You are on page 1of 10

Ang mga MISTERYO ng TUWA (Lunes at Sabado)

1. Ang pagbati ng Anghel sa Mahal na Birhen.


2. Ang pagdalaw ng Birheng Maria kay Santa Isabel.
3. Ang pagsilang sa daigdig ng Panginoong Jesukristo.
4. Ang paghahandog kay Jesus sa Templo.
5. Ang pagkatagpo kay Jesus sa Templo ng Jerusalem.

Ang mga MISTERYO ng LIWANAG (Huwebes)

1. Ang pagbibinyag kay Jesus sa llog Jordan.


2. Ang Kasalan sa Cana.
3. Ang pagpapahayag ng Paghahari ng Diyos.
4. Ang Pagbabagong-anyo ni Kristo.
5. Ang pagtatatag ng Eukaristiya.

Ang mga MISTERYO ng HAPIS (Martes at Biyermes)

1. Ang paghihirap ng Panginoon sa Halamanan ng Getsemane.


2. Ang paghampas kay Jesus na nakagapos sa Haliging bato.
3. Ang pagpuputong ng Koronang Tinik kay Jesus.
4. Ang pagpasan ng Krus.
5. Ang pagkapako at pagkamatay ni Jesus sa Krus.

Ang mga MISTERYO ng LUWALHATI (Miyerkules at Linggo)

1. Ang Pagkabuhay Muli ni Jesus.


2. Ang Pag-akyat ni Jesus sa Langit.
3. Ang Paglapag ng Diyos Espiritu sa Birhen Maria at mga Apostoles.
4. Ang Pag-akyat sa Langit sa Mahal na Birhen.
5. Ang Pagpuputong ng Korona sa Mahal na Birhen.

Page 1 of 10
PANALANGIN SA KALULUWA NG ATING YUMAO

Lahat: Sa ngalan nang Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.

Lahat: Panginoon kong Jesukristo, Diyos na totoo at tao namang totoo, gumawa at
sumakop sa akin. Pinagsisihan kong masakit sa tanang loob ko ang dilang kasalanan
ko. Ikaw nga ang Diyos ko, Panginoon ko at Ama ko, na iniibig ko ng lalo sa lahat.
Nagtitika akong matibay na di na muling magkakasala sa iyo, nagtitika naman akong
magkumpisal ng dilang kasalanan ko. Umaasa akong patatawarin Mo rin alang-
alang sa Iyong mahal na Pasyon at pagkamatay Mo sa krus alang-alang sa akin. Siya
nawa.

PANALANGIN BAGO MAG ROSARYO

Lahat: Buksan Mo, Panginoon ko, ang mga labi namin, palusugin ang aming mga
loob at pakalinisin sa mga walang kapakanang mahahalay at likong mga akala,
papagningasin Mo ang aming puso ng magunam-gunam naming mataimtim ang
Kamahal-mahalan Mong pinagdaanang hirap at kamatayan, sampu ng kapait-
paitang dinaralita ng Iyong marangal na Ina, at ng maging dapat kaming dinggin sa
harapan ng Iyong di-matingkalang kapangyarihan, na nabubuhay Ka at naghahari
magpasawalang-hanggan. Siya nawa.

AMA NAMIN…
ABA GINOONG MARIA...
LUWALHATI…

ANG SAMPUNG PANALANGIN

Namumuno: Lubhang maawaing Jesus ko, lingapin Mo ng matang maamo ang


kaluluwa ni __________ na bininyagang namatay, ng dahil sa kanya ay
nagpakasakit ka at nagpakamatay sa Krus.

Tugon: Siya nawa.


Page 2 of 10
1. Jesus ko, alang-alang sa masaganang dugo na Iyong ipinawis ng manalangin
Ka sa Halamanan.
Tugon: Kaawaan Mo’t patawarin Jesus ko ang kaluluwa ni __________.

2. Jesus ko, alang-alang sa tampal na tinanggap ng Iyong kagalang-galang na


mukha.
Tugon: Kaawaan Mo’t patawarin Jesus ko ang kaluluwa ni __________.

3. Jesus ko, alang-alang sa masasakit na hampas na Iyong tiniis.


Tugon: Kaawaan Mo’t patawarin Jesus ko ang kaluluwa ni __________.

4. Jesus ko, alang-alang sa Koronang Tinik na ipinatong sa kasantu-santuhan


Mong ulo.
Tugon: Kaawaan Mo’t patawarin Jesus ko ang kaluluwa ni __________.

5. Jesus ko, alang-alang sa paglakad Mo sa lansangan ng kapaitan ng krus ay


Iyong kababaw-babaw.
Tugon: Kaawaan Mo’t patawarin ang kaluluwa ni __________.

6. Jesus ko, alang-alang sa kasantu-santuhan Mong mukha na naliligo sa dugo


ay Iyong binayaang malarawan sa birang ni Veronica.
Tugon: Kaawaan Mo’t patawarin Jesus ko ang kaluluwa ni __________.

7. Jesus ko, alang-alang sa damit Mong tigmak ng dugo na biglang pinaknit at


hinubad sa Iyong katawan niyong mga tampalasan.
Tugon: Kaawaan Mo’t patawarin Jesus ko ang kaluluwa ni __________.

8. Jesus ko, alang-alang sa kasantu-santuhan Mong katawan na napako sa krus.


Tugon: Kaawaan Mo’t patawarin Jesus ko ang kaluluwa ni __________.

9. Jesus ko, alang-alang sa Iyong mga kasantu-santuhang paa at kamay na


pinakuan ng mga pakong ipinagdalita Mong masakit.
Tugon: Kaawaan Mo’t patawarin Jesus ko ang kaluluwa ni __________.
Page 3 of 10
10. Jesus ko, alang-alang sa tagiliran Mong nabuksan sa saksak ng isang matalim
na sibat ay binukalan ng dugo at tubig.
Tugon: Kaawaan Mo’t patawarin Jesus ko ang kaluluwa ni __________.

Namumuno: Pagkalooban Mo po Panginoon ang kaluluwa ni __________ ng


kapayapaang walang hanggan.
Lahat: At magbigay sa kanya ng liwanag at ilaw na walang katapusan.

Namumuno: Mapanatag nawa siya sa kapayapaan.


Lahat: Siya nawa.

(Ulitin ng limang beses Ang Sampung Panalangin, Ama Namin, Aba Ginoong Maria,
Luwalhati)

PANALANGIN

Lahat: Katamis-tamisang Jesus ko, na sa pagsakop Mo sa sangkatauhan, ay inibig


Mong Ikaw ay ipinanganak; tumulo ang Iyong mahalagang dugo sa pagtutuli;
inalipusta ng mga Hudyo, napasa kamay niyong mga tampalasan sa paghalik ni
Judas; ginapos ng lubid; dinala sa pagpaparipahan sa Iyo; tulad sa Korderong
walang sala; iniharap kay Anas, kay Kaipas, kay Pilato at kay Herodes; nilurahan,
pinaratangan at pinatotohanan ng mga saksing sinungaling, tinampal; inalimura;
natadtad ng sugat ang buo Mong katawan sa hampas ng suplina, pinatungan ng
koronang tinik, natakpan ang Iyong mukha ng isang purpura, sa pagpapalibhasa sa
Iyo, nalagay sa isang pagkahubong kahiya-hiya; napako sa krus, at natindig sa kanya;
napagitna sa dalawang magnanakaw na parang isa sa kanila; painumin ng apdong
nilahukan ng suka, at ang Iyong tagiliran ay sulain ng isang sibat. Hanguin Mo na
Panginoon ko, alang-alang doon sa madlang sakit na lubhang mapait para sa
dalitaan Mo, ang mga kaluluwa ni __________ sa pagdurusa niya, iakyat Mo siya
ng matiwasay sa Iyong kaluwalhatian; iligtas Mo siya alang-alang sa mga karapatan
ng Iyong kasantu-santuhang pagpa-pakasakit at pagkamatay sa krus, sa mga hirap
sa impyerno, nang siya ay maging dapat na pumasok sa payapang kaharian, na
Page 4 of 10
Iyong pinagdalhan sa mapalad na magnanakaw na nakasama sa Iyong naripa sa krus;
nabubuhay Ka at naghahari, kasama ng Diyos Ama, at ng Diyos Espiritu Santo,
magpasawalang-hanggan. Siya nawa.

AMA NAMIN…
ABA GINOONG MARIA...
LUWALHATI…

LITANYA

Namumuno: Panginoon, maawa Ka sa kanya.


Lahat: Panginoon, maawa ka sa kanya.
Namumuno: Kristo, maawa Ka sa kanya.
Lahat: Kristo, maawa Ka sa kanya.
Namumuno: Kristo, pakapakinggan Mo siya
Lahat: Kristo, pakapakinggan Mo siya.
Namumuno: Diyos Ama sa langit.
Lahat: Maawa ka sa kanya.
Namumuno: Diyos Anak na tumubos sa sanlibutan
Lahat: Maawa ka sa kanya.
Namumuno: Diyos Espiritu Santo.
Lahat: Maawa ka sa kanya.
Namumuno: Santisima Trinidad na tatlong Persona.
Lahat: Maawa ka sa kanya.

LITANYA KAY SANTA MARIA

(Tugon: ...Ipanalangin mo po siya)

Santa Maria...
Santang Ina ng Diyos...
Santang Birhen, ng mga Birhen...
Ina ni Kristo...
Page 5 of 10
Ina ng grasya ng Diyos...
Inang kasakdal sakdalan...
Inang di malapitan ng masama...
Inang walang karamdaman sa kasalanan…
Inang kalinis-linisan...
Inang Immaculada…
Inang kaibig-ibig...
Inang kataka-taka...
Ina ng mabuting kahatulan...
Ina ng may gawa ng lahat…
Ina ng mananakop…
Birheng kapaham-pahaman…
Birheng dapat igalang...
Birheng lalong bantog...
Birheng maunawain…
Birheng matibay na loob sa magaling…
Salamin ng katuwiran…
Luklukan ng katarungan…
Mula ng tuwa name…
Sisidlan ng kabanalan…
Sisidlan ng bunyi at bantog…
Sisidlang bukod na mahal na loob na makusaing sumunod sa Panginoong Diyos…
Rosang bulaklak na di mapuspos ng bait ng tao ang halaga…
Torre ni David…
Torreng garing…
Bahay na ginto…
Kaban ng Tipan…
Pinto ng langit…
Talang maliwanag…
Mapagpagaling sa mga may sakit...
Pagsasakdalan ng mga taong makasalanan...
Mapang- aliw sa mga nagdadalamhati...
Mapag-ampon sa mga Kristiyano...
Page 6 of 10
Reyna ng mga Anghel...
Reyna ng mga Patriarka...
Reyna ng mga Propeta...
Reyna ng mga Apostol...
Reyna ng mga Martir...
Reyna ng mga Confessor...
Reyna ng mga Birhen...
Reyna ng lahat ng mga Santo...
Reynang ipinaglihi na di nagmana ng salang orihinal…
Reynang iniakyat sa langit…
Reyna ng Kasantu-santuhang Rosaryo...
Reyna ng kapayapaan…

KORDERO NG DIYOS

Namumuno: Kordero ng Diyos, na nakakawala ng mga kasalanan ng sanlibutan...


Lahat: Patawarin Mo po siya, Panginoon.

Namumuno: Kordero ng Diyos, na nakakawala ng mga kasalanan ng sandaigdigan...


Lahat: Pakapakinggan Mo po siya, Panginoon.

Namumuno: Kordero ng Diyos, na nakakawala ng mga kasalanan ng santinakpang


langit...
Lahat: Maawa ka sa kayna.

Namumuno: Sa ilalim ng Iyong pagkandili, O Santang Ina ng Diyos, kami ay


lumililong, huwag mong talikdan ang aming pag-amo-amo, kung dinaratnan ng
kasalatan, bagkus iyong iadya kami sa dilang panganib Birheng Mahal at
maluwalhati.

Page 7 of 10
Namumuno: Ipanalangin mo siya Santang Ina ng Diyos.
Lahat: Nang siya ay maging dapat makinabang sa mga pangako ni Jesukristong
Panginoon.

Namumuno: Panginoon naming, dinggin mong malugod ang aming pag-aamo amo
(3x)
Lahat: At dumating nawa sa Iyong tainga ang aming pagdaing (3x)

Namumuno: Ipinagtatagubilin namin sa Iyo, Panginoon namin, ang mga kaluluwa


sa Purgatoryo, lalung- lalo na ang kaluluwa ni __________ na sa pagpanaw ditto sa
mundo ay mangyari Iyong ipatawad sa kanya, alang-alang sa walang katapusan
Mong awa, ang mga kasalanang nagawa, at laging mabubuhay sa Iyo, magpasa-
walang hanggan.
Lahat: Siya nawa.

Para sa mga sugat ni Jesus… Ama namin… (5x)


Para sa Birheng nahahapis… Aba Ginoong Maria… (5x)

ABA PO SANTA MARIANG REYNA

Lahat: Aba po Santa Mariang Reyna, Ina ng awa, ikaw ang kabuhaya’t katamisan.
Ay, Aba, pinananaligan ka namin. Ikaw nga po ang tinatawag naming pinapanaw na
taong anak ni Eba. Ikaw rin ang pinagbubuntuhang-hininga namin sa aming
pagtangis; dini sa lupa, bayang kahapis-hapis, ay aba pintakasi ka namin, ilingon mo
sa amin ang mga mata mong maawain, at saka kung matapos na yaring pagpanaw
sa amin, ipakita mo sa amin ang iyong Anak na si Jesus. Santa Maria, Ina ng Diyos,
maawain, maalam, at matamis na Birhen.

Namumuno: Kalinis-linisang Birhen sa panganganak, linisin mo ang aming


pangungusap. Aba Ginoong Maria…

Page 8 of 10
Namumuno: Kalinis-linisang Birheng di pa nanganganak, linisin mo ang aming pag-
iisip. Aba Ginoong Maria…

Namumuno: Kalinis-linisang Birheng nanganak na, linisin mo ang aming mga gawa
at nasa. Aba Ginoong Maria…

Lahat: Oh, Jesukristong Panginoon ko, nag-aamo amo ako sa Iyo ng lubhang
pagpakumbaba, na ipagkaloob mo na si __________ ay marapat magtamo ng mga
grasya at kapatawaran, na alinsunod sa kapaniwalaan ng mga Kristiyano, sinasabing
ipinagkaloob ng maluwalhating si San Gregorio na kanino pa man, kung igalang niya
ang mga panalanging ito, ang mga misteryo ng naghahari magpalailan man.

SUMASAMPALATAYA AKO...

Lahat: Panginoon kong Jesukristo, Amang katamis-tarmisan, pakundangan sa


pagkaligaya ng iyong ibig na Ina ng ikaw ay pakita sa kanya niyong gabing mabuhay
kang mag-uli, at ng ikaw ay makitang punong-puno ng kaluwalhatian, alang-alang
sa lyong pagka Diyos, idinaraing ko sa iyo na ako ay liwanagan mo ng mga biyaya
ng Diyos Espiritu Santo, ng sa araw-araw, samantalang ako ay buhay, mangyaring
matupad ko ang iyong loob, nabubuhay ka nga at naghahari magpasawalang
hanggan. Siya Nawa.

Kaluluwa ni Jesus... Pakabanalin mo po siya


Katawang Banal ni Jesus… Iligtas mo po siya
Dugong Mahal ni Jesus… Pakatapangin mo po siya
Tubig sa tagiliran ni Jesus… Pakahugasan mo po siya

Lahat: Oh, magandang Jesus, pakinggan mo po siya. Sa loob ng sugat mo itago mo


po siya. Huwag mong itulot na siya ay mawalay sa iyo. Iligtas mo po siya sa mga
kaaway niya, at yayamang siya ay namatay na, isama mo po siya sa kaharian mo,
kasama ng mga Santo at mga Angeles mo na magpupuri at sasamba sa iyo,
magpasawalang hanggan. Amen.

Page 9 of 10
Namumuno: Santong Diyos, Santong Makapangyarihan, Santong Walang
kamatayan (3x)
Lahat: Kaawaan mo po at patawarin ang kaluluwa ni __________ (3x)

Lahat: Bendito y alabado sea el Santísimo Sacramento del Altar, y la Inmaculada


Concepción de María Santísima, Madre de Dios y Señora nuestra, concebida sin
pecado original en el primer instante de su ser. Amén

Para sa Santo Papa… Ama Namin…

PANALANGIN PARA SA MGA KALULUWA SA PURGATORYO

Lahat: Alalahanin mo, Panginoon ang Iyong mga nilalang na tinubos ng iyong
mahalagang dugo. Jesus, Maria, Jose. Sa inyo'y dumadalangin kami upang
mapaginhawa mo ang nabibilanggo sa Purgatoryo na tinubos ng lyong mahalagang
dugo. Ibigay mo sa kanila, Panginoon, ang walang hanggang kapahingahan, upang
lumiwanag sa kanila ang walang hanggang ilaw. Magpahinga nawa sila sa
kapayapaan. Siya nawa.

Namumuno: Ave Maria Purisima…


Lahat: Sin pecado concevida (3x)

+ Sa Ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo... Amen.

Mga Awit:
Sino Ako
Hindi Kita Malilimutan
Pag-aalay ng Puso (Minsan Lamang ako daraan........)
Sayo Lamang (Puso Ko'y binihag mo, sa tamis ng pagsuyo.........)

Page 10 of 10

You might also like