You are on page 1of 46

PANALANGIN (NOVENARIO) SA MGA KALULUWA

PANALANGIN SA MGA KALULUWA [Matandang Edisyon]

[†] Ang Tanda ng Santa Cruz

[†] Ipag-adya mo sa amin O Panginoon naming Diyos, sa mga kaaway


namin: Sa Pangalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen. 

(Lahat)

Panginoon naming Hesu-kristo, Diyos na totoo at tao namang totoo, gumawa at sumakop sa
amin, pinagsisihan naming masakit na masakit sa tanang loob namin ang dilang
pagkakasala namin sa iyo , na ikaw nga ang Diyos namin, Panginoon at Ama namin na
iniibig naming lalo sa lahat. Nagtitika matibay na matibay na hindi na ako muli-muling
magkakasala sa iyo at nagtitika naman kaming magkumpisal ng dilang kasalanan namin.
Umaasa kaming patatawarin mo rin alang-alang sa mahal na pasyon at pagkamatay mo sa
Cruz dahilan sa amin. Siya nawa.

N: Buksan mo, Panginoon ko, ang mga labi namin, palusugin ang aming loob at pakalinisin sa
mga walang kapakanang-mahalay at likong akala. Liwanagin mo ang aming bait, papagningasin
ang aming puso nang magunam-gunam naming mataimtim ang kamahal-mahalan mong
pinagdaanang hirap at kamatayan sampu ng kapaitang dinalita ng iyong marangal na Ina, at
maging dapat kaming dinggin sa harapan ng iyong di matingkalang kapangyarihan, ikaw na
nabubuhay at naghahari magpasawalang hanggan.

S: Siya nawa.

(Ulitin ng limang (5) beses)

 N: Lubhang maawaing Hesus; lingapin ng matamong maamo ang kaluluwa ni: [Pangalan ng
Pumanaw] na namatay na, ng dahil sa kanya nagpakasakit ka at namatay sa Cruz.

S: Siya nawa.

 N1: Hesus ko, alang-alang sa masaganang dugo na iyong ipinawis nang manalangin ka sa
halamanan

S: Panginoon, kaawaan mo at patawarin ang kaluluwa ni _________

N2: Hesus ko alang-alang sa tampal na tinanggap ng iyong kagalang-galang na mukha


N3: Hesus ko alang-alang sa masakit na hampas na iyong tiniis.

N4: Hesus ko alang-alang sa koronang tinik na tumimo sa kasantu-santusan mong ulo.

N5: Hesus ko alang-alang  sa paglakad mo sa lansangan ng kapaitan, na ang Cruz ay iyong


kababaw-babaw.

N6: Hesus ko alang-alang sa kasantu-santusan mong mukha na naliligo sa dugo at iyong


binayaan malarawan sa birang ni Santa Veronica.

N7: Hesus ko alang-alang sa damit mong natigmak na dugo na biglang pinaknit at hinubad sa
iyong katawan ng mga tampalasan.

N8: Hesus ko alang-alang sa kasantu-santusan mong katawan na napako sa Cruz.

N9: Hesus ko alang-alang sa iyong kasantu-santusang paa at kamay na pinakuan ng mga pakong
ipinagdalita mong masakit.

N10: Hesus ko alang-alang sa tagiliran mong nabuksan sa saksak ng isang matalim na sibat at
binukalan ng dugo at tubig.

N: Kapayapaan Kaylan man ang iagawad ng Maykapal sa yumaong ating mahal.

S: At silayan nawa siya ng ilaw ng walang hanggan.

***PAGHAHAIN***

Katamis-tamisang Hesus ko, na sa pagsakop mo sa sangkatauhan ay inibig mong ikaw ay


ipanganak sa lupa, tumulo ang iyong sagradong dugo sa pagbibinyag ng mga hudyo.
Napasakamay ka ng mga tampalasan dahil sa Halik ni Hudas. Ginapos ka nila ng lubid at
pagkatapos ay nilapastangan sa harap ni Anas, Pilato, Herodes at Caiphas. Linurhan at
pinaratangan ng mga saksing bulaan. Tinampal, inalimura, natadtad ng sugat ang buo mong
katawan sa hampas ng suplina. Pinutungan ng koronang tinik at natakpan ang iyong mukha ng
isang purpura sa pagpapalibhasa sa iyo. Nalagay sa pagkahubong kahiya-hiya, napako sa cruz sa
gitna ng dalawang magnanakaw na parang isa sa kanila, pinainom ng apdong nilahukan ng suka
at ang iyong tagiliran ay sinila ng isang sibat.

Hanguin mo na Panginoon ko alang-alang doon sa madlang sakit na lubhang mapait para ng


dalitain mo ang mga kaluluwa sa purgatorio sa pagdurusa nila i-akyat mo nang matiwasay sa
iyong kaluwalhatian at iligtas sila alang-alang sa karapatan ng iyong kasantu-santusang
pagpapakasakit at pagkamatay sa cruz sa mga hirap sa infierno ng sila ay maging dapat na
pumasok sa payapang kaharian na pinagdalhan mo sa mapalad na magnanakaw na napasama sa
iyo na naripa sa cruz, ikaw na nabubuhay at naghahari na kapisan ng Diyos Ama at Diyos
Espiritu Santo magpasawalang-hanggan. Amen.

*****ANG LIMANG TANDA NG SANTA CRUZ*****

[MAG-CRUZ (†)] Aba, Anak ng Diyos Ama

[MAG-CRUZ (†)] Aba, Ina ng Diyos Anak

[MAG-CRUZ (†)] Aba, Esposa ng Diyos Espiritu Santo

[MAG-CRUZ (†)] Aba, Simbahang Banal ng Santisima Trinidad

[MAG-CRUZ (†)] Aba, Birheng kalinis-linisang di nagbakas ng kasalanang orihinal

[1] Ama Namin, Aba Ginoong Maria, Luwalhati

***PANALANGIN***

Panginoon kong Diyos, Amang kagaling-galingan at kaalam-alaman sa lahat, Salamat sa iyo ng


walang hanggang pasasalamat sa dilang awa mo sa amin. Kaming mga alipin mong masasama
ang siyang nagpapasalamat sa iyong mahal na anak na Bugtong sapagkat ipinagkaloob niya sa
aming lahat ang dinalita niyang hirap dito sa lupa. Galang sa iyo, awa sa amin, sampu ng
kabanalan ng Mahal na Birheng Ina niya, inihahain nami’t ipinagmamapuri at pinasasalamatan
ang dilang awa mo sa amin.

Magsalita ka Ama naming maawain at ipakinabang mo sa amin ang iyong mahal na grasya dito
sa lupa at saka sa kaluwalhatian sa langit. Alang-alang kay Hesukristong Anak mo, Panginoon
naming na nabubuhay at naghahari na kasama mo at ng Diyos Espiritu Santo magpasawalang-
hanggan. Siya nawa.

***LITANYA NG MAHAL NA BIRHENG MARIA***

Panginoon, maawa Ka sa kanya/kanila;

Kristo, maawa Ka sa kanya/kanila;

Panginoon, maawa Ka sakanya/kanila;

Kristo, pakinggan Mo siya/sila;

Kristo,pakapakinggan Mo siya/sila;

Diyos Ama sa langit, maawa Ka sakanya/kanila;

Diyos Anak na tumubos sa Sanlibutan, maawa Ka sa kanya/kanila;


Diyos Espiritu Santo, maawa Ka sa kanya/kanila;

Santisima Trinidad na tatlong Persona at iisang Diyos, maawa Ka sa kanya/kanila ;

Santa Maria**                                            **Ipanalangin mo siya/sila

Santang Ina ng Diyos**

Santang Birhen ng mga Birhen**

Ina ni Kristo**

Ina ng grasya ng Diyos**

Inang kasakdal-sakdalan**

Inang walang malay sa kahalayan**

Inang di malapitan ng masama**

Inang kalisin-linisan**

Inang pinaglihing walang kasalanan**

Inang kaibig-ibig**

Inang kataka-taka**

Ina ng mabuting kahatulan**

Ina ng may gawa sa lahat**

Inang mapag-adya**

Birheng kapahampahaman**

Birheng dapat igalang**

Birheng dapat ipagbantog**


Birheng makapangyayari**

Birheng maawain**

Birheng matibay na loob sa magaling**

Salamin ng katuwiran**

Mula ng tuwa naming**

Sisidlan ng kabanalan**

Sisidlan ng bunyi at bantog**

Sisidlan ng mahal at tangi na makusaing sumunod sa Panginoong Diyos**

Rosang bulaklak, na di mapuspos ng bait ng tao ang halaga**

Torre ni David**

Torreng garing**

Bahayna ginto**

Kaban ng tipan**

Pinto ng Kalangitan**

Talang maliwanag**

Mapagpagaling sa mga maysakit**

Pagsasakdalan ng mga taong makasalanan**

Mapang-aliw samga nagdadalamhati**

Mapag-ampon sa mga kristiyano**

Reyna na mga angeles**


Reyna ng mga patriarkas**

Reyna ng mga profetas**

Reyna ng mga apostoles**

Reyna ng mga martires**

Reyna ng mga confesores**

Reyna ng mga birhenes**

Reyna ng lahat ng mga santo**

Reynang ipinaglihi na di nagmana ng salang orihinal**

Reynang iniakyat sa langit**

Reyna ng kasantu-santuhang rosary**

Reyna ng kapayapaan**

***DADAGOK SA DIBDIB***

Kordero ng Diyos na nakawawala ng mga kasalanan ng sanlibutan, Patawarin Mo po siya/sila,

Panginoon; Kordero ng Diyos na nakawawala ng mga kasalanan ng sanlibutan, Pakapakinggan


Mo siya/sila Panginoon;

Kordero ng Diyos na nakawawala ng mga kasalanan ng santinakpan, Maawa

Ka sa kanya/kanila

1. Ipanalangin mo kami, Santang Ina ng Diyos.


2. Nang kami ay maging dapat makinabang sa mga pangako ni Hesukristong Panginoon.

***PAGHAHABILIN***
Inihahabilin namin sa iyo, O Panginoon namin ang kaluluwa ni ________ na sa pagpanaw niya
sa sandaigdigan, iyo pong ipatawad ang kanyang mga kasalanan alang-alang sa kaligtasan ng
kanyang kaluluwa sa iyong habag. Loobin mong manatili siya sa iyong banal na kaharian. Siya
nawa.

***SAGUTANG PANALANGIN***

N: O Panginoon kong Hesus, alang-alang sa iyong kahirapan para sa kaligtasan ng sansinukob.

S: Kaawaan mo ang kaluluwa ni ________

[Luwalhati]

N: O Panginoon kong Hesus, alang-alang sa iyong kamatayan sa Mahal na Santa Cruz na naging
kasangkapan upang matamo namin ang kaloob mong kaligtasan.

S: Kaawaan mo ang kaluluwa ni ________

[Luwalhati]

N: O Panginoon kong Hesus alang-alang sa iyong pagkabuhay na magmuli at pagka-gapi sa


kamatayan.
S: Kaawaan mo ang kaluluwa ni ________

[Luwalhati]

***ANG KREDO NG NISENO***

Sumasampalataya ako sa iisang Diyos Amang Makapangyarihan sa lahat, na may gawa ng langit
at lupa, ng lahat na nakikita at hindi nakikita. At sa iisang Panginoong Hesukristo, Bugtong na
Anak ng Diyos, sumilang sa Ama bago pa nagkapanahon. Diyos buhat sa Diyos, liwanag buhat
sa liwanag, Diyos na totoo buhat sa Diyos na totoo, Sumilang at hindi ginawa, Magkasing-
sangkap ng Ama: at sa pamamagitan Niya ginawa ang lahat. Dahil sa ating pawang mga tao at
dahil sa ating kaligtasan, Nanaog Siya mula sa kalangitan. At nagkatawang-tao Siya lalang ng
Espiritu Santo Isinilang ni Mariang Birhen at naging tao. Ipinako Siya saCruz nang dahil sa atin
sa ilalim ni Poncio Pilato; Nagpakasakit, Namatay at Inilibing. At muli Siyang nabuhay sa
ikatlong araw nang naaayon sa Banal na Kasulatan, umakyat Siya sa kalangitan at nakaluklok sa
kanan ng Ama. At mula roon paparito Siyang muling may kaluwalhatian, upang hukuman ang
mga nangabubuhay at mga nangamatay, at magiging walang hangganan ang Kaniyang
paghahari. At sa Espiritu Santo, ang Panginoon at nagbibigay-buhay: Na nanggagaling sa Ama at
sa Anak. Kaisa ng Ama at ng Anak Siyang sinasamba at pinararangalan ng Sangkakristyanuhan.
Nagsalita Siyasa pamamagitan ng mga propeta. At sa iisang banal, Katoliko, at apostolikong
Simbahan. Tinatanggap ko ang iisang binyag sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan. At
hinihintay ko ang muling pagkabuhay ng mga nangamatay, at ang buhay ng sansinukubang
darating. Amen.
***ABA PO SANTA MARIANG HARI***

Aba Po Santa Mariang Hari, Ina ng Awa. Ikaw ang kabuhayan at katamisan; Aba

pinananaligan ka namin. Ikaw nga ang tinatawagan namin, pinapanaw na taong

anak ni Eva. Ikaw rin ang pinagbunbuntuhang hininga namin ng aming pagtangis

dini sa lupang bayang kahapis-hapis. Ay aba, pintakasi ka namin, ilingon mo sa

amin, ipakita mo sa amin ang iyong Anak na si Hesus. Santa Maria, Ina ng Diyos,

maawain, maalam at matamis na Birhen. N. Ipanalangin mo kami, Reyna ng

kasantusantuhang Rosaryo. S. Nang kami’y maging dapat makinabang ng mga

pangako ni Hesukristo.

***ANIMA CHRISTI***
 

N: Kaluluwang Mahal ni HesuKristo

S: Pakasantusin mo siya.

N: Katawang Mahal ni HesuKristo

S: Pakasakupin mo siya.

N: Dugong Mahal ni HesuKristo

S: Pakalungihin mo siya.

N: Tubig sa tagilirang Mahal ni HesuKristo

S: Pakahugasan mo siya.

N: Pawis sa mukhang banal ni HesuKristo

S: Pakabuhayin mo siya.

N: Pasyong Mahal ni HesuKristo

S: Pakatapangin mo siya.

O Maluwalhating Hesus, Pakinggan mo siya, Itago mo siya sa mga sugat mo. Huwag mong itulot
na mahiwalay sa iyo. Nang maisama at maipakabilang sa mga banal mong kawal na nagpupuri’t
nagpapasalamat sa iyo. Siya Nawa.

***TRISAGIO***

Santong Diyos, Santong Makapangyarihan, Santong Walang Kamatayan


(Maawa ka sa kanya/kanila) [3x]

N: Ama kong Diyos na Mahal, Huwag mong pahintulutan na kami ay mabuhay at mamatay sa
kasalanang mortal.

S: Siya Nawa.

***BENDITO***

Bendito y alabado sea el Santísimo Sacramento del Altar, y la Inmaculada Concepción de María
Santísima, Madre de Dios y Señora nuestra, concebida sin pecado original en el primer instante
de su ser. Amén.

Salamat po Panginoon kong Diyos, Kami’y sinapit mo sa mahal na hapon

Sapitin mo na rin sa mahal na umaga na walang sakit.Ang katawan ay bigyan mo ng kabanalan


at kababaang loob na matutong sumunod sa Panginoong Diyos, pangalawa sa Magulang.

 
N: Kamahal-mahalang Puso ni Hesus

S: Mapasa-kanya ang kaharian mo

N: Kalinis-linisang Puso ni Maria

S: Ipanalangin mo siya

N: San Jose

S: Ipanalangin mo siya

N: San Lorenzo Ruiz

S: Ipanalangin mo siya

N: San Pedro Calungsod

S: Ipanalangin mo siya

N: San Miguel Arkanghel

S: Ipanalangin mo siya

N: San Lazaro de Betania


S: Ipanalangin mo siya

N: San Roque

S: Ipanalangin mo siya

N: Ave Maria Purisima

S: Sin pecado concebida

[Sa Pangalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen]

~Deo Iuvante~ RBAL 10/31/19 9:07pm

 
Advertisements
REPORT THIS AD

Related

NOVENA SA VIRGEN MAULAWIN NG KATAGALUGAN

Chaplet of the Divine Mercy (in Tagalog) - Prayer Guide

𝐋𝐀𝐔𝐑𝐄𝐀𝐍𝐀 𝐅𝐑𝐀𝐍𝐂𝐎 𝐚𝐤𝐚 “”𝐊𝐀 𝐋𝐔𝐑𝐈𝐍𝐆” 𝐀𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐧𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐊𝐚𝐭𝐞𝐤𝐢𝐬𝐭𝐚 𝐧𝐠 𝐃𝐢𝐲𝐨𝐬𝐞𝐬𝐢𝐬 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐬𝐢𝐠
Share this:

 Twitter

 Facebook


Like this:

Post navigation
PREVIOUS POST Ancient arrowheads found in Mount Zion ‘prove Bible story
is true’
NEXT POST Bakit natin ipinagdiriwang ang Eukaristiya o ang Banal na Misa sa
araw ng Linggo imbes na Sabado?
Leave a Reply

 Facebook
 
 LinkedIn
 
 Twitter
 
 Instagram
Benedicta sit Sancta Trinitas!

Search
Search for:

Recent Posts

 𝐋𝐀𝐔𝐑𝐄𝐀𝐍𝐀 𝐅𝐑𝐀𝐍𝐂𝐎 𝐚𝐤𝐚 “”𝐊𝐀 𝐋𝐔𝐑𝐈𝐍𝐆” 𝐀𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐧𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐊𝐚𝐭𝐞𝐤𝐢𝐬𝐭𝐚 𝐧𝐠 𝐃𝐢𝐲𝐨𝐬𝐞𝐬𝐢𝐬


𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐬𝐢𝐠
 Carlo Acutis: Cyber-Apostle of the Eucharist
 NOVENA SA VIRGEN MAULAWIN NG KATAGALUGAN
 NOVENARIO SA KARANGALAN NI SAN LAZARO DE BETANIA
 Bakit natin ipinagdiriwang ang Eukaristiya o ang Banal na Misa sa araw ng Linggo imbes
na Sabado?
San Lazaro de Betania; Kaibigang Mahal ni Kristo
San Lázaro de Betania

Prayer to Saint Lazarus of Bethany


In Confirming the common Resurrection, O Christ God, Thou didst raise up Lazarus from the
dead before Thy Passion. Wherefore, we also, like the children, bearing the symbols of victory,
cry to Thee, the Vanquisher of death: Hosanna in the highest; blessed is He that cometh in the
Name of the Lord. To those on the earth, the Joy of all, Christ God, the Truth, the Light and the
Life, the Resurrection of the world, in His goodness hath now appeared and is become the true
archetype of the Resurrection of all, bestowing divine forgiveness on all men. Blessed is the
Kingdom of the Father and of the Son and of the Holy Spirit, now and ever and unto ages of
ages. Amen

Blog Stats

 126,023 hits

October 2019

M T W T F S S

  1 2 3 4 5 6

7 8 9 10 11 12 13

14 15 16 17 18 19 20

21 22 23 24 25 26 27

28 29 30 31  

« Aug   Feb »
Señor de la Misericordia
ve María Dol
orosa San Lázaro;
Patron ng mga may Sakit at Mahihirap
Saint Mary Salome the Myrrhbearer
Santa Maria Magdalena; Apostol sa mga Apostoles
an Pedro de Verona,
Presbítero de la Orden de Predicadores y Mártir
Nuestra Señora del
Santissimo Rosario, Reina de Caracol
San José,
patrono de la Iglesia Universal.
St. Anthony of Padua: Hammer of Heretics

Prayer for Unity


Lord Jesus, let Your prayer of unity for Christians
become a reality, in Your way.
We have absolute confidence
that you can bring your people together, we give you absolute permission to move.
Amen
Impong Maria, Reyna ng Pilipino
aint T
arcisius; Patron of Extraordinary Ministers of the Holy Communion
Saint
Lorenzo Ruiz; Patron of Overseas Filipino Workers
Saint Pedro
Calungsod; Patron of Catechumens
Saint Roch; Invoked against: cholera, epidemics, knee problems.

Credo in unum Deum


Advertisements
REPORT THIS AD

BLOG AT WORDPRESS.COM.
Close a nd accept
Privacy & Cookies: This site uses cookies. By continuing to use this website, you agree to their use.
To find out more, including how to control cookies, see here: Cookie Policy

You might also like