You are on page 1of 7

Novena sa Mahal na Patron, San Juan Bautista

Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.


R. Amen.

Panalangin sa Araw-araw

Panginoon kong Hesukristo. Tunghayan mo lubahang masintahing


Ama, yaring kahabag- habag na makasalanan, na tulad sa anak na
alibugha, ay nag-aksaya ng mga biyaya mo. Dahil sa malaking
kapalamarahang ito, ay nagsisisi na ako, at dumudulog sa iyo, at
nangangakong gagawa ng isang mabuting kumpisal at magbabagong
buhay. Maawa ka sa amin, O Ama ng Kristo, at ng kanyang
kalinislinisang Ina, at gayon din ng dakilang Patriarca San Jose, at
ang aming mahal na Patron, San Juan Bautista, ay ipinagkaloob mo
po sa amin ang kapatawaran sa aming mga kasalanan, at gawin mong
manatili kami sa iyong mahal na grasya. Amen.

( Panalangin Ni San Bernardo)


Alalahanin niyo, O mahabaging Birheng Maria, na kailan may di nadinig na
may dumulog sa inyong pag-aampon, nagmakaawang inyong alagaan at
humingi ng inyong tulong, ay inyong pinabayaan. Dala ng pag-asang ito,
kami nama’y dumudulog sa inyo, O Birheng, Ina ng mga Birhen, at sa pah-
hibik namin sa ilalim ng bigat ng aming mga kasalanan, nangahas po
kaming dumulog. Sa inyong mahal na harapan. O Ina Ng Diyos, huwag
ninyong iwaksi ang aming mga pagluhog, kung di inyong bagkus
pakamatiagaan at tanggapin ng malaking pagakahabag. Amen.

( Isunod ang dalit Kay San Juan Bautista)

Santo kagilagilalas, dakila sa tanang inanak, pintakasi naming liag, sa amin


ikaw ay mahabag

Precursor kang inilaan ng Diyos sa kalangitan, na maglilinis ng daan, kay


Hesus na lalakaran, Archangel ang nagpapahayag, na ikaw ay ipinanganak.
Tugon.

Ama mo di naniwala, kay Gabriel na balita, at napipi alipala, sa kanya’y


parusa nga, di siya nakapangusap, hanggang ikaw ay ipanganak. Tugon.
Nang ikaw ay nasa tiyan, ni Isabel na timtiman, kayong mag-inay dinalaw,
ng Birheng tangi sa tanan, at lumukso ka sa galak, sa kanyang pag-kaharap.
Tugon.

Luminis ang iyong sala, na kay Adan ay minana, palad na walang kapara,
ang kinamtan mo Bautista, sa verbong lubhang mataas, at sa Inang sakdal
palad. Tugon.

Juan ang iyong pangalan, ay lagda ng kalangitan, at ito nalaman ng iyong


magulang, dahil sa ipinahayag, ng Archangel na mataas. Tugon.

Ng ikaw ay maiadya, sa haring ganid na sadya, ay sa ilang ka dinala, ng


banal na iyong Ina, doon ka nagpakahirap ng tantung kagulat-gulat. Tugon.

Nang dumating yaong araw, na dapat ka nang mangaral, ay nilisan mo ang


ilang, napatungo ka sa Jordan, at doon ay iyong ginanap, ang pangangaral sa
lahat. Tugon.

Hindi mabilang na tao, ang nakikinig sa iyo, sila’y bininyagan mo’t ang asal
ay binabago, at sampo pa ng Mesias, sa iyo ay napabinyag. Tugon.
Hindi mo kinatakutan, si Herodes kamunti man, tahas na iyong sinaysay,
ang gawa niyang mahalay, na nakisama sa hipag ang pangala’y
Herodias.Tugon.

Si Herodes ay nagalit, at inudyukan pang pilit babaeng napaka lupit, kaya ka


ipinapiit, sa bilanguay tumggap, ng di kawasang hirap. Tugon.

At di ikinatuwa, ang inyong pagdaralita, inibig pa at ninasa, na ipapatay


kang bigla, ng mahalay na Herodias, na halimaw ang katulad. Tugon,

Tinggap mong malumanay, yaong dustang kamataya, sapagkat inaasahan,


ang ganti ng kalangitan kami nawa’y maging dapat, sa kamatayang
mapalad. Tugon.

Santo kagilagilalas, dakila sa tanang inanak, pintakasi naming liag, sa amin


ikaw ay mahabag
V: Ipanalangin mo kami San Juan Bautista
R:Nang kami maging dapat makinabang ng mga Pangako ni Kristong aming
Panginoon.

Panalangin
O Diyos na makapangyarihan, alang alang sa mga biyayang ipinagkaloob
mo sa aming patron San Juan Bautista, at sa kanyang tapang sa pangangaral
ng utos mo, na ipagkaloob mo rin sa aming mga gumagawa ng novena, ang
isang tapang na makagawa ng kalooban mo, upang makamtan namin ang
langit, alang alang kay Hesukristong aming Panginoon. Amen.

Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.


R. Amen.

Unang Araw ng Novena


( Simulan ito sa pagkukrus at susundan ng panalangin sa araw-araw)
Panalangin para kay San Juan Bautista
Dakilang Precursor ni Kristo, mapagpala naming Pintakasi, hindi po
nalihim sa iyo ang mga hirap at sakit na ipinadadala amin ng Panginoong
Diyos. Magdalang awa ka sa amin, ipamagitan mo kami, upang kami’y
makasang-ayon sa kalooban ng Diyos, at masunod ang kanyang mga
utos. Turuan mo kamisa pananatili sa panalangin, katulad ng iyong mga
mahal na magulang. At nang kung mabata namin ang mga hirap na ito,
ay makamtam namin ang buhay na walang hanggan sa Langit. Amen.

Madasal ng: 5 Ama namin, Aba Ginoong Maria, at Luwalhati at humingi


ng graciang kailangan sa Patron. Idugtong dito ang panalangin ni San
Bernardo. At ang dalit kay San Juan Bautista

Ikalawang Araw
( Simulan ito sa pagkukrus at susundan ng panalangin sa araw-araw)

Panalangin para kay San Juan Bautista


O maluwalhating San Juan Bautista, alang alang sa pagkakadalaw sainyo
ng Mahal na Birheng Maria, at dahil sa ligaya at Gracia upang
magkaroon kami ng pananatili sa gawang kabanalan, hanggang sa wakas
ng aming buhay. Amen.

Madasal ng: 5 Ama namin, Aba Ginoong Maria, at Luwalhati at humingi


ng graciang kailangan sa Patron. Idugtong dito ang panalangin ni San
Bernardo.At ang dalit kay San Juan Bautista

Ikatlong araw
( Simulan ito sa pagkukrus at susundan ng panalangin sa araw-araw)

Panalangin para kay San Juan Bautista


O dakilang Precursor ni Jesus, ang iyong pamumuhay na dinalita, sa gitna
ng mga kahirapan, ang iyong penitencia at pag aayuno, ang iyong walang
humpay na pananalangin,ay isang salamin namin sa buhay na ito. Gawin mo
po, na kaming nagnonovena at ang bayang ito, ay makilala ang mga
kabanalan mong ginawa, upang kung kami makatulad sa iyo, ay magkamit
kami ng buhay na walang hanggan sa langit. Amen.

Madasal ng: 5 Ama namin, Aba Ginoong Maria, at Luwalhati at humingi


ng graciang kailangan sa Patron. Idugtong dito ang panalangin ni San
Bernardo. At ang dalit kay San Juan Bautista

Ikaapat na araw
( Simulan ito sa pagkukrus at susundan ng panalangin sa araw-araw)

Panalangin para kay San Juan Bautista


O mahal naming Patron, na ang iyonng aral, ay nagbuhat sa malaking pag-
ibig mo sa Panginoong Diyos, ang pag-nanasa mong mailigtas ang
maraming mga tao, ay nagtiis ka ng di mamagkaanong sakit at hirap,
ipagkaloob mo po sa amin, ang malaking pag-ibig na ito, upang masunod
namin ang aral ni Kristo, makasimba kami tuwing linggo, at makagawa ng
penitencia, sa lalong ikabubuti ng aming kaluluwa. Amen.

Madasal ng: 5 Ama namin, Aba Ginoong Maria, at Luwalhati at humingi


ng graciang kailangan sa Patron. Idugtong dito ang panalangin ni San
Bernardo. At ang dalit kay San Juan Bautista

Ikalimang Araw
( Simulan ito sa pagkukrus at susundan ng panalangin sa araw-araw)

Panalangin para kay San Juan Bautista


Masintahin naming Pintakasi, alang alang sa malaking pag-mamahal mo sa
kapwa tao, bahaginan mo po kami ng iyong pagibig na ito, upang lumaki
ang pag-ibig namin sa Diyos at sa kapwa tao. Paunlarin mo po sa amin ang
kabanalan asal, gawin mo po na ang aming pag-ibig sa Diyos ay
magniningning, at makagawa pa kami ng mga pagpapakabanal, upang
maging corona ang aming kaluluwa sa oras ng aming kamatayan. Amen.
Madasal ng: 5 Ama namin, Aba Ginoong Maria, at Luwalhati at humingi
ng graciang kailangan sa Patron. Idugtong dito ang panalangin ni San
Bernardo. At ang dalit kay San Juan Bautista

Ikaaanim Araw
( Simulan ito sa pagkukrus at susundan ng panalangin sa araw-araw)
Panalangin para kay San Juan Bautista
O mapakumbabang San Juan Bautista, patron namin, yamang kayo’y
nagpapakababa sa harap ni Jesus, sa oras ng pagbibinyag mo sa kanya,
marapatin mo pong kami may magpakababa din sa oras ng pagawa
namin ng novena, at iba pang kabanalan, upang makasunod sa kalooban
niya. Lalong lalo na sa oras ng aming pag-kukumpisal at pakikinabang,
gawin mo pong ang mga puso namin ay maging Sagrario ni Jesus upang
doon siya tumahan at huwag kaming pababayaan, hanggang sa huling
oras ng aming buhay. Amen.

Madasal ng: 5 Ama namin, Aba Ginoong Maria, at Luwalhati at humingi


ng graciang kailangan sa Patron. Idugtong dito ang panalangin ni San
Bernardo. At ang dalit kay San Juan Bautista

Ikapitong Araw
( Simulan ito sa pagkukrus at susundan ng panalangin sa araw-araw)

Panalangin para kay San Juan Bautista


O mahal na Pintakasing San Juan Bautista, alang-alang po sa dakilang
katapangan na ipinamalas mo, sa iyong pangangaral ng kalinisan, na hindi
mo kinatakutan si Herodes, at ginusto mo pa ang kamatayan: mahabag ka sa
amin, mahal na Patron, bigyan mo kami ng tapang na makasunod sa utos ng
Diyos, malayuan ang tukso, at makagawa ng dakilang gawain ng isang
kristiyano upang kami ay magkamit din din ng langit, alang-alang sa iyo.
Amen.

Madasal ng: 5 Ama namin, Aba Ginoong Maria, at Luwalhati at humingi


ng graciang kailangan sa Patron. Idugtong dito ang panalangin ni San
Bernardo. At ang dalit kay San Juan Bautista

IkawalongAraw
( Simulan ito sa pagkukrus at susundan ng panalangin sa araw-araw)
Panalangin para kay San Juan Bautista
O mahal na Patron San Juan Bautista, bayaning martir ng kalinisan, di ka
nag-alinlangan na ihandog mo ang buhay mo sa Diyos. Di ka natakot kay
Herodes na aralan siya, sa kanyang mahalay na gawain sa kanyang hipag.
Pagkalooban mo po kami ng tapang na ito, upang masunod namin ang utos
ng Diyos. Alalayan mo kami sa aming kahinaan. Gawin mo na kami ay
makatupad araw-araw sa kalooban ng Diyos, upang makamtan namin ang
kaluwalhatian tinamasa mo sa langit. Amen.

Madasal ng: 5 Ama namin, Aba Ginoong Maria, at Luwalhati at humingi


ng graciang kailangan sa Patron. Idugtong dito ang panalangin ni San
Bernardo. At ang dalit kay San Juan Bautista

Ikasiyam na Araw
( Simulan ito sa pagkukrus at susundan ng panalangin sa araw-araw)

Panalangin para kay San Juan Bautista


O mahal na Patron San Juan Bautista, sa wakas ng aming novena, ay
ipinakilala mo ang iyong tapang at pagmamahal sa kalinisan. Gayon din
naman ang pagtupad sa kalooban ng Diyos:gawin mo pong kami’y
makasunod sa kalooban ng Diyos, laging sumagracia niya at nang oras ng
aming kamatayan ay makamtan namin ang langit. Amen.

Madasal ng: 5 Ama namin, Aba Ginoong Maria, at Luwalhati at humingi


ng graciang kailangan sa Patron. Idugtong dito ang panalangin ni San
Bernardo. At ang dalit kay San Juan Bautista

You might also like