You are on page 1of 9

1.

Pagsisisi
Panginoonh Hesukristo diyos na totoo at tao
naming totoo, gumawa at sumakop sa akin. Pinagsisihan
kong masakit ang dilang pagkakasala ko sa iyo na ikaw
nga ang diyos ko. Panginoon ko at ama ko na iniibig ko
nang lalo sa lahat, nagtitika akong matibay na di na
muling magkakasala sa iyo. Lalayuan ko na at
pangingilagan ang dilang makakabakla sa loob ko sa
masama at umaasa akong patatawarin mo rin alang –
alang sa Mahal na Pasyon at pagkamatay mo sa krus
dahilan sa akin
SAGOT : Siya nawa.

2.Panalangin

Buksan mo Panginoon ko ang mga labi naming


pukawin an gaming loob, at pakalinisin ang walang
kapararakan at mahalay at likong akala , liwanagin
mo amang bait , papagningasin ang aming mga
puso nang magunamgunam naming mataimtim ang
kamatayan sampu ng kapait paitang dinalita ng
iyong mahal na ina at maging dapat naming dinggin
s harapan ng iyong di matingkalang kapangyarihan
na nabubuhay at nghahari, magpasawalang
hanggan

SAGOT: Siya nawa

3.ROSARYO

Lubhang maawaing Hesukristo lingapin mo ng mata


mong ang kaluluwa ng namatay na bininyagang si
_____________ nan g dahil sa kanyaý nagpakasakit at
namatay sa krus.

SAGOT : Siya nawa

1. Hesus ko , alang alang sa masaganang dugo na


iyong ipinawis ng manalangin ka sa halamanan.

SAGOT : Kaawaan mo’t patawarin Panginoon ang


kaluluwa ni ____________.
2. Hesus , ko alang alang sa tampal na tinanggap ng
iyong kagalang galang na mukha.

SAGOT : Kaawaan mo’t patawarin Panginoon


ang kaluluwa ni ____________.

3. Jesus ko, alang-alang sa masakit na hampas


na iyong tiniis,

SAGOT : Kaawaan mo’t patawarin Panginoon


ang kaluluwa ni ____________.

4. Jesus ko, alang-alang sa koronang tinik na


nagsitimo sa kasantu-santusan mong ulo

SAGOT : Kaawaan mo’t patawarin Panginoon


ang kaluluwa ni ____________.

5. Jesus ko, alang-alang sa paglalakad mo sa


lansangan ng kapaitan ang krus ay iyong babaw

SAGOT : Kaawaan mo’t patawarin Panginoon


ang kaluluwa ni ____________.
6. Jesus ko, alang-alang sa kasantu-santusan
mong mukha na binayaan mong malarawan sa
birang ni Veronica,

SAGOT : Kaawaan mo’t patawarin Panginoon


ang kaluluwa ni ____________.

7. Jesus ko, alang-alang sa damit mong natigmak


ng dugo na biglang pinaknit at hinubad sa iyong
katawan niyong tampalasan,

SAGOT : Kaawaan mo’t patawarin Panginoon


ang kaluluwa ni ____________.

8. Jesus ko, alang-alang sa kasantu-santusan


mong katawan na napako sa krus,

SAGOT : Kaawaan mo’t patawarin Panginoon


ang kaluluwa ni ____________.

9. Jesus ko, alang-alang sa kasantu-santusan mong


mga paa at kamay na pinakuan ng mga pakong
pinagdalita mong masakit,
SAGOT : Kaawaan mo’t patawarin Panginoon
ang kaluluwa ni ____________.

10.Jesus ko, alang-alang sa tagiliran mong


nabuksan sa saksak ng isang matalim na sibat na
binukalan ng dugo at tubig

SAGOT : Kaawaan mo’t patawarin Panginoon


ang kaluluwa ni ____________.

Namumuno; Requiem aeternam dona eis, Domine.

Sagot : Et lux perpetua luceat eis.

Namumuno : Requiscant in pace Les petuares


cede.

Sagot : Amen

(Repeat 5 x)
PAGHAHAIN

Katamis-tamisang Jesus, nasa pagsakop sa


sangjkatauhan ay inibig mong ikaw ay ipanganak,
tumulo ang iyong nahalagang dugo, alipusta ng mga
Hudyo, napasakamay niyang mga tampalasan sa
paghalik ni Hudas, ginapos ng mga lubid, dinala sa
pagpaparipahan sa iyo, tulad sa korderong walang
sala, iniharap kay Anas, kay Caipas, kay Pilato at
kay Hirodes, niluran at pinaratangan at
pinatutuhanan ng mga saksing sinungaling,
tinampal, naging alimura, natadtad ng sugat ang buo
mong katawan sa hampas ng suplina, pinutungan
ng koronang tinik, natakpan ang iyong mukha nng
isang purpura sa pagpapalibhasa sa iyo, nalagay sa
isang pagka-buhong kahiya-hiya, napako sa krus at
natindig sa kanya, napagitna sa dalawang
magnanakaw na para sa krus at natindig sa kanya,
napagitna sa dalawang magnanakaw na para sa
kanila ay pinainom ng apdong may lakok na suka at
ang iyong tagiliran ay silain ng sibat. Hanguin mo na
Panginoon ko alang-alang doon sa madlang sakit na
lubhang mapait para dalitain mo ang kaluluwa ni
________________. Sa purgatoryo Sa pagdurusa
mo niya’y iakyat mo siya ng matiwasay sa iyong
kaluwalhatian,at iligtas mo siya alang-alang sa mga
karapatan ng iyong kasantu-santusang
pagpapakasakit at pagkamatay sa krus sa mga
hirap sa impyerno ng kami’y dapat pumasok, sa
payapang kaharian na iyong pinagdalhan sa
mapalad na magnanakaw na nakasama sa iyong
naripa sa krus, nabubuhay at naghaharing kasama
ng Diyos Espiritu Santo, magpasawalang hanggan.

SAGOT : Siya Nawa.

AMA NAMIN
Ama namin, sumasalangit Ka, sambahin ang ngalan
Mo.
Mapasaamin ang kaharian Mo.
Sundin ang loob Mo dito sa lupa, para ng sa
langit.Bigyan Mo po kami ngayon ng aming kakanin
sa araw-araw. 
At patawarin Mo po kami sa aming mga sala,
Para ng pagpapatawad namin Sa mga nagkakasala
sa amin.
At huwag Mo po kaming ipahintulot sa tukso,
At iadya Mo po kami sa lahat ng masama.
Amen

ABA GINOONG MARIA


Aba, Ginoong Maria!

Napupuno ka ng grasya,
ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo;
Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat,
at pinagpala naman ang iyong Anak na si Hesus.
Santa Maria, Ina ng Diyos, ipanalangin mo kaming
makasalanan, 
ngayon at kung kami'y mamamatay.
Amen.

Namumuno; Requiem aeternam dona eis, Domine.

Sagot : Et lux perpetua luceat eis.

Namumuno : Requiscant in pace Les petuares cede.

Sagot : Amen

3x

Ito pong aming dinasal na isang buong rosary , 3


ama namin , 3 aba ginoo at 3 requiem , ay
pinatutungkol namin sa kaluluwa ni __________
Na kung siya ‘y nasa kahirapan ay dalhin mo sa
kaluwalhatian mo sa langit. Siya nawa

You might also like