You are on page 1of 3

IKALAWANG KABANATA: PAGBABASBAS NG MGA GUSALI

AT IBA'T-IBA MGA GAWAIN

I. PAGBABASBAS NG BAGONG TAHANAN O GUSALI

A. PASIMULA

Pari: Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo,

Bayan: Amen.

Pari: Maghari nawa ang kapayapaan sa tahanang (gusaling) ito at sa


mga naninirahan(tutuloy) dito.

B. PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS

Pari: Mga kapatid, halina't makinig sa Banal na Salita ng Diyos nang


makintal sa ating puso at diwa ang aral na gabay ng mag-anak sa
kanilang buhay.

1. MABUTING BALITA
Lucas 10, 5-9

Ang kaligtasa'y dumating ngayon sa sambahayang ito.

+ Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Pagpasok ninyo sa alinmang bahay, sabihin muna ninyo, "Maghari nawa


ang kapayapaan sa bahay na ito! Kung maibigin sa kapayapaan ang
nakatira roon, sasakanila ang kapayapaan; ngunit kung hindi, hindi sila
magkakamit nito. Manatili kayo sa bahay na inyong tinutuluyan; kanin
ninyo at inumin ang anumang idulot nila sa inyo - sapagkat ang
manggagawa ay may karapatang tumanggap ng kanyang upa. Huwag
kayong magpapalipat-lipat ng bahay. Kapag tinanggap kayo sa alinmang
bayan, kanin ninyo ang anumang ihain sa inyo; pagalingin ninyo ang
mga maysakit doon, at sabihin sa bayan, 'Nalalapit na ang paghahari ng
Diyos sa inyo."

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Bayan: Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo,

2. PANGARAL

3. PANALANGING PANGKALAHATAN

Pari: Mga kapatid, halina't dumulog sa Ama na bukal ng buhay ng lahat


ng mga mag-anak at sambahayan.

Bayan: Sapagkat lubha kang maawain.

May-ari: Amang mapagmahal, loobin mong pamayanihan


ng tapat na pagmamahalan ang (gusaling ito) aming tahanan.
Iniluluhog namin: Tugon.

May-ari: Amang mapagkalinga, loobin mong maging bukas-palad


kaming lagi sa mga kapos-palad, dukha at sawi. Iniluluhog namin:
Tugon.

May-ari: Amang Maykapal, loobin mong maging masigasig kami


sa pagpapalaganap ng iyong paghahari. Iniluluhog namin: Tugon.

Pari: Aming Ama, sa iyong kagandahang-loob, ibinigay mo sa amin ang


iyong buhay at pagmamahal. Tangkilikin mo ang iyong
namimintuhong angkan, yamang ikaw ang pinagmumulan ng
kanilang mabuting pagsasamahan. Iniluluhog namin ito sa
pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen.
C. PAGGANAP SA PAGBABASBAS

Itataas ng pari ang kanyang mga kamay na waring


lumulukob sa tanan habang siyay dumadalangin:

Manahan ka, Panginoong Hesukristo, sa piling ng mga nagpapasinaya sa


bahay (gusali) na ito at humihiling ng pagbabasbas sa iyo upang sa
paglagi rito'y kanilang madama ang iyong pagkupkop, upang sa
paglabas dito'y kanilang makamit ang iyong pagtataguyod at upang sa
pagbalik dito'y kanilang mapaunlakan ang iyong pagpasok hanggang
tana'y sumapit sa iyong inihandang tahanan sa maligayang pagpisan sa
iyong Ama sa kalangitan, hari naming nabubuhay kasama ng Espiritu
Santo magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen.

D. PAGWIWISIK NG BANAL NA TUBIG

Pari: Ang banal na tubig nawang ito ay magpaalaala ng pakikiisa sa


kamataya't pagkabuhay ni Kristo sa sakramento ng binyag.

E. PAGWAWAKAS

Pari: Ang kapayapaang kaloob ni Kristo ay maghari nawa sa ating puso,


at ang salita ni Kristo ay manahang lubusan sa ating kalooban
upang anuman ang ating ganapin sa salita o gawa ay mangyaring
lahat sa ngalan ng Panginoon ngayon at magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen.

You might also like