You are on page 1of 2

Panganay

Para saaking panganay anak na si Daryl Cañaveral, May nais muna akong ibahaging kwento
simula nung araw na dumating ka saamin ng iyong itay. Bago ako maging tuluyang maging isang ina at
ganap na bilang ilaw ng tahanan madami akong napag daanang butas ng karayom bago ko masabi na
kontento na ko sa buhay na meron ako. Noong araw habang dala dala kita at hindi pa kita nasisilayan ng
aking mga mata malaking pangangamba at responsibiladad ang pumasok sa isip ko at madaming
katanungan na kailangan na ako mismo ang makakasagot at isa na rito “ KUNG KAKAYANIN KO BA?
HANDA NA AKO? MAPAPALAKI KO BA SIYA NG MAAYOS? HINDI KA BA MATUTULAD SA IBA NA NAMULAT
NG WALANG INA O ITAY? HINDI KA BA MAKAKARANAS NG PAGHIHIRAP TULAD NG PAGHIHIRAP NA
NARANASAN KO? “. Syempre, bilang isang ina handa ako na maranasan lahat ng ito wag ka lang lumaki
ng walang takot sa diyos.

Dumating na araw na sobra naming kinatuwa at ayun yung nasilayan ka naming ng iyong ama at
nandun yung excitement nung unang araw ka naming pinalitan ng lampin, nakitang ngumiti habang tulog
at yung una mong pag iyak at masasabi ko na kaya ko naman pala?. Hanggang sa nasundan ka at nag
karuon ka ng dalawang kapatid na lalaki. Habang lumalaki kayo nakikita ko na kakayanin ko ang lahat
mabuhay ko lang kayong tama at mapalaki na hawak at dala dala niyo ang diyos sa paglaki. Alam ko at
alam mo habang nakikita mo kami ng iyong ama na nag tatrabaho at nag papakanda kuba para lang
makapag tapos kayo ng pag aaral sa isang pribadong paaralan. Walang katumbas na tuwa nung araw na
una kang nakatapak sa intablado at makapag tapos ng high school at hindi namin nasabi ng iyong ama
sobrang laki ng pag hanga namin sayo. Hanggang sa dumating yung pinaka mahirap saakin ayun yung
tatlo na kayong nag aaral sa kolehiyo. Hindi ko alam kung saan kami kukuha ng pambayad ng iyong ama
at kasabay pag pasok ng dalawa mo pang kapatid sa pribadong paaralan. Alam ko na nalaki na kayo at
nakakaruon na kayo nag kaisapan at plano sa buhay na tulungan ang iyong magulang sa pag tatrabaho
pero hindi kami sumusuko para lamang mapag tapos kayo ng pag aaral.

Isang araw sa hindi inaasahang pang yayari naisapan mong itigil ang iyong pag aaral upang
matulungan mo kami ng iyong ama sa pag tatrabaho hanggang sa sumunod ang iyong pangalawang
kapatid at natumigil din sap ag-aaral at ngayong may sarili naring pamilya. Wala sa plano namin at hindi
kami handa sa mga oras na ayun may halong tuwa at pagkadismaya pero hindi ko kayo masisi kung gusto
niyo matulungan ang iyong mga magulang. Kami naman ay nagpapasalamat sa lahat ng iyong nagawa at
matulungan makapag tapos ang iyong pangatlong kapatid at natuwa naman kami ng kung dahil hindi samin
ng itay mo at ng dahil sayo hindi niya yun makakamit. Habang tumatagal ang pahanon at pabago bagong
taon nakikita ko onti onti nakayong lahat na nag babago. Masakit man saamin ng iyong ama pero onti nti
naming tinatanggap lahat ng ito at sana pumasok sa isip mo hindi habang buhay malakas ang iyong mga
magulang. Oo, panganay kang anak namin ng ama mo pero huwag kang maprepressure na lahat ng
expection, responsibility bilang isang panganay na anak. Huwag kang mag alala lima kayong
magkakapatod pero hindi ako nag hangad ng malaki mula sa inyo kung ano lang kayang ibigay ay
tatanggapin ko.

Gusto ko humingi ng pasensya sa lahat ng nagawa ko o sobrang pag bubunganga ko sa inyo


magkakapapatid at kung minsan meron tayong pinag tatalunan. Sana maintindihan mo na parang ako
nalang lahat nag tataguyod kung paano tayo kakain sa isang araw at paano mapupunan ang
pangangailangan sa araw araw. Hindi ako humingi o humiling sa inyo ng kung ano ano dahil pinag paguran
niyo at deserve niyo na bigyan ng reward ang sarili mo. Pero nais kong magpakatotoo sa iyo hindi naman
required na mag bigay ka sa magulang mo ang gusto ko lang hanggat nakikita mo magulang mo na medyo
nahihirapan sa mga bayarin at lahat naman tayo ay nasa iisa bubong matulungan mo kami na mabawasan
ito. Alam mo naman ang iyong pangalawang kapatid medyo tabingi dahil hindi nag tagal sa kolehiyo at
hanga parin naman ako dahil nag susumikap para makakuha ng magandang trabaho at mabigay narin ang
pangangalangan ng pamilya na meron siya. Anak, nakikita ko na parang nawawalan kana ng pake sa
magulang mo at nakikita ko na parang nag hahanda ka narin mag karuon ng sariling pamilya. Walang
naman samin ng ama mo na magkaruon ka ng pamilya at magkuruon ng sariling buhay tska alam namin
na nasa tamang edad kana para mag karuon ng pamilya. Sana huwag mo lang kaming kakalimutan na
sabihin ito samin. Bawat isa satin ay merong pagkakamali nagagawa sa loob ng bahay at pesensya kung
satingin ikaw nalang lage ang nakikita ko. Gusto ko lang naman malaman mo na habang wala ka pa sa
loob ng bahay lubos na nag aalala kami sayo, Oo, alam ko nasa trabaho ka gusto ko lang namin malaman
na kung nasaan kana? O ano na ginagawa mo? Pasensya gusto ko lang naman na habang tulog ako
kumpleto tayo sa loob ng bahay.

Kung minsan ay hindi maiiwasan na ikaw ang topic sa loob ng bahay at kahit ang mga kapatid mo
ay nag tataka narin sayo dahil kahit day off mo ay hindi kana nakakapag pahinga at nakakasama magulang
mo sa buong araw. Pero okay lang naman samin at alam naman na namin kung saan kana dumederetso
pauwi mula sa trabaho. Ye! Kahit na medyo nagiging suwail kana sa magulang mo alam namin na hindi ka
dapat namin pigilan at alam ko na alam mon ang tama at mali. Bilang isang binate gusto ko lang din sabihin
sayo na hanggat may pera ka mag tipid ka or mag save ng pera baka kung sakaling may pamliya kana or
magkaruon man ng emergency meron kang pag kukunan ng pera. Masaya kami sayo anak dahil meron
ding taong nag papasaya sayo at sana wag mo rin sasaktan si Jhudel. Laking tuwa ko rin na kahit lingo
ang day off mo nakikita ko binibigay mo ang oras mo sa diyos at isa rin dito na pasasalamat namin kay
jhudel kung hindi dahil sakanya hindi mo ulit makikilala ang diyos.

Basta anak! Habang na bubuhay kami ng magulang mo at nandito ang mga kapatid mo handa
kamig tulungan ka sa problema na tatahaki mo at alam ko sama sama tayo dun. Salamat din dahil hindi
naging epekto sayo ang pagkakaruon ng kapatid sa labas at tinanggap mo siya bilang kapatid narin at
pasensya kung naitago koi to sa inyo ayaw ko lang na mag iba ang trato niyo sa iyong ama. Sana dumating
yung time na magkakasama tayo ulit o magkaka bonding muli bilang isang pamilya at miss kana ng mga
pamangkin mo na minsan mo lang makausap. Lahat kayo nagiging mabuting anak sadyang minsan ay
nagkakaruon ako ng sakit sa ulo nadadamay kayong lahat at nakikita na mali ang ginawa niyo. Alam ko
alam mo ugali ko na hindi ako nag papatalo kung alam kong tama ako. Anak! Hiling ko sayo maging mabuti
ka sa mga kapatid mo wag masyadong pikon at intindihin ang bawat isa. Ikaw ang kuya ikaw dapat ang
unang nakakaintindi at unang nakaka unawa.

Marami kapang dapat tahakin upang makamit mo ang mga pangarap mo sa buhay at lahat kayo
gusto ko na makamit niyo yun. Gusto ko narin mag pahinga at mag stay sa loob ng bahay pero kailangan
pa ako ng mga kapatid mo at ama mo na may diabetes. Laking pasasalamat narin meron karing kapatid
na nakakaintindi na kahit ayaw niya ang trabaho niya nag sasakripisyo upang makatulong sa magulang.
Sana kahit anong mang yari dapat positive lang at laging kausapin ang diyos upang mabiyayaan ka rin ng
madaming blesssings. Sana isama mo rin kami sa mga dalangin mo at kung naririnig o nababasa mo ang
liham na ito sana wag kang umiyak. Anak! Maraming salamat sa lahat at mag iingat ka palage mahal na
mahal ka namin ng mga kapatid mo.

You might also like