You are on page 1of 12

AWIT NG PAGSUYO

CHORUS:
Bawat naming sambitin, Bawat naming awitin
Ay papuri't parangal sa 'yo, Pakinggan mo, Inang mahal Ang awit
ng pagsuyo

VERSE 1:
Oh, mahal naming Ina Aming galak at saya
Kandungin, Aliwin kami sa oras ng pighati

VERSE 2:
Kalangita'y nagdiriwang Sa karangalang nakamtan
Puso mong kay wagas, Kanlungan ng Tagapagligtas

CODA:
Bawat naming sambitin, Bawat naming awitin Ay awit ng pagsuyo

<Chorus(boys), Verse 1 (boys), Chorus, Verse 2, Chorus, Bridge


(ooh), Chorus, Coda, Ending>

MAHAL NAMING INA


CHORUS:
Mahal naming Ina tinatawagan ka
Tunay na batis ka ng biyaya
Binabalungan ka ng awa at ligaya
Nilalapitan ka naming habag

VERSE 1:
Inang sinisinta buksan aming mata
Pagkat sa Dios Ama kami ay nagkasala
Kapag kami'y yumahong lumbay
Kami'y samahan don sa Amang kaharian
Coda:
Kapag kami'y yumahong lumbay
Kami'y samahan don sa Amang kaharian
<Chorus, Verse 1, Chorus, Verse 1, Coda>

STELLA MARIS
VERSE 1:
Kung itong aming paglalayag
Inabot ng pagkabagabag
Nawa'y mabanaagan ka
Hinirang na tala ng umaga

VERSE 2:
Kahit alon man ng pangamba
Di alintana sapagkat naro'n ka
Ni unos ng pighati
At kadiliman ng gabi

CHORUS :
Maria sa puso ninuman
Ika'y tala ng kalangitan
Ningning mo ay walang pagmamaliw
Inang sinta inang ginigiliw

CODA :
Tanglawan kami aming ina
Sa kalangitan naming pita
Nawa'y maging hantungang
Pinakamimithing kaharian

<Verse 1, Verse 2, Chorus, Coda, Chorus>


IKAW ANG TUNAY NA DIYOS
VERSE 1:
Pupurihin Ka O Diyos
Ang aming alay ay pagsamba
Kaluwalhatian buong karangalan
Kapangyarihan Mo'y walang katulad

CHORUS:
Ikaw ang tunay na Diyos, Ika'y walang katulad
Ika'y nag-iisa, Ikaw lamang wala ng iba
Sa'yo ang aming awit, dinggin ang aming tinig
Isisigaw sa buong mundo Kadakilaan Mo

BRIDGE:
Hesus sa 'Yo ang kapurihan, Kaluwalhatian ngayon at
magpakailanman
Hesus sa 'Yo ang karangalan, Kapangyarihan ngayon at
magpakailanman

<Verse 1(SOLO), VERSE 1(ALL), CHORUS (ALL), VERSE 1,


CHORUS 3x, BRIDGE 4x, CHORUS 2x>
SABAY SABAY (MALAYANG PILIPINO)
INTRO:
Hallelujah Hallelujah Hallelujah
Hallelujah Hallelujah Hallelujah
Hallelujah Hallelujah Hallelujah

VERSE 1:
Hesus ikaw ang aming Diyos na tunay
Sa Pangalan mo'y wala ng papantay
Kal' Walhatian mo'y aming namasdan
Sa biyaya mong sa amin ay laan
CHORUS:
Sabay sabay na aawitin, isisigaw and damdamin
Pangalan mo Hesus itataas
Sabay sabay na aawitin, papuri mo’y di malilihim
Pangalan mo Hesus itataas

BRIDGE:
Hallelujah Hallelujah Hallelujah
Hallelujah Hallelujah Hallelujah
Hallelujah Hallelujah Hallelujah

<Intro, Verse 1, Chorus, Verse 1, Chorus, Bridge, Chorus 3x>

MAGALAK KA PILIPINAS
Magalak ka Pilipinas, Ang Diyos ay sumasaiyo
Magalak ka Pilipinas, Ang Diyos ay sumasaiyo
Ikaw ay bayang hinirang, Pinagpala ka ng Diyos
Bayang tinawag, bayang pinili
Sumamba't magpuri sa Diyos

Magalak ka Soldiers of Christ, Ang Diyos ay sumasaiyo


Magalak ka Soldiers of Christ, Ang Diyos ay sumasaiyo
Ikaw ay grupong hinirang, Pinagpala ka ng Diyos
Grupong tinawag, grupong pinili
Sumamba't magpuri sa Diyos

Magalak ka sister Celia, Ang Diyos ay sumasaiyo


Magalak ka sister Celia, Ang Diyos ay sumasaiyo
Ikaw ay taong hinirang, Pinagpala ka ng Diyos
Taong tinawag, Taong pinili
Sumamba't magpuri sa Diyos
Magalak ka Brother Ting, Ang Diyos ay sumasaiyo
Magalak ka Brother Ting, Ang Diyos ay sumasaiyo
Ikaw ay taong hinirang, Pinagpala ka ng Diyos
Taong tinawag, Taong pinili
Sumamba't magpuri sa Diyos

Magalak ka Pilipinas, Ang Diyos ay sumasaiyo


Magalak ka Pilipinas, Ang Diyos ay sumasaiyo
Ikaw ay bayang hinirang, Pinagpala ka ng Diyos
Bayang tinawag, bayang pinili
Sumamba't magpuri sa Diyos
WALA NG KABA
CHORUS:
Wala ng kaba wala ng takot
Di na ako mahihiya pa
Handa kong kalimutan ang aking sarili
Upang magpuri sa ngalan ni Yahweh

Verse 1:
Sayaw(Sayaw), Sayaw(Sayaw), Tunay na papuri ay isayaw
Sayaw(Sayaw), Sayaw(Sayaw), Tunay na papuri ay isayaw

Verse 2:
Lundag(Lundag), lundag(Lundag), Tunay na papuri ay ilundag
Lundag(Lundag), lundag(Lundag), Tunay na papuri ay ilundag

Verse 3:
Sigaw(Sigaw), Sigaw(Sigaw), Tunay na papuri ay isigaw
Sigaw(Sigaw), Sigaw(Sigaw), Tunay na papuri ay isigaw
<Chorus2x, Verse 1, Chorus2x, Verse 2, Chorus2x, Verse 3, Verse
3>
WALA KANG KATULAD
Verse:
Awitin ko man lahat ng awit sa mundo
Di kayang ilarawan ang kadakilaan Mo
Kulang ang lahat ng tula, Kulang maging mga salita
Upang ihayag ang kabutihan Mo

Chorus :
Wala Kang katulad, wala nang hihigit Sa ‘Yo
Wala Kang katulad, wala nang papantay sa ‘Yo
Ikaw ang Diyos noon pa man, Maging ngayon at kailanman
Sa habang panahon, Wala Kang katulad

Ending :
Sa habang panahon, wala Kang katulad
Wala Kang katulad, wala Kang katulad

<Verse 2x, Chorus, Verse, Chorus 3x, Ending>

AWITING MAY GALAK


VERSE 1:
Itaas mga kamay at ito ay ikaway
Kay Hesus ating Diyos Haring tunay
Sumayaw, umindak sa awiting may galak
Problema'y kalimutan, 'Pagkat Siya' may kasagutan

CHORUS:
Tayong lahat ay umawit, Sa tugtu... ging makalangit
Ang Diyos Ama ay papurihan, Papurihan Banal Niyang Pangalan

CODA:
Papurihan Banal Niyang Pangalan
<Verse 1, Chorus, Verse 1, Chorus, Coda>
ANG PANGINOON AY DARATING
CHORUS:
Ang panginoon ay darating, Ang pag-ibig N'ya ay magniningning
Sa harap ng altar kami'y lumalapit ,Umaawit ng masayang papuri

VERSE:
Buksan ang Kandila ng buhay, Ang liwanag sa paghihintay
Sa pagdating ni Hesus nawa'y pagpalain, Ito ang aming dalangin.

CODA:
Sa harap ng altar kami'y lumalapit, Umaawit ng masayang papuri.

<Chorus, Verse, Chorus, Verse, Chorus, Coda>

HALINA, HESUS
CHORUS:
Halina, Hesus, halina
Halina, Hesus, halina!!

VERSE 1:
Sa simula isinaloob Mo,O D'yos, kalingasan ng tao
Sa takdang panahon ay tinawag mo, Isang Bayang lingkod sa iyo.

VERSE 2:
Gabay ng Iyong bayang hinirang ang pag-asa sa iyong mesiya.
Emmanuel' ang pangalang bigay sa kanya:
"Nasa atin ang d'yos Tuwina"
VERSE 3:
Isinilang S'ya ni Maria, Birheng tangi, Hiyas ng Judea
At' Hesus"ang pangalang bigay sa kanya. '
"Aming D'yos ay tagapagadya."

<Chorus, Verse 1, Chorus, Verse 2, Chorus, Verse 3 , Chorus>

PANGINOON , KAAWAAN MO KAMI


Panginoon kaawaan mo kami (Solo)
Panginoon kaawaan mo kami (All)
Kristo kaawaan mo kami (Solo)
Kristo kaawaan mo kami (All)
Panginoon kaawaan mo kami (Solo)
Panginoon kaawaan mo kami (All)

SALAMAT SA DIYOS
Salamat sa Diyos, sa kanyang mga salita
Salamat, Salamat sa Diyos

ALAY NAMIN
CHORUS:
Alay namin sa Iyong pagdating
Kabutihan, pag-asa’t mga pusong tapat
Samo namin ay Iyong dinggin
Galak at kapayapaan nawa ay kamtin

VERSE:
Itong alak at tinapay, mga bungang alay
Halo ng pawis at biyaya ng langit
Sa aming pag-ibig sa kapwa kapatid
Bubunga ng buhay na Iyong bigay

<Chorus, Verse, Chorus, Verse, Chorus>


SANTO
Santo! Santo! Santo! Panginoong Diyos ng mga hukbo
Napupuno ang langit at lupa ng kadakilaan Mo.
Osana! Osana sa kaitaasan! Osana! Osana sa kaitaasan!

Pinagpala ang naparirito Sa ngalan ng Panginoon.


Osana! Osana sa kaitaasan! Osana! Osana sa kaitaasan!

SI KRISTO AY GUNITAIN
Si Kristo ay gunitain, Sarili Ay Inihain
Bilang Pagkai't Inumin, Pinagsasaluhan Natin
Hanggang Sa Siya'y Dumating
Hanggang Sa Siya'y Dumating

AMEN

AMA NAMIN
Ama namin, sumasalangit Ka, Sambahin ang ngalan Mo
Mapasaamin ang kaharian Mo, Sundin ang loob Mo Dito sa lupa,
para nang sa langit.

Bigyan Mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw araw. At


patawarin Mo kami sa aming mga sala

Para nang pagpapatawad namin, Sa mga nagkakasala sa amin. At


huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso,At iadya Mo kami sa lahat
ng masama. Sapagkat Iyo ang kaharian, at kapangyarihan, At ang
kadakilaan, magpakailanman. Amen.
KORDERO
Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng mundo,
Maawa ka sa amin. (Ulitin)

Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng mundo,


Ipagkaloob po Ninyo sa amin ang kapayapaan.

SA KANYANG PAG DATING


Verse 1:
Mula sa ating paggising, May liwanag na magningning
Nadarama sa ihip ng hangin, Hudyat ng kanyang pag-ibig.

Chorus:
Sa Kanyang pagdating, Liwanag Niya’y magniningning
Ililigtas ang buhay natin
Sa Kanyang pagdating, Pag-ibig Niya’y makakamtan
Kaligtasa’y naghihintay, at pag-asang walang hanggan
Nagagalak sa Kanyang pagdating

Bridge:
Ahh….(Oohh…)

Verse 2:
Ihanda ang ating sarili, Kaligtasan nawa’y makamit
Nagagalak kaming nagpupuri, Pasasalamat sa Kanyang pagahahari

Coda:
Nagagalak sa kanyang Pagdating

<Verse 1, Chorus, Bridge, Verse 1, Verse 2, Chorus 2x, Coda>


PANGINOON, HALINA 'T PUMARITO KA
Verse 1:
O kay Gulo na nga ng mundo
Hirap, Sakuna at lungkot kaya't sama sama tayong manalangin
dahil darating na ang pasko

Chorus:
Panginoon, halina at pumarito ka
Sagipin mo ang bayang ikaw ang pag-asa
Gabay ng mga mahihirap
Panginoon, iligtas mo ang yong bayan

Verse 2:
Di ba't kay saya dapat ng pasko
Kung bawat pamilya ay buo kaya't idalangin natin
Ang bawat tahanan bago sumapit ang pasko

<Verse 1, Chorus, Verse 2, Chorus>


BALANG ARAW
Verse 1:
Balang araw ang liwanag matatanaw ng bulag
Ang kagandahan ng umaga pagmamasdan sa tuwina

Verse 2:
Balang araw mumutawi sa bibig ng mga pipi
Pasasalamat at papuri awit ng luwalhati

Chorus:
Aleluya, aleluya
Narito na'ng Manunubos
Luwalhatiin ang Diyos!

Verse 3:
Balang araw tatakbo ang pilay at ang lumpo
Magsasayaw sa kagalakan
Iindak sa katuwaan

Coda:
Luwalhatiin, Luwalhatiin
Luwalhatiin, Luwalhatiin
Luwalhatiin ang Diyos

<Verse 1, Chorus, Verse 2, Chorus, Verse 3, Chorus (ALL GIRLS)


Verse 1(ALL BOYS), Chorus (ALL BOYS) Verse 2(ALL GIRLS),
Coda>

You might also like