You are on page 1of 2

SA’YO IBINABALIK

Ikaw ang nagbigay sa’kin ng buhay

Buhay na kasiya - siya at puno ng saysay

Binigyan ng kapayapaan, tunay na kaligayahan

Ikaw ang kayamanang ‘di mapapantayan…

Pre-Chorus:

Buhay ko’y binigyan Mo ng kaligtasan

Aking kasalana’y kinalimutan

Binigyan Mo ako ng katagumpayan

Kaya’t pasasalamat ko’y walang hanggang.

Chorus

Sa’Yo ibinabalik, ang lahat ng papuri

Ang pagdakila at ang pagluwalhati

Pagkat Ikaw ang karapat - dapat na sambahin

O Hesus, ang Ngalan Mo,

O Hesus, ang Ngalan Mo

O Hesus, ang Ngalan Mo’y, itataas. (2x)


PASASALAMAT

Pupurihin namin ang Iyong pangalan

aawitan ng may kadakilaan

Ikaw ang Diyos na aming kanlungan

pag asa nami 't kaligtasan

pasasalamat ang aming alay

pasasalamat alay mong buhay

kadakilaan mo'y pasalamatan

ang pag ibig Mo'y wagas kaylanman

Sayo'y alay aming buhay

Ikaw ang Diyos n aming gabay

sa dalangin aawitin

kadakilaan Mo sa amin

You might also like