You are on page 1of 6

ANGEL MARIE B.

VIZCARRA

Mahal naming Anjing,

Hanggang ngayon hindi pa din namin lubos matanggap na wala ka na totoong

napakahirap saaming lahat na tanggapin ang iyong pagkawala, Nakakalungkot isipin na

oras mo na at kailangan mo ng lumisan. Subalit alam naming masaya ka na ngayon,

Hindi mo na mararamdaman ang mga sakit na naramdaman mo nuong ikaw ay buhay

pa. Naaalala ko pa noon habang tayo ay namamasyal palagi mong sinasabi saamin na

kahit saan tayo magpunta kailangan nating mag “SELFIE” dahil magsisilbi itong alaala

kung sakaling isa man sa atin ay lilisan, palagi mo kaming pinapatawa dahil saiyong

mga kalokohan, syempre di mawawala ang pagkain, siguro lahat ng nagtitinda ng

pagkain na madadaanan natin ay gusto mong bilhan dahil nga sa tingin mo ito`y

masarap, Ibang-Iba ka sa mga kaibigan na nakilala namin jing, ikaw ang tipo na

kaibigan na laging inuuna ang kapakanan ng iba kesa sa sarili, Sobrang bait mo sa

lahat kahit dimo sila kilala ngunit kailangan nila ng tulong kahit di gaanong malaking

pera eh tutulong ka pa rin. Kung sa paaralan naman ay palagi mo kaming tinuturuan sa

mga leksiyon na di gaano naming naiintindihan, tinutulungan mo kaming pumasa dahil

gusto mo sabay-sabay tayong magtatapos ng pag-aaral. Lagi mong pinapaalala saamin

na kailangan nating magsikap sa pag-aaral upang tayo ay may magandang

kinabukasan ang magandang trabaho. Hinding-hindi namin makakalimutan ang lahat

ng tugon mo saamin Anjing, Alam namin na palagi ka lang nandito saaming lahat, at

palagi mo kaming babantayan sa araw-araw. Maraming salamat sa mga masasayang


araw na tayo ay magkasama. Sana ay maging masaya ka saiyong pag-alis patungo sa

ating poong maykapal.

Patawad kung may mga pagkakataong hindi ko inaaasahang may nagagawa na pala

kaming nagbibigay ng kalungkutan sa puso mo. Marahil sa mga pagkakataong iyon

may mga problema lang kaming dinadala na hindi naming kayang sabihin saiyo. Alam

ko naming naiintindihan mo kami. Patawad din kung may mga pagkakataong ramdam

mo na hindi ko painakikinggan yung mga problema mo. Lagi ko naming sinasabi

naiintindihan kita, may mga pagkakataon lang talagang wala ako sa sarili at hindi ko

gustong making sayo dahil may mga iniisip din ako na hindi ko kayang sabihin sayo.

Patawad kung ayaw ko ng making sa mga paulit ulit mong kuwento na talaga naming

nakakasawa ng pakinggan .

Sana ay mapatawad mo ako dahil sa mga pagkukulang ko sayo bilang kaibigan, simula

ng maging kaibigan kita naging masaya ako dahil hindi ko man gustong mawala ka

ngunit wala akong magagawa, hinding hindi kita makakalimutan, Mamimiss ko ang mga

kadaldalan mo , Kung maibabalik ko lang ang mga araw na tayo`y palaging

magkasama susulitin ko ito, Palagi kong tatandaan ang mga bilin mo saakin na maging

matatag sa anumang hamon sab hay, bilib na bilib ako sayo nuon dahil kahit anong

problema mo di mo parin nakakalimutang magpasalamat sa panginoon, hindi mo

kinamumuhian ang poong maykapal sa mga problema na dumadating sayo. Ikaw ang

isa sa mga kaibigan ko na nagturo sakin kung pano maging matatag at lagi lang

manalangin dahil may plano lagi ang panginoon satin, hindi ko alam kung sino na lang

kaibigan na makakausap ko palagi ngayong wala ka na , napakabuti mong kaibigan at


hinding hindi ka namin makakalimutan dahil sa iyong kabutihan na ipinapakita saaming

lahat.

Naaala ko pa nga nuon na tayo ay nasa bahay ng ating kaibigan , umiiyak ito dahil

naghiwalay sila ng kanilang jowa ngunit ikaw ang pinaka magaling magpatahan sa

umiiyak nating kaibigan , di ko makakalimutan ang mga sinabi mo na hindi dapat

iniiyakan ang isang lalaking di naman karapat dapat iyakan dahil dadating at dadating

ang panahon na maiisip mo na may mga tao na dapat mong pakawalan at kalimutan ,

naisip ko na hindi ka lang isang mabuting kaibigan , isa kang mabuting kapatid saamin ,

hindi mo man kami tunay na kapatid ngunit ang pag trato mo saamin ay sobra pa sa

kapatid . Hindi na,in lubos maisip na kahit minsan ay hindi ka naming maintindahan

ngunit alam namin na napapagod ka lang pero di mo kayang maramdaman naming na

wala lg kami saiyo. Sana di ka nalang nawala dahil talagang mahirap tanggapin na ang

pinaka mabuti mong kaibigan wala na, ngunit lagi mong tatandaan jing na mahal na

mahal ka naming lahat. Siguro hindi pa lubos na huli ang lahat gusto ko lang sanang

malaman mo na sobrang napakabuti mong tao, mamimiss ka ng lahat ng taong

napasaya mo, hindi mo man pansin ngunit marami kang taong napasaya at natulungan.

Maraming salamat sa lahat, at pasensya ka na din kung minsan bully kami masyado

sayo pero mahal na mahal ka naming lahat. Sana dimo kami makalimutan at lagi mo

kaming gabayan sa mga plano namin sa buhay. Tulungan mo kaming maabot namin

ang mga pangarap natin na maging isang sikat na Business woman. Kami ang tutupad

sa mga plano natin, kahit wala ka na sisikapin naming maging buo pa din ang ang

pagkakaibigan namin. Sana dalawin mo kami saming panaginip na may magandang


ngiti at Makita naming masaya ka na dyan. Mahal na mahal ka naming lagi mong

tandaan yan. Walang araw na di namin pinapasalamatan na dumating ka saamin.

Naaalala mo pa ba noong tayoy mga bata pa nagtatampisaw sa ulan habang tayoy

tumatakbo na para bang wala ng dulo. Kitang kita ko ang ngiti sa iyong mga labi dahil

alam kong paburito mo ang pagtakbo ang pagtampisaw sa ulan. Matapos tayong

maligo ay kumakain tayo ng paborito nating champorado na inihahanda ng iyong tatay.

Kung maibabalik ko lang ang panahon, gusto kung ulitin natin ang mga masasayang

sandal na wala tayong ibang iniisip kundi ang mag aliw. Wala pang problema sa buhaty

at wala pang sakit na nararanasan. Masaya akong naging parte ka ng aking buhay dahil

hindi mo lang ako tinuring na isang kaibigan, tinuring mo akong tunay mong kapatid.

Masaya ako sa mga ala-ala natin dahil palagi mo akong binibigyan ng mga bagay na

kung ano man ang meron sa iyo, pinapahalagahan mo ako at hindi mo ako

pinapabayaan. Naaalala ko pa nga ang mga araw na nakita mong may umaaway sa

akin at dali-dali mo akong ipinagtanggol sa kanila. Lahat ng mga bagay na ginawa mo

sa aking ay pinapasalamatan ko ng lubos sa iyo. Noon pangarap nating makapunta sa

iba’t-ibang bansa at kumain ng masasarap na pagkain, ngunit ngayun hindi na natin

iyon magagawa dahil wala kana, wala na akong kaibigan na makakasama sa mga

plano kung gala. Kahit ngayun nga paborito pa rin natin ang magluto ng mga paborito

nating pagkain, ikaw ang tumutulong sakin na matutong magluto. Paboritong-paborito

ko ang luto mong sinigang, adobo, pansit at adobong talong. Sabi nga ng nakararami

parang kapatid nadaw kita dahil palagi nilang nakikita ang mga kabutihan mo sa akin.

Inaaalagaan mo ako at pinapakain sa inyu. Hinding-hindi kita makakalimutan lagi mo

lang tatandaan na kahit wala kana dito kasama namin ay mamamalagi ka dito sa isip at
sa aming mga puso. Gabayan mo kami sa aming buhay at sanay maging anghel ka sa

aming buhay at tulungan mo kaming palakasin ang aming mga loob na pagdating ng

panahon ay makakaya at matatanggap na naming wala ka na.

Sa mga nagging malapit kay Anjing, alam kong lahat tayo ay mamimiss ang napakakulit

at napakamasayahing batang ito. Sabi ko nga sa sarili ko noong huli ko siyang

makausap, bakit parang ang bigat ng mga salitang iyong binibitawan na para bang ikaw

ay magpapaalam,ngunit hindi ko alam na yun na pala ang huling pag-uusap natin at

labis pa tayong nagtatawan dahil naaalala natin ang mga masasayang alaala na ating

ginawa noon. Nagulat parin kami at nalungkot sa iyong pagpanaw,masaya kami dahil

matibay na pag-asang nakamit mo ang nag iisang talagang kailangan,ang tagumpay ng

pakikibaka nating lahat sa buhay na ito. Ang Diyos ay hindi isang mangangaso na

nakaabang at papaslangin tayo sa oras na hindi tayo nakahanda,bagkus ang Diyos ay

maihahalintulad sa isang maaalagang hardenero at tayo ang kanyang mga

bulaklak,pinalalago at pipitasin lamang niya kapag ganap na ang pamumukadkad. Alam

kong may plano ang Diyos para sayo kung bakit ka niya kinuha. Mahal na mahal ka

naming lahat tandaan mo yan, nagging malaking bahagi ka ng aming

buhay,matatanggap din naming ang iyong pagkawala ngunit sa nagyon? Siguro hindi

pa dahil labis ang aming pagluksa sa iyong maagang pagkawala. Lagi mong ipaalala

saamin kung sakaling kami ay pagod na pagod na sa buhay , sana lagi mong ipaalala

saamin kung gaano kasarap ang mabuhay sa mundong ito at maging matatag dahil sa

mga pangarap na kailangang makamit hindi lang para sa sarili kundi para na rin sa

ating mga magulang. Dahil walang ibang hinahangad an gating magulang satin kundi

makapagtapos at makahanap ng magandang trabaho,alam kung may mga plano ka pa


para saiyong mga magulang ngunit wag kang mag-alala hindi man naming matanggap

sa ngayon ang iyong pagkawal ngunit asahan mo magtatapos kami para patunayan

sayo na ikaw an gaming inspirasyon upang magtapos ang tulunganang makaahon sa

hirap an gaming pamilya. Mahal na mahal ka ng iyong magulang anjing,at alam kong

ganun ka din sa kanila. Sana maging masaya ka sa pag-akyat mo sa langit,Mamimiss

ka naming lahat,Sumalangit nawa ang iyong kaluluwa hanggang sa muli aming

kaibigan.

You might also like