You are on page 1of 11

AWIT NG PAGSUYO

CHORUS
Bawat naming sambitin, Bawat naming awitin
Ay papuri't parangal sa 'yo, Pakinggan mo, Inang mahal
Ang awit ng pagsuyo

VERSE 1
O mahal naming Ina, Aming galak at saya
Kandungin, aliwin, Kami sa oras ng pighati

VERSE 2
Kalangita'y nagdiriwang, Sa karangalang nakamtan
Puso mo'ng kay wagas, Kandungan ng Tagapagligtas

CODA:
Bawat naming sambitin, Bawat naming awitin, Ay awit ng pagsuyo

INAY
VERSE 1
Sa mahinahong paalam ng araw, Sa pag-ihip ng hanging kahapunan
Balabal ko'y init ng 'yong pag-ibig, Sa dapit-hapong kay lamig

Mga bituin kay agang magsigising, Umaandap mapaglaro man din


Iyong ngiti hatid nila sa akin, Sa diwa ko't panalangin

CHORUS
Puso ko'y pahimlayin inay, Upang yaring hamog
Ng gabing tiwasay, Ay madama ko bilang damping
Halik ng 'yong anak, Ay irog kong inay

VERSE 2
Sa palad niyo itago aking palad, Aking bakas sa inyong bakas ilapat
At iuwi sa tahanan kong dapat, Sa piling ng inyong anak
CHORUS
Puso ko'y pahimlayin inay, Upang yaring hamog
Ng gabing tiwasay, Ay madama ko bilang damping
Halik ng 'yong anak, Ay irog ko o ina kong mahal
Puso ko'y pahimlayin inay, Upang yaring hamog
Ng gabing tiwasay, Ay madama ko bilang damping
Halik ng 'yong anak, Ay irog ko o ina kong mahal
Ay irog kong inay

MARIANG INA KO
CHORUS
Mariang ina ko, ako ri'y anak mo
Kay Kristong Kuya ko akayin mo ako
Kay Kristong Kuya ko akayin mo ako

VERSE 1
Sa 'king paglalakbay sa bundok ng buhay
Sa ligaya't lumbay maging talang gabay

VERSE 2
Maging aking tulay sa langit kong pakay
Sa bingit ng hukay tangnan aking kamay

VERSE 3
Sabihin sa Kanya aking dusa at saya
Ibulong sa Kanya, minamahal ko Siya

KALAKIP NG AWITIN
VERSE 1
Kung mayroon lamang akong 'sanlibong buhay
Hindi ipagkakait lahat sayo'y ibibigay
Gayon pa man sakin nag-iisang taglay
Ilalaan bawat saglit upang ibigin ka ng walang humpay
CHORUS
Gaya ng dagat na hindi napapagal sa pag-alon
Puso ko ay sayo'y magmamahal sa habang panahon
Natatanging kayamanan ko'y ikaw ay sambahin
Wagas na pagsinta'y iyong dinggin kalakip ng awitin

WALANG HANGGANG SASAMBIHIN


CHORUS
Walang hanggang Kitang pupurihin
Walang hanggang sasambahin
Buong laman ng puso kong ito
Ay maghintay sayo

PUPURIHIN, PUPURIHIN KA

ANG PUSO KO’Y MASAYA

Ang puso ko’y masaya pag kasama ko kayo, Sa Diyos umiibig


Puso ko’y masaya pag kasama ko kayo, Sa Diyos umiibig

Kay inam pagmasdan ang Kanyang gawain


Na Diyos ang pinupuri natin
O ako’y masaya pag kasama ko kayo
Tanging sa Diyos ay umiibig

DITO AY MASAYA
Dito ay masaya, doon ay masaya, Sa SOC ay laging masaya
Dito ay masaya, doon ay masaya, Sa SOC ay laging masaya

Ako ay masaya, Ako ay masayang masaya


Ako ay masaya, Sapagkat niligtas Niya

Kung si Hesus ay kasama, Laging masaya


Laging masaya, Laging masaya
NAPAKALIGAYA AT KAHANGA HANGA
Napakaligaya at kahanga-hanga, Sa ating pagmasid
Ang nagkakaaisa't laging sama-sama, Na magkakapatid
Kahit may problema at wala kang pera,'Di ba't laging masaya
Ganyan nga ang buhay,'Pag naka'y Hesus
Laging may galak sa tuwina...

TODO-TODO PAGPAPALA
Itodo mo, itodo ng itodo mo
Todo, todo, todo
Pagpapala mo
MAGPURI KA
Magagandang anak ng Diyos magpuri ka
Magagandang anak ng Diyos sumayaw ka
Wag ng mahiya pinagpala ka
Tara na magpuri ka

Ikembot mo, ikembot, ikembot mo


Magpuri ka Praise the Lord Aleluya
Wag kang mahiya pinagpala ka
Tara na Magpuri ka

Aleluya... Pinupuri kita


Aleluya, pinupuri kita
Magpuri ka!

*Mga gwapo
*Mga bata

WALA KANG KATULAD


VERSE
Awitin ko man, Lahat ng awit sa mundo
Di kayang ilarawan ang Kadakilaan mo
Kulang ang lahat Tula, Kulang Maging mga Salita
Upang ihayag, Ang kabutihan mo..

CHORUS
Wala kang katulad, Wala nang hihigit sayo
Wala kang katulad, Wala nang papantay sayo
Ikaw ang Diyos, Noon pa man
Maging ngayon at kailanman, Sa habang panahon
Wala kang katulad

AWITING MAY GALAK


VERSE 1
Itaas mga kamay at ito ay ikaway
Kay Hesus ating Diyos Haring tunay
Sumayaw, umindak sa awiting may galak
Problema'y kalimutan
'Pagkat Siya' may kasagutan

CHORUS
Tayong lahat ay umawit
Sa tugtu... ging makalangit
Ang Diyos Ama ay papurihan
Papurihan Banal Niyang Pangalan

SA PIGING NG PANGINOON
CHORUS
Sa piging ng ating Panginoon, Tayo'y laging nagtitipon.
Upang matutong magmahalan, Sa pag-ibig na nakamtan.

VERSE 1
Buhay ay inialay N'ya., Sa Dakilang Diyos Ama.
Upang atin nang makamtan, Buhay na walang hanggan.

VERSE 2
Buhay ay inialay N'ya., Upang tayo'y magkaisa
Sa paghahatid ng ligaya, Mula sa pag-ibig N'ya.

VERSE 3             
May galak na makakamtan, Sa bawat pag-bibigayan.
Habang buhay ay ingatan, Ang tapat na samahan.

VERSE 4
Dinggin aming dalangin, Sa Iyo, Poong mahal
Ang lihim ng 'Yong pag-ibig., Sana'y aming makakamtan.

PANGINOON MAAWA KA
Panginoon, maawa Ka, Panginoon, maawa Ka
Panginoon, maawa Ka.
Kristo, maawa Ka. Kristo, maawa Ka.
Kristo, Kristo, maawa Ka.
Panginoon, maawa Ka, Panginoon, maawa Ka
Panginoon, maawa Ka, Panginoon, maawa Ka

PAPURI SA DIYOS
Papuri sa Diyos!, Papuri sa Diyos! sa kaitaasan!, Papuri sa Diyos

At sa lupa'y kapayapaan, Sa mga taong kinalulugdan niya


Pinupuri ka namin, dirangal ka namin
Sinasamba ka namin, ipinagbubunyi ka namin
Pinasasalamatan ka naming
Dahil sa dakila mong angking kapurihan

Panginoong Diyos, Hari ng Langit


Diyos Amang makapangyarihan sa lahat, Panginoong Hesukristo
Bugtong na Anak, Panginoong Diyos
Kordero ng Diyos, Anak ng Ama

Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan


Maawa ka, maawa ka, sa amin
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan
Tanggapin mo ang aming kahilingan
Tanggapin mo ang aming kahilingan
Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama
Maawa ka, maawa ka, Sa amin

Sapagkat ikaw lamang ang banal, At ang kataas-taasan


Ikaw lamang o Hesukristo, Ang Panginoon
Kasama ng Espiritu Santo sa kadakilaan
Ng Diyos Ama Amen! Ng Diyos Ama Amen!

SALMONG TUGUNAN
Dukhang sa Diyos tumatawag,
Ay kanyang inililigtas

SALAMAT SA DIYOS
Salamat sa Diyos sa Kanyang mga salita
Salamat Salamat sa Diyos

ALLELUIA

SANTO
Santo! Santo! Santo! Panginoong Diyos ng mga hukbo
Napupuno ang langit at lupa ng kadakilaan Mo.
Osana! Osana sa kaitaasan! Osana! Osana sa kaitaasan!
Pinagpala ang naparirito Sa ngalan ng Panginoon.
Osana! Osana sa kaitaasan! Osana! Osana sa kaitaasan!

SI KRISTO AY GUNITAIN
Si Kristo ay gunitain, Sarili Ay Inihain
Bilang Pagkai't Inumin, Pinagsasaluhan Natin
Hanggang Sa Siya'y Dumating, Hanggang Sa Siya'y Dumating

AMEN
AMA NAMIN
Ama namin, sumasalangit Ka, Sambahin ang ngalan Mo
Mapasaamin ang Kaharian Mo, Sundin ang loob mo
Dito sa lupa para nang sa langit.

Bigyan Mo kami ngayon ng aming Kakanin sa araw-araw;


At patawarin Mo kami sa aming mga sala.
Para nang pagpapatawad namin, Sa nagkakasala sa amin.
At h'wag Mo kaming ipahintulot sa tukso
At iadya Mo kami sa lahat ng masama.

KORDERO NG DIYOS
Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
Maawa Ka, maawa ka sa amin. (Ulitin)

Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,


Ipagkaloob Mo sa amin ang kapayapaan.

HANDOG NAMIN SA IYO AMA


Handog namin sa Iyo, Ama,
ang tinapay at alak na ito
Handog ng bayang umaasa,
sumasamba’t nagmamahal sa ‘Yo

Nawa’y dalhin ng ‘Yong anghel


ang aming panalangin sa ‘Yong dambana
Katulad ng halimuyak ng insensong
umaakyat sa kalangitan

Nawa’y ang aming kaloob


maging si Hesukristong aming Panginoon
Ang sinumang tumanggap at makisalo
ay mabubuhay kailanpaman
AWIT NG PAGHAHANGAD
VERSE
O Diyos ikaw ang laging hanap, Loob ko'y ikaw ang tanging hangad
Nauuhaw akong parang tigang na lupa
Sa tubig ng 'yong pag-aaruga

Ika'y pagmamasdan sa dakong banal


Nang makita ko ang 'yong pagkarangal
Dadalangin akong nakataas aking kamay
Magagalak na aawit ng papuring iaalay

CHORUS
Gunita ko'y ikaw, Habang nahihimlay
Pagkat ang tulong mo sa tuwina'y taglay
Sa lilim ng iyong mga pakpak, Umaawit akong buong galak

VERSE
Aking kaluluwa'y kumakapit sa 'yo
Kaligtasa'y t'yak kong hawak mo ako
Magdiriwang ang hari ang Diyos s'yang dahilan
Ang sa iyo ay nangakong galak yaong makakamtan
Umaawit umaawit umaawit akong buong galak
YOUR HEART TODAY
VERSE 1
Where there is fear I can allay, Where there is pain I can heal
Where there are wounds I can bind, And hunger I can fill
CHORUS
Lord, grant me courage, Lord, grant me strength
Grant me compassion, That I may be Your heart today

VERSE 2
Where there is hate I can confront, Where there are yokes I can release
Where there are captives I can free, And anger I can appease

BRIDGE
When comes the day I dread, To see our broken world
Compel me from my cell grown cold, That Your people I may behold
Where there is fear I can allay, Where there is pain I can heal
Where there are wounds I can bind, And hunger I can fill

CODA
And when I've done all that I could, Yet there are hearts I cannot move
Lord, give me hope, That I may be Your heart today
MAGPASALAMAT SA KANYA
CHORUS
Umawit nang sama-sama! Magpasalamat tayo sa Kanya!
Sumayaw, humiyaw, magbunyi,
Sa pagmamahal ng dakilang Manlilikha!

VERSE 1
Sa pag-ibig, sa pag-asa, Sa biyaya at ligaya,
Magpasalamat sa Kanya, Sa mabuti N'yang balita.

VERSE 2
Sa saganang pang-unawa, Sa masusing pagkalinga,
Magpasalamat sa Kanya, Sa handog N'yang kaligtasan.

VERSE 3
Sa dalanging kaayusan, Sa mithiing kapayapaan,
Magpasalamat sa Kanya, Sa pangakong katarungan.

You might also like