You are on page 1of 44

Panalangin sa

Leader:

Karangalan ng
Pitong Sakit at
Pitong Tuwa ni
Poong San Jose
O kalinis linisang Esposo ni
Leader: 1.

Mariang Kabanalbanalan,
maluwalhating San Jose, Kung malaki
man ang sakit at ligalig ng iyong puso
doon sa pag-aalinlangan mong
pagtatanan sa kalinislinisan mong
Esposa, ay malaki ring di masabi ang
nakamtan mong tuwa nang ipahayag
sa iyo ng Anghel ng Kataas-taasang
Kababalaghan ang pagkakatawang
tao ng anak ng Diyos.
Alang- alang sa unang sakit mo’t
ALL:

tuwa ay hinihingi namin sa iyo na


aliwin mo ngayon ang aming
kaluluwa ng tuwa ng isang banal na
pamumuhay at doon naman sa huli
namin sakit ay pakamtan mo sa
amin ang tuwa ng isang
magandang pagkamatay sa gitna ni
Hesus at ni Maria.
PAPURI SA AMA AT SA
LEADER:

ANAK AT SA ESPIRITU
SANTO:
KAPARA NOONG UNA,
ALL:

NGAYON AT
MAGPASAWALANG
HANGGAN. SYA NAWA
LEADER: O SAN JOSE MAHAL
NA
PINTAKASI,
IPANALANGIN MO
ALL :

KAMING
NAPAPAAMPON SA IYO
O lubhang mapalad na Patriarka,
LEADER:

maluwalhating San Jose, na hinirang ka sa


lahat na maging Ama sa Turing ng Berbong
nagkatawang-tao, ang dakilang sakit na
dinamdam ng puso mo nang makita mong
ipinanganak ang Sanggol na si Jesus sa lubos
na kasalatan, ay napawi niyong tuwang-
langit na kinamtan mo sa Pakikinig ng
pagaawitan ng mga Anghel at sa pagkakita
ng mga kahimahimalang nangyari noong
gabing yaong lubhang maliwanag.
Alang-alang dito sa ikalawang
ALL:

sakit’ mo’t tuwa ay


ipinagmamakaawa namin sa iyo na
kung matapos itong aming lakad sa
buhay na ito, ay mapakinggan
namin ang pag-aawitan ng mga
Anghel at mapanood tuloy ang
mga kaliwanagan ng kaluwalhatian
sa langit.
PAPURI SA AMA AT SA
LEADER:

ANAK AT SA ESPIRITU
SANTO:
KAPARA NOONG UNA,
ALL:

NGAYON AT
MAGPASAWALANG
HANGGAN. SYA NAWA
LEADER: O SAN JOSE MAHAL
NA
PINTAKASI,
IPANALANGIN MO
ALL :

KAMING
NAPAPAAMPON SA IYO
3.
LEADER: O lubhang masunuring
gumaganap ng mga kautusan ng
Diyos, maluwalhating San Jose, ang
kamahal-mahalang dugong ibinubo
ng Sanggol na Mananakop, ay
naging sakit na tumagos sa iyong
puso, ngunit ang pangalang Jesus
ay naging mula ng di masabing
tuwa.
Alang-alang dito sa ikatlong sakit
ALL:

mo’t tuwa ay pakamtan mo sa


amin na mabuhay kaming malayo
sa dilang kasalanan at sa
pagkalagot ng aming hininga ay
may katuwaang sambitin ng aming
loob at bibig ang kasantu-
santosang pangalang Jesus.
PAPURI SA AMA AT SA
LEADER:

ANAK AT SA ESPIRITU
SANTO:
KAPARA NOONG UNA,
ALL:

NGAYON AT
MAGPASAWALANG
HANGGAN. SYA NAWA
LEADER: O SAN JOSE MAHAL
NA
PINTAKASI,
IPANALANGIN MO
ALL :

KAMING
NAPAPAAMPON SA IYO
4. O santong lubhang tapat na
LEADER:

loob, kasangguni sa mga talinhagang


gawa ng pagsakop sa ating
maluwalhating San Jose, kung paghula
ni Simeon ng mga karalitaang hirap ni
Jesus at ni Maria ay naging sakit mong
kamatay-matay ang paghula niya
naman, na yao’y ikagagaling ng di-
mabilang na mga kaluluwa ang siyang
ikinapusposang tuwa ng loob mo.
Alang-alang dito sa ikaapat na
ALL:

sakit mo’t tuwa ay pakamtam mo


sa amin na kami ay ipakibilang
mo sa mga mabubuhay na mag-
uli na magsisiluwalhati sa Langit
pakundangan sa mga karapatan
ni Jesus at sa pagmamakaawa ni
Maria.
PAPURI SA AMA AT SA
LEADER:

ANAK AT SA ESPIRITU
SANTO:
KAPARA NOONG UNA,
ALL:

NGAYON AT
MAGPASAWALANG
HANGGAN. SYA NAWA
LEADER: O SAN JOSE MAHAL
NA
PINTAKASI,
IPANALANGIN MO
ALL :

KAMING
NAPAPAAMPON SA IYO
LEADER: O lubhang maingat na
5.

tagatanod at laging kasama ng


nagkatawang taong Anak ng Diyos,
maluwalhating San Jose, anong
laking pagod mo’t sakit sa pag-
aalaga’t pag-aalis sa Anak ng
kataas-taasang Diyos, lalung- lalo
na noong mapilitan kang mapasa-
Ehipto.
Alang alang dito sa ikalimang sakit mo’t
ALL:

tuwa, ay ipagkamit mo kami ng grasya na


malayo sa mga kaaway ng aming kaluluwa
sa pamamagitan ng paglayo sa mga
panganib na ipagkakasala upang mabunot
naman sa aming puso ang lahat ng mga
anito, mga makamundong hilig, nang kami
ay mabuhay at mag-kapalad na mamatay
sa paglilingkod lamang kay Jesus at Kay
Maria.
PAPURI SA AMA AT SA
LEADER:

ANAK AT SA ESPIRITU
SANTO:
KAPARA NOONG UNA,
ALL:

NGAYON AT
MAGPASAWALANG
HANGGAN. SYA NAWA
LEADER: O SAN JOSE MAHAL
NA
PINTAKASI,
IPANALANGIN MO
ALL :

KAMING
NAPAPAAMPON SA IYO
LEADER: O Anghel ka dito sa lupa
6.

maluwalhating San Jose, na natatausan


ka ng di masabing pagkamangha noong
makita mong sumusunod sa iyo ang Hari
ng langit, kung malaki man ang
nakamtan mong tuwa sa pag-uwi galing
Ehipto, ay nahaluan naman ng sakit ng
takot kay Arkelao; ngunit sa pagsunod
mo sa bilin ng Anghel at tumahan kang
maligaya sa Nazareth.
Alang-alang dito sa ikaanim na
ALL:

sakit mo’t tuwa ay pakamtan mo


sa amin na kung ang aming puso ay
ligtas sa mga nakaliligalig na
pangamba ay lubos, at nang kung
kami’y mabuhay sa tahimik na
kasama ni Jesus at ni Maria, kami
ay tulungan nila sa aming
paghihingalo.
PAPURI SA AMA AT SA
LEADER:

ANAK AT SA ESPIRITU
SANTO:
KAPARA NOONG UNA,
ALL:

NGAYON AT
MAGPASAWALANG
HANGGAN. SYA NAWA
LEADER: O SAN JOSE MAHAL
NA
PINTAKASI,
IPANALANGIN MO
ALL :

KAMING
NAPAPAAMPON SA IYO
O maluwalhating San Jose, na
LEADER : 7.

uliran ka ng dilang kabanalan,


malaking dikapala ang dinamdam
mong sakit doon sa tatlong araw
na ipinaghanap mo kay Jesus na
bata. Ngunit humalili naman ang
dimasabing tuwa noong makita mo
sa templo ang kinabubuhayan mo,
na napapagitna sa mga Doktor.
Alang-alang dito sa ikapitong sakit mo’t
ALL:

tuwa ay isinasamo namin sa iyo, mula sa


kaibuturan ng aming puso, na sa tulong ng
mahal mong saklolo ay huwag sanang mawala
sa amin si Jesus dahil sa kasalanang dakila at
kung sakali’t kami’y datnan ng gayong
kasamaang palad ay makita nawa naming muli
ang kanyang awa, lalo na sa oras ng
kamatayan; at nang makamtan namin siya
doon sa Langit at kami ay makisama sa iyo sa
pagpupuri ng kanyang mga kaawaaan
maparating saan man.
PAPURI SA AMA AT SA
LEADER:

ANAK AT SA ESPIRITU
SANTO:
KAPARA NOONG UNA,
ALL:

NGAYON AT
MAGPASAWALANG
HANGGAN. SYA NAWA
LEADER: O SAN JOSE MAHAL
NA
PINTAKASI,
IPANALANGIN MO
ALL :

KAMING
NAPAPAAMPON SA IYO
Antipona: Noon malapit na sa
tatlumpong taon ang gulang ni
Jesus ay inari siyang anak ni
Jose…..
LITANIYA KAY POONG SAN JOSE
Panginoong, maawa Ka sa amin.

Jesu-Kristo, maawa Ka sa amin.

Kristo, pakinggan Mo kami.

Kristo, pakapakinggan Mo kami.

Diyos Ama sa langit, Maawa Ka sa amin.

Diyos Anak na tumubos sa sanlibutan, maawa Ka sa amin

Diyos Espiritu Santo, maawa Ka sa amin

Kabanal-banalang Tatlong Persona


Iisang Diyos, maawa Ka sa amin.
Santa Maria- IPANALANGIN MO KAMI

San Jose-

Bunying Anak ni David-

Ilaw ng mga Patriarka-

Kaisa-isang puso ng Ina ng Diyos-

Kalinis-linisang tagapagtanod ng Birhen-

Inaring Ama ng Anak ng Diyos-

Maingat na Tagapagtanggol ni Kristo-

Puno ng banal na Angkan-


Kabanal-banalang Jose-

Kalinis-linisang Jose-

Mahinahong San Jose-

Magiting na SanJose-

Pinakamasunuring San Jose-

Pinakamatapat na San Jose-

Salamin ng Katiyagaan-

Maibigin sa karukhaan-

Uliran ng mga manggagawa-


Kaluwalhatian ng namamahay-

Tagatanod ng mga Birhen-

Tanggulan ng mga Angkan-

Aliw ng namimighati-

Pag-asa ng maysakit-

Pintakasi ng naghihingalo-

Sindak ng mga demonyo-

Tagapagtangkilik ng Santa Iglesia-


Kordero ng Diyos, na nakakawala ng mga Patawarin Mo kami
Kasalanan ng sanlibutan,

Kordero ng Diyos, na nakakawala ng mga Pakinggan Mo kami


Kasalanan ng sandaigdigan,

Kordero ng Diyos, na nakakawala ng mga Kaawaan Mo kami


Kasalanan ng santinakpan ng Langit,
LEADER: Ginawa siyang panginoon ng kanyang bahay
ALL: at tagapamahala ng lahat niyang mga pag-aari

LEADER: Ipanalangin mo kami mahal na Poong San Jose.


ALL:Nang kami ay maging dapat makinabang ng mga Pangako
ni Jesu-Kristong Panginoon
MANALANGIN TAYO
(ALL)
Panginoong Diyos, na sa isang tanging
dimasayod na pamamahala mo ay hinirang Mo
si San Jose na maging Esposo ng iyong Ina, ang
kabanal-banalang Birhen Maria, maawa ka’t
ipagkaloob mo sa amin na, yayamang siya’y
iginagalang naming Pintakasi dito sa lupa ay
siya rin namang bukod na kumalara sa amin sa
kaharian ng langit. Na nabubuhay ka’t
naghahari magpasawalang hanggan. Siya nawa
PANALANGIN
(ALL)

Sa Iyo po, maluwalhating San Jose,


nagsasakdal kami sa aming mga kapighatian;
at pagkahingi namin ng saklolo sa iyong
kabanal-banalang Esposa, idinadalangin din
namin ang iyong saklolo, taglay ang buong
pananalig. Alang-alang sa dalisay na pag-ibig
na ipinakita mo sa kalinis-linisang Birheng
Mariang Ina ng Diyos, at sa pagsintang Ama
na iniyakap Mo sa banal na Sanggol na si
Jesus
ay isinasamo namin sa Iyo ng lubos
na kapakumbabaan ng loob, na
ilingap Mo ang mata mong
maawain sa manang kinamtan ni
Jesu-Kristo ng kanyang mahalagang
Dugo, at ampunin Mo ang aming
mga kailangan ng Iyong tulong at
kapangyarihan.
O lubhang maingat na tagapagtangkilik ng
Mag-ina ni Jesus, ampunin mo ang hirang
na lipi ni Jesu-Kristo. Ilayo mo sa amin ang
tanang karungisan ng maling aral o
masamang ugali. O makapangyayari’t
maawaing Pintakasi, tulungan mo kami
buhat sa langit sa pakikilaban namin sa
demonyo, ipagtanggol mo ngayon ang
Santa Iglesia ng Diyos sa kalupitan at sa
mga silo ng kanyang mga kaaway at sa
dilang hilahil,
gaya ng pagtitiis mo nang unang araw
, sa mahal na Sanggol na si Jesus sa
panganib na kinalagyan ng kanyang
buhay at kupkupin mo naman kaming
lahat ng lagi mong saklolo, upang sa
pamamagitan ng iyong pag-aampon,
at tulad sa iyo ay matuto rin kaming
mabuhay at mamatay sa kabanalan at
makamtan namin ang kapalarang
walang hanggan sa Langit. Siya nawa.
: O San Jose, Ama sa turing ni Jesu-
LEADER

Kristo at tunay na Esposo ng Birheng


Maria,

ipanalangin mo kami at ang mga


ALL:

naghihingalo sa araw na ito.

You might also like