You are on page 1of 6

PAGSISIYAM SA MGA KALULUWA SA PURGATORYO

SA NGALAN NG AMA, NG ANAK, AT NG ESPIRITU SANTO


Diyos ko po, pagpalain mo po itong mga ginawa, malakip nawa sa
di mamagkanong kasakitang dinalita mo dahil sa amin. Siya nawa.
Panginoon kong Hesukristo, Diyos na totoo at tao nawang totoo.
Gumawa at sumakop sa akin, pinagsisihan kong masakit na
masakit sa tanang loob ko ang dilang pagkakasala ko sa iyo, ikaw
na po Diyos ko, Panginoon at Ama ko, na iniibig ko ng lalo sa
lahat, nagtitika akong matibay na din at muling magkakasala sa
iyo, at magtitika naman akong mangungumipisal n dilang
kasalanan ko, umaasa akong patatawarin mo alang-alang sa
iyong mahal na pasyon at pagkamatay mo sa krus dahilan sa
amin. Siya nawa!
Buksan mo Panginoon ko ang labi namin, palusugin mo ang
aming mga loob at pakalinisin sa mga walang kapakanang
mahalay at likong akala, liwanagin mo po ang aming bait,
papagningasin mo ang aming puso nang magunam-gunam
naming mataimtiman ang kamahal-mahalan mong pinagdaanang
hirap at kamatayan, sampung kapait-paitang dinalita ng iyong
marangal na na at maging dapat kaming dinggin sa harapan ng
iyong di-matingkalang kapangyarihan ng nabubuhay ka at
naghahari, magpasawalang hanggan.. Siya nawa!
Lubhang maawaing Hesus ko lingapin mo po ng iyong matang
maamo ang kaluluwa ng aming magulang/kapatid na si
___________ at lahat ng kaluluwa sa purgatoryo.
SAGOT: Nang dahiI sa kanya'y nagpakasakit at
nagpakamatay ka sa krus.. Siya nawa!
1. Hesus ko, alang-alang sa masaganang dugo na iyong
ipinawis ng manalangin ka sa halamanan
SAGOT: Kaawaan mo po Panginoon at patawarin ang
kaIuIuwa ng namatay na si __________ kung baga siya ay
nasa purgatoryo.

2. Hesus ko, alang-alang sa tampal na tinanggap ng iyong
kagalang-galang na mukha.
3. Hesus ko, alang-alang sa masakit na limang-libong
hampas ng iyong tiniis.
4. Hesus ko, alang-alang sa koronang tinik na ipinutong at
nagsitimo sa kasantusantusan mong ulo.
5. Hesus ko, alng-alang sa paglakad mo sa lansangan ng
kapaitan ng krus na iyong kababaw-babaw.
6. Hesus ko, alang-alang sa kasantusantusan mong mukha
na nailigo sa dugo at iyong binayaang malarawan sa
birang ni Veronica.
7. Hesus ko, alang-alang sa damit mong natigmak ng dugo
na biglang pinaknit at hinubad sa iyong katawan ng mga
tampalasan.
8. Hesus ko, alang-alang sa kasantusantusan mong katawan
na napako sa krus..
9. Hesus ko, alang-alang sa kasantusantusan mong paa at
kamay na pinakuan ng mga pakong ipinagdalita mong
masakit.
10. Hesus ko, alang-alang sa tagiliran mong nabuksan sa
saksak ng isang matalim na sibat na binukulan ng dugo at
tubig.

REQUIEM ETENEN DONA EIS DOMINE
REQUIES KANIM PASE ET LUX PERPETUA LUCE AT EIS .
AMEN

PAGHAHAIN

Katamis-tamisang Hesus ko, na sa pagsakop mo
sa sangkatauhan ay inibig mong ikaw ay ipinanganak, tumulo ang
iyong mahalagang dugo sa pagsakop mo sa sangkatauhan ay
inibig mong ikaw ay ipinanganak, tumulo ang iyong mahalagang
dugo sa pagsakop mo sa sangkatauhan,inalipusta ng mga Hudyo,
ginapos ng mga lubid, dinala ka sa pagpaparipahan sa iyo tulad
ng isang korderong walang sala, iniharap kay Anas, kay Caypas,
kay Pilato at kay Herodes, niluran at pinaratangan at
pinatotohanan nang mga saksing sinungaling, tinampal, inalimura,
natadtad ng sugat ang buo mong katawan sa hampas ng suplina,
pinutungan ng koronang tinik, natakpan ang iyong mukha ng
purpora, sa pagkapalibhasa sa iyo, inilagay sa isang
pagkalubhang kahiya-hiya napako sa krus at natinding sa kanya,
napagitna sa dalawang magnanakaw upang itulad ka sa kanila,
pinainom ka ng apdo, nilahukan ng suka, at ang iyong tagiliran ay
sinula ng isang matalim na sibat binukalan ng dugo at tubig.
Hanguin mo na Panginoon ko alang-alang sa madlang sakit na
lubhang napapait para dalitain mo ang kaluluwa ng namatay sa
pagdurusa nila, iakyat mo sila sa langit nang mangatiwasay sa
iyong kaluwalhatian at iligtas mo alang-alang sa mga karapatan
ng iyong kasantusantusang pagpapakasakit at pagkamatay mo sa
krus, sa mga hirap sa impyerno ng kami ay maging dapat
pumasok sa payapang kaharian na pinagdalhan sa mapalad na
magnanakaw na nakisama sa iyong naripa sa krus, nabubuhay ka
nga at naghahari sa kasamaan ng Diyos Ama at Anak at ng Diyos
Espiritu Santo, magpasawalang hanggan.. SYA NAWA!
Sa ikagiginhawa at ikaluluwalhati ng kaluluwa nitong namatay na
si _________ / aming magulang na si ________.
REQUIEM ETENEN DONA EIS DOMINE .
REQUIES KANIM PASE ET LUX PERPETUA LUCE AT EIS .
AMEN

Aba po Santa Mariang Hari, na ng Awa, ikaw nga po ang
kabuhayan at katamisan, ay aba pinanaigan ka namin, ikaw nga
po ang tinatawag namin, pinapanaw na taong anak ni Eva
pinagbubuntuhang hininga ka naming ng aming pagtangis ditto sa
lupa bayang kahapis-hapis, ay aba pintakasi ka namin, ilingon mo
sa aming mga mat among maawain at saka kung matapos yaring
aSanta Maria, ina ng Diyos, maawain, at maaam matamis na
Birhen.
Kami'y ipanalangin mong magpatuloy sa amin ang mga pangako
ni Hesukristong Panginoon ..
AMEN!

LITANYA

Panginoon, maawa ka sa amin
Kristo, maawa ka sa amin
Panginoon, maawa ka sa amin
Kristo, pakinggan mo kami

Diyos Ama sa langit, MAAWA KA SA AMN
Diyos Anak na tumubos sa sanlibutan.
Diyos Espiritu Santo
Banal na tatlong Persona at sang Diyos

Santa Maria.. PANALANGN MO SYA
Santang na ng Diyos .
Santang Birhen, puno ng Birhenes..
na ni Kristo..
na ng Grasya ng Diyos..
nang Kasakdal- sakdalan.
nang walang malay sa kahalayan.
nang di malapitan ng masama.
nang kalinis-linisan..
nang kaibig- ibig..
nang may gawa ng lahat.
nang mapag-adya.
nang kapaham- pahaman.
Birheng dapat igalang.
Birheng dapat ipagbantog.
Birheng makapangyarihan.
Birheng maawain.
Birheng matibay ang loob sa magaling.
Salamin ng katwiran.
Luklukan ng katarungan..
Mula sa tuwa naming.
Sisidlan ng kabanalan.
Sisidlan ng bungi at bantog.
Sisidlan ng bukod ns mahal ng loob na makusaing
Sumusunod sa Panginoong Diyos..
Rosang bulaklak na di mapuspos ng bait ng tao ang mahalaga.
Tore ni David..
Tore ni Garing.
Bahay na Ginto.
Kaban ng Tipan.
Pinto ng langit.
Talang maliwanag.
Mapagpagaling sa mga may sakit.
Pagsasakdalan ng mga taong makasalanan.
Mapang- aliw sa mga nagdadalamhati.
Mapag ampon sa mga Krtistiyano.
Hari ng mga Angeles.
Hari ng mga Patriarka.
Hari ng mga Propeta.
Hari ng mga Apostoles..
Hari ng mga Martires.
Hari ng mga Kompesores.
Hari ng mga Birhenes.
Hari ng mga Santos.
Hari ng tigib ng lumbay.
Haring ipinaglihi na di nagmamana ng kasalanan.
Haring iniakyat sa langit.
Hari ng kabanal-banalang rosaryo.
Hari ng kapayapaan .

Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan
sa sanlibutan .

SAGOT: PATAWARIN MO PO KAMI PANGINOON


Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng
sanlibutan .
SAGOT: PAKAPAKINGGAN MO KAMI PANGINOON .
Kordero ng Diyos na nakawawala ng mga kasalanan ng
santinakpang langit .
SAGOT: KAAWAAN MO PO SIYA PANGINOON NAMIN
panaangin mo kami Santang na ng Diyos
SAGOT: NANG KAMI'Y MAGING DAPAT MAKINABANG
SA MGA PANGAKO NI HESUKRISTONG PANGINOON NAMIN
Sa ilalim ng iyong pagkandili O santang na ng Diyos, kami
ay sumasamong huwag talikdan ang aming pag-aamo-amo
kung dinaratnan ka ng kasalatan bagkus iyong iadya sila
sa dilang panganib Birheng mahal at mauwahati. panalangin
mo sila Santang na ng Diyos nang siya ay maging dapat
makinabang kay Hesukristong Panginoon.
PANGINOON, DINGGIN MONGNALULUGOD ANG AMING
PAG-AAMO-AMO (3X)

SAGOT: MAKARATING NAWA SA MAHAL MONG
TAINGA ANG AMING PAGDAING .
pinatatagubilinnaming saa iyo Panginoon naming Hesukristo
Ang kaluluwa ng namataynaming magulang/kapatidna si
__________ kung baga siya ay nasa purgatory .Sa pagdurusa
Niya iakyat mo siya sa langit at nang matiwasay siya sa iyong
kaluwalhatian . SYA NAWA
REQUIEM ETENEN DONA EIS DOMINE .
REQUIES KANIM PASE ET LUX PERPETUA LUCE AT EIS .
AMEN
Panginoon kong Hesukristo,Amang katamistamisang
pakundangan
Sa pagkaligaya ng yong kaibig-ibig na na ng kaw ay pakita sa
kanya niyong gabing mabuhay Kang muli at kaw ay makitang
punong-puno ng kaluwalhatian alang-alang sa iyong pagka-Diyos,
idinalangin ko sa yo na ako ay liwanagan Mo ng mga biyaya ng
Diyos Espiritu Santona sa araw-araw samantalang ako'y buhay
Mangyaring matupad ko sa yong loob na nabubuhay Ka't
naghahari magpasawalang hanggan . SYA NAWA
1. O Hesus na walang hanggan, Anak ka ng Diyos Ama sa
langit at sa lupa ay hari ka, Diyos naman at tao pa.

SAGOT: PANGINOON, MAAWA KA PATAWAD SIYA SA
SALA

2. Aba ulong lubhang mahal ni Hesus na pinutungan ng tinik
na di mabilang sa kanyng sala'y dahilan.
3. Aba mukhang maliwanag nagtiis ng dilang hirap ,
tinampal,niluran kaya't sa sala'y bayad.
4. Abang matang malinaw, tumingin sa kamatayan luha mo
po'y hugasan, madla nilang kasalanan.
5. Aba nagnamnam sa bibig ng suka at apdong mapait , dili
tumanggi ng sakit sala niya'y maalis.
6. O mahal na tainga , nagtiis ng dilang mura pag-uuri'y
dusting lahat na dahilan sa kanyang sala.
7. Aba linkod na nagpasan ng palo't hampas na madla sugat
ay di maanduka tiniis mo't dinalita.
8. O dibdib na mapag-angkin na sinula ng patalim ampunin
mo po'y huwag walain sa tao'y sala rin.
9. O mahal na kamay ng Diyos na Poong mahal na
pinaghilahanan niyong mga tampalasan binutasan at
pinakuan.
10. Kagalang-galang na tuhod na sa lupa'y natikluhod ang
hingi po namin ay gamut kaalipinan sa demonyos.
11. O mahal na Santong paa pinakuan di mahila patawad sila
sa sala na pala ni Magdalena.
12. O mahal na katawan ngDiyos na poong mahal sumakop sa
sanlibutan siya po ay kaawaan.
13. O Hesus na mapag-angkin ang mahinang loob ay iyo pong
patapangin at sa iyong loob mahinggil.
14. Kung sa mga karapatan walang sukat na asahan kung sa
gawang kasalanan labis ang aming katawan.
15. Kayo po Hesus na Poon, ang paghikbi naming ay ilingon
tunay na mapag-ampon at sa iyo'y nunuhang hahatol.
16. Katamis-tamisang Hesus na ipinako sa krus, kami po ay
nanininkluhod ang hingi ay patawad na puspos.
17. Panginoon alang-alang sa tiniis mong kahirapan sa pasyon
mo't pagkamatay sa kanya rin ang dahilan.
18. Alang-alang Poong Hesus sa iyong dugong nabuhos
pagkamatay mo sa krus . SYA NAWA . AMEN HESUS
.


O maawain Hesus na natutong magalak sa pagsinta

Sa mga kaluluwa.Alang-alang sa hapis ng Kamahal-
mahalang puso Mo nang maghingalo Ka sa krus ng
masakop mo kami, kaawaan Mo ang lahat ng
makasalanang papanaw sa buhay na ito SYA NAWA,

Aba Divino Sagrayo ,Aba Birhen Del Rosario,Aba Anak sa
Verbo na na ni Hesukristo ,O Birheng walang katulad na
na ng Diyos Anak , pakinggan di man dapat an gaming
tinatawag-tawag, Birheng walang kasing dunong
mapagkalinga at mapag-ampon ang hangi po nami'y
lingon pakinggan mo rin ngayong pagtawag naming maulit
sa iyo Birheng Marikit kamtan mawari't masapit itong hingi
naman at hibik na ito pong namatay na aming
magulang/kapatid na si __________ ang pangalan ay iyo
pong pagkalooban ng magandang kapalaran iyo pang
itawag dalangin kay Hesus na anak mong giliw ang iyong
abang alipin ay aming idinaraing at iyong lamang
misteryong alay at hain sa iyosiya po'y papagkamtin mo ng
Mahal mong Santong Rosaryo yayaman kang pabor at
sakdalan ng taong makasalanan Birhen iyong kaawaan
ipag-adya sa kaaway ang mga kasalanang nagawa nang
siya'y buhay sa lupa ikaw na po ang bahala magpatawad
at maawa, Birhen inang masaklolo alang-alang sa gatas
mo na sinuso ng anak mo , siya po ay kaawaan iyong
ipisa't ilanghap sa mga kasi mo't alagad, sampungkami ay
dumaraing tumatawag dalangin kaming iyong alipin ay iyo
pong kaawaan din at upang kami'y matuto na
mamintunong Utos mo yayamang kimi'y alipin mo na
naghihinatay ng awa mo sa huling buhay ikalawa aming
kamtan nawa baga ang langit santang Glorya siya nawang
walang haggang Reyna sa langit kami ay paalam, bituin ng
iyong korona paalam (3x) inang sinisinta paalam sa damit
na mahal sa mukha mo'y natatakip' puso nami'y napuno
naman ng malaking kapighatian. Paalam na masingtang
ina nagging templo ka ng Diyos na nahal sa Rosaryo mo
po'y aming kamtan ang kapalarang walang haggan,
Santong Diyos, Santong makapangyarihan, Santong
walang kamatayan kami po'y iyong kaawaan (3x) Mariang
na ng Grasya, na ng miserekordia kami po ay iyong
ipagadya sa aming mga kaaway. Kami ay iyong aalayan
hanggang sa oras ng aming kamatayan siya nawang
walang hanggan. Bendito alabado siya el santisimo
sakramento de altar, dela limpya, emaculada conception
dela Birhen, Madre de Dios, Seora Nuestra simpikado
orihinal in el premer Estante de Soser, Por siempre amas.
Amen!

Seor na Panginoon ko patawarin mo po sa kasalanan
ang kaluluwa ng namatay na si __________ (3x)

Pagkalooban mo siya ng kapayapaang walang hanggan
mabigay sa kanya ang iyong ilaw at mapanatag siya sa
walang katapusang kaluwalhatian sa langit, siya nawa.
Diyos ko kami ay paalam ngunit bago kita iwan kaawaan
mong bendisyunan kami at huwag pababayaan. Mariang
na ni Hesus, nang Birheng mapagkupkop kaming alipin
mong lingkod. Paalam sa iyo. Adios!

AVE MARA PURSMA, SMPKADO CONSVDA (3x)

Viva viva de la Gracia kay Jesus Y Mariang aming
pagsinta

SA NGALAN NG AMA, NG ANAK, AT NG ESPIRITU
SANTO
AMEN!

You might also like