You are on page 1of 26

Mga Panalangin sa

Nuestro Padre Jesus Nazareno


BIYERNES NA
PAGDEDEBOSYON
AT PAGSISIYAM SA
NUESTRO PADRE
JESUS NAZARENO

2
Panalangin sa Nuestro Padre Jesus Nazareno

Katamis-tamisan naming mahal na Poong Jesus Nazareno


Diyos at Manunubos ko, na naglalakbay sa Kalbaryong
pasan-pasan Mo ang Krus na pagpapakuan sa Iyo. Akong
abang makasalanan, na naging dahilan ng Iyong di
masayod na hirap ay nagpupuri sa Iyo at nagpapasalamat,
na bilang maamong Kordero ay buong hinahong tinanggap
Mo sa ibabaw ng Iyong balikat ang kahoy ng Iyong
kamatayan upang doon mawakasan ang aking mga
kasalanan at ng sandaigdigan.

Patawarin mo ako, O Butihing Jesus; inaamin ko ang aking


mga sala at ako’y nananalig na dahil sa kabutihan Mong
walang kahulilip ay hugasan Mo ng Iyong Dugo. Iniibig Kita
ng higit sa lahat ng bagay, ipinangangako na ako’y
magiging matapat hanggang sa oras ng aking kamatayan.
Patnubayan Mo ako, Diyos ko, ng Iyong biyaya at ihatid Mo
ako sa landas ng Iyong mga Utos diyan sa Iyong Langit na
Kaharian, Siya Nawa.

NUESTRO PADRE JESUS NAZARENO,


Maawa ka sa amin!

1
BIYERNES NA PAGDE-DEBOSYON SA
NUESTRO PADRE JESUS NAZARENO
Sa ngalan ng Ama, at Anak at ng Espiritu Santo, Amen.

Awit: Krus ng Ating Kaligtasan


Krus ng ating kaligtasan
Dapat nating ikarangal
Sagisag ng Kalayaan
At ng muling pagkabuhay
ni Jesus na Poong mahal.

Namumuno:
Mga kapatid, tayo ay lumuhod sa harap ng larawan ng Nuestro
Padre Jesus Nazareno. Sambahin natin siya na nakaluklok sa
kanan ng Amang nabubuhay magpakailanman.

Bayan:
Mga kapatid, pakinggan po ninyo ang sinasabi ng ating Panginoon.

(Pumili ng alin man sa Tatlong Pagbasa)


Pagbasa (OPTION 1)
Ang pagtitiis ng hirap ay bahagi ng pagkatawag sa inyo ng Diyos,
sapagkat nang si Kristo ay magtiis para sa inyo, binigyan niya kayo
ng isang halimbawang dapat tularan. Hindi siya gumawa ng
anumang kasalanan, o nagsinungaling kailanman. Nang siya’y
insultuhin, hindi siya gumanti. Nang siya’s pahirapan, hindi siya
nagbanta; sa halip, ipinaubaya niya ang lahat sa Diyos na
makatarungan kung humatol.

2
Sa kanyang pagkamatay sa krus, pinasan niya ang bigat ng ating
mga kasalanan upang tayo ay mamatay na sa kasalanan at
mamuhay ayon sa kalooban ng Diyos.
Kayo ay pinagaling na sa pamamagitan ng kanyang mga sugat.
Sapagkat kayo ay tulad ng mga tupang naliligaw, ngunit ngayon
kayo ay nanumbalik na upang sumunod sa Pastol at
Tagapangalaga ng inyong kaluluwa. (1 Pedro 1:21-25)

Pagbasa (OPTION 2)
Ang sinumang nagnanais sumunod sa Akin, ay kinakailangang
itakwil niya ang kanyang sarili, pasanin ang kanyang krus at
sumunod sa akin. Ang naghahangad na maligtas ng kanyang
buhay ay siyang mawawalan nito; ngunit ang mawalan ng kanyang
buhay alang-alang sa Akin ay siyang magkakamit noon. Sapagkat,
ano ba ang mapapala ng isang tao, makamtan man niya ang buong
daigdig ngunit mapahamak naman ang kanyang sarili? Ano ba ang
maibabayad ng isang tao para mabawi niya ang kanyang buhay?
Sapagkat darating ang Anak ng Tao na kasama ang kanyang mga
anghel at taglay ang dakilang kapangyarihan ng kanyang Ama. Sa
panahong iyon ay gagantimpalaan niya ang bawat tao ayon sa
ginawa nito. (Mateo 16:24-27)

Pagbasa (OPTION 3)
Totoo ang kasabihang ito: “Kung tayo ay namatay na kasama ni
Jesukristo, mabubuhay din tayong kasama niya. Kung tayo ay
nagtiis ng hirap sa mundong ito, maghahari din tayong kapiling
niya. Kapag siya ay ating ikinahiya, ikakahiya rin niya tayo. Kung
tayo man ay hindi tapat, siya ay mananatiling tapat parin sapagkat
hindi niya maaaring itakwil ang kaniyang sarili. (2 Timoteo 1:11-13)

3
Namumuno:
Jesus Nazareno, Aming Panginoon at Diyos, karapat-dapat
Kang tumanggap ng papuri at pasasalamat, parangal at
paggalang, kadakilaan at kapangyarihan magpakailanman,
Amen.

Bayan:
Ikaw ang tanging Anak ng Diyos! Naging anak Ka rin ni Mariang
Birheng kalinis-linisan. Bigay Ka ni Maria sa amin bilang
Tagapagligtas at Kapatid. Binigay mo si Maria sa amin bilang Ina
namin at pag-asa. Pinuno Mo siya ng grasya. Punuin Mo rin kami
ng grasya ng Espiritu Santo: pag-big, kagalakan, kapayapaan,
pagtitiyaga, kagandahang-loob, kabutihan, katapatan, kaamuan, at
pagpipigil sa sarili, Amen.

Namumuno:
Jesus Nazareno, aming Panginoon at Diyos, karapat-dapat
Kang tumanggap ng papuri at pasasalamat, parangal at
paggalang, kadakilaan at kapangyarihan magpakailanman,
Amen.

Bayan:
Inilalarawan Mo sa amin ang mukha ng Diyos na di nakikita: ang
Diyos na puspos ng pag-ibig at lipos ng habag. Katulad Mo kami
sa lahat ng bagay, liban sa kasalanan. Sa binyag kami ay ginawa
Mong mga anak ng Diyos na banal. Sa aming pamumuhay araw-
araw maipakita nawa namin ang nakalulugod sa Ama naming,
Amen.

4
Namumuno:
Jesus Nazareno, Aming Panginoon at Diyos Karapat-dapat
Kang tumanggap ng papuri at pasasalamat, parangal at
paggalang, kadakilaan at kapangyarihan magpakailanman,
Amen.

Bayan:
Lubos Mong naunawaan at nadama Kung gaano kasama ang
kasalanan ng bawat tao sa nakaraan, sa kasalukuyan at hanggang
sa katapusan ng panahon. Sinunod Mo ang kalooban ng Ama: na
Iyong tiisin ang maraming hirap at kamatayan sa krus para tubusin
ang mga tao mula sa bawat lipi, wika, bayan, at bansa at gawin
silang mga saserdote para maglingkod sa Diyos Amang
makapangyarihan sa lahat. Kami nawa ay makasama Mo sa Iyong
patuloy na pagtitiis ng kahirapan para sa kaligtasan ng sanlibutan,
Amen.

Namumuno:
Jesus Nazareno, aming Panginoon at Diyos, karapat-dapat
Kang tumanggap ng papuri at pasasalamat, parangal at
paggalang, kadakilaan at kapangyarihan magpakailanman,
Amen.

Bayan:
Sapagkat ikaw ay mabuti. Ang pag-ibig Mo’y napakatatag at
mananatili, Hindi kukupas, walang katapusan, hindi magwawakas,
Amen.

5
MGA KAHILINGAN SA BAWAT BIYERNES
UNANG BIYERNES
Jesus Nazareno, sa mga katolikong malayo sa simbahan.
Maawa ka, Panginoon.
Jesus Nazareno, sa mga madalang manalangin.
Maawa ka, Panginoon.
Jesus Nazareno, sa mga hinahatulang mamatay.
Maawa ka, Panginoon.
Jesus Nazareno, sa mga labis na pinahihirapan.
Maawa ka, Panginoon.
Jesus Nazareno, sa mga di-marunong magtiis.
Maawa ka, Panginoon.
Jesus Nazareno, sa mga sobra na ang paghihirap.
Maawa ka, Panginoon.
Jesus Nazareno, sa mga mag-asawa sa hirap at dusa.
Maawa ka, Panginoon.
Jesus Nazareno, sa mga ina ng mga suwail.
Maawa ka, Panginoon.
Jesus Nazareno, sa mga yumayaong mag-isa.
Maawa ka, Panginoon.
Jesus Nazareno, sa mga ayaw manalig sa Iyo.
Maawa ka, Panginoon.
Jesus Nazareno, sa mga may anak na magpapari.
Maawa ka, Panginoon.
Jesus Nazareno, sa mga namamanata sa Diyos.
Maawa ka, Panginoon.
Jesus Nazareno, sa mga nagbabaon ng kasalanan.
Maawa ka, Panginoon.
Jesus Nazareno, sa mga bagong lingkod ng Diyos.
Maawa ka, Panginoon.

6
IKALAWANG BIYERNES
Jesus Nazareno, sa mga bayang walang misa.
Maawa ka, Panginoon.
Jesus Nazareno, sa mga may mabigat na problema.
Maawa ka, Panginoon.
Jesus Nazareno, sa mga di-kayang magtrabaho.
Maawa ka, Panginoon.
Jesus Nazareno, sa mga katulong na dustang-dusta.
Maawa ka, Panginoon.
Jesus Nazareno, sa mga hirap sa paghahanap-buhay.
Maawa ka, Panginoon.
Jesus Nazareno, sa mga di nakararanas ng pahinga.
Maawa ka, Panginoon.
Jesus Nazareno, sa mga nag-aalaga ng matatanda.
Maawa ka, Panginoon.
Jesus Nazareno, sa mga mag-inang taga-kalye.
Maawa ka, Panginoon.
Jesus Nazareno, sa mga may sakit na nagtatrabaho.
Maawa ka, Panginoon.
Jesus Nazareno, sa mga nagsasamang di pa kasal.
Maawa ka, Panginoon.
Jesus Nazareno, sa mga nag-aampon ng anak ng iba.
Maawa ka, Panginoon.
Jesus Nazareno, sa mga namatay sa tabi ng ina.
Maawa ka, Panginoon.
Jesus Nazareno, sa mga naglilibing ng kaibigan.
Maawa ka, Panginoon.
Jesus Nazareno, sa mga nagsisikap magbagong-buhay
Maawa ka, Panginoon.

7
IKATLONG BIYERNES
Jesus Nazareno, sa mga paring di na makapagmisa.
Maawa ka, Panginoon.
Jesus Nazareno, sa mga madaling matukso.
Maawa ka, Panginoon.
Jesus Nazareno, sa mga inosenteng nakakulong.
Maawa ka, Panginoon.
Jesus Nazareno, sa mga nilalait ng mass media.
Maawa ka, Panginoon.
Jesus Nazareno, sa mga nagpapadala sa kapahamakan.
Maawa ka, Panginoon.
Jesus Nazareno, sa mga di makaiwas sa mga bisyo.
Maawa ka, Panginoon.
Jesus Nazareno, sa mga ayaw magpasan ng Krus.
Maawa ka, Panginoon.
Jesus Nazareno, sa mga maraming alagang anak.
Maawa ka, Panginoon.
Jesus Nazareno, sa mga nataningan na ang buhay.
Maawa ka, Panginoon.
Jesus Nazareno, may sakit na nangungumpisal.
Maawa ka, Panginoon.
Jesus Nazareno, sa mga di umiibig kay Inang Maria.
Maawa ka, Panginoon.
Jesus Nazareno, sa mga wala ng anak.
Maawa ka, Panginoon.
Jesus Nazareno, sa mga kaluluwa sa Purgatoryo.
Maawa ka, Panginoon.
Jesus Nazareno, sa mga di makasunod sa iyo.
Maawa ka, Panginoon.

8
IKAAPAT AT IKALIMANG BIYERNES
Jesus Nazareno, sa mga katolikong di makapagsimba.
Maawa ka, Panginoon.
Jesus Nazareno, sa mga nagpapadasal at nagpapamisa.
Maawa ka, Panginoon.
Jesus Nazareno, sa mga hukom ng mga maralita.
Maawa ka, Panginoon.
Jesus Nazareno, sa mga pulis at gwardiyang maaasahan.
Maawa ka, Panginoon.
Jesus Nazareno, sa mga nag-iisip pumatay ng bata.
Maawa ka, Panginoon.
Jesus Nazareno, sa mga pumapatay ng kagubatan.
Maawa ka, Panginoon.
Jesus Nazareno, sa mga mag-anak na sidewalk-vendor.
Maawa ka, Panginoon.
Jesus Nazareno, sa mga anak ng mga OFW at marinero.
Maawa ka, Panginoon.
Jesus Nazareno, sa mga gutom, uhaw, at hubad.
Maawa ka, Panginoon.
Jesus Nazareno, sa mga taong mapaghiganti.
Maawa ka, Panginoon.
Jesus Nazareno, sa mga balo at mga ulila.
Maawa ka, Panginoon.
Jesus Nazareno, sa mga sakim at makasarili.
Maawa ka, Panginoon.
Jesus Nazareno, sa mga naglilibing ng minamahal.
Maawa ka, Panginoon.
Jesus Nazareno, sa mga bagong binyagang katoliko.
Maawa ka, Panginoon.

9
(Pangwakas na Panalangin)
Namumuno; Ama naming makapangyarihan, niloob Mong akuin
ng iyong Anak ang krus at kamatayan upang ang sangkatauhan ay
matubos at mabuhay. Ang pag-ako namin Sa krus at kamatayan
dito sa lupa ayon sa diwa ng pagsunod sa Iyong loob na ginanap
ng Iyong Anak ay magpagindapat nawang aming kamtin ang lubos
na katubusan at pagkabuhay sa iyong piling sa pamamagitan ni
Jesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan,
Amen.

Sa ngalan ng Ama, at Anak at ng Espiritu Santo, Amen.

(Pangwakas na Awit)
Awit sa Nuestro Padre Jesus Nazareno

Titik at Musika ni Lucio San Pedro


Nuestro Padre Jesus Nazareno,
sinasamba Ka namin.
Pinipintuho Ka namin.
Aral Mo’y aming buhay at kaligtasan.
Nuestro Padre Jesus Nazareno,
iligtas Mo kami sa kasalanan.
Ang krus Mong kinamatayan ay
sagisag ng aming Kaligtasan.
Nuestro Padre Jesus Nazareno,
dinarangal Ka namin!
Nuestro Padre Jesus Nazareno,
nilul’walhati Ka namin!

10
ANG ORIHINAL NA IMAHEN NG POONG JESUS NAZARENO,
SENIOR MAYOR ANG TAWAG SA IMAHEN
NA NAKALUKLOK SA ALTAR.

11
PAGSISIYAM SA
NUESTRO PADRE JESUS NAZARENO

Awit: Krus ng Ating Kaligtasan


Krus ng ating kaligtasan
Dapat nating ikarangal
Sagisag ng Kalayaan
At ng muling pagkabuhay
ni Jesus na Poong mahal.

Namumuno:
Mga kapatid, tayo ay lumuhod sa harap ng larawan ng Nuestro
Padre Jesus Nazareno. Sambahin natin siya na nakaluklok sa
kanan ng Amang nabubuhay magpakailanman.

Sa ngalan ng Ama, at Anak at ng Espiritu Santo, Amen.


PAGSISISI SA KASALANAN (sa lahat ng araw) nakaluhod
O Jesus Nazareno, katamis-tamisan kong Manunubos sa harap
mo ngayo’y naririto kami’t nagpapakumbaba at nagsisisi ng taos
puso sa aming pagiging walang turing sa iyo at paglimot sa di
mabilang na mga biyaya mo, lalong-lalo na yaong di
mahahalagang biyaya ng pagtubos. Dinaramdam namin at
pinagsisisihang labis. Panginoon ko, ang pagkakasala namin sa
iyo ikinalulungkot namin ang pagiging dahilan mo ng pagpasan ng
Krus na iyan sa gitna ng mga hirap at kapaitan, hanggang sa
ihandog mo ang iyong buhay sa bundok ng kalbaryo sa pagkaibig
mo lamang na matubos sa sala, ako, at ang sangkatauhan.
Pakabanalin mo, Panginoon ko, ang aming pagnanais at
pagtanggap mo sa amin ang iyong biyaya. Maging tagapamagitan
nawa ang iyong Ina, kalinis-linisang Birheng Maria, Siya nawa.

12
(Para sa ibang mga araw, tingnan ang PANALANGIN SA IBANG MGA
ARAW, p.18 -22)

PANALANGIN SA UNANG ARAW NG NOBENA


(Disyembre 31)
Katamis-tamisan naming mahal na Poong Jesus Nazareno Diyos
at Manunubos ko, na naglalakbay sa Kalbaryong pasan-pasan Mo
ang Krus na pagpapakuan sa Iyo. Akong abang makasalanan, na
naging dahilan ng Iyong di masayod na hirap ay nagpupuri sa Iyo
at nagpapasalamat, na bilang maamong Kordero ay buong
hinahong tinanggap Mo sa ibabaw ng Iyong balikat ang kahoy ng
Iyong kamatayan upang doon mawakasan ang aking mga
kasalanan at ng sandaigdigan. Patawarin mo ako, O Butihing
Jesus; inaamin ko ang aking mga sala at ako’y nananalig na dahil
sa kabutihan Mong walang kahulilip ay hugasan Mo ng Iyong
Dugo. Iniibig Kita ng higit sa lahat ng bagay, ipinangangako na
ako’y magiging matapat hanggang sa oras ng aking kamatayan.
Patnubayan Mo ako, Diyos ko, ng Iyong biyaya at ihatid Mo ako sa
landas ng Iyong mga Utos diyan sa Iyong Langit na Kaharian, Siya
Nawa.

(Magdasal ng Tatlong Aba Ginoong Maria, Susundan ng Dalit at


Pangwakas na Panalangin)

13
DALIT SA MAHAL NA POONG JESUS NAZARENO
Ulo mong kaibig-ibig
Ay pinutungan ng tinik,
Hinampas ka’t nilait
Niyong hudyong malulupit.

Tugon: Ibigin nati’t ipagdiwang si Jesus Nazarenong mahal.


Mukha mo na sakdal ganda’y
Nilurhan at tinampal pa’t
Sinugatang parapara
Niyong mga palamara.

Tugon: Ibigin nati’t ipagdiwang si Jesus Nazarenong mahal.

Yang mata mong masintahin,


Maamo at maawain
Tigmak ng luha’t hilahil
Sa krus ka nang nakabitin.

Tugon: Ibigin nati’t ipagdiwang si Jesus Nazarenong mahal.

Bibig mong kagalang-galang


Pilit na sinalisulan,
Niyong sukang hinaluan
Nang apdong kasuklam-suklam.

Tugon: Ibigin nati’t ipagdiwang si Jesus Nazarenong mahal.

Leeg mo na sakdal inam,


Sampu ng iyong likuran,
Binugbog at sinugatan
Niyong mga lilo’t hunghang.

Tugon: Ibigin nati’t ipagdiwang si Jesus Nazarenong mahal.

14
Ang mga kamay mo’t bisig
Ipinako’t isinabit,
Nang mga hudyong balawis
Sa krus ng mga pasakit.

Tugon: Ibigin nati’t ipagdiwang si Jesus Nazarenong mahal.

Dibdib mong kagalang-galang


Ay 'di pinakundanganan,
Binugbog at sinugatan
Hirap mo’y gayon na lamang.

Tugon: Ibigin nati’t ipagdiwang si Jesus Nazarenong mahal.

Ang mahal mong mga tuhod


Na laging iniluluhod
Sinugatan at inumog
Nang mga taksil na loob.

Tugon: Ibigin nati’t ipagdiwang si Jesus Nazarenong mahal.

Ang paa mong inilakad


Sa pangangaral sa lahat
Walang taros na binutas
Niyong pakong mahahayap.

Tugon: Ibigin nati’t ipagdiwang si Jesus Nazarenong mahal.

Tagiliran mong marilag


Inulos nga niyong sibat,
Ni Longinong walang habag
Tubig at dugo’y dumanak.

Tugon: Ibigin nati’t ipagdiwang si Jesus Nazarenong mahal.

15
Katawan mo’y ibinitin
Sa krus ng madlang hilahil
Pinatay ng mga suwail
At sa hukay inilibing.

Tugon: Ibigin nati’t ipagdiwang si Jesus Nazarenong mahal.

Ang puso mo, Poong sinta


Kaban ng tatlong Persona,
Inulos dahil sa sala
Ng mga anak ni Eba.

Tugon: Ibigin nati’t ipagdiwang si Jesus Nazarenong mahal.

Kaluluwa mong marikit


Ay nagdusa’t nagtiis,
Ng mga hirap at sakit
Sa pagtubos sa daigdig.

Tugon: Ibigin nati’t ipagdiwang si Jesus Nazarenong mahal.

Iyang masaganang dugong


Sa mga sugat mo’y tumulo,
O Korderong maamong
Sa sala ko ay umako.

Tugon: Ibigin nati’t ipagdiwang si Jesus Nazarenong mahal.

Ibigin nati’t ipagdiwang


Yaong banal mong mga sugat
Sa aki’y sadyang ilipat,
Upang kami’y maging dapat
Sa kaharian mong ingat.

Tugon: Ibigin nati’t ipagdiwang si Jesus Nazarenong mahal.


16
PANGWAKAS NA PANALANGIN SA LAHAT NG ARAW
Namumuno; Ama naming makapangyarihan, niloob Mong akuin
ng iyong Anak ang krus at kamatayan upang ang sangkatauhan ay
matubos at mabuhay. Ang pag-ako namin Sa krus at kamatayan
dito sa lupa ayon sa diwa ng pagsunod sa Iyong loob na ginanap
ng Iyong Anak ay magpagindapat nawang aming kamtin ang lubos
na katubusan at pagkabuhay sa iyong piling sa pamamagitan ni
Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan,
Amen.

Sa ngalan ng Ama, at Anak at ng Espiritu Santo, Amen.

(Pangwakas na Awit)
Awit sa Nuestro Padre Jesus Nazareno

Titik at Musika ni Lucio San Pedro


Nuestro Padre Jesus Nazareno,
sinasamba Ka namin.
Pinipintuho Ka namin.
Aral Mo’y aming buhay at kaligtasan.
Nuestro Padre Jesus Nazareno,
iligtas Mo kami sa kasalanan.
Ang krus Mong kinamatayan ay
sagisag ng aming Kaligtasan.
Nuestro Padre Jesus Nazareno,
dinarangal Ka namin!
Nuestro Padre Jesus Nazareno,
nilul’walhati Ka namin!

17
PANALANGIN SA IBANG MGA ARAW
Dasalin ang Pagsisisi sa Kasalanan p.12 at dasalin ang;
PANALANGIN SA IKALAWANG ARAW NG NOBENA (Enero 1)
O Kaibig-ibig na Jesus, Korderong lubhang maamo ng Diyos, kami
imbing makasalanan, ay nagpupugay at sumasamba sa kagalang-
galang na sugat sa balikat na likha ng pinasan mong napakabigat
na Krus na umukit sa laman mo at nagpalitaw sa iyong mga buto
na nagdulot sa iyo ng sakit na higit sa alinmang sugat sa kagalang-
galang mong katawan. Sinasamba ka namin, O nagdaralitang
Jesus kami’y nagpupuri sa iyo gumagalang at umiibig, at
pinasasalamatan ka namin ng dahil sa kagalang-galang at kasakit-
sakitang sugat, ay isinasamo namin sa iyo na alang-alang sa
napakalabis na hapdi’t sa walang kapantay na Bigat ng iyong Krus
ay kaawaan mo kaming makasalanan, patawarin mo ang lahat
naming mabibigat at magagaang na sala at ihatid kami sa langit sa
pamamagitan ng landas ng iyong Krus, Siya Nawa.
(Magdasal ng Tatlong Aba Ginoong Maria, Susundan ng Dalit at Pangwakas
na Panalangin p.14 -17)

—o0o—

Dasalin ang Pagsisisi sa Kasalanan p.12 at dasalin ang;


PANALANGIN SA IKATLONG ARAW NG NOBENA (Enero 2)
Dilidilihin mo ang mga pagod, sakit at pagkakarapa ng Manunubos
dahil sa hirap sa bigat ng Krus at sa gitna ng mga alimura’t
pagkutya ng kaniyang mga kaaway, ay walang imik na lumalakad
na patungong Kalbaryo. O Anak ng Diyos, na nagkatawang tao ng
dahil sa pag-ibig sa tao! Tinanggap mo ng buong kapakumbabaan
at pagsangayon ang pagkamatay sa krus upang ibalik sa tao ang
nawalang buhay nang dahil sa kasalanan. Masdan mo’t ang lahat
ay mamamatay at walang ibang landas sa buhay at sa tunay na
kapayapaan, kundi ang landas ng banal na krus at patuloy na
pagpapakasakit, Siya Nawa.
18
(Magdasal ng Tatlong Aba Ginoong Maria, Susundan ng Dalit at Pangwakas
na Panalangin p.14 -17)

—o0o—

Dasalin ang Pagsisisi sa Kasalanan p.12 at dasalin ang;


PANALANGIN SA IKAAPAT NA ARAW NG NOBENA (Enero 3)
Aalalahanin mo ang kalungkut-lungkot na pagkakasalubong ni
Jesus sa kaniyang Kabanal-banalang Ina. Dilidilihin mo ang
pagmamahal ng kaibig-ibig na Puso ni Jesus sa harap ni Maria at
sa gitna ng walang kahambing na pagdurusa ng Puso ni Maria sa
pagkakita kay Jesus. Kami’y nagkasala, O Jesus ko, at sa aming
mga sala ay karapat-dapat kami sa parusang walang hanggan, na
dahil sa wala mong katapusang awa sa amin ay nagpakasakit ka
at inihandog mo ang iyong buhay alang-alang sa aming kaligtasan,
Siya Nawa.
(Magdasal ng Tatlong Aba Ginoong Maria, Susundan ng Dalit at Pangwakas
na Panalangin p.14 -17)

—o0o—

Dasalin ang Pagsisisi sa Kasalanan p.12 at dasalin ang;


PANALANGIN SA IKALIMANG ARAW NG NOBENA (Enero 4)
Dilidilihin natin kung paano sa paglakad na patungong Kalbaryo ni
Jesus na pasan ang mabigat na krus ay naubusan siya ng lakas,
at ng ito ay mamalas ng mga hudyo, sa pangambang mamatay ng
di pa sumasapit sa pook na pagpapakuan sa kaniya ay pinilit si
Simon Cirene na tulungan siya sa pagpapasan ng krus.
Humahanga kami, O Jesus ko, at nagpupuri sa iyong bathalang
pagtitiis sa pagpasan hanggang sa Kalbaryo ng Krus na
pagpapakuan sa iyo. Purihin ka nawa at sambahin ngayon at
magpakailanman, Siya Nawa.
(Magdasal ng Tatlong Aba Ginoong Maria, Susundan ng Dalit at Pangwakas
na Panalangin p. 14 -17)
19
—o0o—

Dasalin ang Pagsisisi sa Kasalanan p.12 at dasalin ang;


PANALANGIN SA IKAANIM NA ARAW NG NOBENA (Enero 5)
Dilidilihin mo sa araw na ito ang pagkakasalubong ni Jesus sa
mahabaging babaeng nagngangalang si Veronica na sa malaking
habag nito sa Manunubos, ay inabot dito ang kaniyang taglay na
birang upang pahiran ang bathalang mukhang pinapangit ng
dugong umaagos sa mga sugat. Alang-alang sa mga hirap at sakit
ng aming Panginoon, ay magkaroon nawa kami ng pag-ibig sa
aming Manunubos at pagkamuhi sa kasalanan hanggang sa huling
sandali, Siya Nawa.
(Magdasal ng Tatlong Aba Ginoong Maria, Susundan ng Dalit at Pangwakas
na Panalangin p.14 -17)

—o0o—

Dasalin ang Pagsisisi sa Kasalanan p.12 at dasalin ang;


PANALANGIN SA IKAPITONG ARAW NG NOBENA (Enero 6)
Sa araw na ito’y dilidilihin natin ang pagkakasalubong ni Jesus sa
mahabaging mga babaing sumusunod sa kaniya na tumatangis
dahil sa kalunos-lunos na kalagayan ng Manunubos, na ng sila’y
makita ng mga babaing taga Jerusalem, huwag ako ang inyong
tangisan, kundi ang inyong mga anak. Mahabaging Puso ni Jesus
maawa ka sa aming kaluluwang makasalanan at pawiin mo ng
iyong dugo ang aming mga gawang lihis, Siya Nawa.
(Magdasal ng Tatlong Aba Ginoong Maria, Susundan ng Dalit at Pangwakas
na Panalangin p.14 -17)

—o0o—

20
ANG IMAHEN NG POONG JESUS NAZARENO
NA GINAGAMIT TUWING TRASLACION,
SENIOR VICARIO ANG TAWAG SA IMAHENG ITO.

21
Dasalin ang Pagsisisi sa Kasalanan p.12 at dasalin ang;
PANALANGIN SA IKAWALONG ARAW NG NOBENA
(Enero 7)
Dilidilihin mo na ng si Jesus ay sumapit sa bundok ng Kalbaryo ay
walang pakundangang hinubaran siya ng damit ng mga berdugo,
at sa gayon ay nanariwang muli at umantak ang mga sugat ng
kabanal-banalan niyang katawan at pinainum siya ng alak na
nilahukan ng apdo. O Panginoon naming pinapagdusa sa krus.
Tanggapin mo kami sa iyong biyaya at pamagitan mo kami sa
iyong Ama sa langit, Siya Nawa.
(Magdasal ng Tatlong Aba Ginoong Maria, Susundan ng Dalit at Pangwakas
na Panalangin p.14 -17)

—o0o—

Dasalin ang Pagsisisi sa Kasalanan p.12 at dasalin ang;


PANALANGIN SA IKASIYAM NA ARAW NG NOBENA (Enero 8)
Masdan mo ang iyong Manunubos na nakabayubay sa krus, na
pagkaraan ng tatlong oras ng kasakit-sakit na paghihingalo ay
namatay sa pagtubos sa ating mga sala. Sinasamba ka namin,
Hari at Panginoon namin, Hari ng mga kaluluwa at ng buong
nilalang na mula riyan sa luklukan ng sakit ay naghahari ka sa ilalim
ng bathalang kapangyarihan ng iyong pag-ibig na niyakap ni Jesus,
naging luklukan ng iyong awa, ikaw ang aming kaaliwan, aming
pag-asa sa kaisa-isang Hiyas na aming kaligtasan, Siya Nawa.
(Magdasal ng Tatlong Aba Ginoong Maria, Susundan ng Dalit at Pangwakas
na Panalangin p.14 -17)

—o0o—

22
“Kung sinuman ang gustong sumunod sa akin, itakwil
niya ang kanyang sarili at pasanin ang kanyang krus at
sumunod sa akin.”

MATEO 16:24

23
ARKIDIYOSESIS NG MAYNILA
BASILIKA MENOR NG ITIM NA NAZARENO
Parokya ng San Juan Bautista
Quiapo, Maynila

You might also like