You are on page 1of 36

BY YOUR CROSS AND

RESURRECTION
Homilies of Fr. George A. Morales

"This is love: not that we loved God, but


that he loved us and sent his Son as an
atoning sacrifice for our sins."
1 John 4:10
We extend our heartfelt gratitude to
Rev. Fr. George A. Morales
for generously sharing his inspiring homilies
and granting us permission to compile them.
Additionally, our sincere appreciation goes to
Mr. Jose Alberto A. Armintia,
assistant to the university chaplain of DLSUD,
for spearheading this project.
TABLE OF CONTENTS

Ash Wednesday 1

1st Sunday of Lent 2024


ANG MGA TUKSO SA DISYERTO 3

2nd Sunday of Lent 2024


TRANSFIGURATION SUNDAY 6

3rd Sunday of Lent 2024


ANG BAGONG TEMPLO 9

4th Sunday of Lent 2024


LAETARE SUNDAY 12

5th Sunday of Lent 2024


LINGGO NG LUMA AT BAGONG TIPAN 15

Linggo ng Palaspas 2024


LINGGO NG PASYON 18

Holy Thursday 2024


TWO LANGUAGES OF LOVE 20

Good Friday 2024 22

Holy Saturday 2024 24

Pasko ng Muling Pagkabuhay 2024 26


Ash Wednesday

Intro: Ang Miyerkules ng Abo ay simula ng panahon ng


kuwaresma na tatagal ng 40 araw at gabi bilang paghahanda sa
ikalawang misteryo ng Pasko o Paskuwa — ang
pagpapakasakit, kamatayan at muling pagkabuhay ni Jesus.
Ang ginagamit na abo at inilalagay sa noo ay isang tanda upang
masuri natin ang sarili. Sino nga ba tayo? At kanino nga ba tayo?

Pagnilayan natin ang mga pagbasa sa mga panawagan


nito sa atin ngayong panahon ng kuwaresma.

1. Unang Pagbasa: Aklat ni Propeta Joel

Inihayag ni Propeta Joel na ipinasasabi ng


Panginoon: “Mataimtim kayong magsisi at manumbalik sa
akin.”

Nananawagan ang Diyos sa pamamagitan ng


propeta na bago dumating ang nakaambang katapusan
ng panahon, tayong lahat ay bumalik na sa kanya sa
pamamagitan ng pagsisisi at pagtalikod sa masama
nating buhay.

2. Ikalawang Pagbasa: Ikalawang Sulat ni San Pablo sa mga


taga=Corinto

Sinabi ni San Pablo: “Parang ang Diyos na rin ang


namamanhik sa inyo sa pamamagitan ko: makipagkasundo
kayo sa Diyos.”

Nananawagan ang Diyos sa pamamagitan ni San


Pablo na lumapit tayo sa Diyos at buuin muli ang nasira
nating relasyon sa kanya at sa ating kapwa dahil sa ating
mga nagawang kasalanan.

-1-
3. Ebanghelyo: San Mateo

Nananawagan naman si Jesus sa atin na magagawa


nating taimtim na pagsisisi, pagbabalik at
pakikipagkasundo sa Diyos sa pamamagitan ng tatlong
banal na gawain — paglilimos, pananalangin, pag-
aayuno.

Isang natatanging paalala ang ibinibigay ni Jesus


habang nagsasagawa ng mga ito: ilihim mo ang iyong
mga ginagawa. Hangarin mo ang mga gantimpala mula
sa ating Amang nasa langit, sa halip na mula sa
sinumang kapwa-tao natin.

Misa: Manahimik tayo at manalangin habang naglalagay tayo


ng abo sa ating mga noo. Alalahanin natin na tayo ay mga
katawang-lupa lamang at babalik sa may likha sa atin balang-
araw.

Kaya… magbagong buhay at sa Mabuting Balita


sumampalataya!

-2-
1st Sunday of Lent 2024
ANG MGA TUKSO SA DISYERTO

Intro: Ang pagpapahayag sa ebanghelyo ni San Marcos tungkol


sa mga tukso kay Jesus sa ilang o disyerto ay ang pinakamaikli
sa mga ebanghelista. Naganap ito matapos ang binyag ni Jesus
sa ilog Jordan bilang pagsisimula ng kaniyang ministri. Ang
layunin ng ilang ay upang ihanda at angkinin ni Jesus sa
kaniyang sarili ang misyon bilang tagapagligtas. Dadalisayin
niya ito sa pamamagitan ng pakikipaglaban sa mahusay na
katunggali, si Satanas, na sisikaping hadlangan si Jesus sa
pagsasakatuparan ng kaniyang misyon. Ito ang adversity
quotient (A.Q.) test ni Jesus na lubos niyang pinagtagumpayan.

Ang pagdakip kay Juan Bautista ang naging hudyat ng


simula ng pangangaral ni Jesus na nagumpisa sa Galilea.

Pagnilayan natin ang mga mensahe sa unang


pangangaral ni Jesus:

1) Unang Mensahe: “Dumating na ang takdang panahon at


malapit na ang paghahain ng Diyos.”

Ang takdang panahon at paghahain ng Diyos ay


tumutukoy sa presensiya ni Jesus. Siya ang
pagpapahayag at proklamasyon ng kaharian ng Diyos.
Sinasabi ni Jesus na narito na sa piling ninyo ang
paghahari ng Diyos at ako iyon. Panahon na niya upang
magsimula ang paghahari ng Diyos.

2) Ikalawang Mensahe: “Pagsisihan ninyo at talikdan ang


inyong mga kasalanan.”

Sa pagsisimula ng Kaharian ng Diyos, sinasabi ni


Jesus na kilalanin muna natin ang kasamaan sa buhay; na
ginulo natin ang buhay na bigay ng Diyos (we made a

-3-
mess of our life); na suriin natin ang mga maling pinili sa
buhay (wrong choices).

Pagkatapos nito ay gamitin ang kuwaresma


bilang panahon upang talikuran ang lahat ng ito at mag-
umpisa uli sa ating buhay.

Sa madaling sabi: Say No to Satan. Tama na.


Ayaw ko na sa masama at makasalanang buhay. And say
Yes to God.

3) Ikatlong Mensahe: “Maniwala kayo sa Mabuting Balitang


ito.”

Tatlong kahulugan ang nakapaloob sa


pangungusap na ito:

a) Maniwala na si Jesus ang isinugong Tagapagligtas at


siya’y narito upang sagipin ang lahat.

b) Maniwala na si Jesus sa panahon natin ngayon ay


matatagpuan na nagpapatawad at nagpapagaling sa
sakramento ng kumpisal o pakikipagkasundo.

St. James story:

Jerome: Panginoon, naibigay ko na ang


lahat-lahat sa iyo. Ano pa ba ang
hinihingi mo sa akin? Wala na
akong maibibigay pa.

Panginoon: Hanggang ngayon, ‘di mo pa


ibinibigay sa akin ang iyong mga
kasalanan. Ibigay mo sa akin lahat
ng iyong sala upang mapawi ko
lahat.

-4-
Jerome: Jesus, take all that is mine, and give
me all that is yours. Kunin mo Jesus
ang lahat ng akin (na wala naman
kundi puro kasalanan), at ibigay
mo sa akin ang lahat ng iyo (na
puro kabutihan at biyaya).

c) Maniwala na ang pagtanggap kay Jesus ay


kailangang patunayan sa mga gawa ng buhay, tulad
ng patunay na ginawa ni Jesus sa mabuting balita ng
kaligtasan.

Misa: Ipinahayag muli sa atin sa Eukaristiya ng unang linggo


ng kuwaresma na ang mga paraan upang mapagtagumpayan
ang mga tukso, na unang binanggit noong Miyerkoles ng Abo,
ay sa pamamagitan ng pananalangin, pag-aayuno (sakripisyo),
at paglilimos (works of mercy).

-5-
2nd Sunday of Lent 2024
TRANSFIGURATION SUNDAY

Intro: Noong nakaraang unang linggo ng kuwaresma ay


pinapunta tayo sa disyerto, sa ilang. Ngayong ikalawang linggo
ng kuwaresma, dinadala naman tayo sa bundok, isang banal na
lugar para sa mga Israelita kung saan nakikipagtagpo ang Diyos
sa kanila sa pamamagitan ng kanilang mga pinuno. Sa tatlong
pagbasa natin ngayon ay iniaakyat tayo sa tatlong (3) banal na
bundok:

a) Bundok ng Moriah – kung saan kinatagpo ng Diyos si


Abraham at ang anak niyang si Isaac.

b) Bundok ng Kalbaryo (Golgotha: Pook ng mga Bungo) –


kung saan magaganap ang kamatayan ni Jesus ayon kay
San Pablo.

c) Bundok ng Tabor – kung saan ipinakita ni Jesus ang


kaniyang kaluwalhatian kina Pedro, Santiago, at Juan.

Pagnilayan natin ang ating mga Pagbasa.

3 Bundok = 3 paraan ng ating pagbabagong anyo

1) Unang Pagbasa: Aklat ng Genesis

Isinalaysay dito kung paano sinubok ang


pananampalataya ni Abraham noong hilingin ng Diyos
sa kaniya na ialay ang kaniyang anak na si Isaac. Naglaro
sa isipan ni Abraham na ang Diyos ang nagbigay sa
kaniya ng isang anak sa katandaan nilang mag-asawa.
Kukunin din pala ito sa kaniya. Pero, naging matatag pa
rin si Abraham at humanda siyang sumunod at ilagay
ang lahat sa kamay ng Diyos. Dahil dito, pinigil ng Diyos
ang gagawin ni Abraham at sa halip, ang ipinalit kay
Isaac bilang handog sa kaniya ay isang tupang lalaki.
-6-
Samakatuwid, hinihiling sa atin ngayong
kuwaresma sa bundok ng Moriah ay isang masunurin at
masakripisyong pananampalataya na nakalaang ilagay
sa kamay ng Diyos ang lahat sa ating buhay, tulad ng
ginawa ni Abraham. Ito ang unang paraan ng
pagbabagong-anyo natin.

2) Ikalawang Pagbasa: Sulat ni San Pablo Apostol sa mga


taga-Roma

Iniligtas ng Diyos ang anak ni Abraham sa


kamatayan, ngunit hindi si Jesus na kaniyang Anak.
Napakadakilang handog, subalit napakalaking
kabayaran sa sala ng tao. Kaya’t sinabi ni San Pablo:
“Kung ang Diyos ay panig sa atin? Hindi niya ipinagkait sa
atin ang sarili niyang Anak, kasama ang lahat ng bagay.”

Samakatuwid, iniaaral sa atin ngayong


kuwaresma sa bundok ng kalbaryo na ang handog na
buhay ni Jesus ay higit na sapat upang alalayan tayo sa
panahon ng mga paghihirap natin sa buhay. Ito ang
ikalawang paraan ng ating pagbabagong-anyo: mag-alay
ng buhay para sa iba.

3) Ebanghelyo: San Marcos

Sa bundok ng Tabor, ang Pagbabagong-anyo ni


Jesus sa harap ng tatlo niyang mga alagad na sina Pedro,
Santiago, at Juan ay patunay sa katotohanan ng
dalawang (2) kalikasan ni Kristo: ang kaniyang pagiging
tunay na tao at ang kaniyang pagiging tunay na Diyos,
ang Anak ng Ama. Sa alapaap ay narinig ang isang tinig
na nagsabi: “Ito ang minamahal kong Anak. Pakinggan ninyo
Siya.”

-7-
Samakatuwid, sa bundok ng Tabor,
inaanyayahan tayong lubusang manalig at making kay
Jesus bilang Anak ng Ama sa panahon ng ating mga
pagdurusa sapagkat siya lamang ang makapagbibigay at
sa kanya lamang matatamo ang biyaya ng pagbabagong-
anyo sa ating buhay. Ito ang ikatlong paraan ng ating
pagbabagong-anyo.

Misa: Sama-sama nating ipagdiwang ang Eukaristiya at


hilingin natin kay Jesus na ipagkaloob balang araw ang biyaya
ng ating pagbabagong-anyo, ang ating kaluwalhatian sa
kaniyang kaharian.

____________________________
3 paraan ng Pagbabagong-Anyo / 3 Bundok

1) Masunurin at masakripisyong pananampalataya.


(tulad ni Abraham)

2) Paghahandog ng buhay para sa iba.


(tulad ni Jesus)

3) Pakikinig at pananalig kay Jesus.


(tulad natin)
at magmahal tulad ni Jesus.

John Paul II: “Man cannot live without love.”


- Redemptor Hominis

-8-
3rd Sunday of Lent 2024
ANG BAGONG TEMPLO
Intro: May mga pagkakataon na dapat tayong manindigan at
tutulan ang kasamaan / kamalian. Ang pagbigyan at bigyang
lugod ang mga tao ay mabuti, ngunit ang bigyan ng kasiyahan
ang Diyos ang una sa lahat; hindi maaaring isantabi ito
mapagbigyan mo lang ang tao, kailangang gawin ang
pagtutuwid.

Ang mga pagbasa ay nagpapahayag ng mga dapat nating


panindigan bilang mga Kristiyano. Magnilay tayo.

1) Unang Pagbasa: Aklat ng Exodo

Ipinagkaloob ng Diyos ang Sampung Utos kay


Moses upang tulungan at gabayan ang kaniyang bayan
tungkol sa tunay na pagsamba na nagmumula sa dalisay
na pananalig sa kaniya at sa pagmamahal sa kapwa.

Iniaaral sa atin na ang kuwaresma ay panahon


upang angkinin at gawing sariling atin ang sampung
utos bilang gabay ng tamang pagsamba.

2) Ikalawang Pagbasa: Unang Sulat ni San Pablo sa mga


taga-Corinto

Ang ipinangangaral natin ay ang naka-pakong


Kristo. Sa anumang ibinigay na utos tungkol sa
pagsamba, hindi naglagay si Jesus ng hangganan (limits)
sa kaniyang pagmamahal at sa ating pagmamahal.
Masdan ang nakabayubay na Kristo sa krus. (Pagsamba
ay pagtitiis dahil sa pagmamahal)

Iniaaral sa atin na ang kuwaresma ay panahon


upang magmahal pa nang higit kaysa dati, ayon sa
halimbawang ginawa ni Jesus para sa atin. May sandali
na kailangang magtiis at magtiwala sa pag-ibig ng Diyos.
-9-
3) Ebanghelyo: San Juan

a) Ang Paglilinis ng Templo

Pinanindigan ni Jesus na linisin na ang templo sa


mga gawang mali at pagsasamantala ng mga tao.
Isang palengke na ito, at ‘di na bahay ng kaniyang
Ama, ‘di na lugar ng pagsamba. Hindi na pinalampas
ni Jesus ang mga taong abusado at oportunista. Sila’y
kaniyang pinaalis. Ito na rin ang larawan ng marami-
rami nang mga taong pumapasok sa simbahan na
walang debosyon at respeto sa bahay ng Diyos.

Halimbawa:

— Ang ating kasuotan (attire): Saan ba ang punta


natin? baka ang suot natin ay para sa ibang
lugar.

— Ang ting kilos at gawa (activity): nagmamasid


ka lang ba na parang nagwiwindow
shopping?

— Ang ating disposisyon (disposition): nasaan


ang puso at kalooban natin? Praying on
daydreaming?

b) Ang Pagtatayo ng Bagong Templo

Pinanindigan ni Jesus ang paglilinis ng templo


bilang hudyat ng dumarating na pagdalisay ng
Mesiyas sa kaniyang katawan. Sinabi niya: “Gibain
ninyo ang templong ito, at muli kong itatayo sa loob ng
tatlong araw.” Ang katawan ni Jesus sa kaniyang
Muling Pagkabuhay ay siyang magiging bagong
templo ng Tagpuan ng Diyos at ng kaniyang Bayan.

- 10 -
Ang mga katawan naman ng mananalig kay Jesus
sa pamamagitan ng pagtanggap sa katawan at dugo
ni Jesus (Eukaristiya) ay siyang magiging sagradong
lugar (sanctuary) at templo ng presensiya ng Diyos sa
buhay ng tao.

Samakatuwid, ang ating mga katawan ay


tinagurian ngayon ng Templo ng Espiritu Santo. Dito
nag-ugat ang paggalang at tamang paggamit na
nararapat iukol sa ating mga katawan.

Misa: Inaanyayahan tayo ni Jesus sa Eukaristiyang ito na


panatilihing linisin ang dalawang templo: una, ang Simbahang
ito bilang Tahanan ng Ama, at ikalawa, ang ating mga sariling
katawan bilang Tahanan ng Espiritu Santo.

____________________________
3 templo:
— templo (bahay ng Ama)
— templo ni Jesus: kaniyang katawan
— templo ng Espiritu Santo: tayo

____________________________
PAGSAMBA SA DIYOS
Apat na Paraan:

1) Pagsunod sa Sampung Utos ng Diyos (1st Reading)


2) Pagtitiis dahil sa pagmamahal tulad ng nakapakong
Kristo (2nd Reading)
3) Paglilinis ng templo o Simbahan (Gospel)
4) Paglilinis ng Bagong Templo na itinayo ni Jesus (Gospel)

____________________________
1st Sunday: Ilang
2nd Sunday: Bundok
3rd Sunday: Templo

- 11 -
4th Sunday of Lent 2024
LAETARE SUNDAY

Intro: Ang kuwaresma ay panahon ng kalungkutan dahil sa


nasira natin ang relasyon natin sa Diyos dahil sa ating mga
kasalanan. Lungkot at pighati ang ating ipinararating sa Diyos
na ating sinaktan. Ngunit ang lungkot na ito ay pinuputol
pansumandali sa ika-apat na linggo ng kuwaresma, ang linggo
ng Laetare: salitang latin na ang kahulugan ay kagalakan o
kasayahan. (Tulad din ito sa mga linggo ng Adbiyento. Ang
ikatlong linggo ay linggo ng Gaudete. Salitang latin din na
magkatulad ang kahulugan.)

Ano ba ang mga dahilan na makapagbibigay sa atin ng


kagalakan at kasayahan ngayong panahon ng kuwaresma?
Pagnilayan natin ang ating mga pagbasa.

1) Unang Pagbasa: Aklat ng Kronika

Ipinahahayag dito ang kalungkutan ng buhay na


naranasan ng mga Israelita sa 70 taon ng pagkakabihag
at pagkaalipin nila sa lupain ng Babilonia pagkatapos
mawasak ang templo at lungsod ng Jerusalem. Ang lahat
ng ito ay bunga ng kanilang ginawang pagtalikod sa
Diyos.

Ang ala-alang ito ay isang paglalarawan ng


malungkot ding katayuan sa buhay ng mga makasalanan
na nabihag at naalipin ng mga sala bunga ng kanilang
patuloy na pagtalikod sa Diyos.

Ang unang pagbasa ay siyang panawagan ‘di


lamang sa mga Israelita na magsisi at bumalik sa templo
ng Jerusalem, kundi sa ating lahat na makasalanan upang
umalis sa lungkot ng buhay-kasalanan at bumalik sa
ligaya at kasiyahan ng isang buhay na kapiling ang
Diyos. Dito una tayong pinapunta.
- 12 -
2) Ikalawang Pagbasa: Sulat ni San Pablo Apostol sa mga
taga-Efeso

Sinabi ni San Pablo: “Napakasagana ang habag ng


Diyos. Dahil sa kagandahang-loob ng Diyos ay naligtas kayo
sa pamamagitan ng inyong pananalig kay Kristo.”

Ipinahahayag ni San Pablo na ang kalungkutan at


pighati ay mapapalitan lamang ng kagalakan at
kasayahan dahil sa mayamang habag ng Diyos na
ipagkakaloob niya sa pamamagitan ng gagawing
pagliligtas ni Jesus sa kaniyang Anak sa buong
sanlibutan. Kaya’t inaanyayahan tayo ni San Pablo na
manalig kay Jesus at sumama patungong kalbaryo sa
kaniyang pagpapakasakit, pagkamatay, at muling
pagkabuhay. Dito tayo ikalawang pinapupunta.

Sabi nga ni San Atanacio: “He became what we are


so that He might make us what He is.” Si Jesus ay naging
taong kaparis natin upang magawa niya tayong katulad
niya.

3) Ebanghelyo: San Juan

Ginamit ni San Juan ang salaysay sa lumang tipan,


noong itaas ni Moses sa ilang ang tansong ahas upang
iligtas ang mga Israelita sa tuklaw ng mga ahas, para
ihalintulad ito sa pagtataas kay Jesus sa kahoy na krus at
pagtataas kay Jesus sa kaniyang kaluwalhatian upang
iligtas ang sanlibutan.

Ipinahahayag sa atin na ang pagtataas kay Jesus


sa kaluwalhatian ay hindi magaganap kung hindi siya
itataas sa krus. Ang krus ang daan patungong
kaluwalhatian. Walang kaluwalhatian kung walang
krus.

- 13 -
Samakatuwid, iniaaral sa atin na magpasan tayo
ng krus ng may kagalakan at kasiyahan sapagkat ito
lamang ang daan upang maitaas tayo sa kaluwalhatian.
(Through the Cross to the Resurrection.) Dito tayo
ikatlong pinapupunta: sa krus at pagkabuhay.

Misa: Idalangin natin ngayong ika-apat na linggo ng


kuwaresma na mapili nating lagi sa pamamagitan ng
mayamang habag ng Diyos ang pagbabata ng krus kasama si
Kristo, sa halip na isang buhay na walang krus, upang sa huli’y
makibahagi tayo sa kaniyang kaluwalhatian.

____________________________
1st Sunday: Ilang
2nd Sunday: Bundok
3rd Sunday: Templo
4th Sunday: Saan naman tayo pinapupunta
upang matagpuan ang galak at ligaya?

Intro: Pag may gabi, may bukang liwayway.


Pag may dilim, may liwanag.

- 14 -
5th Sunday of Lent 2024
LINGGO NG LUMA AT BAGONG TIPAN

*Review the 4 Sundays of Lent

Intro: Ang Lumang Tipan ng Diyos at ng pinili niyang bayang


Israel ay naganap sa pamamagitan ni Moses noong ilabas ng
Diyos ang mga Israelita sa lupaing Egipto. Ang tipan /
kasunduang ito ay isinulat sa dalawang tapyas ng bato (Ten
Commandments). Ngunit, sunod-sunod na binali ng Israel ang
tipang ito. Kaya’t ang Diyos na rin mismo ang gagawa ng paraan
upang magkaroon ng isang bagong kasunduan, isang bagong
tipan na magliligtas sa kaniyang bayan “once and for all”. Kung
paano naganap ito ay ipinahahayag ng ating mga pagbasa.
Tayo’y magnilay.

1) Unang Pagbasa: Aklat ni Propeta Jeremias

Sinabi ng Panginoon kay Propeta Jeremias:


“Darating ang panahon na gagawa ako ng bagong
pakikipagtipan sa Israel at Juda. Itatanim ko sa kanilang
kalooban ang aking kautusan; isusulat ko sa kanilang puso.
Ako’y magiging kanilang Diyos at sila ang magiging bayan
ko.”

Ipinahahayag ni Propeta Jeremias na ang bagong


tipan na gagawin ay isusulat na ng Diyos sa puso ng
bawat tao, at hindi na sa bato. Ito ay magiging isang tipan
ng pagmamahal. Dito ipakikita ng Diyos ang kadakilaan
ng kaniyang pagmamahal, na kikilalanin ng bawa’t tao
dahil sa gagawin niyang pagpapatawad sa kanilang mga
kasalanan.

2) Ikalawang Pagbasa: Sulat ni San Pablo sa mga Hebreo

Sinabi ni San Pablo: “Bagamat si Jesus ay Anak ng


Diyos, natutuhan niya ang tunay na kahulugan ng pagsunod
- 15 -
sa pamamagitan ng pagtitiis. At nang maganap na niya ito,
siya’y naging walang hanggang Tagapagligtas ng lahat ng
sumusunod sa kaniya.”

Ipinahahayag sa atin ni San Pablo na ang bagong


tipan ng Diyos ay naganap sa pamamagitan ni Jesus: sa
kaniyang pagsunod sa kalooban ng Ama bilang Mesiyas
at sa kaniyang pagtitiis at pagpapakasakit hanggang
wakas bilang tagapagligtas ng lahat. Samakatuwid, si
Jesus ang naging tagapamagitan sa bagong tipan sa
pagitan ng Diyos at ng buong sanlibutan, at ‘di lamang
sa pagitan ng Diyos at ng bayang Israel.

3) Ebanghelyo: San Juan

a) Sa ebanghelyo ni San Juan ay walang nasulat tungkol


sa “agony in the garden” — sa paghihirap ni Jesus sa
halamanan ng Getsemani. Ang sumusunod na 2
pangungusap ang pumalit bilang “agony in the garden
of Getsemani” ni Jesus. Unang sinabi niya: “Dumating
na ang oras upang parangalan ang Anak ng Tao. Tandaan
ninyo: malibang mahulog sa lupa ang butil ng trigo at
mamatay, mananatili itong nag-iisa. Ngunit kung
mamatay, ito’y mamumunga ng marami.”

Ipinahahayag sa atin na naghihirap ang kalooban


ni Jesus sa halamanan ng Getsemani sapagkat ang
bagong tipan ay isusulat sa pamamagitan ng
kaniyang dugo na ibubuhos sa kalbaryo para sa
kaligtasan ng lahat.

b) Ikalawang sinabi ni Jesus: “Ang taong labis na


nagpapahalaga sa kaniyang buhay ay siyang mawawalan
nito, ngunit ang napopoot (mag balewala) sa kaniyang
buhay sa daigdig na ito ay siyang magkakaroon nito
hanggang sa buhay na walang hanggan.”

- 16 -
Ipinahahayag ni Jesus sa atin na ang sinuman na
naghahandog ng buhay para sa iba ay ang daan ng
kaniyang kaligtasan patungo sa buhay na walang
hanggan. Ang butil ng trigo, ang buhay ni Jesus, ay
mamamatay sa kalbaryo upang mamunga ng
maraming kaligtasan. Ito ang bunga ng bagong tipan
ng Diyos at ng kaniyang sambayanan sa
pamamagitan ng pagpapakasakit, pagkamatay, at
muling pagkabuhay ni Jesus.

Misa: Sa Eukaristiya ng katawan at dugo ni Jesus,


makipagtipan muli tayo sa Diyos at buong katapatang sabihin
na Siya lamang ang kikilalanin nating Panginoon upang
kilalanin Niya lagi tayo sa kaniyang sariling bayan.

____________________________
—kasunduan, kontrata, Tipan

- 17 -
Linggo ng Palaspas 2024
LINGGO NG PASYON

Intro: Ngayong linggong ito ay inaalala ang dalawang (2)


mahahalagang pangyayari sa buhay ni Jesus: ang maringal na
pagpasok ni Jesus sa lungsod ng Jerusalem at ang
pagpapakasakit at pagkamatay ni Jesus. Kaya tinatawag itong
linggo ng Palaspas at linggo ng pasyon. Dito’y ipinahahayag sa
atin ang buod ng magaganap sa buong linggo ng Mahal na
Araw, o Semana Santa, Holy Week. Inilalarawan dito ang
dalawang mukha ng buhay ni Jesus: ang pagdurusa at
kaluwalhatian, ang kabiguan at tagumpay.

Pagnilayan natin ang mga pagbasa at ang taglay nitong


mga aral.

1) Unang Pagbasa: Aklat ni Propeta Isaias

Sinabi ni Propeta Isaias: “Ang mga pagdustang


ginawa nila’y ‘di ko pinapansin, pagkat ang
makapangyarihang Panginoon ang tumutulong sa akin.
Handa akong magtiis na sampaling parang Bato.”

Ipinahahayag sa atin na ang Diyos ang lagi nating


maaasahan na tumulong sa atin, lalo sa mga sandali ng
pagdurusa (pagdusta / pag-alimura). Ngunit ang
pagdurusa ay kailangan nating tanggapin, yakapin, at
pagtiisan. Larawan ito ng gagawin ni Jesus para sa atin
ngayong mahal na araw.

2) Ikalawang Pagbasa: Sulat ni San Pablo Apostol sa mga


taga-Filipos

Sinabi ni San Pablo: “Nang maging tao, si Kristo


Jesus ay nagpakababa at naging masunurin hanggang
kamatayan, oo, hanggang kamatayan sa krus. Kaya naman,
siya’y itinampok ng Diyos at binigyan ng pangalang higit sa
lahat ng pangalan.”
- 18 -
Ipinahahayag naman sa atin, na sa mga sandali ng
kabiguan ay kailangan nating maging mababa at
lubusang sumunod sa kalooban ng Diyos, anuman ang
maging kapalit nito sa ating buhay. Ito ang daang tinahak
ni Jesus upang makamit ang tagumpay at kaluwalhatian
niya para sa atin.

3) Ebanghelyo: San Marcos

Sa Ebanghelyo ng Pasyon at Pagpapakasakit ni


Jesus, ipinahahayag ni San Marcos (pagdating ng
matinding krus ng buhay) na ang batayan at sukatan ng
pagmamahal ayon sa Diyos ay kakaiba kaysa sa sukatan
ng daigdig. Para sa Diyos, ang tunay na sukatan ng
pagmamahal ay sa (a) pagsasakripisyo, hindi sa
anumang materyal na bagay; ang pagmamahal ay
nakikita at nadarama ‘di lamang sa pagbibigay ng regalo,
kundi sa (b) pagbibigay ng mismong sarili; hindi sa dami
at laki ng ibinibigay, kundi sa (c) kung ano at hanggang
saan ang kaya mong tiisin at isakripisyo para sa iba.

Ang krus ni Jesus ang naging katibayan ng


ganitong uri ng pagmamahal, isang pagmamahal na
inuubos ang lahat-lahat sa sarili para sa iba o wala nang
itinitira para sa sarili, (a self-emptying love).

Misa: Habang hawak-hawak ang Palaspas ng tagumpay,


idalangin natin ng taimtim kay Jesus na:

1) Matuto tayong magtiis sa mga sandali ng


pagdurusa; (pagdusta)

2) Matuto tayong maging mababa at masunurin


sa kalooban ng Diyos sa mga sandali ng
kabiguan;

3) At matuto tayong magsakripisyo at magmahal


sa mga sandali ng krus sa ating buhay.
- 19 -
Holy Thursday 2024
TWO LANGUAGES OF LOVE
Intro: Sinisimulan natin ang tinatawag na Paschal Triduum: ang
pagdiriwang ng Paskwa ni Jesus:

1) Paglalakbay ni Jesus sa kaniyang pasyon;


2) Pagdanas ni Jesus ng kamatayan;
3) Tagumpay ni Jesus sa kaniyang muling pagkabuhay.

Ang Huwebes Santo ay tinaguriang Araw ng Pag-ibig.


Maraming uri ng pag-ibig na mayroon ang tao. Sa pera,
kapangyarihan, sex, etc. Sa araw na ito, ipinakikita ni Jesus ang
dalawang (2) lengguwahe ng tunay, orihinal, at totoong pag-ibig
ng Diyos sa tao.

1) Unang Lengguwahe – Ang pag-ibig na mapagkumbaba.

“Kaya’t nang sila’y naghahapunan, tumindig si Jesus,


naghubad ng panlabas na kasuotan, at nagbigkis ng tuwalya.
Lumuhod sa harap ng bawat alagad…”

God kneels down before men. Ito ang misteryo ng


kadakilaan ng pag-ibig ng Diyos — na ang pinakadakila
ay yumukod, lumuhod, at naging maliit sa harap ng tao.

Ganyan ang unang lengguwahe ng pag-ibig: na sa


ngalan ng pagmamahal ay maaari tayong maging
mababa sa harap ng ating minamahal. Ang pagmamahal
kailanman ay ‘di maaaring gamitin upang tayo ay
maging mataas at mayabang o ipagyabang.

2) Ikalawang Lengguwahe – Ang Pag-ibig na


mapaglingkod.

“Nagbuhos si Jesus ng tubig sa palanggana at


sinimulang hugasan ang paa ng mga alagad at punasan ng
tuwalyang nakabigkis sa kaniya.”

- 20 -
Itinuturing noon na ang paa ang
pinakamaruming bahagi ng katawan ng tao. Kaya, ang
paghuhugas ng paa ay gawang pang-alipin lamang. Ito
ang ginamit na larawan ni Jesus ng kaniyang
mapaglingkod na pag-ibig: na gagawin niya ang lahat
upang hugasan ang lahat ng karumihan ng kaniyang
mga minamahal.

a) Ganyan ang ikalawang lengguwahe ng pag-


ibig — na sa ngalan ng pagmamahal ay
matutuhan nating hugasan ang mga
kasalanan natin at ng iba, lalong-lalo na ng
mga taong gumawa ng masama sa iyo.

b) Ipinahahayag din sa atin na hindi sinusukat


ang kasalanan na huhugasan mo; kahit
kasintindi ng dumi ng paa ang kasalanan ay
iyong hugasan. Iyan ang totoong pag-ibig na
mapaglingkod.

3) Ang Hamon ni Jesus

“Binibigyan ko kayo ng halimbawa at ito’y dapat


niyang tularan.”

a) Hugasan unang-una ang lahat ng ating


mapagkunwaring pag-ibig.
b) Hugasan ng ating pag-ibig ang mga taong
nagkasala sa atin, sukdulang lumuhod tayo at
yumukod sa kanilang harapan.
c) Hugasan ng ating pag-ibig na walang
ginagamit na panukat sa pagkakasalang
nagawa sa iyo ng sinuman.

Ang pag-ibig na ito ni Jesus ang pundasyon ng


eukaristiya. Idalangin natin ngayon at sa pagtatanod natin sa
Santisimo Sakramento na matularan ang halimbawa ng pag-ibig
ni Jesus.
- 21 -
Good Friday 2024

Intro: Sa buong taon, ngayon lang walang misa.


Sa buong taon, ngayon lang walang Santisimo
Sakramento
Sa buong taon, ngayon lang walang entrance hymn
tahimik, solemne, malungkot.

I. Today is a celebration of an event; not a sacrament.


Event, tagpo, pangyayari ng pag-aalay ng sarili ni
Jesus sa krus.

Ang krus ngayon ay sasambahin; aalisan ng takip;


luluhuran (genuflect). Bakit? To highlight the
importance of the cross.

II. 3 times ang dahan-dahang pag-alis ng takip ng krus;


3 sagisag / kahulugan

- Una: Old Testament figure of the Tree of Life in


paradise and Adam & Eve.

- Ikalawa: New Testament figure of the Wood of


the Cross and Jesus; the event of life’s offering on
the cross.

- Ikatlo: The Tree of Salvation for all men. Dapat


ipagdiwang at parangalan.

III. Development of “kahoy”; “tree”

O.T.: - tree of life in paradise


- kahoy na bangka ni Noe (ark)
- kahoy na tungkod ni Moses (Red Sea)
- Exodus 15: pait ng tubig sa disyerto ay
pinawi ng kahoy na inilagay ni Moses sa
tubig upang mainom ng mga Israelita.

- 22 -
N.T.: - kahoy ng krus – life-offering of Jesus.
- crucifixion: most framed death.
Why: Very slow death and sufferings.
Ex. Jesus suffers on the Cross from 9:00
a.m. to 3:00 p.m.

- Unti-unting pagkaubos ng dugo


- Palaki ng palaki ang punit sa mga
sugat ng pako sa mga kamay at paa
dahil sa bigat ng katawan.
- Matinding pagkauhaw dahil sa init
ng araw.

IV. Hamon:

- Madali tayong makalimot; balik-balikan natin ang


pangyayaring ito na naganap dahil sa atin, sa
akin, sa iyo.
- Cross is the power of God to save.
- Cross is the wisdom of God on the crucified
Christ, so far from the wisdom of men.
- Cross is the love of God eternal.

Tayo: our own different crosses in life.

Let’s carry them. Magaang ‘di hamak ang mga iyan kaysa
dinala ni Jesus para sa atin.

Halina, parangalan natin at sambahin ang Krus ni Jesus.

- 23 -
Holy Saturday 2024

Intro: Pinakadakilang Gabi ng Taon: Si Jesus ay muling


nabuhay!

4 na Bahagi:

1) Pagbabasbas ng Apoy at Kandilang Paskwal


- Liwanag sa gitna ng kadiliman
Si Jesus ang liwanag na gumapi sa kadiliman ng
kasalanan.

2) Liturgy of the Word


headings: 7 O.T. (4 O.T. is permitted)
1 N.T.
Aleluya – Salita ng Tagumpay
at Pagbubunyi
1 Gospel
9 readings

1st Reading: Genesis – Creation


- Sa kaniya ang buhay
- The 1st manifestation of His love.

2nd Reading: Abraham’s faith


- God chose His people

3rd Reading: Moses’ faith (Exodus)


- Red Sea: liberation – Mapagpalaya ang Diyos.

4th Reading: Isaias – the love of God by making Israel His


bride.

N.T. Reading: on Baptism.

- 24 -
3) Liturgy of Baptism – Renewal
- Dati: catechumens were baptized in the night of
the Resurrection.
- New life thru Baptism: renewal of our baptismal
promises.
* Remember your Baptismal date!
Celebrate your Baptism!
- From death to spiritual life because God shared us
His life.

4) Liturgy of the Eucharist


Hamon: Let us remove the stone of the tombs of
pagkamakasarili upang makita natin na si
Jesus ay muling nabuhay dahil walang
laman ang libingan.

- 25 -
Pasko ng Muling Pagkabuhay 2024

Intro: Ngayon ay ipinagdiriwang ang puso ng


pananampalatayang Kristiyano: ang Pasko ng Muling
Pagkabuhay. Ano ba ang ibig sabihin ng pasko? Ang Pasko ay
ang paskwa, pass-over, passage o tulay. May dalawa (2) tayong
pasko. Ang unang pasko ay ang pasko ng pagsilang: ang pass-
over (tawiran) o tulay na ginawa ng Diyos mula langit patungo
sa lupa. Ito ang pagsilang ni Jesus, ang Anak ng Diyos upang
mamuhay sa lupa bilang tao at pagdugtungin ang langit sa lupa.
Ang ikalawang pasko ay ang pasko ng pagkabuhay: ang pass-
over o tulay na ginawa ng Diyos mula lupa patungo sa langit.
Ito ang muling pagkabuhay ni Jesus, ang Anak ng Diyos sa
kamatayan at libingan upang pagdugtungin naman ang lupa sa
langit at mabuksan ang pinto ng kaharian sa lahat ng tao.

Pagnilayan natin ang ating mga pagbasa sa taglay nitong


aral tungkol sa muling pagkabuhay ni Jesus.

1. Unang Pagbasa: Aklat ng mga Gawa ng mga Apostol

Si San Pedro, ang unang buong tapang na


nangaral ng muling pagkabuhay ay nagpahayag: “Si
Jesus ay ipinako nila sa krus. Ngunit muli siyang binuhay ng
Diyos sa ikatlong araw. Inatasan niya kaming mangaral at
magpatotoo na siya nga ang itinalaga at hinirang ng Diyos.”

Iniaaral sa atin ni San Pedro na ipahayag at


patotohanan sa araw-araw nating buhay na si Jesus ay
muling nabuhay sa pamamagitan ng paglisan natin sa
dilim ng buhay-makasalanan. Samahan natin si Jesus sa
kaniyang tagumpay sa kamatayan at kasalanan. Lisanin
din natin ang ating mga libingan at alisan ng laman.
Empty our tombs!

- 26 -
2. Ikalawang Pagbasa: Unang Sulat ni San Pablo Apostol sa
mga taga-Corinto

Sinabi naman ni San Pablo: “Alisin Ninyo ang


lumang lebadura, ang kasalanan, upang kayo’y maging
malinis. Sa gayon, matutulad kayo sa isang bagong masa na
walang lebadura—at ganyan nga kayo.”

Ipinahahayag ni San Pablo na ang lumang


lebadura, ang lumang pagkatao natin, ay pinaalsa ng
kasalanan, kasamaan, at kahalayan. Inalis ni Jesus ang
lahat ng ito sa kaniyang pagkamatay. Sa kanya namang
pagkabuhay na muli, nilagyan niya ang ating pagkatao
ng bagong masa na wala nang lebadura, sagisag ng
kalinisan, upang tayo ay maging bagong mga nilalang at
mga anak ng kaniyang Ama. Ang libingan ay nilagyan
niya ng tulay ng kaniyang muling pagkabuhay patungo
sa kalangitan at kaharian ng Ama.

3. Ebanghelyo: San Juan

Ang ebanghelyo ni San Juan ay nakasentro sa


pagkakatagpo nina Maria Magdalena, Pedro, at Juan ng
libingang walang laman, bagama’t ‘di pa nila lubos na
nauunawaan ang nasasaad sa kasulatan na kailangang
muling mabuhay si Jesus.

Ang mga aral sa atin:

a) Ang libingang walang laman ay sagisag ng


isang bigay na panibagong pagkakataon
upang malinis na makapagsimula uli sa ating
buhay. Ang kahulugan ng buhay na ito ay
hanapin at matagpuan si Jesus na muling
nabuhay (New chance for a new life).

- 27 -
b) Kung hinahanap natin si Jesus sa ating buhay,
ang libingang walang laman ay sagisag din ng
kaniyang naunang paghahanap sa atin.
Kailangan nating magtagpo at magsalubong
tulad ng salubong na ginaganap tuwing
madaling araw ng linggo ng muling
pagkabuhay: ang salubong ni Jesus at Maria.
Dito ay aalisin ni Jesus ang lambong ng
dalamhati na tumatakip sa atin upang ibigay
ang biyaya ng kaniyang muling pagkabuhay.
Don’t be stuck (mabara) with Good Friday.
New life awaits on Resurrection Sunday in
this mass.

Maligayang Paso ng Muling Pagkabuhay!

Misa: Ang Ginawa natin; ang salubungan, ang pagtatagpo!

- 28 -

You might also like