You are on page 1of 8

ENTRANCE SONGS

BUKSAN ANG AMING PUSO

Buksan ang aming puso, turuan Mong mag-alab; Sa bawat pagkukuro, lahat ay makayakap.

Buksan ang aming isip, sikatan ng liwanag; Nang kusang matangkilik, tungkuling mabanaag.

Buksan ang aming palad, sarili’y maialay; Tulungan Mong ihanap, kami ng bagong malay.

DAKILANG PAG-IBIG

Dakilang pag-ibig, saan man manahan, Diyos ay naroon, walang alinlangan.

Tinipon tayo sa pagmamahal ng ating Poong si Hesus;

Tayo’y lumigaya sa pagkakaisa sa Haring nakapako sa Krus.

Dakilang pag-ibig, saan man manahan,

Diyos ay naroon, walang alinlangan.

ESPIRITU NG PANGINOON

Sumasaakin ang Espiritu ng Panginoon Ako”y hinirang n’ya upang tumugon

Sa daing ng mga aba, at ihatid sa mga dukha

Ang Magandang Balita ng Kaligtasan.

Sinugo ako upang ipahayag ang kalayaan sa mga bihag

Bigyang panigin ang mga bulag

Dalhin ang nasa dilim sa may liwanag

Ang inaapi at ang sinisiil ay hahanguin sa mga hilahil

Ipapahayag ang pagsapit ngayon ng tanging pagliligtas ng Panginoon


PAMBUNGAD SA MAGANDANG BALITA

Papuri sa’yo Panginoong Hesuskristo, Hari ng walang hanggang kapurihan!

WIKA MO’Y AMING DIRINGGIN

Wika Mo’y aming diringgin

Wika Mo’y aming susundin

Wika Mo’y aming tutupdin


PAG-AALAY

Panginoon, aming alay, itong alak, at tinapay. Sa altar mo ilalagay, tanggapin sa Iyong kamay.

Alay namin, aming buhay, bawat galak at lumabay. Bawat pangarap naming taglay sa palad Mo ilalagay.

Lahat ng aming mahal sa buhay, lahat ng aming aring taglay. Talino at kalayaan sa’Yo ngayon iaalay.

Itong alak at tinapay magiging si Kristong tunay. Gawin pati aming buhay pagkat sa’Yo dumalisay.

ANG TANGING ALAY KO

Salamat sa Iyo, aking Panginoong Hesus. Ako’y inibig Mo, at inangking lubos.

Ang tanging alay ko sa’Yo, aking Ama, Ay buong buhay ko, puso at kaluluwa.

Hindi makayanang makapagkaloob; Mamahaling hiyas ni gintong nilukob.

Ang aking dalangin, O Diyos ay tanggapin, Ang tanging alay ko, nawa ay gamitin.

Ito lamang, Ama, wala ng iba pa akong hinihiling.

ALAY (GASA)

Anong maihahandog sa ‘king tagapagligtas ‘Pagkat ako’y dukhang walang yaman at lakas

Ang tanging yaman ko’y kalul’wang may lumbay Kaapiha’y taglay tinik na gumugutay

Magsasaka ako sa pinitak na buhay Nasa paligid ko sakit at kasakiman

Gutom, uhaw, pagod, tanging maiaalay Hungkag na damdamin sana’y ‘yong tanggapin, Paginoon.

Dinaraya ako sa hanapbuhay Dahilang sa dukha nga’t mangmang na tunay

Dangal na sugatan, laon na duguan Sa taniman, sa tindahan, sa pagawaaan.

Handog ko ‘tong lahat, O Panginoon Pagsisiskap at hirap alay kong punpon

Digging at sagipin, pangarap ay kamtin

Pagmamahalan, kapayapaan at katarungan, Panginoon.


SANTO (Misang Antipona)

Santo, Santo, Santo Panginoong Diyos na makapangyarihan,

Napupuno ang langit at lupa ng kal’walhatian Mo.

Osana sa kaitaasan.

Pinagpala ang naparirito sa ngalan ng Panginoon.

Osana sa kaitaasan.

SANTO (Batay sa himig ng Sarong Banggi)

Santo, Santo, Santo Panginoong Diyos ng mga hukbo.

Napupuno ang langit at lupa ng kadakilaan Mo.

Osana, Osana sa kaitaasan. Osana, Osana sa kaitaasan.

Pinagpala ang naparirito sa ngalan ng Panginoon.

Osana, osana sa kaitaasan. Osana, osana sa kaitaasan.

Osana, osana sa kaitaasan. Osana, osana sa kaitaasan.

AMING IPINAHAHAYAG

Aming ipinahahayag na namatay ang Iyong Anak;

Nabuhay bilang Mesiyas at magbabalik sa wakas para mahayag sa lahat.

SI KRISTO AY NAMATAY

Si Kristo ay namatay, si Kristo ay nabuhay,

Si Kristo ay babalk sa wakas ng panahon.


AMA NAMIN

Ama namin, sumasalangit Ka, sambahin ang ngalan Mo.

Mapasaamin ang Kaharian Mo, sundin ang loob Mo

Dito sa lupa para nang sa langit.

Bigyan Mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw;

At patawarin Mo kami sa aming mga sala.

Para nang pagpapatawad namin sa mga nagkaksala sa amin.

At huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso

At iadya Mo kami sa lahat ng masama.

Sapagkat sa’Yo ng mumula ang Kaharian, at kapangyarihan,

At ang kaluwalhatian, magpasawalang-hanggan.


KORDERO NG DIYOS (Manoling)

Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng mundo,

Maawa Ka sa amin; Kordero ng Diyos, maawa Ka.

Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng mundo,

Ipagkaloob Mo sa amin ang kapayapaan.

KORDERO NG DIYOS (Aquino)

Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,

Maawa Ka sa amin, maawa Ka sa amin.

Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,

Ipagkaloob Mo sa amin ang kapayapaan.


PINAGPAPALA (The Beatitudes)

Pinagpapala ang mga dukha kanilang maaangkin ang biyaya ng langit

Pinagpapala ang mga lumuluha kanilang madarama ligayang walang patid

Pinagpapala ang mga mabababang loob kanilang mamanahin ang lawak ng daigdig

Pinagpapala ang nagugutom kanilang matitikman ang yamang pinagkait

Pinagpapala ang inaapi kanilang matatamo ang minimithing langit

Kayo’y mistulang asin ng lupa na hindi kinilala’t iniwan sa daan

kayo rin ang tanglaw nitong daigdig na s’yang papatnubay sa bawat nilalang.

Humayo’t ikalat ang magandang balita pukawin ang puso ng mga kasama

Ang kaligtasa’t tagumpay ng bayan ay sumainyo magpasawalang-hanggan!


TANDA NG KAHARIAN NG DIYOS

Humayo na’t ipahayag, Kanyang pagkalinga’t habag!

Isabuhay pag-ibig at katarungan, tanda ng Kanyang kaharian!

Sa panahong tigang ang lupa, sa panahong ang ani’y sagana,

Sa panahon ng digmaan at kaguluhan, sa panahon ng kapayapaan.

Ang mga dakila’t dukha, ang banal at makasalanan,

Ang bulag at lumpo, ang api at sugatan, ang lahat ay inaanyayahan.

Sa ’ming pagdadalamhati, sa ‘ming pagbibigay-puri,

Anupamang pagtangis, hapo’t pasakit, ang Pangalan Niya’y sinasambit.

PANANAGUTAN

Walang sino man ang nabubuhay para sa sarili lamang

Walng sino man ang namamatay para sa sarili lamang

Tayong lahat ay may pananagutan sa isat isa tayong lahat ay tinipon ng Diyos na kapiling Nya

Sa ating pagmamahalan at paglilingkod sa kanino man

Tayo ay nagdadala ng balita ng Kaligtasan

You might also like