You are on page 1of 9

Pagsisiyam kay San Agustin

Pambungad na Awit

DAKILANG SAN AGUSTIN

Dakilang San Agustin,


May pusong maawain,
Tanglaw ka ngang maningning.
Bayan namin puso sa iyo’y hain.

Kami ay nagdarasal,
Buong pusong nananalangin:
Pagmamahal mo’t pag-ibig,
San Agustin, nais naming kamtin!

Kami’y ipagsanggalang
Sa tukso at kasamaan.
San Agustin naming mahal
Huwag sana kaming pababayaan.

Pambungad na Panalangin

Panginoon, Diyos ng walang hanggang karunungan,


hinirang Mo ang Tagapagtangkilik naming si San
Agustin upang gamitin sa pagpapahayag ng mga
katotohanan ng aming pananampalataya. Sa kanyang
mga isinulat ay nahahayag ang mga katotohanan
tungkol sa Iyo, kung ano ang patutunguhan namin at
kung ano ang dapat naming maging tugon sa Iyo.
Itinanghal namin siyang Pantas ng simbahan sapagkat
ang kanyang mga aral ay magpapatatag sa
Pagsisiyam kay San Agustin pananampalatayang Kristiyano at nagpapalinaw sa
buhay namin bilang Iyong mga nilikha at anak.
Itinuturo niya na kami ay nauukol lamang sa Iyo at sa Ngayon, aming ama, patuloy mong ipamalas ang iyong
iyo dapat na isuko at italaga ang aming sarili sapagkat maka-amang pangangalaga sa amin. Ang iyo nawang
hindi mapapanatag ang aming kalooban kung hindi pagpapamalas na ito ay maghatid sa aming pagkilala sa
kami sasandig sa iyo. Diyos Ama na Maylalang sa ating lahat at tunay na
pinagmumulan ng bawat biyayang ipinakikiusap namin
Kaya ama, sa aming pagpaparangal kay San Agustin, sa iyo. Idalangin mo sa Diyos na makamit namin sa
kami ay lumalapit sa Iyo upang humingi ng buhay na ito ang mga kinakailangan namin lalung-lalo
kapatawaran sa mga pagkakataong kami ay nagkasala, na ang kahilingang ito. (Ilahad ang kahilingan).
lumihis ng landas ng kabanalan, namumuhay sa Pagkalooban nawa kami ng Diyos ng banal na
kalayawan at pinawalang-halaga ang mga itinuturo ng karunungan na patuloy na magsasaliksik sa kanya at sa
aming pananampalataya. Tulad ng ginagawa Mo kay kanyang kalooban upang si Kristo ang Katotohanan at
San Agustin, patuloy mo nawa kaming tawagin tungo sa Karunungan ng Diyos ay maghari sa amin ngayon at
pagbabagong-buhay at mag-alab nawa ang aming puso magpakailanman. Amen.
sa pag-ibig sa Iyo at sa paglilingkod sa Iyong
Sambayanan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni
Hesu-Kristo kasama ng Espiritu Santo, magpasawalang- Panalangin para sa Unang Araw
hanggan. Amen.
(Ilagay natin ang ating sarili sa karanasan ni San Agustin at
dasalin
Panalangin kay San Agustin ang kanyang panalangin.)

Minamahal naming San Agustin, taglay ang lubos na Dakila ka, O Panginoon, at karapat-dapat na purihin,
pananalig at pagtawag sa Diyos Ama na dakila ang iyong kapangyarihan at walang hanggan ang
pinagbubuhatan ng lahat ng pagka-Ama sa lupa, kami Iyong karunungan. Ang tao na bahagi ng Iyong
ay napaaampon sa iyo bilang isang ama. Dala ng sangnilikha ay nagnanais na Ikaw ay papurihan, ang tao
mahabang kasaysayan ng pakikipag-ugnayan ng aming na nagtataglay sa sarili ng tanda ng kanyang kasalanan
bayan sa iyo at sa iyong pagtugon sa aming mga at patunay na nilalayuan mo ang mga palalo.
kahilingan na nagpapahayag ng iyong maka-amang Gayunpaman, sa kabila nito, ang tao ang bahaging ito
pagtangkilik, ikaw ay naging malapit sa amin. Ito rin ay ng Iyong sangnilikha, ay nagnanasang magpuri sa Iyo.
nagmula sa iyong kabantugan sa pangangasiwa bilang Pinag-aalab Mo siya upang malugod na makapagpuri sa
Obispo sa Sambayanan ng Diyos, inalagaan mo ang iyo, sapagkat nilikha Mo kami para sa Iyo at ang puso
noon ay munti pa at lumalaking Simbahan sa namin ay walang kapanatagan hanggang hindi
pagbibigay linaw sa kanyang mga aral kaya ikaw ay tumatahan sa Iyo. Siya nawa.
tinagurian bilang isa sa mga ama ng Simbahan.
San Agustin, tanglaw ng tunay na pananampalataya, *
San Agustin, marangal na tagapagtanggol ng Santa
Iglesia, *
Litanya kay San Agustin San Agustin, liwanag mula sa kaluwalhatian ng Diyos, *
San Agustin, namumukadkad na punong Olibo sa
Panginoon, kaawaan mo kami. Tahanan ng Diyos, *
Kristo, kaawaan mo kami. San Agustin, masugid na mananamba ng Banal na
Panginoon, kaawaan mo kami. Santatlo, *
Kristo, pakinggan mo kami. San Agustin, di masaid na bukal ng mahusay na
Kristo, pakapakinggan mo kami. Kristiyanong pananalita, *
Diyos Ama sa langit, kaawaan mo kami. San Agustin, maningning na salamin ng kabanalan, *
Diyos Anak na tumubos sa sanlibutan, kaawaan mo San Agustin, huwaran ng lahat ng kabutihan, *
kami. San Agustin, mapang-aliw sa mga namimighati, *
Diyos Espiritu Santo, kaawaan mo kami. San Agustin, mapagbigay ginhawa sa mga naulila, *
Banal na Santatlo, tatlong Persona sa iisang Diyos, San Agustin, kaibigan at kaagapay ng mga dukha, *
kaawaan mo kami. San Agustin, Aming Ama, *

Banal na Amang Agustin, *ipanalangin mo kami. Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng
San Agustin, huwaran ng mga nagsisising kaluluwa, * sanlibutan,
San Agustin, anak ng mga luha ni Sta. Monica, * iligtas mo kami, Panginoon.
San Agustin, liwanag ng mga tagapagturo, * Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng
San Agustin, tagapuksa ng maling-aral, * sanlibutan,
San Agustin, bantog na tagapagtanggol laban sa pakapakinggan mo kami, Panginoon.
kaaway ng simbahan, * Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng
San Agustin, haligi ng tunay na pananampalataya, * sanlibutan,
San Agustin, sisidlan ng Banal na Karunungan, * kaawaan mo kami, Panginoon.
San Agustin, gabay sa pamamatnugot ng buhay
paglilingkod, *
San Agustin, na ang puso ay pinag-aalab ng apoy ng
pag-ibig ng Diyos, * Manalangin Tayo
San Agustin, mapagkumbaba at maawaing ama, *
San Agustin, masigasig na tagapagpahayag ng Salita ng O Diyos, isiniwalat mo kay San Agustin ang mga
Diyos, * natatagong hiwaga ng iyong karunungan at pinag-alab
San Agustin, natatanging tagapagpaliwanag ng Banal Mo sa kanyang puso ang maka-Diyos na pag-ibig, sa
na Kasulatan, * gayon pinanibago Mo sa Iyong simbahan ang haligi ng
San Agustin, dangal ng mga Obispo, * ulap at apoy. Magiliw Mong ipagkaloob, na kami ay
iligtas na makalampas sa mga pagsubok sa daigdig na Upang laging mag-alab ang aming puso sa Diyos at madama
ito at makarating sa buhay na walang hanggan na ang Kanyang pananahan sa amin.
ipinangako Mo sa amin. Sa pamamagitan ni Kristong
aming Panginoon. Amen.  Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.

Pangwakas na Panalangin Ikalawang Araw

Ama naming mapagmahal, pinupuri ka namin at Pambungad na Panalangin


ipinagdarangal sa iyong walang hanggang karunungan na
laganap at nababanaag sa buong sanlibutan. Sa bawat bagay Panalangin kay San Agustin
at buhay na nilikha nakikita ang mga tanda ng karunungan
at panukala ng kanilang Manlilikha. Ito, Panginoon, ang Panalangin para sa Ikalawang Araw
katotohanang sinasaliksik at natagpuan ni San Agustin. Hindi
Mo pinatigil ang kanyang puso at isip sa paghahanap ng (Ilagay natin ang ating sarili sa karanasan ni San Agustin at
kanyang pinagmulan. Gayundin ang ginagawa Mo ay dasalin ang kanyang panalangin.)
ipinadarama sa bawat tao, ang hindi manatili sa mga bagay
na Iyong nilikha upang hanapin namin ang higit at tunay na
bukal ng kaligayahan, na kami ay hindi nauukol para sa Panginoong Hesus, itulot Mong makilala ko ang aking
daigdig na ito, sa mga lumilipas na bagay rito. “Sapagkat sarili, itulot Mong makilala Kita at walang hangarin kung
nilikha mo kami para sa iyo at ang puso namin ay walang hindi Ikaw lamang. Loobin Mong kamuhian ko ang aking
kapanatagan hanggang hindi tumatahan sa Iyo.” sarili upang mahalin Ka, at gawin ang lahat ng bagay
alang-alang sa Iyo. Pakaabahin ko nawa ang aking sarili
Kaya, Panginoon, lubos kaming nagpapasalamat sa iyo sa at ikaw ang aking itanghal, at walang isipin kundi Ikaw.
biyayang ipinunla mo sa puso ng aming Tagapagtangkilik na Loobin Mong mamatay ako sa aking sarili upang
si San Agustin at sa karunungang ibinigay Mo sa kanya. mabuhay sa Iyo, at tanggapin ang lahat ng mga
Katulad niya, sa Iyo nawa namin matagpuan ang nangyayari bilang kaloob Mo. Loobin Mong limutin ko
katiwasayan ng aming puso. Itulot Mong huwag mapayapa ang aking sarili at lumakad sa likuran Mo, at laging
ang aming sarili kung kami ay mapawalay sa Iyo. Kaisa ni magnasang sumunod sa Iyo. Siya nawa.
San Agustin, sama-sama nawa kaming maghanap tuwina sa
Iyo, makamit ang mga biyayang kailangan namin at mabatid
ang Iyong kalooban para sa bawat isa sa amin at sa aming Litanya kay San Agustin
bayan. Alang-alang kay Hesu-Kristo na tangi naming
Tagapamagitan sa Iyo kasama ng Espiritu Santo, iisang Pangwakas na Panalangin
Diyos magpasawalang hanggan. Amen.

Ipanalangin mo kami. O mahal na San Agustin.


Pangwakas na Panalangin

Ikatlong Araw
Ikaapat na Araw
Pambungad na Panalangin
Pambungad na Panalangin
Panalangin kay San Agustin
Panalangin kay San Agustin
Panalangin para sa Ikatlong Araw
Panalangin para sa Ikaapat na Araw
(Ilagay natin ang ating sarili sa karanasan ni San Agustin at
dasalin ang kanyang panalangin.)
(Ilagay natin ang ating sarili sa karanasan ni San Agustin at
dasalin ang kanyang panalangin.)

Banal na Espiritu, makapangyarihang Patnubay, banal


na tagapag-ugnay ng Ama at Anak, pag-asa ng mga
nagdurusa, mahal na pananahan. Itanim Mo sa mga Ipagkaloob mo ang Iyong sarili sa akin, O Diyos. Ibalik
naghihinawa naming kaluluwa ang apoy ng Iyong pag- na muli ang Iyong sarili sa akin. Iniibig Kita, at kung ito
ibig upang lubusan kaming mag-pailalim sa Iyo. ay kulang pa, bayaan Mong ibigin Kita ng lalo at higit.
Nananalig kami na sa sandaling Manahan Ka sa amin ay Hindi ko kayang sukatin na alamin kung gaano ang
ipaghahanda mo rin ng isang tahanan sa amin ang Ama kulang na pag-ibig upang ang aking buhay ay tumalima
at ang Anak. Kaya nakikiusap kami, halina sa aming sa Iyong pagkandili sa halip na lumayo, hanggang
piling, halina at kami ay dalisayin. Wala nawang maitago sa likod ng Iyong mukha. Ito lamang ang aking
masamang pagnanasa ang makapangayari sa amin. nababatid, na sa sandaling mawalay ako sa Iyo, ito ay
Minamahal Mo ang aba at tinatanggihan ang palalo. magdudulot ng masama sa akin, hindi lamang sa aking
Halina sa amin, luwalhati ng mga buhay, pag-asa ng kapaligiran kundi gayon din sa loob ng aking pagkatao,
mga namamatay. Patnubayan Mo kami ng Iyong biyaya at para sa akin ang lahat ng kasaganaan ay kakulangan
upang lagi kaming maging kalugod-lugod sa Iyo. Siya kung Ikaw ay wala. Siya nawa.
nawa.

Litanya kay San Agustin


Litanya kay San Agustin
Pangwakas na Panalangin
Pangwakas na Panalangin

Ikalimang Araw
Ikaanim na Araw
Pambungad na Panalangin
Pambungad na Panalangin
Panalangin kay San Agustin
Panalangin kay San Agustin
Panalangin para sa Ikalimang Araw
Panalangin para sa Ikaanim na Araw
(Ilagay natin ang ating sarili sa karanasan ni San Agustin at
dasalin ang kanyang panalangin.) (Ilagay natin ang ating sarili sa karanasan ni San Agustin at
dasalin ang kanyang panalangin.)

Tumatawag ako sa Iyo, aking Diyos, aking pag-ibig,


Ikaw na lumikaha sa akin, at hindi lumimot sa akin, Panginoon, nagsusumamo ako sa Iyo… sumilang nawa
bagaman nilimot Kita. Tinatawag Kita sa aking kaluluwa ang katotohanan mula sa daigdig at manaog ang
na inihanda Mo upang tanggapin Ka sa pamamagitan ng katarungan mula sa kalangitan… Ibahagi nawa namin
pagnanasang ipinunla Mo dito. Huwag Mo akong ang aming pagkain sa mga nagugutom at patuluyin ang
pabayaan ngayong ako ay dumudulog sa Iyo, sapagkat mga nangangailangan at walang masilungan sa aming
bago pa man ako tumawag sa Iyo, ako ay inuudyukan tahanan. Damitan nawa namin ang mga hubad, at
ng marami at iba’t ibang salita, upang mula sa kalayuan huwag lapastanganin ang aming kapwa. Sa sandaling
Ikaw ay aking marinig at ako ay makapagbagong-loob mangyari ang ganitong gawain sa daigdig, anong buti
at manawagan sa Iyo gaya ng panawagan Mo sa akin. nito. Itulot Mong magningas ang ilaw namin na
Siya nawa. panandalian lamang. At sa pagdaan namin sa ganitong
uri ng pagkilos tungo sa kaligayahan ng pagninilay sa
Iyo, at makamit ang salita ng buhay mula sa langit,
magsilbi nawa kaming mga tanglaw sa daigdig na
Litanya kay San Agustin humahawak sa katotohanan ng Iyong Salita. Siya nawa.
Litanya kay San Agustin

Pangwakas na Panalangin Litanya kay San Agustin

Pangwakas na Panalangin

Ikawalong Araw
Ikapitong Araw
Pambungad na Panalangin
Pambungad na Panalangin
Panalangin kay San Agustin
Panalangin kay San Agustin
Panalangin para sa Ikawalong Araw
Panalangin para sa Ikapitong Araw
(Ilagay natin ang ating sarili sa karanasan ni San Agustin at
(Ilagay natin ang ating sarili sa karanasan ni San Agustin at dasalin ang kanyang panalangin.)
dasalin ang kanyang panalangin.)

O Diyos, itulot Mong makilala at maibig Kita upang


O Panginoong aking Diyos, pakinggan Mo ang aking matagpuan ko ang kaligayahan sa Iyo. Dahilan sa hindi
panalangin at sa Iyong habag, magiliw Mong dinggin ko ito lubusang maisasakatuparan sa mundong ito,
ang aking hinahangad, sapagkat nag-alab ito hindi tulungan mo akong umunlad araw-araw hanggang sa
lamang para sa aking sarili kundi alang-alang din sa maisagawa ko ito ng ganap. Loobin Mong makilala Kita
kapakanan ng aking kapwa. Nakikita Mo ito sa aking ng lubos at higit sa daigdig na ito, upang mahalin Kita
puso. Ihahandog ko sa Iyo ang paglilingkod ng aking ng ganap. Sa ganitong paraan, maging dakila ang aking
diwa at dila; ipagkaloob Mo sa akin ang anumang kaligayahan sa daigdig, at maging ganap sa piling Mo sa
maiaalay ko sa Iyo. Sapagkat “ako ay salat at mahirap,” kalangitan. Siya nawa.
at “Ikaw ay sagana sa lahat ng tumatawag sa Iyo,”
Ikaw na Malaya sa mga alalahanin, ay nangangalaga sa
amin. Sa lahat ng kapalaluan at kasinungalingan, ilayo
Mo ang aking mga labi. Ang Iyo nawang Banal na Litanya kay San Agustin
Kasulatan ang maging dalisay kong kasiyahan. Huwag
nawa akong mahulog sa pagkakamali sa pagbasa nito,
huwag ko nawang ilihis ang iba sa maling paggamit Pangwakas na Panalangin
nito. Siya nawa.
papasukin Mo ako; kung saan Mo ipininid, buksan Mo sa
aking pagmamakaawa, loobon Mong alalahanin Kita,
maunawaan at mahalin. Siya nawa.

Ikasiyam na Araw Awit

Pambungad na Panalangin AGUSTIN, AMING PATNUBAY

Panalangin kay San Agustin Agustin, aming patnubay,


Lantay ang ‘yong karunungan,
Panalangin para sa Ika-Siyam Araw Bantog ang ‘yong kabanalan,
Na s’yang dapat na tularan.
(Ilagay natin ang ating sarili sa karanasan ni San Agustin at Dahil sa ‘yong kapangyarihan,
dasalin ang kanyang panalangin.)
Pinupuri ka’t dinarangal.
Mithiin nami’y ‘yong pakinggan!
Kami ay ay laging damayan!
O Panginoon naming Diyos, sumasampalataya ako sa
Iyo, Ama, Anak, at Espiritu Santo… Sa abot ng aking Kagalang-galang, sa mundo’y di mapantayan;
makakaya at sa pagkakaloob Mo sa akin ng Nagpakasakit alang-alang kay Hesus na mahal.
kapangyarihan ay hinahanap Kita. Nagpagal ako at Agusting hirang, ika’y paglilingkuran;
nagsumikap. O Panginoon kong Diyos, tangi kong pag- Pag-ibig namin sa’yo magpasawalang-hanggan!
asa, tulungan Mo akong sumampalataya at huwag
tumigil sa paghahanap sa Iyo. Loobin Mong lagi na
masigasig kong hanapin ang Iyong mukha. Dulutan Mo
ako ng lakas upang hangarin Ka, sapagkat tinutulungan Litanya kay San Agustin
Mo akong matagpuan Ka at pinagkalooban Mo ako ng
malaking pag-asa upang ikaw ay matagpuan.
Pangwakas na Panalangin
Narito ako sa Iyong harapan, taglay ang aking
katatagan at ang aking kahinaan. Pag-ingatan Mo ang
una at paghilumin ang pangalawa. Narito ako sa Iyong
harapan taglay ang aking lakas at kamangmangan.
Kung saan Mo binuksan ang pinto para sa akin,
Pangwakas na Awit
Panalangin para sa Pagtatapos ng Nobena
HUMIHILING
Makapangyarihan at mahabaging Diyos, lubos kaming
nagpupuri at nagpapasalamat sa Iyo sa mga dakilang O Dakilang San Agustin,
pangyayari na ginagawa Mo sa Kasaysayan ng Iyong O Patron naming maawain,
simbahan. Sa paghirang at pagtawag Mo sa mga taong Bayan ng Tanza,
mangangasiwa sa Iyong Sambayanan at magpapatunay Iyo sanang paunlarin;
ng Iyong pananatili sa daigdig. Pinasasalamatan Ka Ang mga may karamdaman,
namin sa paghirang Mo sa aming Tagapagtangkilik na si Lubusan Mong pagalingin;
San Agustin, sa ginawa Mong pagbabago sa kanyang Nagdurusa’y paligayahin,
kalooban at pamumuhay bilang Iyong pagtugon sa mga Humihingi, iyong dinggin!
pagsusumamo ng kanyang inang si Sta. Monica.
Napagtatangkilik, tangkilikin;
Gayundin, maraming salamat, Ama sa patuloy Mong Humihiling, bigyang pansin;
pagtawag sa amin tungo sa pagbabago at sa pagbibigay Kaming dumaraing, pagyamanin;
Mo sa amin ng sapat na lakas at biyaya upang Kapag dumidilim, paningningin.
maisakatuparan ang hinahangad naming pagbabago sa
aming buhay. Nananalig kami sa Iyo na sa O Dakilang San Agustin,
pagpaparangal namin kay San Agustin ay matularan O Patron naming maawain,
namin siya sa kanyang panalangin lalo’t higit ng Iyong Bayan ng Tanza,
biyaya, kami ay sasapit sa ganap na pakikipamuhay sa Iyo sanang paunlarin!
Iyo. Maraming salamat po, Panginoon.
Amen.

Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.


Amen.

You might also like