You are on page 1of 1

Sa aking butihing Kaibigan,

Kamusta ka kaibigang kenzu? sana ay ayos ka pa at nakakapagisip pa ng maayos sa


sabay-sabay natin na Gawain ngayon. At napasulat lang naman ako sapagkat ilang araw na din
tayo na hindi magkasama. Naalala ko pa nung una tayong nagkilala sa araw ng unang pasok
nung tayo ay baiting siyam pa. Ang tingin ko pa sayo ay isang weirdo at nerd sa kadahilanan na
nakasalamin ka at hindi magsyado nagsasalita. At hindi ko lubos na akalain na lalalim ang ating
pagsasama sapagkat sa araw na iyon ay sinubukan kitang kausapin at kagulat-gulat na ikaw ay di
namamansin, Sa kadahilanang pala na may pinagdadaanan ka ng araw na iyon. Simula noon ay
hindi na kita ulit sinubukan kausapin sa sapagkat ako’y nasaktan ng hindi mo pansinin.

At naalala mo ba sa araw-araw na nagkikita at nagkakasama tayo nung baiting


siyam pa ay hindi man lang tayo nagkausap kahit sandali. Ako ay nagagalak na binigyan
pangalawang pagkakataon ang ating pakakaibigan nung tayo ay umakyat sa baiting sampu
sapagkat tayo ay nagkahiwalay-hiwalay mag kakaibigan at tayo ang magkasama sa isang
seksyon. At binalak ko pa nga mag palipat ng seksyon ng malaman ko na ikaw lang ang aking
kilalang lalaki na kaklase pero ito ay naudlot sa kadahilang sinumbong ako ng ibang estudyante
na hindi pinayagan mag palipat ng ibang seksyon. Ako ay natatawa sapagkat ito ba ay iyong
matatawag na hangarin ng diyos (god’s will). Hindi ko akalain na lahat ng akala ko sayo ay mali
at nagsisi ako na hindi na ulit kita sinubukan kausapin ng tayo ay baiting siyam palang pero baka
nga ito ang hangarin ng diyos para sa atin.

Ang tanging hiling ko lang para sayo at sa atin mag kakaibigan ay mas lumakas
pa ang ating pagsasama lalo na ngayon na tayong lahat ay maghihiwalay na ng mga landas
pagtapos nitong baiting labing-dalawa at patungo na para abutin ang ating mga pangarap. Ang
gusto ko itatak sayong utak ay wag ka pang-hinaan ng loob tuwing ikaw may problema at
pinapaalalahanan kita na nandito lang kami para damayan ka sa mga laban mo sa iyong buhay.
At mas lalo kang mag-tiwala sa iyong sarili at sundin ang nilalaman ng iyong puso. Tandaan nyo
lagi bukas ang bahay namin
para sainyo at sana walang magbago sa ating pagsasama.

Ang iyong kaibigan,


Ronnick

You might also like