You are on page 1of 2

Ang Iyong buhay ay inilaan

Upang kami ay tubusin sa kasalanan

At sa kalbaryo krus ay pasan-pasan

At ito sa ‘Yo ang pagpapakuan

Kami ang dahilan kaya’t ika’y parurusahan

Upang ang hantungan Mo ay kamatayan

Poong Hesus Nazareno patawarin Mo

Kaming mga makasalanan dito sa mundo

Handog ang buhay Mo

Sa lahat ng katulad ko

Ikaw ang aming Diyos

Poong Hesus Nazareno

Sa mga pagsubok kami ay gabayan

Nang ‘di na muling masadlak sa kasalanan

Patnubayan mo, ilawan ang daan

Upang ‘di mabulid sa kadiliman

Kami ang dahilan kaya’t ika’y parurusahan

Upang ang hantungan Mo ay kamatayan

Poong Hesus Nazareno patawarin Mo

Kaming mga makasalanan dito sa mundo

Handog ang buhay Mo

Sa lahat ng katulad ko

Ikaw ang aming Diyos

Poong Hesus Nazareno


Ipapangako namin sa Iyo

Buong tapat na susundin mga pangaral

Walang hanggang pagmamahal iaalay namin sa ‘yo

Ika’y nag-iisa

Poong Hesus Nazareno

Poong Hesus Nazareno

Kaming mga makasalanan dito sa mundo

Handog ang buhay Mo

Sa lahat ng katulad ko

Ikaw ang aming Diyos

Poong Hesus Nazareno

You might also like