Professional Documents
Culture Documents
Panginoon kong Jesukristo, Diyos na totoo at tao namang totoo, gumawat sumakop sa akin,
pinagsisihan kong masakit na masakit sa tanang loob ko ang dilang pagkakasala ko sa iyo, ikaw nga ang
Diyos ko, Panginoon kot Ama ko, iniibig kong lalo sa lahat, nagtitika akong matibay na matibay na di na
muling magkakasala, nagtitika naman akong magkukumppisal ng lahat ng mga kasalanan ko, umaasa
akong patatawarin mo rin alang-alang sa Iyong Mahal na Pasyon at pagkamatay mo sa krus dahilan sa
akin. Siya Nawa.
Buksan mo, Panginoon ang aming mga albi, pakasulungin ang aming loob, pakalinisin sa walang
kapakanan ang mahahalay at likong alaala. Liwanagin mo ang aming puso nang magunam-gunam
naming mataimtim ang kamahal mahalang hirap at kamatayan, sampu ng kapait-paitang dinalita ng
Iyong marangal na Ina na aming dapat dinggin sa di matingkalang kapangyarihan na nabubuhay at
naghahari kasama ng Espiritu Santo magpasawalang Hanggan. Siya Nawa.
(5x) Lubhang maawaing Jesus ko lingapin mo ng mga mata mong maawain ang kaluluwa ni
________________ na dahilan sa kanya ay nagpakasakit at namatay ka sa krus. Siya Nawa.
6. Jesus ko, alang-alang sa kasantu-santusan mong mukha na binayaan mong malarawan sa birang
ni Veronica, ________________.
7. Jesus ko, alang-alang sa damit mong natigmak ng dugo na biglang pinaknit at hinubad sa iyong
katawan niyong tampalasan, ________________.
8. Jesus ko, alang-alang sa kasantu-santusan mong katawan na napako sa krus,
________________.
9. Jesus ko, alang-alang sa kasantu-santusan mong mga paa at kamay na pinakuan ng mga pakong
pinagdalita mong masakit, ________________.
10. Jesus ko, alang-alang sa tagiliran mong nabuksan sa saksak ng isang matalim na sibat na
binukalan ng dugo at tubig, ________________.
PAGHAHAIN
Katamis-tamisang Jesus, nasa pagsakop sa sangjkatauhan ay inibig mong ikaw ay ipanganak, tumulo ang
iyong nahalagang dugo sa pagtutuli, alipusta ng mga Hudyo, napasakamay niyang mga tampalasan sa
paghalik ni Hudas, ginapos ng mga lubid, dinala sa pagpaparipahan sa iyo, tulad sa korderong walang
sala, iniharap kay Anas, kay Caipas, kay Pilato at kay Hirodes, niluran at pinaratangan at pinatutuhanan
ng mga saksing sinungaling, tinampal, naging alimura, natdtad ng sugat ang buo mong katawan sa
hampas ng suplina, pinutungan ng koronang tinik, natakpan ang iyong mukha nng isang purpura sa
pagpapalibhasa sa iyo, nalagay sa isang pagka-buhong kahiya-hiya, napako sa krus at natindig sa kanya,
napagitna sa dalawang magnanakaw na para sa krus at natindig sa kanya, napagitna sa dalawang
magnanakaw na para sa kanila ay pinainom ng apdong nilahukan ng suka at ang iyong tagiliran ay silain
ng sibat. Hanguin mo na Panginoon ko alang-alang doon sa madlang sakit na lubhang mapait para
dalitain mo ang kaluluwa ni ________________. Sa pagdurusa niyay iakyat mo na matiwasay sa iyong
kaluwalhatian at iligtas mo siya alang-alang sa iyong kasantu-santusang pagpapakasakit at pagkamatay
sa krus sa mga hirap ng impyerno ng kamiy dapat pumasok, sa payapang kaharian na iyong pinagdalhan
3
Panalangin Para sa Kaluluwa
Sa iyong pagkakandili, O santang ina ng Diyos, kami ay lumililom na wag mong talikdan ang aming pag-
aamu-amo kung dinaratnan ng kasalatan bagkus aiadya mo kami Birheng Maluwalhati.
***Ipanalangin mo siya santang Ina ng Diyos
***Nang siyas maging dapat makinabang sa mga pangako ni Jesukristong Panginoon.
Pinagta-tagubilin namin sa iyo Panginoon ang kaluluwa ni ________________, pumanaw dito sa ibabaw
ng lupa, mangyaring ipagpatawad mo sa kanya alang-alang sa walang katapusang mong awa, ang mga
kasalanang ginawa niya noong siyay nabubuhay pa magparating man, magpasawalang-hanggan. Siya
Nawa.
Aba pos anta Mariang Reyna, Ina ng Awa, ikaw ang kabuhayat tinamisan; pinanaligan ka namin. Ikaw
nga po ang tinatawag namin, pinapanaw na taong anak ni Eba. Ikaw rin ang pinagbuntungang-hininga
namin sa aming pagtangis dini sa lupang baying kahapis-hapis. Ay Aba, pintakasi ka namin, ilingon mo sa
amin ang mga mata mong maawain at saka kung matapos yaring pagpanaw, ipakita mo sa amin ang
inyong anak na si Jesus, O magiliw, maawain, matamis na Birheng Maria.
Nang siyay maging dapat makinabang sa mga pangako ni jesukristong Panginoon. Amen
Ama Namin (3x)
Aba ginoong Maria (3x)
6
Panalangin Para sa Kaluluwa
Panginoon kong Diyos, itong dinasal naming 3 Ama Namin. 3 Aba Ginoong Maria, at 3 Requiem
aeternam ay iniaalay namin sa kaluluwa ni ________________, na kung bagamat mayroong hindi na
napagsisihang kasalanan dito sa lupa, noong siya ay nabubuhay pa, ay kaawaan Mo at patawarin,
papagkamtin, mapagsa-walang hanggan. Amen.
Jesus na panginoon ko, kasantu-santusan mong pagkamatay sa krus ay siya mong ipagkaloob sa
kaluluwa niya (3x)
7
Panalangin Para sa Kaluluwa
Miseracordia po Senor, ang galit mo poy ipagpalubay, hustisya ng kabagsikan, jesus na katamis-
tamisan, mariang kabanal-banalan, ang kaluluwa ni ________________ inyong kaawaan. (3x)
Kalinisan mo poy purihin, sambahing walang tigil buong Diyos ay naaliw na walang kahambing. O,
Dakilang Prinsesa, O, mahal na Birheng Maria, iniaalay pusot kaluluwa, ligapin mo kamit
kahabagan, Inay huwag mo kaming pababayaan hanggang sa oras ng aming kamatayan. Patawad
mo poy aming kamtan magpasawalang-hanggan. Amen.
OREMUS
MANALANGIN TAYO
Panginoon naming Diyos, kami poy nagpapasalamat sa walang hanggan Mong sa aming makasalanan.
Ipinagpapasalamat namin sa Iyo ang mahal mong bugtong na Anak na ipinagkaloob Mo sa aming lahat
na dinalita ng mga kabanalan ng Mahal na Birheng Maria.
Ipinagkaloob Mo sa amin ang Iyong Mahal na grasya sito sa lupa at kaluwalhatian sa langit alang-alang
kay Jesukristong Anak Mo at Panginoon naming lahat na nabubuhay at naghahari kaisa ng Espiritu santo
magpasawalang hanggan. Amen.
Bendito alabado, sea santisimo sacramento del altar de lalimpia, Imaculada Concepcion, de la Virgen
Maria de Dios Senora Nuestra Concivida, Semancha de Pecado, Original el primer estante, dececer
natural por siempre amass. Amen.