You are on page 1of 8

Diocese of Antipolo

Taon ni San Jose

ANG PAGTANGGAP AT PAGLULUKLOK SA IMAHEN NI SAN JOSE

PAGTANGGAP AT PAGLULUKLOK (nakatayo)

Kom: Magandang araw po sa lahat. Sa atin pong pagtitipon ngayon ay


gaganapin natin ang Pagtanggap at Pagluluklok sa imahen ni San
Jose kaugnay ng ating pagdiriwang ng Taon ni San Jose na
ipinahayag ni Papa Francisco.

Halina at tanggapin si San Jose sa ating piling. Magsitayo po ang


lahat.

Habang umaawit ang sambayanan, paprusisyong dadalhin ang


imahen ni San Jose mula sa pinto ng simbahan patungo sa dambana
kung saan ito iluluklok. Maaaring pumili ng ibang awit tungkol kay San
Jose.

PAGSAMO KAY SAN JOSE


(Fr. Manoling Francisco, S.J./Mark Reyes)

O San Jose, sa iyo kami lumalapit


sa aming paglalakbay sa ‘yo’y kumakapit.
O San Jose, sa iyo’y nanalangin
nang makamit namin biyayang hinihiling.

O San Jose, ikaw ay tunay na huwaran


ng pag-ibig, katapatan at kabanalan.
O San Jose, sa iyo nananalangin.
Ang samo namin sa iyo nawa'y dinggin.

Akayin mo kami, ang bayan mong nangangarap.


Gabayan mo po ang aming pagsisikap,
upang kaming lahat, maging karapat-dapat

1
kay Hesus, 'yong sinisintang Anak.

Pagsapit sa dambana ay iluluklok ang imahen ni San Jose.

Pari: Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.

Bayan: Amen.

Pari: Si San Jose ang huwaran ng maka-amang pag-ibig sa atin ng Diyos,


kaya lumapit tayo sa kanya – “Ite ad Ioseph” (cf. Genesis 44:55).

Bayan: “Siya ang lingkod na tapat, maaasahan sa lahat. Ang D’yos


sa kanya’y nag-atas na tumingin at lumingap sa mga giliw n’yang
anak” (Lucas 12:42).

Kom: Manatili po tayong nakatayo para sa pagpapahayag ng Mabuting


Balita.

PAGBASA (nakatayo)

Pari: Sumainyo ang Panginoon.

Bayan: At sumainyo rin.

Pari: Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo.


Mateo 1:18-25

Bayan: Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.

Pari: Ganito ang pagkapanganak kay Hesukristo. Si Maria na kanyang


ina at si Jose ay nakatakda nang pakasal. Ngunit bago sila ikasal, si
Maria’y natagpuang nagdadalang-tao. (Ito’y sa pamamagitan ng
Espiritu Santo.) Isang taong matuwid itong si Jose na kanyang
magiging asawa, ngunit ayaw niyang mapahiya si Maria, kaya
ipinasiya niyang hiwalayan ito nang lihim. Samantalang iniisip ni
Jose ito, napakita sa kanya sa panaginip ang isang anghel ng
Panginoon. Sabi nito sa kanya, “Jose, anak ni David, huwag kang
matakot na tuluyang pakasalan si Maria, sapagkat siya’y naglihi sa

2
pamamagitan ng Espiritu Santo. Manganganak siya ng isang lalaki
at ito’y panganganlan mong Hesus, sapagkat siya ang magliligtas
sa kanyang bayan sa kanilang mga kasalanan.

Nangyari ang lahat ng ito upang matupad ang sinabi ng


Panginoon sa pamamagitan ng propeta:

“Maglilihi ang isang dalaga at manganganak ng isang lalaki.


At tatawagin itong Emmanuel” (Ang kahuluga’y
“Kasama natin ang Diyos”).

Nang magising si Jose, sinunod niya ang utos ng anghel ng


Panginoon, pinakasalan niya si Maria. Ngunit hindi ginalaw ni Jose
si Maria hanggang sa maipanganak nito ang isang sanggol na lalaki
na pinanganlan nga niyang Hesus.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Bayan: Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.

Kom: Magsiupo po ang lahat.

PALIWANAG (nakaupo)

Makapagbibigay ng maikling paliwanag ang paring namumuno sa


pagdiriwang sa kanyang mga sariling salita o gamit ang sumusunod:

Pari: Ngayong isangdaan at limampung taon na ang lumipas matapos


na hirangin ang Patriarkang si San Jose bilang Patron ng
Simbahang laganap sa buong daigdig ni Beato Pio IX noong ika-8
ng Disyembre 1870, ninais ni Papa Francisco na ibahagi ang ilang
personal na pagninilay sa katangi-tanging larawang ito na
napakalapit sa ating sariling karanasan bilang tao. Ang kanyang
pagnanais na gawin ito ay lalo pang umigting nitong panahon ng
pandemya kung saan naranasan natin, sa gitna ng krisis, kung
paanong “ang mga buhay natin ay hinahabi at pinag-uugnay ng
mga ordinaryong tao – mga taong madalas makaligtaan, subalit sa
mga panahong ito ay tiyak na sumusulat sa ating kasaysayan.

3
Bawat isa sa atin ay makatutuklas kay San Jose – ang taong hindi
napapansin, isang payak at tahimik na presensiya sa araw-araw –
ng isang tagapamagitan, kaagapay at gabay sa panahon ng
pagsubok. Ipinapaalala sa atin ni San Jose na ang mga taong tila
nakatago o nasa mga anino ay maaaring magkaroon ng
natatanging papel sa kasaysayan ng kaligtasan. Karapat-dapat
nating kilalanin at pasalamatan silang lahat (Patris corde, 1h).

Sa taong ito ni San Jose, tuklasin natin ang kanyang mga katangian
bilang isang amang minamahal, malambing at mapagmahal,
masunurin, mapagtanggap, malikhain sa katapangan,
naghahanap-buhay, at nasa mga anino.

Ngayon ay parangalan natin si San Jose. Tumayo po tayong lahat.

PAGPAPARANGAL (nakatayo)

Habang umaawit ang sambayanan, iinsensuhan ng pari ang


imahen at wiwisikan ng Banal na Tubig.

MAPALAD NA JOSE (Awit kay San Jose de Baras)


(Komposisyon ni Rolly Layacan; areglo ni Alshamir Arripudin)

Mapalad na Jose, Patron naming mahal,


pinipintuho lagi ang iyong pangalan,
ang iyong kaluwalhatian at karangalan.
maliban kay Maria, wala nang uuna.

Mapalad na Jose, Patron naming mahal,


pinipintuho lagi ang iyong pangalan,
ang iyong kaluwalhatian at karangalan.
maliban kay Maria, wala nang uuna.

O Jose na mapalad at mapagkalinga,


sana ay alagaan ang Santa Iglesia,
ang lahat ng kaanib at namamahala,
kalingain mo sana sa tuwi-tuwina,
sa tuwi-tuwina.

4
Mapalad na Jose.

PAGTATALAGA KAY SAN JOSE (nakaluhod)

Pari: Ngayon ay dasalin natin ang Pagtatalaga kay San Jose. Lumuhod
po ang lahat.

Lahat:O Pinagpalang San Jose, inihahandog namin ang aming sarili sa


iyong karangalan. Iniaalay namin sa iyo ang buo naming sarili,
upang ikaw ang aming maging ama sa tuwina, aming tagakupkop
at patnubay sa landas ng kaligtasan. Ipagkamit mo para sa amin
ang lalong matibay na kalinisan ng puso, ang lalong maningas na
pagnanais sa kabanalan. Bilang pagsunod sa iyo, gagampanan
namin ang lahat naming gawain, alang-alang sa lalong ikararangal
ng Diyos, at sa pakikiisa sa Kamahal-mahalang Puso ni Hesus at
Kalinis-linisang Puso ni Maria. At ikaw, O Pinagpalang San Jose,
idalangin mo kami at nang kami’y makabahagi sa kapayapaan at
kaaliwan ng iyong magandang kamatayan. Amen.

LITANYA KAY SAN JOSE (nakaluhod)

Panginoon, kaawaan mo kami. *Uulitin ang bawat sambit.


Kristo, kaawaan mo kami.
Panginoon, kaawaan mo kami.
Kristo, pakinggan mo kami.
Kristo, pakapakinggan mo kami.

Diyos Ama sa langit, maawa ka sa amin.


Diyos Anak na tumubos sa sanlibutan…
Diyos Espiritu Santo…
Banal na Santatlo, Iisang Diyos…

Santa Maria, ipanalangin mo kami.

San Jose…
Bunying anak ng lipi ni David…
Ilaw ng mga Patriarka…

5
Kabiyak ng Ina ng Diyos…
Tagapagtanod ng Birhen…
Inaring ama ng Anak ng Diyos…
Matapat na tagapagtanod ni Kristo…
Púno ng banal na mag-anak…

Joseng malinis at matuwid…


Joseng mahinahon at magiting…
Joseng masunurin at tapat…
Huwaran ng pagtitiyaga…
Maibigin sa karukhaan…
Halimbawa ng mga manggagawa…
Tagapag-alaga ng mga birhen…
Haligi ng buhay mag-anak…
Aliw ng mga naliligalig…
Pag-asa ng mga may sakit…
Pintakasi ng mga naghihingalo…
Kinatatakutan ng mga masasamang espiritu…
Tagapagtanggol ng Simbahan…

Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,


maawa ka sa amin.
Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan…
Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan…

Nam: Siya ay ginawa ng Diyos na panginoon ng kanyang sambahayan.

Bayan: At ginawang katiwala sa lahat niyang ari-arian.

Nam: Dasalin natin ngayon ang Panalangin ni Papa Francisco kay San Jose.
Tumayo po
ang lahat.

Lahat:Aba, Tagapangalaga ng Tagapagligtas,


Kabiyak ng Mahal na Birheng Maria.
Sa iyo ipinagkatiwala ng Diyos
ang kaisa-isa niyang Anak;
sa iyo nagtiwala si Maria;

6
sa piling mo, si Kristo ay naging tao.

Maging ama ka rin sa amin,


Pinagpalang Jose,
at gabayan mo kami sa landas ng buhay.
Ihingi mo kami ng biyaya, awa at tapang,
at ipagtanggol kami sa lahat ng masama.
Amen.

PAGBABASBAS

Pari: Sumainyo ang Panginoon.

Bayan: At sumainyo rin.

Pari: Magsiyuko kayo samantalang iginagawad ang pagpapala.

Ama naming mapagpala,


makaisa nawa sa kagalakan ni San Jose sa kalangitan
ang iyong sambayanang nagdiwang sa kanyang karangalan
at ipahintulot mong sa iyong piling ay magkapisan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen.

Pari: At ang pagpapala ng makapangyarihang Diyos,


Ama at Anak + at Espiritu Santo
ay manaog nawa at mamalagi sa inyo
magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen.

Pari: Taglayin ninyo sa inyong pag-alis


ang kapayapaan ni Kristo.

Bayan: Salamat sa Diyos.

7
PRAYER OF CONSECRATION TO

ST. JOSEPH 
O Glorious Patriarch and Patron of the Church! O Virgin Spouse
of the Virgin Mother of God! O Guardian and Virginal Father of
the Word Incarnate! In the presence of Jesus and Mary, I choose
you this day to be my father, my guardian, and my protector. 
O great St. Joseph, whom God has made the Head of the Holy
Family, accept me, I beseech you, though utterly unworthy, to be a
member of your “Holy House.” Present me to your Immaculate
Spouse; ask her also to adopt me as her child. With her, pray that
I may constantly think of Jesus, and serve him faithfully to the end
of my life. O Terror of Demons, increase in me virtue, protect me
from the evil one, and help me not to offend God in any way.
O my Spiritual Father, I hereby consecrate myself to you. In
faithful imitation of Jesus and Mary, I place myself and all my
concerns under your care and protection. To you, after Jesus and
Mary, I consecrate my body and soul, with all their faculties, my
spiritual growth, my home, and all my affairs and undertakings. 
Forsake me not, but adopt me as a servant and child of the Holy
Family. Watch over me at all times, but especially at the hour of
my death. Console and strengthen me with the presence of Jesus
and Mary so that, with you, I may praise and adore the Holy
Trinity for all eternity. Amen.

You might also like