You are on page 1of 10

PANALANGIN PARA SA KALULUWA SA

PURGATORYO

*Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo.

PAGSISISI
Panginoon kong Hesukristo, Diyos na totoo at tao anming totoo.Gumawa at
sumakop sa akin, pinagsisihan kong masakit sa tanang loob ko sa ang dilang
pagkakasal;a ko sa iy, na ikaw ang Diyos ko, Panginoon ko at Ama na iniibig
kong higit sa lahat . Nagtitika akong matibay na matibay na di muling
magkakasala sa iyo, at nagtitika naman akong magkukumpisal ng dilang
kasalaanan ko. Umaasa akong patatawarin mo rin alang alang sa iyong mahal
na Pasyon at pagkamatay mo sa Krus dahilan sa akin.

Sagot: Siya Nawa.

PANALANGIN
Buksan mo Panginoon ko,ang mga labi namain, palusugin ang aming mga loob,
at pakalinisin sa mg awalang kapakanang mahalay at likong akala, liwanagin mo
an gaming bait, papagningasin mo an gaming puso ng magunam guanm naming
mataimtimang kamahalmahalan mong pinagdaananag hira at kamatayan
sampu ng kapait paitang dinaralita ng iyong marangal na ina, at maging dapat
kaming dinggin sa harapan ng iyong di matingkalang kapangyarihan, na
nabubuhay ka at naghahari magpasawalang hanggan.

Sagot: Siya Nawa.


AMA NAMIN
Ama namin sumasalangit ka, Sambahain ang ngalan mo. Mapasaamin ang
kaharian mo, sundin ang loob mo. Dito sa lupa para nang sa langit.

Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa raw araw , At patawarin mo ang


aming mga sala. Para nang pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin. At
huwag mo kaming ipahintulot sa tukso at iadya mo kami sa lahat ng masama.
AMEN

** Lubhang maawaing Hesus ko, lingapin mo ng iyong matang maamo ang mga
kaluluwa ng mga bininyagang nangamatay , lalo na ang kaluluwa ni
__________,Nang dahil sa iyo ay nagpakasakit ka at namatay sa krus.

Sagot: Siya Nawa.

1. O Hesus ko, alang-alang sa masaganang dugo na ipinawis nang


manalangin ka sa halamanan.
SAGOT: Kaawan mo’t patawarin ang kaluluwa ni
_______________________

2. O Hesus ko, alang-alang sa tampal na tinanggap ng iyong kagalang galang


na mukha.
SAGOT: Kaawan mo’t patawarin ang kaluluwa ni
_______________________

3. O Hesus ko, Alang – alang sa masakit na hampas na iyong tiniis.


SAGOT: Kaawan mo’t patawarin ang kaluluwa ni
_______________________

4. O Hesus ko, alang- alang sa koronang tinik na nagsitimo sa


kasantusantuhang mong ulo.
SAGOT: Kaawan mo’t patawarin ang kaluluwa ni
______________________
5. O Hesus ko, alang –alang sa paglakad mo sa lansangan ng kapaitan, na
anag krus ay iyong pasan pasan.
SAGOT: Kaawan mo’t patawarin ang kaluluwa ni
_______________________

6. O Hesus ko, alang –alang sa kasantu- santuhang mong mukha na naliligo


sa dugo at iyong binayaang malarawan sa birang ni Veronica.
SAGOT: Kaawan mo’t patawarin ang kaluluwa ni
_______________________

7. O Hesus ko, alang-alang sa damit mong natigmak ng dugo na biglang


pinaknit at hinubad sa iyong katawan niyong mga tampalasan.
SAGOT: Kaawan mo’t patawarin ang kaluluwa ni
______________________

8. O Hesus ko, alang-alang sa kasantu-santusan katawan na napako sa krus.


SAGOT: Kaawan mo’t patawarin ang kaluluwa ni
_______________________

9. O Hesus ko,alang-alang sa kasantu-santusan mong mga paa at kamay na


pinakuan ng mga pakong ipinagdalita mong masakit.
SAGOT: Kaawan mo’t patawarin ang kaluluwa ni
_______________________

10. O Hesus ko, alang-alang sa tagiliran mong nabuksan sa saksak ng isang


matalim na sibat at binukalan ng dugo at tubig.
SAGOT: Kaawan mo’t patawarin ang kaluluwa ni
_______________________

N. Kapayapaan kailanman ang igawad ng Poong Maykapal sa yumaong ating


mahal.
L. Sya nawa ay silayan ng ilaw na walang hanggan.
Sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa. Amen
PAGHAHAIN
Katamis-tamisang Hesus ko, na sa pagsakop mo sa sangkatauhan ay inibig
mong ikaw ay ipinanganak: tumulo ang iyong mahalagang dugo sa pagsususgat ;
inalispusta ng mga Hudyo, napasakamay niyong mga tamapalasan sa paghalik ni
Hudas; iginapos ng lubid; dinala sa pagpaparipahan sa iyo, tulad sa korderong
walang sala; iniharap kay Anas,Cayfas Pilato at kay Herodes; niluran,
pinaratangan at pinatotohanan ng mga saksing sinungaling , tinampal naging
alimura; natadtad ng sugat ang buo mong katawan sa hampas ng suplina;
pinutungan ng koronang tinik; natakpan ang iyong mukha ng isang purpura, sa
isang pagkahubong kahiya hiya ay napako sa krus at natindig sa kaniya,
napagitna sa dalawang magnanakaw na parang isa kanila ; pinainom ng apdong
nilahukan ng suka at ang iyong tagiliran ay silain ng isang sibat . Hanguin mo na
Panginoon ko, alang-alang doon sa madlang sakit na lubhang mapait para
dalitaan mo, ang kaluluwa ni ____________________ sa pagdurusa niya. Iakyat
mo siya ng matiwasay sa iyong kaluwalhatian at iligtas mo siya, alang-alang sa
mga karapatan ng iyong kasantu-santusang pagpapakasakit, at sa pagkamatay
sa krus, sa mga hirap sa impiyerno, nang siya ay maging dapat pumasok sa
payapang kaharian, na iyong pinagdalahan sa mapalad na magnanakaw na
nakasama sa iyong maripa sa krus, nabubuhay ka ga at naghahari sa kasamahan
ng Diyos Ama, at Diyos Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen

LITANYA SA MAHAL NA BIRHEN


N. Christi Eleison
S. Christi Eleison
N. Kyrie Eleison
S. Kyrie Eleison
N. Christi Eleison
S. Christi Eleison
N. Kristo pakinggan mo kami
S. Kristo pakinggan mo kami
N. Kristo paka pakinggan mo kami
S. Kristo paka [akinggan mo kami
N. Diyos Ama ng langit.
S. Maawa ka sa kanya.
N. Diyos Anak na tumubos sa sanlibutan.
S. Maawa ka sa kanya.
N. Diyos Espiritu Santo.
S. Maawa ka sa kanya.
N. Sta. Trinidad na tatlong persona sa iisang Diyos.
S. Maawa ka sa kanya.

VS. Santa Maria.........................................*Ipanalangin mo siya


Sanatang Ina ng Diyos
Santang Birhen ng mga Birhen
Ina ni Kristo...*
Ina ng grasya ng Diyos...*
Inang kasakdal-sakdalan...*
Inang kalinis-linisan...*
Inang walang bahid dungis...*
Inang pinaglihing walang kasalanan...*
Inang kaibig-ibig...*
Ina ng laging Saklolo...*
Inang kataka-taka...*
Ina ng mabuting kahatulan...*
Ina ng may gawa sa lahat...*
Ina ng mananakop...*
Ina ng banal na Iglesia...*
Birheng kapaham-pahaman...8
Birheng dapat ipagbantog...*
Birheng makapangyayari...*
Birheng Maawain...*
Birheng matibay na loob sa magaling...*
Salamin ng katwiran...*
Luklukan ng karunungan...*
Mula sa tuwa naming...*
Sisidlan ng kabanalan...*
Sisidlan ng bunyi at bantog...*
Sisisdlang bukod na mahal na loob na makusaing sumunod sa Panginoong Diyos.
Rosang bulaklak na di mapuspos ng bait ng tao ang halaga...*
Tore ni David...*
Toreng Garing...*
Bahay na Ginto...*
Pinto ng Langit...*
Kaban ng Tipan...*
Talang Maliwanag...*
Mapagpagaling sa mga maysakit...*
Sakdalan ng mga maksalanan...*
Mapang-aliw sa mga nagdadalamhati...*
Mapag-ampon sa mga kristiyano...*
Reyna ng mga Angheles...*
Reyna ng mga Patriarkas...*
Reyna mg mga Propetas...*
Reyna ng mga Aposrtol...*
Reyna ng mga Martir...*
Reyna ng mga Kompesor...*
Reyna ng mga Birhenes...*
Reyna ng mga Santo...*
Reynang ipinaglihi na di-nagmana sa salang orihinal...*
Reynang iniakyat sa Langit...*
Reyna ng kasantu-santuhang Rosaryo...*
Reyna ng Kapayapaan...*

Kordero ng Diyos na nakawawala ng kasalanan ng sanlibutan...


Patawarin mo siya,Panginoon anmin!
Kordero ng Diyos na nakawawala ng kasalanan ng sandaigdigan...
Pakapakinggan mo siya, Panginoon namin!
Kordero ng Diyos na nakawawala ng kasalanan ng santinakpang langit...
Kaawaan mo siya, Panginoon namin!

Sa ilalim ng iyong pagkakandili , O Santang Ina ng Diyos kami ay lumililong,


huwag mong talikdan ang aming pag-aamo-amo kung di- dinadatnan ng
kasalanan, bagkus iyong iadya kami sa dilang panganib, Birheng Mahal at
maluwalhati.

N. Ipanalangin mo siya , O Santang Ina Diyos


S. Nang siya’y Maging dapat makinabang ng mga pangako ni Hesukristong
Panginoon.
Panginoon naming, dinggin mong malugod ang aming pag-aamo-amo,
at dumating nawa sa iyo tainga ang aming pagdaing.(3x)

PANALANGIN
Ipinagtatagubilin namin sa iyo, Panginoon namin, ang mga kaluluwa sa
purgatoryo, lalo na ang kaluluwa ni _______________________________ na sa
pagkapanaw nila dito sa mundo, mangyaring iyong ipatawad ang kanilang mga
kasalanang nagawa noong sila ay nabubuhay pa, magparating man saan. Siya
Nawa

ABA PO SANTA MARIA


Aba po Santa Maria Reyna ng Awa, ikaw nga ang kabuhayan at katamisan. Ay
aba pinapanaligan ka namin, ikaw nga po ang tinatawag namin pinapanaw na
taong anak ni Eba, ikaw rin ang pinagbubuntong hininga naming sa aming
pagtangis dini sa lupang bayang kahapis-hapis, Ay aba pintakasi ka nmin ilingon
mo sa amin ang iyong matang maawain at saka kung matapos yaring pagpanaw
sa amin ay ipakita mo po sa amin, ang iyong anak na si Hesus. Santa Maria, Ina
ng Diyos, maawain maalam at matamis na bIrhen.

N. Ipanalangin mo siya, O Santang Ina ng Diyos.


S. Nang siya ay maging dapat makinabang ng mga pangako ni Hesukristong
Panginoon namin. Amen

BENDITO Y ALABADO
( Bendito y alabado sea El Santisimo Sacramento del Altar,Y la Inamaculada
Concepcionde Maria Santisima, Madre de Dios y Senora Nuestra ,concebida sin
Pecado original en el primer instante de su ser, Amen.)

Purihin at Ipagdangal ang kasantu-santusang Santisimo Sakramento sa Altar at


ang kalinis-linisang paglilihi ni Ginoong Santa Mariang Birhen, Ina ng Diyos na
Panginoon nating lahat , na di nagmana ng kasalanang orihinal sa mulat mula,
ngayon at magpasawalang hanggan. Siya Nawa

N. Kapayapaan Kailanman ang igawad ng Poong maykapal sa yumaong ating


mahal.
L. Siya nawa ay silayan ng ilaw na walang hanggan. Sumalangit nawa ang
kanyang kaluluwa. Amen

N. Ave Maria Purisma sin pecado concebida Viva Hesus Maria


N. Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen

KAILAN PA MAN
Kailan pa man ay di ka lilimutin
Alam mo namang minamahal ka naming
Sa araw at gabi lagi naming dalangin
Na pagpalain ka katulad ng anghel

KORO
Kung dangan ay wala kaming kapangyarihan
Na ang paglisan m’ aming mahadlangan
Nasan ka man ngayon, dito sa aming piling
Kasama – sama ka sa diwa at damadamin

REFRAIN
Sa dulo ng landas na aming tatahakin
Maging sa ala-alay lagi kang hahanapin
Repeat KORO

MAHAL NA PUSO NI HESUS


Mahal na puso ni Hesus
Kami ay yong kupkupin
At akitin ang puso namin
Nang grasya moy kamtin
KORO
O Kristoy dinggin, aming panalangin
Laging angkinin ang puso namin
Banal na templo’t tahanan, dito’y kalangitan
Aliw naming’t kayamanan ang tangi mong laan
KORO
Mga puso’ ipiniid, ala- alay said
Ang sala ng tao’y hatid, sugat sa’yong gilid.
repeat Koro

BUHAY BATBAT MAN NG PASAKIT


Buhay batbat man ng pasakit
May kulay ang silahis ng pag-ibig
Tunay makamtam mo man ang langit
Di karin nasisiyahan kung wala ng pagmamahal kaakibat ng dibdib.
KORO
Anong mapapala ng tao sa lupa
Di tulad sa kabila, kapiling ang lumikha
Hanapin natin kayamanang mapayapa
Buhay ni Hesus na mananakop ang halimbawa

Langit kayamanang di malirip


Ligaya tuwang walang kahulilip
Sining na di makatkat ng isip
Sa mundo’y di makamit ang gintong pagmamahal
Kayamanan ng dibdib
Repeat KORO
Biyaya pagpapalang masagana
Kaloob ng masintahing Bathala
Langit,tugatog na ninasa ng lahat ng nilikha
Kaluluwang nagmamahal, Diyos ang tanging adhika
Repeat KORO

SAYO LAMANG
Puso koy binihag mo, sa tamis ng pagsuyo
Tanggapin yaring alay, ako’y iyo habang buhay
Aanhin pa ang kayamanan, luha at karangalan
Kung ika’y mapasakin,lahat na nga ay kakamtin
KORO

Sayo lamang ang puso ko


Sayo lamang ang buhay ko
Kalinisan,pagdaralita,pagtatalima sa aking sumpa
Tangan kong kalooban, sa;yoy inilaan
Dahil sa atas ng pagsuyo tumalima lamang sayo
KORO

SINO AKO
Hiram sa Diyos ang ating buhay
Ikaw at ako’y tanging handog lamang
Di ko ninanis na ako isilang
Ngunit salamat dahil may buhay

Ligaya ko nang ako’y isilang


Pagkat tao ay mayroong dangal
Sinong may pag-ibig, sinong nagmamahal
Kundi ang taong Diyos ang pinagmulan

Kundi ako umibig


Kundi ko man bigyang halaga
Ang buhay kong handog
Ang buhay kong hiram sa Diyos
Kundi ako nagmamahal, Sino ako?

You might also like