You are on page 1of 5

Pagsisiyam sa Mahal na Birhen ng Fatima

Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen. (Nakatayo)

Pagsisisi

Panginoon kong Hesukristo, Diyos na totoo at tao namang totoo, gumawa at


sumakop sa akin, pinagsisihan kong masakit sa tanang loob ko ang dilang pagkakasala ko
sa Iyo. Ikaw nga ang Diyos ko, Panginoon ko at Ama ko, na iniibig ko nang higit sa lahat.
Nagtitika akong matibay na di na muling magkakasala sa Iyo, at nagtitika
naman akong magkukumpisal ng dilang kasalanan ko.
Umaasa akong patatawarin Mo rin alang-alang sa iyong mahal na pasyon at
pagkamatay sa krus dahilan sa akin. Amen.

Paghahandog sa Araw-Araw
Oh, kabanal-banalang Birhen! Yayamang buhat sa kabundukan ng Fatima, kayo ay
nagpakita sa tatlong batang pastol na walang malay at nagpahayag na, upang kamtan ang
kaluwalhatian ng Langit, ay kailangang magdasal ng Santo Rosario, kami’y dumudulog
ngayon sa inyong sanghaya, lakip ang kahilingan na papag-alabin an gaming mga puso sa
pag-ibig sa Diyos kay Hesus at sa inyo, Birheng Ina ng Awa; gayundin sa pamamagitan
ninyo, kami’y bigyan ng Diyos ng lakas na mailalaban sa dilang tukso at kasamaan sa
mundong ito ng dusa at hinagpis; tigas ng loob upang huwag suminsay sa katuwiran,
matibay na panata upang matutong magtiis ng lahat ng hirap kung kailangan, sa hangad
na huwag madungisan an gaming karangalan; at sa ganitong paraan ay magkaroon ng
katarungan at kapayapaan na dapat maghari sa buong daigdig. Nawa’y lumaganap sa
habang panahon ang mga banal na aral ni Hesukristong Panginoon namin. Siya nawa.

Pananalig Sa Araw-araw
Oh, kalinislinisang Birhen! Nananalig kami na kayo ay tunay na Ina ni Hesus; na kayo ay
salamin ng kalinisan at kabanalan; na kayo ay larawan ng pagtitiis at madlang awa; na
kayo ay nagtataglay ng lahat ng iyan ay pinatunayan sa pagbati sa inyo ng Anghel,
sapagkakatawang-tao ng iyong anak na si Hesus, na kanyang pagkawala at pakikipagtalo
sa mga pantas sa Templo, sa kanyang dinanas na mga hirap at pagpapasan ng Krus
hanggang sa Kalbaryo, sa pagpapako sa kanya sa nasabing Krus hanggang sa siya’y
mamatay roon; sa kanyang pagkabuhay na mag-uli, at sa inyong pag-akyat sa Langit. Sa
pananalig naming ito, kami’y pagkalooban sana ng mga biyayang hinihiling sa pagsisiyam
na ito kung marapat baga sa kaluwalhatian ng Diyos at ikakagaling ng aming mga
kaluluwa. Siya nawa.

Panalangin sa Unang Araw (Nakaluhod)


Oh, kalinis-linisang Puso ni Maria, pinakamaawaing Ina, Mahal na Birhen ng Fatima!
Pukawin po ninyo ang aming kalooban upang magsisi sa mabigat na kasalanang
pumapataw sa kaluluwa ng tao. Buong pagdaramdam namin ginugunita ang malupit na
parusang iginawad sa inyong banal na Anak nang siya’y walang tutong pianghahampas sa
haliging bato at saka pinutungan ng koronang tinik. Ginugunita rin namin ang kanyang
kahabag-habag na paglalakbay sa bundok ng Kalbaryo, ang pagpapako sa kanya at ang
kanyang kahiya-hiyang pagkamatay sa Krus. Mahal na Birhen sa Fatima, pag-alabin po
ninyo ang aming mga puso sa pagsisisi ng mga kasalanan namin upang kami’y maging
dapat sa mga pangako ni Hesukristong Panginoon. Siya nawa.
(Banggitin ang pansariling kahilingan. Magdarasal ng Isang Ama Namin, Aba Ginoong
Maria, at Luwalhati)

Panalangin sa Ikalawang Araw (Nakaluhod)


Oh, kalinis-linisang Puso ni Maria, Reyna ng kabanal-banalang Santo Rosario, Mahal na
Birhen ng Fatima! Turuan ninyo kaming ibigin ang maliliit na butil ng kuwintas ng
pagdarasal upang sa araw-araw kami’y hindi makalimot sa pagdalangin sa Diyos at
maalaala namin tuwina ang aming mga tungkulin bilang mga tapat na alagad ni
Hesukristo. Sa pagsubok paghihirap at pagtitiis namin sa larangan ng buhay, nawa’y
loobin ninyo na ang aming pagdarasal ay maging mula sa aliw ng inyong mga anak na
katulad namin, na nananalig sa inyo; na ang inyong hawak na Santo Rosario ay magbigay
lakas sa aming kahinaan, kapayapaan sa mga sandali ng pagdurusa, ng liwanag sa oras ng
pag-aalinlangan, ng tapang sa harap ng mga tukso at maging tanging pang-aliw nga
namin habang nabubuhay sa lupa. Sa kabiguan o tagumpay, ay ibig naming mamalagi sa
kalinga ng Santo Rosario. Mahal na Birhen ng Fatima pag-alabin mo ninyo ang mga puso
sa pagsisisi ng mga kasalanan namin upang kami’y maging dapat sa mga pangako ni
Hesukristong Panginoon namin. Siya nawa.
(Banggitin ang pansariling kahilingan. Magdarasal ng Isang Ama Namin, Aba Ginoong
Maria, at Luwalhati)

Panalangin sa Ikatlong Araw (Nakaluhod)


Oh, kalinis-linisang Puso ni Maria, Ina ni Hesus, Mahal na Birhen sa Fatima! Hinahangad
namin ang madaling pagkatupad ng inyong pangako nang kayo’y pakitang nakatayo sa
ulap sa ibabaw ng isang munting punongkahoy sa lupain ng Fatima. Alam namin na wala
kayong marubdob na nasa kundi ang magkaroon ng kapayapaan sa mundo, sapagkat
nasaksihan ninyo ang mga kapahamakan at sakuna sa mga buhay na nakitil at pag-aaring
naaksaya sa mga digmaang nakaraan. Ito’y magagawa lamang sa pamamagitan ng
pagsisisi ng dilang kasalanan sa inyong kalinis-linisang Puso, alinsunod sa inyong
Pamahayag. Isinasamo namin sa inyo oh, Birhen sa Fatima! Na sa bias ng inyong
pakikialam an gaming mga dalangin at halimabawa ay makapagturo sa daigdig ng
landasing tungo sa tunay na kapayapaan na hindi maaaring ibigay sa sarili ng daigdig na
ito. Iniluluhog namin bayan, pasiglahin kami at an gaming patnubay na tanggapin,
unawain at palaganapin ang inyong maluwalhating Pamahayag Fatima, at sa gayo’y
malipol ang kasamaan ng tao, gawa ng pagkalimot sa Diyos at pagsamba sa salapi. Mahal
na Birhen sa Fatima, pag-alabin po ninyo ang aming mga puso sa pagsisisi ng mga
kasalanan namin upang kami’y maging dapat sa mga panagko ni Hesukristong
Panginoon. Siya nawa.
(Banggitin ang pansariling kahilingan. Magdarasal ng Isang Ama Namin, Aba Ginoong
Maria, at Luwalhati)
Panalangin sa Ikaapat na Araw (Nakaluhod)
Oh, kalinis-linisang Puso ni Maria, pinakamaawaing Ina, Mahal na Birhen ng Fatima!
Inilalapit namin sa iyo ang kalagayan ng kaawa-awang mga kaluluwang nagdurusa sa
purgatory, lalung-lalu na yaong mga lubos na napapabayaan. Ipinamamanhik namin ang
pagbabawas ng parusa sa kanilang mga kasalananat ang paggagawad sa kanila ng
ginhawa, ayon sa inyong Pamahayag sa Fatima. Dahil dito, pahintulutan ninyo ang
pagtanggap sa abang dalangin at pagpapaksakit namin bilang kabayaran sa parusang
nauukol sa kanila. Hangad namin na sa pamamagitan ng inyong banal na Anak at ng
inyong sariling mga katangian, ay dinggin nawa ng Diyos an gaming mga dalangin sa
kapakinabangan ng mga kaluluwa sa purgatory at dalhin sila sa kanyang kahairan upang
doo’y ibigin at paglingkuran Siya magpasawalang-hanggan. Mahal na Birhen sa Fatima,
pag-alabin po ninyo ang mga puso sa pagsisisi ng mga kasalanan namin upang kami’y
maging dapat sa mga pangako ni Hesukristong Panginoon. Siya nawa.
(Banggitin ang pansariling kahilingan. Magdarasal ng Isang Ama Namin, Aba Ginoong
Maria, at Luwalhati)

Panalangin sa Ikalimang Araw (Nakaluhod)


Oh, kalinis-linisang Puso ni Maria, makapangyariahang Ina ni Hesus, mahal na Birhen ng
Fatima! Natatalos namin na ang pangitain ng kakilakilabot na apoy sa impiyerno na
ipinamalas ninyo sat along batang pastol sa talampas sa lupain ng Fatima, ay sadyang
iniuukol sa amin. Iligtas ninyo kami sa anumang hatol na maggawad ng gayong parusa.
Pagkalooban ninyo kami ng matibay na pananampalataya sa pagpapakilala sa amin na
ang kasamaan ng pagkakasala ay pagbabayaran ng parusang walang katapusan.
Naniniwala kami sa katarungang walang hanggan ng isang tunay na Diyos at sa pag-ibig
na walang hanggan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo. Iniluluhog naminsa inyo na,
sa pamamagitan ninyo kami’y bigyan ng mga biyaya upang makapagtaguyod ng isang
buhay na karapatdapat sa daigdig, sa gayo’y tamasahin ang gantimpala ng kaligayahang
walang maliw sa kaharian ng inyong banal na Anak na si Hesus. Mahal na Birhen sa
Fatima, pag-alabin po ninyo ang aming mga puso sa pagsisisi ng mga kasalanan namin
upang kami’y maging dapat sa mga pangako ni Hesukristong Panginoon. Siya nawa.
(Banggitin ang pansariling kahilingan. Magdarasal ng Isang Ama Namin, Aba Ginoong
Maria, at Luwalhati)

Panalangin sa Ikaanim Araw (Nakaluhod)


Oh, kalinis-linisang Puso ni Maria, takbuhan ng mga makasalanan Mahal na Birhen ng
Fatima! Mahabag kayo sa mga taong nahihilig sa mga pang-akit ng karumihan. Bigyan
ninyo kami ng lakas upang daigin ang aming mga kahinaan, at tapang sa pakikilaban sa
pagkakasala. Batid naming hangad ninyo na aming muli’t muling pagtibayin ang aming
pangako tungkol sa banal na kalinisan. Nangangako kami, na sa inyong tulong kami’y
magiging matatag sa aming layunin na makapaglingkod sa inyo nang buong dalisay.
Magsisikap kaming maging malinis sa pag-iisip, sa pagsasalita, sa gawa, sa pag-uugali at
sa kabuhayan. Mahal na birhen ng Fatima, pag-alabin po ninyo an gaming mga puso sa
pagsisisi ng mga kasalanan namin upang kami’y maging dapat sa pangako ni
Hesukristong Panginoon. Siya nawa.
(Banggitin ang pansariling kahilingan. Magdarasal ng Isang Ama Namin, Aba Ginoong
Maria, at Luwalhati)

Panalangin sa Ikapitong Araw (Nakaluhod)


Oh, kalinis-linisang Puso ni Maria, Takbuhan ng mga makasalanan sa Mahal na Birhen
ng Fatima! Kami’y lumalapit sa inyo, sapagkat talos naming, nagtataglay ng pusong
mahabagin, kaya siya naming timbulan sa buhay.
Kami’y madalas na magkasala, aming inaamin, at ito’y aming ikinalulungkot at
ikinahihiya; ngunit ang lahat ng iyan ay aming pinagsisihan at nangangako kami na hindi
na muling magkakasala. Sa panatang ito, kami’y inyong tulungan sa pagpapatawad sa
amin ng aming mga kasalanan; ituro ninyo sa amin ang matuwid na landas na
maghahatid sa amin sa banal na Puso ng inyong Anak na si Jesus. Huwag nga ninyong
ipagkait sa amin ang inyong mahalagang tulong, mahal na Birhen. Nananalig kami na, sa
inyong pamamagitan, kami’y tatanggapin ni Hesukristo sa kanyang kaharian. Mahal na
Birhen sa Fatima, pag-alabin po ninyo ang aming mga puso sa pagsisisi ng mga kasalanan
namin upang kami’y maging dapat sa mga pangako ng Hesukristong Panginoon. Siya
nawa.
(Banggitin ang pansariling kahilingan. Magdarasal ng Isang Ama Namin, Aba Ginoong
Maria, at Luwalhati)

Panalangin sa Ikawalong Araw (Nakaluhod)


Oh, kalinis-linisang Puso ni Maria, Paraluman ng sangkatauhan, Mahal na Birhen sa
Fatima! Hindi kaila sa inyo na ang sanhi ng lahat ng kaguluhan sa mundo, pag-aaway ng
magkakamag-anak at magkakabayan, at gayundin ng mga bansa, ay ang kasakiman,
panggagahaman sa ari ng may-ari at paglagom ng kapangyarihan upang makagawa ng
kabuktutan at pang-aapi sa kapwa o nasasakupan. Upang masugpo ang masamang asal
na ganyan, tanglawan ninyo ang diwa ng mga tao sa nais na makilala nila na walang
kabuluhan ang alinamang kayamanan at kapangyarihan sa lupa kung sa pagtatamasa
nito ay magdurusa naman ang kanilang mga kaluluwa. Ang totoo’y nagwawakas sa
libingan ang buhay ng bawat tao at hindi madadala ang kayamanan kundi ang kabutihan
lamang ng kanyang mga ginawa at kabanalan ng kanyang kaluluwa. Tulungan ninyong
makapagsisi ang mga pusakal na makasalanan at nang makapagbalik-loob sila sa Diyos,
at sa gayong paraan ay magkaroon ng kapayapaan sa buong daigdig. Mahal na Birhen ng
Fatima, pag-alabin po ninyo an gaming mga puso sa pagsisisi ng mga kasalanan namin
upang kami’y maging dapat sa mga pangako ni Hesukristong Panginoon. Siya nawa.
(Banggitin ang pansariling kahilingan. Magdarasal ng Isang Ama Namin, Aba Ginoong
Maria, at Luwalhati)

Panalangin sa Ikasiyam na Araw (Nakaluhod)


Oh, kalinis-linisang Puso ni Maria, Ina ng Sanggol sa Belen, Mahal na Birhen sa Fatima!
Pag-alabin ninyo sa aming mga puso ang apoy ng pagkawalang-malay ng kabataan. Alam
namin na malaki ang inyong pag-ibig sa maliliit na bata. Ang tatlong batang pastol ay siya
ninyong pinili at binayaang makakita ng inyong paglitaw makarinig ng inyong
Pamamahayag sa Fatima at pinagbilinan ninyo ng pagpapalaganap niyon. Sa
pagmamahal namin sa kanila, kami’y naghahandog ngayon ng panalangin sa ikabubuti
ng lahat ng mga bata sa buong daigdig. Hinihiling namin sa iyo, oh dakilang Ina! Na
pagpalain ang mga bata, ipagsanggalang sila at iligtas sa mga kamay ng taong walang
Diyos. Patnubayan ninyo sila sa kanilang paglalaro at mga gawain upang sila’y lumaki sa
karunungan at pag-ibig ng Maykapal. Ang mga bata ngayon ay siyang magiging
mamamayan sa araw ng bukas. Ang mabubuting mamamayan. At kung mabuti ang mga
mamamayan sa daigdig, ay walang salang mawawala na ang digmaan; at ang maghahari
sa lahat ay magiging maligaya! Magbalik-loob nawa ang katauhan kay Hesus na nagbigay
ng magandang halimbawa sa mundo! Mahal na Birhen ng Fatima, pag-alabin po ninyo
ang aming mga puso sa pagsisisi ng mga kasalanan namin upang kami’y dapat sa mga
pangako ni Hesukristong Panginoon. Siya nawa.
(Banggitin ang pansariling kahilingan. Magdarasal ng Isang Ama Namin, Aba Ginoong
Maria, at Luwalhati)

Pangwakas na Panalangin sa Araw-araw (Nakatayo)


Mahal na Birhen ng Fatima! Marinig nawa ang inyong tinig sa lahat ng sulok ng daigdig.
Kumalat nawa ang inyong utos, sa pamamagitan ng tatlong batang pastol, na muling
pagtibayin ang panata sa pagdarasal ng Santo Rosario. Maligtas nawa, dahil dito ang
lupasay na mundo sa masasaklap na bunga ng kanyang kamalian. Oh, kalinis-linisang
Maria! Dinggin ninyo an gaming mga pagsamao at marapating ang mga panalangin
namin ay maging lunas sa lason ng pagkakasala. Tanggapin ninyo ng buong galak ang
pagsisiyam na iniaaalay namin sa inyo na taglay ang pagmamahal ng aming puso;
ipagkaloob ninyo an gaming hinihingi at huwag tingnan an gaming kaliitan at karukhaan.
Naniniwala kami pagkatapos ni Kristo, ay kayo ang tanging pag-asa ng mga
makasalanan. Kaya kami’y nananalig na alang-alang sa inyong pamamagitan ay
magtatamo kami ng patawad sa aming mga kasalanan, at ng kaluwalhatian ng Langit sa
wakas. Siya nawa.

Mahal na Birhen ng Fatima……. Ipanalangin mo kami.

Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.

You might also like