You are on page 1of 1

PANALANGIN KAY SAN ANTONIO DE PADUA

O San Antonio de Padua,


banayad at makapangayarihan sa pagtulong,
ang iyong pag-ibig sa Diyos at sa kanyang mga nilalang
ay dahilan upang ikaw ay maging karapat-dapat
na italagang tagatulong sa madlang nangangailangan.

Kahit noong ikaw ay nabubuhay pa,


ikaw ay pinagkalooban na ng kapangayarihan
na magkaroon ng mapaghimalang kapangyarihan.

Ang pagpapala ay naghihintay sa iyong salita


na handa mong ipagkaloob sa mga nagsusumamo.
Sa ganitong pag- asa, ako ay nananalangin
na iyong ipagkaloob sa akin ang biyayang ito

(Sambitin ang kahilingan)

Ang kasagutan sa aking


kahilingan ay maaring mangailangan ng himala,
ngunit ikaw ay banal na mapaghimala.

O Mapagmahal na San Antonio,


may pusong umuunawa sa mga nangangailangan,
ibulong mo po ang aking kahilingan
sa Banal na sanggol na si Hesus na iyong inibig
at pinaglingkuran sa buo mong buhay,
at ito po ay tatanawin kong malaking utang na loob sa iyo
at kami’y nangangakong
magiging masunurin sa kalooban ng Diyos
at mamumuhay na bilang isang mabuting kristiyano. Amen.

You might also like