You are on page 1of 4

PAROKYA NG STO.

NIÑO
Sto. Niño, Calumpit, Bulacan

PAGBABASBAS NG SASAKYAN NG
PAROKYA
IKA-5 NG SETYEMBRE, 2021

HUWAG PONG IUUWI. MANGYARING PAKI-SAULI PO ANG


KOPYANG ITO SA ATING PAROKYA.
PAGBABASBAS NG SASAKYAN NG PAROKYA

PASIMULA

Pari: Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.

Bayan: Amen.

P. Sumainyo ang Panginoon.

B. At sumaiyo rin.

PANGBUNGAD NA PANALANGIN

P. Mga kapatid, si Kristo, na Anak ng Diyos, kung saan dumadaloy ang


masaganang buhay, ay dumating sa daigdig upang kanyang tipunin ang
mga nagkawatak-watak Niyang mga anak. Hinihiling naming kami’y
iyong pangunahan sa aming gawain ngayon sapagkat batid naming
anumang daan at sasakyang naghahatid sa mga tao para magkatipun-
tipon ay pawang naaayon sa layunin ng Diyos, na naghahangad pag
isahin ang mga pinaglalayo ng mga bundok at ilog at magkakahiwalay
na pook.

P. Manalangin tayo.

Panginoon, hinihiling naming iyong + basbasan at ingatan ang mga


nagsumikap at mga gagamit nitong sasakyan ng ating Parokya at ng
tayo’y mabuhay sa diwa ng paglilingkod sa ating kapwa, ayon sa
pagtawag Niya sa atin. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ng Iyong
Anak na aming Panginoong Hesukristo, kasama ng Espiritu Santo,
magpasawalang hanggan.

B. Amen.
PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS

MABUTING BALITA
Juan 14, 6-7 | “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay.”

P. + Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, "Ako ang daan, ang


katotohanan, at ang buhay. Walang makapupunta sa Ama kundi sa
pamamagitan Ko. Kung Ako'y kilala ninyo, kilala na rin ninyo ang
Aking Ama. Mula ngayon ay kilala na ninyo Siya at inyong nakita."

Ito ang Mabuting Balita ng Panginoon.

B. Pinupuri ka namin, Panginoon, Hesukristo.

Pangaral.

PANALANGIN NG PAGBABASBAS PARA SA SASAKYAN NG PAROKYA

P. Mga kapatid, hilingin natin sa Panginoon na ang sasakyang ito ay


maging tanda at paalala na ang ating buhay ay isang paglalakbay
patungo sa tahanang inihanda ni Hesus para sa Kaniyang mga Anak.
Nawa'y ang paglalakbay na ito ay maging matiwasay at ligtas sa
panganib hanggang sa makarating tayong kasama Niya sa walang
hanggang kaligtasan.

P. Manalangin tayo.
Ama naming makapangyarihan, Ikaw ang lumikha ng langit at lupa. Sa
Iyong kapasyahan, ipinagkatiwala Mo sa mga tao ang dapat gampanan
sa daigdig na ito. Ipagkaloob Mo sa mga maglalakbay sa pamamagitan
nitong sasakyan ang paglingap sa kaligtasan ng tanan. Sa kanilang
pagparoon sa gawain o sa paglilibang, Iyong ipadamang si Kristo'y
kasama sa daan bilang Panginoong nabubuhay kasama ng Espiritu
Santo magpasawalang hanggan.

B. Amen.
Magaganap ang pagwiwisik ng Banal na Tubig sa sasakyan habang dinarasal ang:
Ama Nami…
Aba Ginoong Maria…
Luwalhati…

PANGWAKAS NA PANALANGIN

P. Manalangin tayo,
Amang makapangyarihan sa lahat, sa diwa ng kababaang loob,
inihahandog namin ang sasakyang ito sa ating Dakilang Maykapal,
kalakip ang pagsamo at pagtitiwala na Siya ang mag-iingat dito.
Kami’y nangangako na maging mabuting katiwala nito hindi lamang
para sa aming sariling kagalingan kundi sa kapakanan din ng aming
kapwa. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristo na
nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, Diyos,
magpasawalang hangan.

B. Amen.

P. Iyuko ninyo ang inyong mga ulo para sa pagbabasbas.

P. Sumainyo ang Panginoon.

B. At sumaiyo rin.

P. Pagpalain kayo't patnubayan ng Makapangyarihang Diyos, + Ama at


Anak, at Espiritu Santo.

B. Amen.

You might also like