Professional Documents
Culture Documents
PANALANGIN
.
Lubhang maawaing Jesus ko, lingapin Mo ng matang maamo ang
kaluluwa ng bininyagang namatay na si ______________ ng dahil sa
kanya ay nagpakasakit Ka at nagpakamatay sa Krus. SIYA NAWA.
7.Jesus ko, alang alang sa damit Mong tigmak sa dugo na biglang pinaknit
at hinubad sa Iyong katawan Niyong tampalasan.
S. Amen.
Aba Po Santa Mariang Hari Aba Po Santa Mariang Hari, Inang ng Awa. Ikaw
ang kabuhayan at katamisan; Ay Aba pinananaligan ka naming, Ikaw nga
ang tinatawag naming at pinapanaw na taong anak ni Eva. Ikaw rin ang
pinagbunbuntong hininga naming ng aming pagtangis dini sa lupa, bayang
kahapis-hapis. Ay aba, pintakasi ka namin, ilingon mo sa amin, ang mga
mata mong maawain, at saka kung matapos yaring pagpanaw ay ipakita mo
sa amin ang iyong Anak na si Hesus, maawain at maalam at matamis na
Birhen.
1. 10. 10 | P a g e Birheng kalinis-linisan ng di pa nanganganak, linisin mo
ang aming pag-iisip. (ABA GINOONG MARIA) Birheng kalinis-linisan sa
panganganak, linisin mo ang aming pangungusap. (ABA GINOONG
MARIA) Birheng walang dungis ng makapanganak na, linisin mo ang
aming mga gawa at nasa. (ABA GINOONG MARIA) (AMA NAMIN, ABA
GINOONG MARIA, LUWALHATI) Jesus, Maria at Joseph, kamahal-
mahalan kong pintakasi, Jesus na mananakop, Mariang mapag-ampon,
Joseph na mapag-pala, tignan ang iyong abang alipin, naninikluhod sa
iyong mga talampakan, nagmamaka-awang iligtas mo kami sa mga
panganib ng aming kaluluwa at katawan, iyong kalingain sa buong buhay
na ito, at sa oras ng pagkalagot ng aming hininga, at ng aming makamit
ang magandang kamatayan magpuri sa Dios, sa kaluwalhatian sa Langit.
SIYA NAWA (AMA NAMIN, ABA GINOONG MARIA, LUWALHATI)
2. 11. 11 | P a g e V: REQUIEM ETERNAM DONAIS DOMINE R: LUX
PERPETUA LUCEAT EIS V: REQUIES AT EMPAZEM R: AMEN.
PAGSISISI Panginoon kong Hesukristo, Diyos na totoo at tao namIng
totoo na gumawa at sumakop sa akin. Pinagsisisihan kong masakit na
masakit sa tanang loob ko ang dilang pagkakasala ko sa iyo, na Ikaw
nga ang Diyos ko, Panginoon ko at Ama kong iniibig kong lalo sa lahat.
Nagtitika akong matibay na matibay sa tanang loob ko na di na muling
magkakasala sa Iyo at nagtitika naman akong magkumpisal ng dilang
kasalanan ko. Umaasa akong patatawarin mo rin alang-alang sa Iyong
mahal na Pasyon at pagkamatay Mo sa krus ng dahil sa akin. Siya
Nawa. SANTONG DIOS, SANTONG KALAKAS-LAKASAN, SANTONG
WALANG KAMATAYAN, DIOS NG SANLIBUTAN, SIYA/SILA PO AY
INYONG KAAWAAN (3 BESES KASABAY ANG TANDA NG SANTA
KRUS.) Purihin ang Kasanto-santong Sakramento ng Altar, at kilinis-
linisang paglilihi ni Santa Maria na Ina ng Dios at dating Panginoon natin
na di nagmana ng kasalanang orihinal hanggang sa mula at mula at
magpakailanman. SIYA NAWA.
3. 12. 12 | P a g e BENDITO Bendito y alabado, sea al Santissima,
Sacramento del Altar, do la limpia Immaculada Concepcion, Nuestra
Señora de la Virgen Maria, Señora Nuestra, Concivida sin Macha De
Peccado, original de primer ostante, de se ser natural, por siempre
jamas, Amen Jesus. P: Ave Maria Purissima E: Sin Peccado concivida (3
BESES) SA NGALAN NG AMA, NG ANAK AT NG ESPIRITU SANTO.
AMEN.
4. SUMASAMPALATAYA Sumasampalataya ako sa Dios Amang
makapangyarihan sa lahat, na may gawa ng langit at lupa.
Sumasampalataya naman ako kay Hesukristo, iisang anak ng Dios,
Panginoon nating lahat. Nagkatawang - tao Siya lalang ng Dios Espiritu
Santo, ipinanganak ni Santa Mariang Birhen. Pinagpakasakit ni Poncio
Pilato, ipinako sa krus, namatay, inilibing. Nanaog sa kinaroroonan ng
mga yumao. Nang may ikatlong araw, nabuhay na magmuli. Umakyat sa
langit, naluklok sa kanan ng Dios Amang makapangyarihan sa lahat.
Doon nagmumula at paririto’t huhukom sa mga nabubuhay at
nangamatay na tao. Sumasampalataya naman ako sa Dios Espiritu
Santo, sa banal na Simbahang Katolika, sa kasamahan ng mga banal, sa
ikawawala ng mga kasalanan, at mabubuhay na magmuli ang mga
nangamatay na tao at may buhay na walang hanggan. SIYA NAWA.
Aba Anak ng Diyos Ama, Aba Ina ng Diyos Anak, Aba Esposa ng Diyos
Espiritu Santo, Aba simbahang mahal ng Santisimo Sacramento sa Altar,
Aba kalinis – linisang paglilihi na di nagmana ng kasalanang orihinal,
idinadalangin naming sa Iyo ang kaluluwa ni (pangalan ng ipinagdarasal) /
(kaluluwa sa Purgatoryo) na nawa’y maging karapat – dapat siya sa Iyong
pagpapala. AMEN. (3 beses kasabay ang tanda ng Santa Krus) AMA
NAMIN, ABA GINOONG MARIA, LUWALHATI…