang kasamaan at kasalanan.
Harapin natin ang matapat na paglilingkod
sa Diyos
bilang mga maasahang kaanib
ng kanyang banal na Simbahang Katolika.
Kung kayoy makapangangakong tatalikod
sa lahat ng hadlang sa katuparan ng
panukala ng Diyos
upang kayoy makapamuhay
bilang matapat at maasahang kaanib ng kanyang
angkan,
pakisagot ninyo itong tatlong katanungan.

Pari: Para kayo makapamuhay


bilang mga malayang anak ng Diyos,
ang kasalanan ay itinatakwil ba ninyo?

Bayan: Opo, itinatakwil namin.

Pari: Para kayoy huwag mapailalim sa kasalanan


ang kaakit-akit na tukso ng kasamaan
ay itinatakwil ba ninyo?

Bayan: Opo, itinatakwil namin.

Pari: Si Satanas na pinanggagalingan ng


kasalanan
at pinuno ng kadiliman
ay itinatakwil ba ninyo?

Bayan: Opo, itinatakwil namin.

Pari: Ngayon namay ating harapin ang ating


pananampalataya.
Kung kayoy makapangangakong
magsisikap mamuhay
bilang mga ikinararangal na anak ng Diyos
Ama,
kung tutularan ninyo siya sa kanyang
kabutihan,
pagmamahal sa lahat,
at pagmamalasakit para sa pangkalahatang
kapakanan,
pakisagot ninyo ang katanungang ito:

Sa Diyos Amang Makapangyarihan sa lahat


at lumikha ng langit at lupa
kayo ba ay sumasampalataya?

Bayan: Opo, sumasampalataya kami.


Pari: Kung kayoy makapangangakong magsisikap
mamuhay
bilang mga tunay na kapatid ng Panginoong
Hesus,
kung gagawin ninyong simulain sa buhay
ang kanyang katwiran, katarungan, at
paglilingkod sa
lahat alinsunod sa kanyang pagmamahal,
pakisagot ninyo ang katanungang ito:

Sa iisang Anak ng Diyos, ang ating Panginoong


Hesukristo,
na ipinanganak ni Santa Mariang Birhen,
ipinako sa krus, namatay, inilibing,
muling nabuhay at naluluklok sa kanan ng Ama
kayo ba ay sumasampalataya?

Bayan: Opo, sumasampalataya kami.

Pari: Kung kayoy makapangangakong susunod


sa patnubay ng Espiritu Santo
at kung sisikapin ninyong mapaunlad
ang kaloob niyang buhay at pagmamahal
upang maging mga maipagmamalaking
anak ng Diyos Ama at kapatid ng
Panginoong Hesus,
pakisagot ninyo ang katanungang ito:

Sa Espiritu Santo, sa Banal na Simbahang


Katolika,
sa kasamahan ng mga banal,
sa kapatawaran ng mga kasalanan,
sa muling pagkabuhay ng mga namatay,
at sa buhay na walang hanggan
kayo ba ay sumasampalataya?

Bayan: Opo, sumasampalataya kami.


Pari: Bunga ng pagmamahal ng Diyos
na makapangyarihang Ama ng ating Panginoong
Hesukristo,
tayo ay pinatawad sa ating kasalanan
noong tayoy muling isilang sa tubig at
Espiritu Santo.
Tulungan nawa niya tayong mamalaging
tapat
sa ating Panginoong Hesukristo
ngayon at magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen.
Ang mga nagsisimba ay wiwisikan ng tubig na binasbasan ng pari.
Samantalang ito ay nagaganap, aawitin ang Isang Pananampalataya.
Matapos mawisikan ang mga tao, ang pari ay babalik sa kanyang upuan. Ang
Sumasampalataya ay hindi ipahahayag. Pangunguluhan ng pari ang
panalangin ng bayan na sasalihan ng bagong binyag sa unang pagkakataon.

PANALANGIN NG BAYAN
Pari: Mga kapatid, manalangin tayo
upang lahat tayo ay makapamuhay nang
tapat
sa pamamagitan ng ating mga ipinangako sa
binyag.

Tugon: Panginoon, gawin mo kaming tapat sa iyo.

1. Upang ang Santo Papa Francisco, mga obispo at


mga pari
ay maging tapat sa paglilingkod nila sa
Sambayanan.
Manalangin tayo. (Tugon)

2. Upang ang mga nahalal nating mga opisyal


ay maging tapat sa tungkuling ipinagkatiwala sa
kanila.
Manalangin tayo. (Tugon)

3. Upang ang mga mag-asawa


ay maging tapat sa isat isa at sa pagtaguyod ng
pamilya nila.
Manalangin tayo. (Tugon)

4. Upang ang mga nakararanas ng hirap at pagsubok


sa buhay
ay manatiling tapat sa kanilang pagkapit sa
Panginoon.
Manalangin tayo. (Tugon)

Pari: Ama naming makapangyarihan,


palakasin mo ang aming pananalig sa iyo
sa pamamagitan ng Muling Pagkabuhay ni
Hesus.
Tulungan mo kaming manatiling tapat sa iyong
pag-ibig
ngayon at magpasawalang hanggan.
Tugon: Amen.

PAGDIRIWANG NG HULING HAPUNAN


Pagkatapos, sisimulan ang awit ng pag-aalay. Samantalang itoy ginaganap,
ilalagay ng mga tagapaglingkod ang telang patungan ng Katawan ni Kristo,
ang pamahiran, ang kalis at ang Aklat ng Pagmimisa sa ibabaw ng dambana.

Nababagay na ang pakikiisa ng mga nagsisimba ay ipahayag sa pamamagitan


ng prusisyon ng pag-aalay ng tinapay at alak at ng iba pang handog para sa
Simbahan at para sa mga dukha.

Ngayon namay tatayo ang pari sa gawing gitna ng dambana, hahawakan niya
ang pinggan ng tinapay nang bahagyang nakaangat sa dambana, habang
dinarasal niya nang pabulong:

Kapuri-puri ka, Diyos Amang Lumikha sa


sanlibutan.
Sa iyong kagandahang-loob, narito ang aming
maiaalay.
Mula sa lupa at bunga ng aming paggawa
ang tinapay na ito,
para maging pagkaing nagbibigay-buhay.

Ilalapag niya ang pinggan ng tinapay sa telang patungan ng Katawan ni Kristo.

Kapag hindi ginaganap ang awit ng pag-aalay, ang mga pangungusap na ito ay
madarasal nang malakas ng pari at sa katapusan makapagbubunyi ang mga
tao:

Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at


kailanman.
Ang diyakono o ang pari ay magbubuhos ng alak at kaunting tubig sa kalis
habang dinarasal nang pabulong:
Sa paghahalong ito ng alak at tubig
kami naway makasalo sa pagka-Diyos ni Kristo
na nagpagindapat makihati sa aming pagkatao.

Pagbalik sa gawing gitna ng dambana, hahawakan ng pari ang kalis ng


bahagyang nakaangat sa dambanan habang dinarasal niya ng pabulong:

Kapuri-puri ka, Diyos Amang Lumikha sa


sanlibutan.
Sa iyong kagandahang-loob, narito ang aming
maiaalay.
Mula sa katas ng ubas at bunga ng aming
paggawa
ang alak na ito,
para maging inuming nagbibigay ng iyong
Espiritu.

Ilalapag niya ang kalis sa telang patungan ng Katawan ni Kristo.

Kapag hindi ginaganap ang awit ng pag-aalay, ang mga pangungusap na ito ay
madarasal nang malakas ng pari at sa katapusan makapagbubunyi ang mga
tao:

Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at


kailanman.
Pagkatapos, yuyuko ang pari habang dinarasal niya nang pabulong:

Diyos Amang Lumikha,


nakikiusap kaming mga makasalanan.
Tanggapin mo ang aming pagsisisi bilang handog
upang kamiy matutong sumunod sa iyo nang
buong puso.
Kung minamabuting gawin, iinsensuhan ng pari ang mga alay at ang dambana;
pagkaraay iinsensuhan ng diyakono o ng tagapaglingkod ang pari at ang mga
nagsisimba.
Pagkatapos, ang pariy pupunta sa gilid ng dambana, maghuhugas siya ng
mga kamay samantalang pabulong niyang dinarasal:

O Diyos kong minamahal,


kasalanan koy hugasan
at linisin mong lubusan
ang nagawa kong pagsuway.
Pagbalik ng pari sa gawing gitna ng dambana, ilalahad niya ang kanyang
kamay sa mga tao at muli niyang pagdaraupin habang kanyang ipinahahayag:

Manalangin tayo, mga kapatid,


upang ang paghahain natin ay kalugdan
ng Diyos Amang makapangyarihan.
Sasagot ang mga tao:

Tanggapin nawa ng Panginoon,


itong paghahain sa iyong mga kamay,
sa kapurihan niya at karangalan,
sa ating kapakinabangan,
at sa buong Sambayanan niyang banal.

PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY

Pari: Ama naming Lumikha,


tanggapin mo ang aming mga panalangin
na sumasaliw sa aming paghahain
upang sa nagsimulang Pasko ng Pagkabuhay
kamiy itaguyod nito sa kagalingang walang
katapusan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Bayan: Amen.

PREPASYO
Pari: Sumainyo ang Panginoon.
Bayan: At sumaiyo rin.

Pari: Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.


Bayan: Itinaas na namin sa Panginoon.

Pari: Pasalamatan natin ang Panginoong ating


Diyos.
Bayan: Marapat na siya ay pasalamatan.

Ama naming makapangyarihan,


tunay ngang marapat na ikaw ay aming
pasalamatan
ngayong gabing ipinagdiriwang
ang paghahain ng Mesiyas,
ang maamong tupa na tumubos sa aming
lahat.

Ang iyong Anak na minamahal


ay naghain ng sarili niyang buhay.
Siya ang tupang maamong umako sa
kaparusahan
upang mapatawad ang kasalanan ng
sanlibutan.
Sa pagkamatay niya sa banal na krus
ang kamatayan namin ay kanyang nilupig.
Sa pagkabuhay niya bilang Manunubos
pag-asat pagkabuhay ay aming nakamit.

Kaya kaisa ng mga anghel na nagsisiawit ng


papuri sa iyo
nang walang humpay sa kalangitan
kamiy nagbubunyi sa iyong kadakilaan:

SANCTUS
IKALAWANG PANALANGIN
NG PAGPUPURI AT PAGPAPASALAMAT
Nakalahad ang mga kamay ng pari sa pagdarasal.

Ama naming banal,


Ikaw ang bukal ng tanang kabanalan.
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay at lulukuban ng mga kamay niya
ang mga alay habang siyay nagdarasal.

Kayat sa pamamagitan ng iyong Espiritu


gawin mong banal ang kaloob na ito
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay at kukrusan niya ang tinapay at
kalis, samantalang kanyang dinarasal:

upang para sa amiy maging Katawan at


Dugo +
ng aming Panginoong Hesukristo.
Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.

Ang mga salita ng Panginoon sa mga sumusunod na pangungusap ay


ipahahayag ng malinaw at nauunawaan ng tanan ayon sa hinihingi ng
kahulugan ng mga ito.

Bago niya pinagtiisang kusang loob


na maging handog,
Hahawakan ng pari ang tinapay nang bahagyang nakataas sa ibabaw ng
dambanan habang kanyang patuloy na inihahayag:

hinawakan niya ang tinapay,


pinasalamatan ka niya,
pinaghati-hati niya iyon,
iniabot sa kanyang mga alagad at sinabi:
Bahagyang yuyuko ang pari.

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT KANIN:


ITO ANG AKING KATAWAN
NA IHAHANDOG PARA SA INYO.
Ipamamalas niya ang ostiyang itinalagang maging Katawan ni Kristo,
ipapatong niya ito sa pinggan, at luluhod siya bilang pagsamba.

Ang pari ay magpapatuloy.

Gayundin naman, noong matapos ang


hapunan,
Hahawakan ng pari ang kalis nang bahagyang nakataas sa ibabaw ng
dambanan habang kanyang patuloy na inihahayag:

hinawakan niya ang kalis,


muli ka niyang pinasalamatan,
iniabot niya ang kalis sa kanyang mga
alagad
at sinabi:
Bahagyang yuyuko ang pari:

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT INUMIN:


ITO ANG KALIS NG AKING DUGO,
NG BAGO AT WALANG HANGGANG TIPAN,
ANG AKING DUGO NA IBUBUHOS
PARA SA INYO AT PARA SA LAHAT,
SA IKAPAGPAPATAWAD NG MGA KASALANAN.

GAWIN NINYO ITO SA PAG-ALALA SA AKIN.


Ipamamalas niya ang kalis, ipapatong niya ito sa telang patungan ng Katawan
ni Kristo, at luluhod siya bilang pagsamba.

Pagkatapos, ipahahayag ng pari:


Ipagbunyi natin ang misteryo ng
pananampalata.
Ang mga tao ay magbubunyi:

Si Kristoy namatay!
Si Kristoy nabuhay!
Si Kristoy babalik sa wakas ng panahon!
Ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay samantalang siya ay nagdarasal:

Ama,
ginagawa namin ngayon ang pag-alala
sa pagkamatay at muling pagkabuhay ng
iyong Anak,
kayat iniaalay namin sa iyo
ang tinapay na nagbibigay-buhay
at ang kalis na nagkakaloob ng kaligtasan.

Kamiy nagpapasalamat
dahil kamiy iyong minarapat
na tumayo sa harap mo
para maglingkod sa iyo.

Isinasamo naming kaming magsalu-salo


sa Katawan at Dugo ni Kristo
ay mabuklod sa pagkakaisa
sa pamamagitan ng Espiritu Santo.

Isa sa mga nakikipagmisa:

Ama,
lingapin mo ang iyong Simbahang
laganap sa buong daigdig.
puspusin mo kami sa pag-ibig
kaisa ni FRANCISCO na aming Papa,
at ni LUIS ANTONIO na aming Obispo,
at ng tanang kaparian.
Isa sa mga nakikipagmisa:

Alalahanin mo rin ang mga kapatid naming


nahimlay,
nang may pag-asang silay muling
mabubuhay,
gayun din ang lahat ng mga pumanaw.
Kaawaan mo sila at patuluyin sa iyong
kaliwanagan.
Kaawaan mo at pagindapatin kaming lahat
na makasalo sa iyong buhay na walang
wakas.

Kaisa ng Mahal na Birheng Maria na Ina ng


Diyos,
ng kabiyak ng puso niyang si San Jose,
kaisa ng mga apostol at ng lahat ng mga
banal
na namuhay dito sa daigdig nang kalugud-lugod
sa iyo,
maipagdiwang nawa namin ang pagpupuri
sa ikararangal mo
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay.

sa pamamagitan ng iyong Anak


na aming Panginoong Hesukristo.

Hahawakan ng pari ang pinggang may ostiya at ang kalis na kapwa niya
itataas habang kanyang ipinahahayag:
Sa pamamagitan ni Kristo, kasama niya at sa
kanya,
ang lahat ng parangal at papuri ay sa iyo,
Diyos Amang makapangyarihan,
kasama ng Espiritu Santo,
magpasawalang hanggan.
Ang mga tao ay magbubunyi:

AMEN.

ANG PAKIKINABANG
Pagkalapag ng kalis at pinggan sa dambana ipahahayag ng pari nang may
magkadaop na mga kamay:

Sa tagubilin ng mga nakagagaling na utos


at turo ni Hesus na Panginoon natin at
Diyos,
ipahayag natin nang lakas-loob:
Ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay at ipahahayag niya kaisa ng lahat:

Ama namin, sumasalangit ka.


Sambahin ang ngalan mo.
Mapasaamin ang kaharian mo.
Sundin ang loob mo,
dito sa lupa para nang sa langit.

Bigyan mo kami ngayon


ng aming kakanin sa araw-araw.
At patawarin mo kami sa aming mga sala
para nang pagpapatawad namin
sa nagkakasala sa amin.
At huwag mo kami ipahintulot sa tukso.
At iadya mo kami sa lahat ng masama.

Nakalahad ang mga kamay ng pari sa pagdarasal:

Hinihiling naming
kamiy iadya sa lahat ng masama,
pagkalooban ng kapayapaan araw-araw,
iligtas sa kasalanan at ilayo sa lahat ng
kapahamakan,
samantalang aming pinananabikan
ang dakilang araw ng pagpapahayag
ng Tagapagligtas naming si Hesukristo.
Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay. Wawakasan ng sambayanan ang
panalangin sa ganitong pagbubunyi:

Sapagkat iyo ang kaharian, at ang kapangyarihan


at ang kapurihan magpakailanman. Amen.
Pagkatapos, malakas na darasalin ng paring nakalahad ang mga kamay:

Panginoong Hesukristo,
sinabi mo sa iyong mga Apostol:
Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo.
Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa
inyo.
Tunghayan mo ang aming pananampalataya
at huwag ang aming pagkakasala.
Pagkalooban mo kami ng kapayapaan
at pagkakaisa ayon sa iyong kalooban
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay.

kasama ng Espiritu Santo magpasawalang


hanggan.
Sasagot ang mga tao:

Amen.
Ang pariy paharap sa sambayanang maglalahad at magdaraop ng mga kamay
sa pagpapahayag.

Ang kapayapaan ng Panginoon ay laging


sumainyo.
Sasagot ang mga tao:

At sumaiyo rin.
Maidaragdag, kung minamabuti, ang paanyayang ipahahayag ng diyakono o
pari:

Magbigayan kayo ng kapayapaan sa isat isa.


Alinsunod sa kaugalian ng ibat ibang pook, ang mga nagsisimba ay
magbibigayan ng kapayapaan. Ang pari at mga tagapaglingkod ay
makapagbibigayan ng kapayapaan.

Pagkatapos, hahawakan ng pari ang ostiya at hahati-hatiin niya ito sa ibabaw


ng pinggan at isasawak niya ang kaputol sa kalis habang pabulong niyang
dinarasal:

Sa pagsasawak na ito
ng Katawan sa Dugo ng aming Panginoong
Hesukristo,
tanggapin nawa namin sa pakikinabang
ang buhay na walang hanggan.
Samantalang ginaganap ang paghahati-hati sa ostiya, aawitin ang Agnus Dei.

Magkadaop ang mga kamay ng pari sa pabulong na pagdarasal:

Panginoong Hesukristo, Anak ng Diyos na buhay,


sa kalooban ng Ama kasama ng Espiritu Santo,
binuhay mo sa iyong pagkamatay ang sanlibutan.
Pakundangan sa iyong banal na Katawan at Dugo,
iadya mo ako sa tanang aking kasalanan at lahat ng
masama,
gawin mong akoy makasunod lagi sa iyong mga
utos,
at huwag mong ipahintulot na akoy mawalay sa iyo
kailanman.
Luluhod ang pari at pagtayo niyay kanyang hahawakan ang ostiya na itataas
sa ibabaw ng pinggan. Paharap sa mga tao siyang magsasabi nang malakas:

Ito ang Kordero ng Diyos.


Ito ang nag-aalis ng kasalanan ng
sanlibutan.
Mapalad ang mga inaanyayahan sa kanyang
piging.
Idurugtong niyang minsanan kaisa ng sambayanan:
Panginoon,
hindi ako karapat-dapat na magpatuloy sa
iyo
ngunit sa isang salita mo lamang ay
gagaling na ako.
Siyay makikinabang nang magalang at nakayuko sa dambana habang
pabulong na nagdarasal:

Ipagsanggalang nawa ako ng Katawan ni Kristo


para sa buhay na walang hanggan.
Mapitagan niyang tatanggapin ang Katawan ni Kristo.

Pagkatapos, hahawakan ng pari ang kalis at pabulong na magdarasal:

Ipagsanggalang nawa ako ng Dugo ni Kristo


para sa buhay na walang hanggan.
Mapitagan niyang tatanggapin ang Dugo ni Kristo.

KOMUNYON

Pakikinabang: 1 Corinto 5, 7-8 Sik Kristoy inialay na


pamaskong maamong tupa.
Magsalo tayong masaya
sa tinapay na pamista,
bagot wagas, Aleluya!

PANALANGIN PAGKAPAKINABANG

Pari: Manalangin tayo.


Ama naming mapagmahal,
padaluyin mo, sa amin ang batis
ng Espiritu ng iyong pag-ibig
upang kaming pinapagsalo mo
sa piging ng Pasko ng Pagkabuhay ni Kristo
ay magkaisa sa pananalig sa iyo
sa pamamagitan niya
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang
hanggan.

Bayan: Amen.
PAGBABASBAS

Pari: Sumainyo ang Panginoon.

Bayan: At sumaiyo rin.

Diyakono: Magsiyuko kayo habang iginagawad ang


pagbabasbas.

Pari: Sa dakilang kapistahang ito


ng Pasko ng Muling Pagkabuhay ni
Hesukristo
kayo naway pagpalain ng
makapangyarihang Diyos
at sa tanang kasalanan
ay kanya nawang ipagsanggalang kayong
nagdiriwang ngayon at magpasawalang
hanggan.

Bayan: Amen.

Pari: Sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni


Hesukristo
pinagkalooban kayo ng Diyos ng kagalingan at
kaligtasan.
Puspusin nawa niya kayo ng kawalang-
kamatayan

Bayan: Amen.

Pari: Matapos ipagdalamhati ang pagpapakasakit ni


Hesukristo.
ipinagdiriwang ngayon
ang maligayang Pasko ng Pagkabuhay ng mga
tao.
Pasapitin nawa niya kayo sa kagalakan
ng kanyang kapistahan sa kalangitan.

Bayan: Amen.
Pari: Pagpalain kayo ng makapangyarihang Diyos,
Ama at Anak + at Espiritu Santo.

Bayan: Amen.

Diyakono: Humayo kayong taglay ang kapayapaan


Upang ang Panginoon ay mahalin at
paglingkuran.
Aleluya! Aleluya!

Bayan: Salamat sa Diyos, Aleluya! Aleluya!

PANGWAKAS NA AWITIN

You might also like