Professional Documents
Culture Documents
"Paghahain"
Katamis-tamisang Hesus ko ,sa pagsakop mo sa sangkatauhan ay
inibig mong ikaw ay ipanganak, tumulo ang iyong mahalagang dugo
sa pagtutuli , alipustain ng mga hudyo ,napasakamay niyong mga
tampalasan ,sapaghalik ni Hudas ,gapusin ng mga lubid ,dalhin sa
pagpaparipahan sa iyo ,itulad sa korderong walang sala iharapi kay
Anas, kay Kaypas , kay Pilato't kay Herodes, luran at paratangan na
pinatotohan ng mga saksing sinungaling, tampalin maging alimura
‚matadtad ng sugat ang buo mong katawan sa hampas ng suplina,
patungan ng koronang tinik, matakpan ang mukha isang Korpora sa
pagpapalibhasa sa ivo , malagay sa pagkahubo na kahiya-
hiya ,mapako sa krus , mapatindig ,mapagitna sa dalawang
magnanakaw na parang isa sa kanila painumin ng apdong nilahokan
ng suka ‚at ang iyong taligira' y sulain ng isang sibat. Hanguin mo
napo panginoon ko ang mga kaluluwang nagkakasakit sa porgatoryo
at sa pagdurusa nila'y iakyat mo sila sa langit ng matiwasay sa iyong
kaluwalhatian ,at iligtas mo naman sila alang-alang sa iyong
kaluwalhatian karapatan ng iyong kasantu-santuhang
pagpapakasakit at pag kamatay mo sa krus ,sa mga hirap sa
impyerno ng sila'y maging dapet pumasok sa payapang kaharian na
siyang pinagdalhan sa mapapaladna magnanakaw na napakisama sa
iyong naripa sa krus ‚na nabubuhay ka't naghahari sa kasamahan ng
Diyos Ama ,at nang Diyos Anak at nang Diyos Espiritu Santo ,
magpasawalanghanggan .Amen.
Kyrie Eleyson . . .
Christe Eleyson . . .
Kristo ,Pakinggan mo kami ..
Kristo, Pakapakinggan mo Kami ...
Diyos Ama sa Langit..... (Maawa ka sa amin)
Dios Ama na tumubos sa sanlibutan........ (maawa )
Diyos Espiritu Santos.... ( Maawa )
Santa Trinidad na Tatlong Persona at iisang Diyos.. (maawa)
Santa Maria..... (*) (Ipanalangin mo siya)
Santang Ina ng Diyos ....... (*)
Santang Birhen , Puno ng mga Birhenes... (*)
Ina ni Kristo...... (*)
Inang Kasakdal sakdalan.... (*)
Inang walang malay sa kahalayan... ... (*)
Inang di malapitan ng masama... (*)
Inang kalinis-linisan.. .(*)
Inang Kataka-taka.... (*)
Inang may gawa sa lahat...... (*)
Inang mapag-adya.... (*)
Birheng Kapaham -pahaman..... (*)
Birheng dapat Igalang..... (*)
Birheng Dapat Ipagbantog .... (*)
Birheng Makapangyarihan.... (*)
Birheng Maawain... (*)
Birheng matibay ang loob sa magaling... (*)
Salamin ng Katwiran...... (*)
Luklukan ng Karunungan....... (*)
Mula ng tuwa naming... (*)
Sisidlan ng bunyi at bantog........ (*)