You are on page 1of 7

Panalangin para sa kaluluwa

DASAL SA KALULUWA
I.LAHAT: (Sabay krus) Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu
Santo. Amen
II. N. Buksan mo, Panginoon naming mga labi’t dila naming,
pagningasin mo ang aming puso’t pawiin ang marurumi’t
nakagugulong panimdim. Liwanagin mong aming bait nang
magunam-gunam naming taimtim sa puso ang pinagdaanan mong
hirap at pagkamatay sa Krus kalangkap ang kapait-paitang sakit na
dinamdam ng giliw mong inang kasantu-santusan; at kami’y
marapat dinggin ng di-matingkala mong kamahalan, nabubuhay at
nag haharing walang katapusan.
Sagot: Siya Nawa

III. LAHAT:
Panginoon kong hesukristo, Diyos na totoo, at tao naming
totoo, gumawa at sumakop sa akin, pinagsisihan kong masakit sa
tanang loob ko ang dilang pagkakasala ko s aiyo, na ikaw nga pong
Diyos ko, Panginoon at Ama ko, na iniibig kong lalo sa lahat,
nagtitika rin akong mangumpisal ng dilang kasalanan ko, umaasa
akong patatawarin mor in alang-alang sa mahal na pasyon at
pagkamatay mo sa Krus dahilan sa amin.
Sagot: Siya Nawa

IV. (LIMANG ULIT)

N. Maawaing Hesus, lingapin ng mahabangin mong mata ang


kaluluwa ni __________ namatay na binyagan na ipinaghirap mo’t
ikinamatay sa Krus.
Sagot: Siya Nawa
Panalangin para sa kaluluwa
1. Hesus ko, alang-alang sa masaganang dugong ipinawis mo sa
halamang pinanalanginan mo sa amang diyos
Sagot: Kaawaan mo’t patawarin ang kaluluwa ni _______.
2. Hesus ko, alang-alang sa tampal na tinanggap ng iyong mukhang
kagalang-galang
Sagot: Kaawaan mo’t patawarin ang kaluluwa ni _______.
3. Hesus ko, alang-alang sa mahigit na limanlibong hampas na tiniis
mo.
Sagot: Kaawaan mo’t patawarin ang kaluluwa ni _______.
4. Hesus ko, alang-alang sa koronang tinik na ipinutong sa ulo mong
kasantu-santusan.
Sagot: Kaawaan mo’t patawarin ang kaluluwa ni _______.
5. Hesus ko, alang-alang sa paglakad mo sa langsangan kapait-paitan
na pasan-pasan mo ang mahal na Santa Krus.
Sagot: Kaawaan mo’t patawarin ang kaluluwa ni _______.
6. Hesus ko, alang-alang sa kasantu-santusan mong mukhang napuno
ng dugon a nalimbag sa birang ni Veronica.
Sagot: Kaawaan mo’t patawarin ang kaluluwa ni _______.
7. Hesus ko, alang-alang sa tunika mong hinubad ng mga tampalasan
Sagot: Kaawaan mo’t patawarin ang kaluluwa ni _______.
8. Hesus ko, alang-alang sa kasantu-santusan mong katawan na
ipinako sa krus.
Sagot: Kaawaan mo’t patawarin ang kaluluwa ni _______.
9. Hesus ko, alang-alang sa kasantu-santusan mong mga paa’t kamay
na pinakuan ng matitigas at matutulis na pako
Sagot: Kaawaan mo’t patawarin ang kaluluwa ni _______.
10.Hesus ko, alang-alang sa tagiliran mong mahal na pinaglagusan ng
sibat na binukalan ng dugo’t tubig
Sagot: Kaawaan mo’t patawarin ang kaluluwa ni _______.
Panalangin para sa kaluluwa
N. Pagkalooban mo siya ng pamamahingang walang hangganm O Panginoon.
Sagot: At bayaang tumanglaw sa kanya ang liwanag na walang katapusan
N. Magpahinga nawa siya sa kapayapaan
Sagot: Siya Nawa

V. N. Katamis-tamisang Hesus, na sa pagtubos mo sa sangkatauhan ay


inibig mong ikaw’y ipanganak nang ikawalong araw, nabuhos ang unang
patak ng mahal mong dugo sa pagsunod sa utos ni Moises. Inari kang hawak
ng mga hudyo. Ipinagkanulo ka ni hudas sa mga lilo sa isang halik sa mukha.
Ginapos ka’tdinala sa kamatayan na parang isang maamong kordero,
pinahatid-hatiran ka sa apat na hukuman ni Anas, ni Kaipas, ka’y pilato at ka’y
Herodes. Pinaratangan ka’t pinatotohanan ng mga bulaang saksi. Tinampal
ka’t pinagmurahan, hinampas ng walang bilang; pinatungan ka ng tinik; pinalo
ka ng kawayan; inaglahi ka’t tinapakan sa mukha ng isang panyong pula.
Hinalay ka’t hinubadan sa harap ng sambayanan; ipinako ka’t saka biglang
ibinangon ang krus na pinagpagpakuan sa iyo. Ipinaris ka’t ipinagitna sa
dalawang magnanakaw. Pinainom ka ng suka’t apdong mapait. Inulos ng sibat
ang tagiliran mong mahal na binukalan ng dugo’t tubig. Hanguin mo
panginoon naming diyos ang kaluluwa ni _________. Sa kinalalagyang hirap
pakundangan sa kapait-paitang sakit na dinalita mo sa pagsinta sa amin; at
kami nama’y timawain mo sa dusang walang hanggan sa impiyerno, alang
alang pakundangan sa Karapatan ng iyong mahal na pasyon at pagkamatay
sa krus ng marapat kaming mapasok sa maluwalhating bayan ng
pinagdalahan mo sa mapalad na magnanakaw na ipinakong kasama mo,
kasing-isa ng Ama at ng Espiritu Santo, mag pasawalang hanggan.
Sagot: Siya Nawa

VI. LAHAT ( SABAY KRUS)


Aba, anak ng Diyos Ama
Aba, Ina ng Diyos Anak
Aba, Esposa ng Diyos Espiritu Santo
Aba, Simbahang mahal ng Santisima Trinidad
Aba, ipinaglihing di nagmana ng kasalanang orihinal
Panalangin para sa kaluluwa

VII. (Tatlong o Limang ulit)

AMA NAMIN
ABA GINOONG MARIA

N. Pagkalooban mo siya ng pamamahingang walang hangga, O panginoon.


Sagot: At bayang tumanglaw sa kanya ang liwanag na walang katapusan.
N. Magpahinga nawa siya sa kapayapaan.
Sagot: Siya Nawa

VIII. N. Litania:

Panginoon mahal Sagot: Tulungan mo kami


Hesus kristong Anak ng Diyos Magdalang habag ka sa amin
Panginoong walang hanggan Maawa ka sa amin
Kristo pakinggan mo kami Kristo pakapakinggan mo kami
Diyos Ama sa langit Maawa ka sa amin
Diyos Espiritu Santo Maawa ka sa amin
Santisima Trinidad na tatlong
Persona at iisang diyos Maawa ka sa amin
Santa Maria Ipanalangin mo po siya
Santang ina ng diyos
Santang birhen ng mga birhen
Ina ni Kristo
Ina ng grasya ng diyos
Inang kasakdal-sakdalan
Inang walang malay sa kahalayan
Inang di malapitan ng masama
Inang kalinis-linisan
Panalangin para sa kaluluwa
Inang kaibig-ibig
Ina ng may gawa ng lahat
Inang mapag-adya
Ina kapaham-pahaman
Birheng dapat igalang
Birheng dapat ipagbantog
Birheng makapangyayari
Birheng maawain
Birheng may matibay na loob sa magaling
Salamin ng katuwiran
Luklukan ng karunungan
Mula ng tuwa naming
Sisidlan ng kabanalan
Sisidlan ng bunyi at bantog
Sisidlan ng mahal na panininta
Rosang bulaklak na walang kahulilip
Tore ni David
Toreng garing
Bahay nag into
Kaban ng tipan
Pinto sa langit
Talang maliwanag
Mapagpagaling sa may sakit
Sakdalan ng mga kasalanan
Mapang-aliw na nag dadalamhati
Mapag-ampon sa mga kristyano
Reyna ng mga anghel
Reyna ng mga patriyarka
Reyna ng mga propeta
Reyna ng mga apostol
Reyna ng mga martir
Panalangin para sa kaluluwa
Reyna ng mga kompesor
Reyna ng mga birhen
Reyna ng lahat ng santo
Reynang ipinaglihi na di nagmana ng salang orihinal
Reynang iniakyat sa langit
Reyna ng kabanal-banalang Rosaryo
Reyna ng kapayapaan

Kordero ng diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlubutan


Sagot: Patawarin mo kami panginoon naming
Kordero ng diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sandaigdigan
Sagot: Pakapakinggan mo kami panginoon namin
Kordero ng diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng santinakpan
Sagot: Maawa ka sa amin

IX.Sa ilalim ng iyong pagtangkilik kumakanlong kami santang ina ng diyos sa tuwi-tuwina
kami’y dumadalangin lalo na’t kung kami ay mapanganyaya ay iyong ipag-adya
maluwalhating birhen mapalad na walang pagmamaliw ipanalangin mo kami santang ina ng
diyos
Sagot: Nang kami’y maging dapat magkamit ng mga pangako ni hesuskristong panginoon
naming.

Panginoon naming diyos, kalingain mo po’t dinggin ang aming dalangin


Sagot: Dumating nawa saiyo ang aming pagdaing

X. Aming ipinagtatagubilin s aiyo ang kaluluwa ni ______ sapagkat siya’y pumanaw na rito
sa lupa ay patawad mo na ang mga nagawa niyang kasalanan at marapat naming mabuhay
sa iyo magparating man saan.
Sagot: Siya Nawa
Panalangin para sa kaluluwa
XI. LAHAT:
Panginoon kong Hesuskristo, amang katamis-tamisan, pakundangan sa malaking
tuwang giliw mong ina nang ikaw’y pakita ng kamahal-mahalang gabi nang pagkabuhay na
muli at pagkaligaya ay makita kang puspos ng luwalhati’t banaag ng pagkadiyos.
Idinadalangin kong ako’y silayan ng biyaya ng diyos Espiritu santo at makasunod sa
kalooban mo sa araw-araw sa buong buhay ko, habang nabubuhay at naghaharing walang
katapusan.
Sagot: Siya Nawa

XII. LAHAT: ( Sabay krus)


Santong diyos, Santong makapangyarihan, Santong walang kamatayan,
Maawa ka sa kanya.

XIII. LAHAT:
Purihin ata pasalamatan ang kasantu-santusang sakramento sa altar at
ang kalinis-linisang paglilihi ni Santa Mariang Ina ng Diyos na panginoon
nating lahat; na ipinaglihing di nagmana ng kasalanang orihinal mula pa sa
unang sandal ng kanyang pagkatao at magpakailanman.
Sagot: Siya Nawa

XIV. LAHAT:
SA NGALAN NG AMA AT NG ANAK AT NG ESPIRITU SANTO AMEN.

Pang wakas na panalangin

Ama naming makapangyarihan batid naming sa aming pananampalataya na


ang iyonh anak na si Jesukristo ay namatay at muling nabuhay upang
hanguin kami sa kasalanan
Sa iyong kabutihan ay pakinggan mo panginoon ang aming dalangin na
kaawaan ang iyong lingkod na si ________ na tinawag mo sa mundong ito at
ang lahat ng mga yumao. Akayin mo po siya sa pook ng liwanag at
kapayapaan upang makasama siya sa piling ng iyong mga banal sa
kalangitan. Alang-alang kay Jesukristong aming panginoon. AM

You might also like