You are on page 1of 17

MARIANG INA KO

VERSE 1
Sa 'king paglalakbay
Sa bundok ng buhay
Sa ligaya't lumbay
Maging talang gabay

CHORUS
Mariang ina ko, ako ri'y anak mo
Kay Kristong Kuya ko, akayin mo ako
Kay Kristong Kuya ko, akayin mo ako

VERSE 2
Maging aking tulay
Sa langit kong pakay
Sa bingit ng hukay
Tangnan aking kamay

BRIDGE
Sabihin sa Kanya
Aking dusa't saya
Ibulong sa Kanya
Minamahal ko Siya

<Verse 1, Chorus, Verse 2, Chorus, Bridge, Chorus>


INAY
VERSE 1
Sa mahinahong paalam ng araw
Sa pag-ihip ng hanging kahapunan
Balabal ko’y init ng ‘yong pag-ibig
Sa dapit-hapong kay lamig

Mga bituin kay agang magsigising


Umaandap, mapaglaro man din
Iyong ngiti hatid nila sa akin
Sa diwa ko’t panalangin

CHORUS
Puso ko’y pahimlayin Inay
Upang yaring hamog ng gabing tiwasay
Ay madama ko bilang damping halik ng ‘yong anak
Ay! Irog kong Inay

VERSE 2
Sa palad niyo itago aking palad
Aking bakas sa iyong bakas ilapat
At iuwi sa tahanan kong dapat
Sa piling ng inyong Anak

CHORUS
Puso ko’y pahimlayin Inay
Upang yaring hamog ng gabing tiwasay
Ay madama ko bilang damping halik ng ‘yong anak
Ay! Irog ko, O Ina kong mahal
Ay! Irog kong Inay

<Verse 1, Chorus, Verse 2, Chorus, Chorus, Ending>


STELLA MARIS
VERSE 1
Kung itong aming paglalayag
Inabot ng pagkabagabag
Nawa'y mabanaagan ka
Hinirang na tala ng umaga

VERSE 2
Kahit alon man ng pangamba
Di alintana sapagkat naro'n ka
Ni unos ng pighati
At kadiliman ng gabi

CHORUS
Maria sa puso ninuman
Ika'y tala ng kalangitan
Ningning mo ay walang pagmamaliw
Inang sinta, Inang ginigiliw

VERSE 3
Tanglawan kami aming ina
Sa kalangitan naming pita
Nawa'y maging hantungang
Pinakamimithing kaharian

<Verse 1, Verse 2, Chorus, Verse 3, Chorus, Chorus>


DAKILANG DIYOS
VERSE 1
Kapag sigwa'y bumubuhos
At ang dilim, 'di natatapos VERSE 4
Magpupuri Magsilapit at magsamba
Sa ngalan Mo, Hesus Mga baya'y papupurihan S'ya
Habang tinataas
VERSE 2 Ang ngalan ni Hesus
Sa piling Mo, ako'y payapa
Takot ay nawawala INSTRUMENTAL
Aking kanlungan Ika’y higit sa lahat
Ang ngalan mo, Hesus Sa iyong salita ako’y gagaling
Bansa’y gagaling
PRE-CHORUS Oh Panginoon
Itataas mga kamay
Pagpupuri'y iaalay BRIDGE
Makapangyarihan ang ngalan
CHORUS Pangalan ng ating Diyos
Siya ay Dakila Makapangyarihan ang ngalan
Ang tanging Diyos na Pangalan ng ating Diyos
sinasamba Hindi magwawakas, ang
Makapangyarihan, Siya'ng paghahari
karunungan Hesus, Panginoon
Tanging Buhay Makapangyarihan ang ngalan
Pangalan ng ating Diyos
VERSE 3
Ang ating Diyos na naghahari <Verse 1, Verse 2, Chorus,
Panginoong natatangi Verse 3, Verse 4, Chorus,
Kaharian Niya'y Instrumental, Bridge, Chorus,
Walang hanggan Chorus, Chorus solo>

HESUS DAKILA KA
VERSE 1
Ako sayo’y lumalapit
Dala-dala ang awit ng pasasalamat
Sa lahat ng ‘yong gawa

Ako Sayo’y sumasamo


Punong-puno ang puso ng pasasalamat
Sa lahat ng ‘yong gawa

PRE-CHORUS
Di na mapipigilan pa
Aking ihahayag

CHORUS
Hesus Dakila Ka
Sa buhay ko’y itataas Kita
Karapat-dapat kang Tumanggap
Ng Papuri’t, Pagsamba

Hesus Dakila Ka
Sa buhay ko’y itatanghal Kita
Karapat-dapat kang Tumanggap
Ng Papuri’t, Pagsamba
Dakila Ka

BRIDGE
Tanggapin Mo ang Papuri
Tanggapin Mo ang Pagsamba
Tanggapin Mo ang Pagluwalhati
Tanging sa’Yo Iaalay

<Verse 1, Pre-chorus, Chorus, Verse 1, Pre-chorus, Chorus,


Instrumental, Bridge, Chorus>
DAHIL SINABI MO
VERSE 1
Walang hangganan, hindi magbabago
Kailan pa man, sa habang panahon
Ang Iyong salita Panginoon

VERSE 2
Mga halaman ay natutuyo
Langit at lupa ay maglalaho
Ngunit tapat lahat ng sinabi Mo

CHORUS
Karamdaman ko ay mapapawi
Suliranin Ko ay magagapi
Kalayaa'y mararanasan ko
Dahil sinabi Mo

Kasalanan ko'y patatawarin


Panalangin ko'y Iyong diringgin
Ang pagtitiwala ko'y Sa'yo
Dahil sinabi Mo
Dahil sinabi Mo

<Verse 1, Verse 2, Chorus, Verse 1, Verse 2, Chorus>


DI NA PALALAMPASIN
VERSE
Sa bawat awit ako'y magpupuri sa Iyo
Sa bawat kilos at galaw lahat ay iaalay sa Iyo
Iyo nang pinawi aking dalang kalungkutan
Wagas na pag ibig ngayon ay aking nararanasan

PRE-CHORUS
Di titigil aking pag pupuri
Di titigil aming pag awit
Pasasalamat ko Iyo'y walang patid

CHORUS
Di na palalampasin, di na pahihintayin
Pagpupuri sa Iyong Ngalan walang pag aalinlangan
Di na palalampasin, di na pahihintayin
Ang pagpuri sa Iyong Ngalan walang pag aalinlangan
Bawat araw, bawat gabi di palalampasin

<Verse, Pre-chorus, Chorus, Verse, Pre-chorus, Chorus,


Instrumental, Pre-chorus, Chorus, Ending>
Dakilang Katapatan
VERSE1
Sadyang kay buti ng ating Panginoon
Magtatapat sa habang panahon
Maging sa kabila ng aking pagkukulang
Biyaya nya'y patuloy na laan

VERSE2
Katulad ng pagsinag ng gintong araw
Patuloy syang nagbibigay tanglaw
Kaya sa puso ko't damdamin
Katapatan nya'y aking pupurihin

CHORUS
Dakila ka O Diyos
Tapat ka ngang tunay
magmula pa sa ugat ng aming lahi
Mundo'y magunaw man maaasahan kang lagi
Maging hangang wakas nitong buhay

VERSE3
Kaya o Diyos ika'y aking pupurihin
Sa buong mundo'y aking aawitin
Dakila ang iyong katapatan
Pag-ibig mo'y walang hangan

CHORUS 2
Dakila ka O Diyos
Sa habang panahon
Katapatan mo'y matibay na sandigan
Sa bawat pighati tagumpa'y man ay naroon
daluyan man ng pag asa kung kailanga'y hinahon
Pagibig mo'y alay sa amin noon hangang ngayon
Dakila ka o Diyos

<Verse 1, Verse 2, Chorus, Verse 3, Chorus, Chorus 2>


IWAGAYWAY
VERSE1
Ako'y handa ng magpuri Sa'Yo
Sa tugtugan sasayaw Sa'yo
Ako'y aawit, papupurihan Siya
Sama-sama, Halika na

CHORUS
Itaas mga kamay, Iwagayway, Iwagayway
Buong lakas isisigaw, Ang Ngalan Niya
Kanyang Gawa
Hesus, Hesus, Panginoon
Hesus, Hesus, luwalhatiin ka Ngayon

VERSE2
Ako'y handa ng magpuri Sa'Yo
Sa tugtugan sasayaw Sa'yo
Ako'y aawit, papupurihan Siya
Sama-sama, Halika na

BRIDGE
Makapangyarihan, Kataas-taasan
Mapagbiyaya kaybuti Niya
Makapangyarihan, Kataas-taasan
Mapagbiyaya kaybuti Niya

<Verse 1, Chorus, Verse 1, Chorus, Bridge, Chorus>


PANGINOON MAAWA KA

Panginoon, maawa Ka, Panginoon, maawa Ka


Panginoon, maawa Ka.
Kristo, maawa Ka. Kristo, maawa Ka.
Kristo, Kristo, maawa Ka.
Panginoon, maawa Ka, Panginoon, maawa Ka
Panginoon, maawa Ka, Panginoon, maawa Ka

LUWALHATI SA DIYOS

Papuri sa Diyos sa kaitaasan


At sa lupa ay kapayapaan sa mga taong may mabuting
kalooban
Pinupuri Ka namin, dinarangal Ka namin
Sinasamba Ka namin, niluluwalhati Ka namin
Pinasasalmatan Ka namin dahil sa dakila Mong
kal'walhatian

Panginoon Diyos Hari ng langit


Diyos Amang makapangyarihan sa lahat
Panginoong Hesukristo, Bugtong na Anak
Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos Anak ng Ama
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, maawa
Ka sa amin

Tanggapin Mo ang aming kahilingan


Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama, Maawa Ka sa amin
Sapagkat Ikaw lamang ang banal, Ikaw lamang ang
Panginoon
Ikaw lamang O Hesuskristo, kasama ng Espiritu Santo sa
kal'walhatian ng Diyos Ama.. Amen
SALAMAT SA DIYOS
Salamat sa Diyos sa Kanyang mga salita
Salamat Salamat sa Diyos

SALMONG TUGUNAN
Habang umaakyat ang Diyos,
Ang tambuli’y tumutunog

ALLELUIA

HANDOG NAMIN SA IYO AMA

Handog namin sa Iyo, Ama,


ang tinapay at alak na ito
Handog ng bayang umaasa,
sumasamba’t nagmamahal sa ‘Yo

Nawa’y dalhin ng ‘Yong anghel


ang aming panalangin sa ‘Yong dambana
Katulad ng halimuyak ng insensong
umaakyat sa kalangitan

Nawa’y ang aming kaloob


Maging si Hesukristo aming Panginoon
Ang sino mang tumanggap at makisalo ay
Mabubuhay kailan pa man
ALAY SA DIYOS
VERSE 1
O Diyos awang 'di mabilang
Tanggapin mo yaring aming alay
Gawin ito bilang tanda
Ng aming kaligtasan
Narito o Ama alak at tinapay
Bunga ng lupa at ng aming paggawa

VERSE 2
O Diyos awang 'di mabilang
Tanggapin mo yaring aming alay
Gawing alaala ng pagkamatay
Muling pagkabuhay ni Hesukristo
Narito o Ama alak at tinapay
Bunga ng lupa at ng aming paggawa

VERSE 3
O Diyos awang 'di mabilang
Tanggapin mo yaring aming alay
Sa bisa nitong sakripisyo
Mapasaamin ang buhay na walang hanggan
Narito o Ama alak at tinapay
Bunga ng lupa at ng aming paggawa
SANTO
Santo! Santo! Santo!
Panginoong Diyos ng mga hukbo
Napupuno ang langit at lupa ng kadakilaan Mo.
Osana! Osana sa kaitaasan!
Osana! Osana sa kaitaasan!
Pinagpala ang naparirito
Sa ngalan ng Panginoon.

Osana! Osana sa kaitaasan!


Osana! Osana sa kaitaasan!

Si Kristo Ay Gunitain
Sarili Ay Inihain
Bilang Pagkai't Inumin
Pinagsasaluhan Natin
Hanggang Sa Siya'y Dumating
Si Kristo Ay Gunitain

AMEN
AMA NAMIN – TNB

Ama namin, sumasalangit Ka,


Sambahin ang ngalan Mo
Mapasaamin ang Kaharian Mo,
Sundin ang loob mo
Dito sa lupa para nang sa langit.

Bigyan Mo kami ngayon ng aming


Kakanin sa araw-araw;
At patawarin Mo kami sa aming mga sala.

Para nang pagpapatawad namin,


Sa nagkakasala sa amin.
At h'wag Mo kaming ipahintulot sa tukso
At iadya Mo kami sa lahat ng masama.

KORDERO NG DIYOS

Kordero ng Diyos, na nag-aalis


ng mga kasalanan ng sanlibutan,
Maawa Ka, maawa ka sa amin. (Ulitin)

Kordero ng Diyos, na nag-aalis


ng mga kasalanan ng sanlibutan,
Ipagkaloob Mo sa amin ang kapayapaan.
Awit ng Pag-Asam

VERSE1
Tulad ng usang uhaw sa tubig ng batis
Ang aking kaluluwa sa Yo'y nananabik
Sa Iyong dambana ako'y aawit, sasamba
Tanging hangad ng buhay ko'y Ikaw, walang iba

Chorus
Ikaw lang Panginoon, lakas ko't tanggulan
Pusong tigib sa hirap, Ikaw ang tanging asam

VERSE2
Ang pagod kong diwa ay Iyong pahupain
Magdamag na pagtangis sana ay aliwin
Masdan ang wangis kong hanap ang Iyong langit
Bagabag na kalooba'y punan ng pag-ibig

Chorus
Ikaw lang Panginoon, lakas ko't tanggulan
Pusong tigib sa hirap, Ikaw ang tanging asam

VERSE3
Tulad ng usang uhaw sa tubig ng batis
Ang aking kaluluwa sa Yo'y nananabik
Sa Iyong dambana ako'y aawit, sasamba
Tanging hangad ng buhay ko'y Ikaw, walang iba
Tanging hangad ng buhay ko'y Ikaw, walang iba

<Verse 1, Chorus, Verse 2, Chorus, Verse 3>


IESU, PANIS VITAE

CHORUS
Iesu, Panis Vitae, Donum Patris
Iesu, Fons Vitae, Fons Vitae Aquae
Cibus et potus noster Cibus et potus noster
In itinere, in itinere Ad domum Dei

VERSE 1
Mula sa lupa, sumibol kang masigla
Matapos kang yurakan ng mga masasama
Sumilang ang liwanag ng mga nawawala
Tinapay ng Buhay, Pagkain ng dukha

VERSE 2
Jesus, Food divine, be our strength each day
So we don't tire as we witness to your love and care
To those in greater need, both near and far away
May we lead them back to you, all those who've gone
astray

VERSE 3
En la vida, Jesu's, sea nuestro Consuelo
Sea nuestro Amigo y Compañero
Siempre podamos responder a su Llamada
Siempre dispuesto a hace'r tu Volunta'd
Humayo't Ihayag
VERSE 1
Humayo't ihayag (Purihin Siya!)
At ating ibunyag (Awitan Siya!)
Pagliligtas ng Diyos na sa krus ni Hesus
Ang Siyang sa mundo'y tumubos

CHORUS
Langit at lupa, Siya'y papurihan
Araw at tala, Siya'y parangalan
Ating 'pagdiwang pag-ibig ng Diyos sa tanan
Aleluya

VERSE 2
Halina't sumayaw (Buong bayan!)
Lukso sabay sigaw (Sanlibutan!)
Ang ngalan Niyang angkin singningning ng bituin
Liwanag ng Diyos sumaatin

BRIDGE
At isigaw sa lahat
Kalinga Niya'y wagas
Kayong dukha't salat
Pag-ibig Niya sa inyo at tapat

<Verse 1, Chorus, Bridge, Verse 2, Chorus, Ending>

You might also like