You are on page 1of 4

Panalangin Para Sa Kaluluwa

Sa Ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo...


AMEN.

6. Jesus ko, alang-alang sa kasantu-santuhan Mong mukha na naliligo sa dugo ay


Iyong binayaang malarawan sa birang ni Veronica.
Tugon: Kaawaan Mo at patawarin ang kaluluwa nina ________.

Lahat: Panginoon kong Jesukristo, Diyos na totoo at tao namang totoo, gumawa at
sumakop sa akin. Pinagsisihan kong masakit sa tanang loob ko ang dilang
kasalanan ko. Ikaw nga ang Diyos ko, Panginoon ko at Ama ko, na iniibig ko ng
lalo sa lahat. Nagtitika akong matibay na di na muling magkakasala sa iyo,
nagtitika naman akong magkumpisal ng dilang kasalanan ko. Umaasa akong
patatawarin Mo rin alang-alang sa Iyong mahal na Pasyon at pagkamatay Mo sa
krus
alang-alang
sa
akin.
Siya
nawa.

7. Jesus ko, alang-alang sa damit Mong natitigmak ng dugo na biglang pinaknit at


hinubad sa Iyong katawan niyong mga tampalasan.
Tugon: Kaawaan Mo at patawarin ang kaluluwa nina ________.

Buksan Mo, Panginoon ko, ang mga labi namin, palusugin ang aming mga loob at
pakalinisin sa mga walang kapakanang mahahalay at linsong akala; papagningasin
Mo ang aming puso ng magunam-gunam naming mataimtim ang Kamahal-mahalan
Mong pinagdaanang hirap at kamatayan, sampu ng kapait-paitang dinalita ng Iyong
marangal na Ina, at ng maging dapat kaming dinggin sa harapan ng Iyong dimatingkalang kapangyarihan, na nabubuhay Ka at naghahari magpasawalanghanggan. Siya nawa.
ANG SAMPUNG PANALANGIN
Namumuno: Lubhang maawaing Jesus ko, lingapin Mo ng matang maamo ang
mga kaluluwa ng mga bininyagang nangamatay, lalo na ang kaluluwa ng namatay
naming kaibigan/kapatid/magulang na si ________. Na dahil sa kanila ay
nagpakasakit ka at namatay sa krus. Siya nawa.
1. Jesus ko alang-alang sa masaganang dugo na Iyong ipinawis ng manalangin Ka
sa Halamanan.
Tugon: Kaawaan Mo at patawarin ang kaluluwa nina ________.
2. Jesus ko, alang-alang sa tampal na tinanggap ng Iyong kagalang-galang na
mukha.
Tugon: Kaawaan Mo at patawarin ang kaluluwa nina ________.
3. Jesus ko, alang-alang sa masasakit na hampas na Iyong tiniis.
Tugon: Kaawaan Mo at patawarin ang kaluluwa nina ________.
4. Jesus ko, alang-alang sa koronang tinik na nagsitimo sa kasantu-santuhan
Mong ulo.
Tugon: Kaawaan Mo at patawarin ang kaluluwa nina ________.
5. Jesus ko, alang-alang sa paglakad Mo sa lansangan ng kapaitan ng krus ay
Iyong kababaw-babaw.
Tugon: Kaawaan Mo at patawarin ang kaluluwa nina ________.

8. Jesus ko, alang-alang sa kasantu-santuhan Mong katawan na napako sa krus.


Tugon: Kaawaan Mo at patawarin ang kaluluwa nina ________.
9. Jesus ko, alang-alang sa Iyong mga kasantu-santuhang paa at kamay na
pinakuan ng mga pakong ipinagdalita Mong masakit.
Tugon: Kaawaan Mo at patawarin ang kaluluwa nina ________.
10. Jesus ko, alang-alang sa tagiliran Mong nabuksan sa saksak ng isang matalim
na sibat ay binukalan ng dugo at tubig.
Tugon: Kaawaan Mo at patawarin ang kaluluwa nina ________.
AMA NAMIN
Ama namin, sumasalangit Ka, sambahin ang ngalan Mo.
Mapasaamin ang kaharian Mo.
Sundin ang loob Mo dito sa lupa, para ng sa langit.
Bigyan Mo po kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw.
At patawarin Mo po kami sa aming mga sala,
Para ng pagpapatawad namin Sa mga nagkakasala sa amin.
At huwag Mo po kaming ipahintulot sa tukso,
At iadya Mo po kami sa lahat ng masama.
Amen
ABA GINOONG MARIA
Aba, Ginoong Maria! Napupuno ka ng grasya,
ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo; Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat,
at pinagpala naman ang iyong Anak na si Hesus.
Santa Maria, Ina ng Diyos, ipanalangin mo kaming makasalanan,
ngayon at kung kami'y mamamatay. Amen.
LUWALHATI
Luwalhati sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo.
Kapara noong unang-una, ngayon at magpasawalang hanggan. Amen.
Namumuno: Pagkalooban Mo siya Panginoon ng kapayapaang walang hanggan.
Lahat: Magbigay sa kanya ng liwanag at ilaw na walang hanggan.
Namumuno: Mapanatag nawa siya sa kapayapaan.
Lahat: Siya nawa.

(5X - Uulitin ng limang beses Ang Sampung Panalangin, Ama Namin, Aba
Ginoong Maria, Luwalhati, at "Kapayapaang Walang Hanggan/Eternel Rest" na
gamit ang rosaryo)

LITANYA KAY SANTA MARIA

PANALANGIN

Santa Maria...
Santang Ina ng Diyos...
Santang Birhen, ng mga Birhen...
Ina ni Kristo...
Ina ng grasya ng Diyos...
Inang kasakdal sakdalan...
Inang walang malay sa kahalayan...
Inang di malapitan ng masama...
Inang kalinis-linisan...
Inang kaibig-ibig...
Inang kataka-taka...
Ina ng magandang kahatulan...
Ina ng mapag-adya...
Birheng dapat igalang...
Birheng dapat ipagbantog...
Birheng makapangyayari...
Birheng maawain...
Birheng matibay na loob sa magaling...
Salamin ng katwiran...
Luklukan ng karunungan...
Mula ng tuwa namin...
Sisidlan ng kabanalan...
Sisidlang bunyi at bantog...
Sisidlang bukod na mahal na makusaing sumunod sa
Panginoong Diyos...
Rosang bulaklak, na di mapuspos ng bait ng tao ang halaga...
Tore ni David...
Toreng Garing...
Bahay na Ginto...
Kaban ng Tipan...
Pinto ng langit...
Talang maliwanag...
Mapagpagaling sa mga taong makasalanan...
Mapang- aliw sa mga nagdadalamhati...
Mapag-ampon sa mga Kristiyano...
Reyna ng mga Anghel...
Reyna ng mga Patriarka...
Reyna ng mga Propeta...
Reyna ng mga Apostol...
Reyna ng mga Martir...
Reyna ng mga Confessor...
Reyna ng mga Birhen...

Lahat: Katamis-tamisang Jesus ko, na sa pagsakop Mo sa sangkatauhan, ay inibig


Mong Ikaw ay ipinanganak; tumulo ang Iyong mahalagang dugo sa pagsusugat;
alipustain ng mga Hudyo, mapasa kamay niyong mga tampalasan sa paghalik ni
Judas; gapusin ng lubid; dalhin sa pagpaparipahan sa Iyo; tulad sa Korderong
walang sala; iharap kay Anas, kay Caipas, kay Pilato at Herodes; lurhan, at
pinaratangan at pinatotohanan ng mga saksing sinungaling, tampalin; maging
alimura; matadtad ng sugat ang buo Mong katawan sa hampas ng suplina, putungan
ng koronang tinik, natakpan ang Iyong mukha ng isang purpura, sa pagpapalibhasa
sa Iyo, malagay sa isang pagkahubong kahiya-hiya; napako sa krus, at natindig sa
kanya; napagitna sa dalawang magnanakaw na parang isa sa kanila; painumin ng
apdong nilahukan ng suka, at ang Iyong tagiliran ay sulain ng isang sibat. Hanguin
Mo na Panginoon ko, alang-alang doon sa madlang sakit na lubhang mapait para sa
dalitaan Mo, ang mga kaluluwa sa Purgatoryo, sa pagdurusa nila, iakyat Mo silang
matiwasay sa Iyong kaluwalhatian; iligtas Mo kami alang-alang sa mga karapatan
ng Iyong kasantu-santuhang pagpa-pakasakit at pagkamatay sa krus, sa mga hirap
sa impyerno, ng kami ay maging dapat na pumasok sa payapang kaharian, na Iyong
pinagdalhan sa mapalad na magnanakaw na napakisama sa Iyong naripa sa krus;
nabubuhay Ka at naghahari, kasama ng Diyos Ama, at ng Diyos Espiritu Santo,
magpasawalang-hanggan. Siya nawa.
Nangunguna: Panginoon, maawa Ka sa kanya.
Lahat: Kristo, maawa ka sa kanya.
Nangunguna: Panginoon, kahabagan Mo siya.
Lahat: Kristo, kahabagan Mo siya.
Nangunguna: Panginoon, pakapakinggan Mo siya
Lahat: Kristo, pakapakinggan Mo siya.
Nangunguna: Diyos Ama sa langit.
Lahat: Maawa ka sa kanya.
Nangunguna: Diyos Anak na tumubos sa sanlibutan
Lahat: Maawa ka sa kanya.
Nangunguna: Diyos Espiritu Santo.
Lahat: Maawa ka sa kanya.
Nangunguna: Santisima Trinidad, na tatlong Persona at iisang Diyos.
Lahat: Maawa ka sa kanya.

(Tugon: ...Ipanalangin mo siya)

Reyna ng lahat ng mga Santo...


Reyna ng Kasantu-santuhang Rosaryo...
Reynang tigib ng lumbay...
Reynang iniakyat sa langit...
Reyna ng kapayapaan...
KORDERO NG DIYOS
Nangunguna: Kordero ng Diyos, na nakakawala ng mga kasalanan ng sanlibutan...
Lahat: Patawarin Mo siya, Panginoon namin.
Nangunguna: Kordero ng Diyos, na nakakawala ng mga kasalanan ng
sandaigdigan...
Lahat: Pakapakinggan Mo siya, Panginoon namin.
Nangunguna: Kordero ng Diyos, na nakakawala ng mga kasalanan ng
santinakpang langit...
Lahat: Kaawaan Mo siya Panginoon.
Nangunguna: Sa ilalim ng Iyong pagkakandili, O Santang Ina ng Diyos, kami ay
lumililong, huwag mong talikdan ang aming pag-amo-amo, kung dinatnan ng
kasalatan, bagkus iyong iadya kami sa dilang panganib birheng mahal at
maluwalhati.
ABA PO SANTA MARIANG HARI
Lahat: Aba po Santa Mariang Hari, Ina ng awa, Ikaw nga po ang kabuhayan at
katamisan namin, aba, pinananaligan ka namin. Ikaw nga po ang tinatawag naming
pinapanaw na taong anak ni Eva. Ikaw rin ang pinagbubuntung-hiningahan namin
sa aming pagtangis; dini sa lupa, bayang kahapis-hapis, ay aba pintakasi ka namin,
ilingon mo sa amin ang mga mata mong maawain, at saka kung matapos na yaring
pagpanaw sa amin, ipakita mo sa amin ang iyong Anak na si Jesus. Santa Maria,
Ina ng Diyos, maawain, maalam, at matamis na Birhen.
Nangunguna: Ipanalangin mo kami, O Santang Ina ng Diyos.
Lahat: Nang kamiy maging dapat makinabang sa mga pangako ni Jesukristong
aming Panginoon.
Nangunguna: Panginoon namin, dinggin Mong nalulugod ang aming pag-aamoamo at dumating nawa sa Iyong tainga ang aming pagtangis.
Ipinagtatagubilin namin sa Iyo, Panginoon namin, ang mga kaluluwa sa Purgatoryo
at ang kaluluwa ng aming kaibigan/kapatid/magulang na si ________ sapagkat
pumanaw na siya sa mundo. Mangyaring Iyong ipatawad sa kanya, alang-alang sa
walang katapusan Mong awa, ang mga kasalanang nagawa, at laging mabuhay sa
Iyo, magpasa-walang hanggan.

Lahat: Siya nawa.


KREDO NG APOSTOLES
Lahat: Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat, na may
gawa ng langit at lupa.
Sumasamplataya ako kay Jesukristo,iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat.
Nagkatawang-tao siya, lalang ng Espiritu Santo, ipinanganak ni Santa Mariang
Birhen. Pinagpakasakit ni Poncio Pilato, ipinako sa krus, namatay, inilibing.
Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao. Nang may ikatlong araw nabuhay na maguli. Umakyat sa langit. Naluluklok sa kanan ng Diyos Amang makapangyarihan sa
lahat. Doon magmumulang paririto at huhukom sa nangabubuhay at nangamatay na
tao.
Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo, sa banal na Iglesya Katolika,
sa kasamahan ng mga banal, sa kapatawaran ng mga kasalanan, sa pagkabuhay na
muli ng nangamatay na tao at sa buhay na walang hanggan. Amen.
Ama namin...
Aba Ginoong Maria...
Luwalhati...
Nangunguna: Pagkalooban Mo siya Poon ko ng kapayapaang walang hanggan.
Lahat: Magbigay sa kanya ng liwanag at ilaw na walang katapusan.
Nangunguna: Mapanatag nawa siya sa kapayapaan.
Lahat: Siya nawa.
Nangunguna: Panginoon kong Diyos, yamang inilagak Mo sa amin ang mga bakas
ng Iyong Mahal na Pasyon, sa mahal na kumot na ibinalot sa iyong Kabanalbanalang katawan ng ibaba ka ni Jose sa krus. Ipagkaloob Mo po sa amin,
mahabaging Panginoon alang-alang sa iyong kamatayan at paglilibing, na sila ay
dalhin doon sa glorya ng pagkabuhay na mag-uli na kinabubuhayan Mo at
pinaghaharian sa kasamahan ng Diyos Ama at pakikipagkaisa sa Diyos Espiritu
Santo, magparating man at magpasa walang-hanggan. Siya nawa.
Huwag mo siyang ipahintulot, Panginoon ko.
Pakaingatan Mo siya sa masama.
Sa pinto ng impyerno, iilag Mo ang kanyang kaluluwa.
Mapanatag nawa siya sa kapayapaan,
Lahat: Siya nawa.
Nangunguna: Pakinggan Mo Poon ang aming daing. Dumating nawa sa mahal
Mong tainga ang aming pagtawag.

Manalangin tayo...

ikaluwalhati ng lahat ng mga kaluluwang nagpapakasakit sa Purgatoryo.

Lahat: O Diyos ko, na sa kaginhawahan ng tao, hinihingi namin na kaawaan Mo


na ang kaluluwa ng alipin Mong si ________, ang aming mga magulang, kapatid,
kamag-anak. kaibigan/kapatid/magulang na namatay na dito sa katipunan nitong
mapag-ampong Ama at sa tulong ng parating Birheng Maria, patawarin ang lahat
ng kasalanan, ayon sa indulhensiyang kanilang ninanasa, pakundangan sa Iyong
awa, at magsasamang parati doon sa kahariang walang hanggan.

Lahat: Amen.

Nangunguna: Pagkalooban Mo siya Poon ko ng kapayapaang walang hanggan,


Lahat: Magbigay sa kanya ng liwanag at ilaw na walang katapusan
Nangunguna: Mapanatag nawa siya sa kapayapaan.
Lahat: Siya nawa.

BENDITO
Nangunguna: Purihin at ipagdangal ang kasantu-santuhang sakramento sa altar at
ang kalinis-linisang paglilihi kay Ginoong Santa Maria Ina ng Diyos at ating
Panginoon, na di nagmana ng kasalanang orihinal sa mulat mula, kailanman at
magpasawalang hanggan.
Lahat: Siya nawa.
Ama namin...
Aba Ginoong Maria...

O Jesus na Kasantu-santuhan at Kamahal-mahalan, sa pagkamatay Mo po sa Mahal


na Santa Krus, kaawaan at patawarin ang kaluluwa ng aming
kaibigan/kapatid/magulang na si ________. (3x - Uulitin ng tatlong beses)
Birhen itong aming hain di man dapat tanggapin ang kaluluwat katawan namin,
kaawaan mot ampunin sa kamatayang darating at ipag-amo-amo mo rin kay Jesus
na Poon namin upang kami rin ay lingunin at kamiy patawarin sa salang nagawa
namin.

Luwalhati...
Nangunguna: Pagkalooban Mo siya Panginoon ng kapayapaang walang hanggan.
Lahat: Magbigay sa kanya ng liwanag ng ilaw na walang katapusan.
Nangunguna: Mapanatag nawa siya ng kapayapaan.
Lahat: Siya nawa.

Siya nawa.

Sa Ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo...+

Nangunguna: Alang-alang sa maralitang pagkamatay ng ating Panginoong


Jesukristo at sa pitong sakit ni Santa Maria, siya nawang ikaginhawa at

AMEN.

You might also like